Love At The Coffee Shop

By marisswrites

7.5K 323 23

|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though... More

Love At The Coffee Shop
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Finale

Chapter 59

77 2 0
By marisswrites

  

Buong linggo pagkatapos n'on, iniwasan ako ni Fierro.

Nakikita ko siyang pumapasok at masaya ako do'n kasi hindi niya pinabayaan ang pag-aaral niya dahil sa nangyari sa amin. Pero nasasaktan ako na . . . sa tuwing nakikita niya ako sa daraanan niya, liliko siya para lampasan ako.

Nakikita ko rin na palagi siyang may bagong sugat at alam ko na kahit dito, dinadala niya ang pakikipagbasag-ulo niya. Hindi ko alam kung saan siya nakikipag-away. Hindi ko naman alam kung saan-saan na siya nagpupunta sa tuwing may free time siya.

"Ano bang ginawa ko kay Fierro?" umiiyak na sabi ko habang kausap si Frieda sa cellphone.

Nagbuntonghininga siya. "Nasasaktan, eh. Hayaan mo na muna siya. Alam niya ang limitasiyon niya. Nakilala mong gan'yan si Fierro noon, eh. Baka 'yan yung paraan niya para maialis ang sakit na nararamdaman niya dahil sa breakup n'yo."

Pumatak ang luha ko sa uniform na suot. Pinunasan ko ang mga pisngi kong basa bago sumagot. "Hindi naman tama 'to." I sobbed. "Sinasaktan niya ang sarili niya dahil lang do'n."

She sighed. "Hindi lang ang breakup n'yo. Mahal na mahal ka ng tao. Siguro, hindi mo naiintindihan kasi hindi mo na siya mahal, pero lahat ng taong dumaan sa breakup habang mahal pa yung ex nila, at some point, nagkaroon sila ng self-harming phase. It's either hindi natutulog, hindi kumakain, nagpapakalunod sa alak, hindi pumapasok sa school o hindi magawa ang mga bagay na dati namang gusto nilang ginagawa. Maraming form ng self-harming at nagkataon namang literal na pananakit sa sarili ang kay Fierro."

I gulped the lumps that were forming in my throat. "Hindi ko mapigilan kasi hindi ko naman alam kung saang lugar niya ginagawa 'yon. Hindi ko akalain na madadala niya dito sa Manila 'yon."

"Bigyan mo muna ng oras si Fierro na iproseso ang breakup n'yo, Calista. Hayaan mo na muna siya. Mag-usap na lang ulit kayo kapag kalmado na siya, hmm?"

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap namin ni Frieda, nagpaalam na siya dahil may trabaho pa siya. Ako naman ay naiwan lang na nakaupo sa bench malapit sa lagoon. Nang maalala na naman ang mga ginagawa ni Fierro sa sarili niya, automatic na umagos muli ang mga luha ko sa pisngi.

Napabuntonghininga ako at handa nang punasan ang mga luha nang mapaangat ako ng tingin sa naglahad ng panyo sa harap ko.

"Kanina ka pa umiiyak, miss."

Napakunot-noo ako. "Uhm . . . s-sorry?"

Tumawa siya nang mahina bago lumapit nang kaunti at siya na ang kusang nagpunas ng luha sa pisngi ko. Napalayo ako nang kaunti sa kan'ya nang dahil do'n. Mukha namang napansin niya ang pagiging uncomfortable ko kaya kinuha niya ang kamay ko saka inilapag ang panyo sa palad ko. Naupo siya sa bench na inuupuan ko pero nagbigay ng malaking distansya sa aming dalawa.

"Anak ka ng may-ari ng Fernandez Medical Center, 'di ba?"

Napalingon ako sa kan'ya nang dahil do'n. "H-Huh?"

Ngumiti siya. "Nagkita na tayo dati. Ikaw yung muntik na mahimatay sa elevator kaya sinamahan kita hanggang sa makarating ka sa pupuntahan mo."

Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mapagtanto na ang tinutukoy pala niya ay yung araw na nalaman kong . . . wala na si Daddy.

"A-Ahh . . ." I looked away. "H-Hindi kita natandaan. Sorry."

Naglahad siya ng kamay sa akin kaya naman napalingon ulit ako sa kan'ya. "Miguel. Miguel Oscar Gonzales."

Tumango ako at tinanggap ang pakikipagkamay sa kan'ya. "Calista."

Tumango siya at ngumiti bago kami nagbitiw. "Ang ganda ng pangalan mo. You can call me Migo."

Tumango ako bilang tugon.

"Anong course mo?"

"BS Biology," I answered before looking at him. Naka-all white uniform din siya. "Ikaw?"

Nagkibit-balikat siya. "BS Psych." He chuckled. "Pero itutuloy ko naman ang pagdo-doctor. Sakto rin, fourth year na ako."

Ngumiti ako. "Yung best friend ko rin, psych. Second year na siya."

Ngumiti siya. "I hope I can meet her, too."

Migo is quite talkative. Marami na siyang naikwento sa akin tungkol sa pag-aaral niya rito sa URST. Kaya rin pala siya nandoon sa hospital namin ay dahil gusto niya ro'n mag-apply ng work immersion niya.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, napatigil ako sa nagsalita sa harap ko.

"Calista . . ."

Napaangat ako ng tingin at nakita si Fierro na hindi pa rin nauubusan ng sugat sa mukha pero ngayon, mukhang natutuyo na.

"F-Fierro . . ."

Lumunok siya bago lumingon kay Migo. Ilang sandali pa, tumingin ulit siya sa akin. "Mag-usap tayo."

Tumango ako at tatayo na sana pero napatigil nang humawak siya sa palapulsuhan ko. Naging cue naman ni Migo 'yon para tumayo rin at pigilan si Fierro. Binitiwan niya ako saka itinulak ang lalaki.

"Sino ka ba?!" malakas na sigaw ni Fierro dito.

Nagbuntonghininga si Migo. "Kumalma ka muna, 'tol. Hindi maayos ang lagay ni Calista ngayon—"

"Calista?" Tumawa siya nang peke bago lumingon sa akin. "Pinopormahan ka na nito?" Muli, tumawa siya bago tuluyang humarap kay Migo saka kinwelyuhan.

"Fierro!"

"Isang linggo pa lang kaming hiwalay, respeto naman!"

"Fierro ano ba?!" sigaw ko habang pilit na iniaalis ang pagkakakwelyo niya kay Migo. "A-Akala ko ba mag-uusap tayo? Bitiwan mo nga siya!"

Lumingon siya sa akin saka nagbuntonghininga bago patulak na binitiwan si Migo. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila palayo sa lugar. Lumingon ako kay Migo na naiwan sa lagoon na ngayon ay pinanonood kaming maglakad palayo doon.

Nang makarating kami sa isang lugar na walang maraming tao sa paligid, tumigil na siya at bumitiw sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko.

"Calista . . ." He sighed. "Hindi ko kaya."

Napalunok ako. "Fierro naman . . ."

Umiling siya nang umiling bago hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawang palad niya. "Hindi ko talaga kayang maghiwalay tayo." Nagsimula na namang mag-init ang bawat sulok ng mga mata ko. "Kailangan ba talaga 'to? Huh?"

Napayuko ako nang makita ang pangingilid ng mga luha niya. "Alam mo yung isa pang dahilan kung bakit nalaman kong hindi na kita mahal?"

Naramdaman ko sa palad niya na napatigil siya dahil sa sinabi ko. Alam ko na yung mga salitang hindi na kita mahal ang mga bagay na nakakapagpahina sa kan'ya kaya kahit na ayaw kong banggitin nang paulit-ulit, alam kong kailangan dahil hindi ko na talaga kaya.

"Kaya ko dating planuhin yung future ko nang kasama ka. Malinaw na malinaw sa akin dati na magiging asawa kita, magkakaanak tayo at titira sa isang bahay. Malinaw sa akin lahat noon . . . na ikaw ang dulo ko." My voice broke as I looked at him in his eyes. "Pero hindi na kita makita do'n ngayon, Fierro. Wala ka na doon. Hindi na kita makita sa hinaharap ko."

Oras na sabihin ko 'yon, natanggal ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya.

"P-Pero paano ako?" He gulped. "Malinaw pa rin sa akin lahat . . . na ikaw ang dulo ko. Kitang-kita pa rin kita sa hinaharap ko . . . na ikaw ang makakasama ko habang-buhay. Ano nang gagawin ko ngayon dito?"

Umiling ako kasabay ng paghikbi. "Hindi ko alam. I'm sorry, Fierro." I wiped my tears away. "Sinubukan kong ipaglaban 'to. Alam mo 'yon. Sinubukan kong mahalin ka ulit tulad noon . . . pero hindi ko magawa kahit anong paraan pa ang gawin ko."

Tumango-tango siya at hindi na nagsalita pa. Hanggang sa may isa akong bagay na naalala. Kinuha ko sa bag ang susi ng condo niya at saka iniabot sa kan'ya. Mas lalo kong nakita ang sakit sa kan'ya dahil do'n.

"Fierro . . . I'm really sorry."

Tumango-tango ulit siya bago kinuha ang susi sa akin. Nang oras na gawin niya 'yon, gusto kong bawiin 'yon dahil sa sakit na naramdaman ko. Pero alam ko naman na wala nang patutunguhan 'to kung patuloy ko pang panghahawakan. Isa pa, hindi na ako worth it magkaroon ng susi sa condo niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago ngumiti nang maliit.

"'Wag kang mag-sorry. Para ka na ring nag-sorry kasi minahal mo ako noon." Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin. Nagbuntonghininga siya saka tumingin muli sa akin. "'Wag kang mag-sorry. Sinubukan mo namang ipaglaban. Hindi ka naman sumuko kaagad. Hindi mo kasalanan na hindi mo na ako mahal kasi hindi mo naman kontrolado 'yon, eh."

Napahikbi ako kasabay ng bahagyang paglakas ng pag-iyak ko. "Fierro . . ."

"Yung sa akin na lang siguro . . . masakit sa akin na hindi mo ako binigyan ng pagkakataong ibalik yung pagmamahal mo sa akin. Sumuko ka na lang nang ikaw lang ang lumalaban. Hindi mo ako hinayaang gumawa ng paraan."

Napatakip ako ng mukha sa sobrang pag-iyak matapos marinig lahat ng 'yon. Hindi ko magawang magsalita o tumingin man lang sa kan'ya ngayon dahil alam ko, tama siya.

Inako ko lahat yung responsibilidad sa emosyon ko kahit na malaking parte naman kung bakit minahal ko siya . . . ay dahil sa mga ginagawa niya para sa akin.

"Pero . . . baka tama ka nga." Tumawa siya nang mahina. "Salamat, Calista. Salamat sa dalawang taon ng pagmamahal. At salamat sa mahigit tatlong taong alaala na alam kong kahit kailan . . . hinding-hindi ko makakalimutan."

Matapos niyang sabihin 'yon, tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin. Naiwan akong umiiyak at pinanonood siyang naglalakad palayo sa akin na para bang wala na talaga siyang balak na lumingon pa at bumalik. Tumalikod na rin ako at naglakad palayo—papunta sa kabilang daan kung saan hindi ko siya makakatagpo.

Simula nang araw na binitiwan niya ako . . . nakita ko na unti-unti nang naghihilom ang mga sugat na natamo niya mula sa pakikipag-away at sa bawat araw na lumilipas na magkalayo kami . . . nakita ko kung paano siya nakabangon muli.

Kaya na niya nang wala ako.

Maayos na siya ngayong binitiwan na niya ako.

Sigurado rin akong hindi magtatagal, magagawa na niyang magmahal nang hindi ako.

Continue Reading

You'll Also Like

132K 455 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ❤️
15K 580 34
College Romance Series #5 Zephaniah Santos, a girl who's always inside the disciplinary room because of the trouble she always bring. She's the badde...
172K 6.9K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...