Don't Sleep With Your Best Fr...

By Starndy

136K 1.5K 159

Friend Series #3 Mature content (18+ only) More

A
Prologue
A
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 39

919 17 5
By Starndy

Angel's P.O.V.

Lumipas ang mga araw at hindi pa rin kami nag-uusap ni Blake. Minsan ay kasama namin s'ya ni Kio pero silang dalawa lang ang nag-uusap. Hindi n'ya ako pinapansin at sa tuwing magkasama kami ay para bang hindi n'ya ako nakikita. Hindi na rin kami nagtatabing umupo. At sa tuwing nasa iisang table lang namin s'ya ay lagi n'yang katapat si Kio.

At dahil sa ginagawa n'ya ay mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas gusto kong makuha ang atensyon n'ya. Lalo akong naghangad na mapansin n'ya.

Hindi ako sanay na ganito kami. Mas sanay ako sa asaran namin. Mas sanay ako sa mga tawanan namin. Doon ako sanay kesa sa ganito kami. Na magkalapit lang kami pero parang nasa Luzon s'ya at ako naman ay nasa Mindanao. Ayoko ng ganito. Na-mi-miss ko ang bonding namin.

Kaya naman ngayon ay si Kio na ang lagi kong nakakausap at nakakasama. S'ya na lang ang kaasaran ko minsan. S'ya na lang ang kakwentuhan ko minsan. S'ya na lang rin ang misan kong nakakasama sa school grounds sa umaga. Pero kahit nandyan pa s'ya ay parang may kulang pa rin. Kulang pa rin dahil minsan ay wala si Blake. Kulang ang saya kung wala ang isa.

Nakakainis naman kasi. Bakit kasi kailangang ganito? Na magkagusto ako sa isa sa mga kaibigan ko.

Nakatitig ako sa sarili ko sa harap ng salamin. Minsan lang ako magdrama at ayaw na ayaw ko na ng drama pero parang gusto kong magdrama sa harap ng salamin ko ngayon. Tiningnan ko ang mukha ko sa repleksyon ng salamin pababa ng beywang ko.

Natawa ako sa sarili ko. "Ano pa ba ang inaasahan ko? Na may magkakagusto pa sa'kin? Na may tatanggap pa sa'kin?"

Hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Dahil aaminin ko, hindi ko maiwasang isipin na baka walang magkakagusto sa'kin ulit. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na balang araw ay may magmamahal rin sa'kin ng buong-buo. At ang taong 'yun ay hindi ako sasaktan at iiwanan. Pero napapaisip pa rin ako minsan kung meron nga ba?

Ewan ko pero nanliliit na ako sa sarili ko dahil sa past ko. Binigay ko ang lahat sa lalaking una kong minahal. Marami akong nagawa sa sarili ko dahil sa hiling ng ex boyfriend ko. Katulad ng paglalagay ng tattoo sa likod ko ng pangalan n'ya. At paglalagay ng iilang butas sa tenga ko. Ang totoo n'yan ay wala naman akong balak noon na magpalagay ng mga ganoon sa katawan ko dahil ayaw ni daddy. Pero sinuway ko si daddy dahil lang sa ex boyfriend kong manloloko. Noong iniwan ako ay naghabol pa ako sa taong 'yun. Dahil sobra ko s'yang mahal at ayaw ko s'yang umalis. Naibigay ko ang lahat sa kanya pero nagawa n'ya akong saktan. Kung hindi lang ako pinigilan ng pinsan kong si Yvonne ay baka pinagpatuloy ko ang paghahabol ko sa lalaking 'yun. At alam ng mga kaibigan kong 'yun. Alam nila ang kwento namin ng ex boyfriend ko. Siguro ay nanliit na rin sila sa'kin. Nanliit sila sa kung anong klaseng babae ako magmahal.

Masyadong tanga.

Masyadong bobo.

Masyadong inosente noon.

Si Blake kaya? Ganoon rin kaya ang iniisip n'ya sa'kin?

Napabuntong-hininga ako. Huli akong naging ganito noong broken hearted ako. Mauulit na naman ba?

"Angel!" Tawag ni daddy sa pangalan ko.

Wala akong ganang pumasok pero wala akong magawa. Hindi pwedeng a-absent ako sa klase. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Lumabas na rin ako ng bahay at sumakay na sa sasakyan ni daddy.

***

Pumasok na ako sa school na wala sa mood. Wala akong gana pumasok pero wala rin naman akong magagawa. Hindi na ako pwedeng magloko pa. Kung kailan matatapos na ang isang semester at last na ang susunod ay saka pa ako magloloko. Titiisin ko na lang kahit wala akong gana. Kaunting tiis na lang naman na at matatapos na rin.

Dumito na muna ako sa school grounds at sa table kung saan ako madalas umupo sa umaga. Mamaya na ako aakyat dahil mamaya pa naman magsisimula ang klase ko. Napaaga kasi ulit ang pagpasok ko gawa nang hinahatid ako ni daddy araw-araw.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinalikot ito. Pumunta ako sa instagram at binuksan ang conversation namin ni Blake. Nag-type ako ng 'Pwede ba tayong mag-usap' pero kaagad ko itong binura.

Ang totoo n'yan ay gusto ko na s'yang makausap. Mahigit isang linggo na kaming hindi nagpapansinan at hindi na talaga ako sanay sa sitwasyon naming dalawa ngayon. Kaya kung pwede lang sana na mag-usap muna kami kahit saglit lang. I mean, ayusin ulit ang pagkakaibigan namin.

Napatingin ako sa mga estudyanteng naglalakad at napako ang tingin ko kay Blake na kasalukuyang naglalakad papunta sa building ng course nila. Kaagad akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya.

"Blake!"

Napahinto s'ya at napalingon sa'kin. Halatang hindi n'ya inaasahang makita ako ngayong umaga at tawagin s'ya. 

Huminto ako sa tapat n'ya. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin s'ya sa building nila at muling binalik ang tingin sa'kin. "May gagawin pa kasi ako eh."

Tumango-tango naman ako.

"Saka na lang." Aniya at naunang umalis.

Napako ako sa kinatatayuan ko at pinanood s'yang umalis. Patuloy s'yang naglakad papunta sa building nila na hindi ako nililingon. Hanggang sa hindi ko na s'ya nakita pa. At heto na naman ako, nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko.

Wala akong magawa at umakyat na rin sa room namin. Doon ko na tahimik na hinintay ang professor namin.

Lumipas ang mga oras ay natapos na rin ang klase ko ngayong araw. 5:00 pm na at hindi naman kami nagklase buong araw. Sadyang malayo ang agwat ng oras ng klase ko kaninang umaga at ngayong hapon.

Naramdaman kong biglang nag-vibrate ang cellphone ko at kinuha ko ito mula sa bag. Sinagot ko ang tawag ni Kio.

"Oh?"

"Nasaan ka?" Tanong n'ya.

"Pauwi na."

"Gala na muna tayo." Aniya. "Si Blake kasi mamaya pa uwian nila."

Napaisip ako. Kung sabagay ay masyado pang maagang umuwi.

"Saan ba?" Tanong ko.

Sinabi n'ya sa'kin kung nasaan s'ya at kaagad ko naman s'yang pinuntahan.

"Tara?" Tanong n'ya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko rin.

"Kahit saan. Sumakay ka na lang."

Sumakay na ako sa kotse n'ya at umalis na kami doon. Maya-maya ay napadpad kami isang boulevard sa may tabing dagat din. Dito na muna kami at magpapahangin dahil hapon naman na at maya-maya lang ay mawawala na ang araw. Lumabas kami ng kotse at naglakad muna.

"Siguro nag-away na naman kayo ng daddy mo?" Tanong ko.

Umiling s'ya. "Hindi. Bihira na lang kaming mag-away."

"Bakit ba kayo nag-away dati?"

"Kung anu-ano naman talaga ang dahilan ng pag-aaway namin." Natatawang sabi n'ya. "Pero nagbabati pa rin naman kami."

Tumango-tango naman ako.

"Gutom ka na ba?" Tanong n'ya.

Umiling ako. "Hindi pa."

Ni hindi nga ako nakaramdam ng gutom  kanina pero kumain pa rin ako dahil kailangan ko pa rin 'yun para may energy ako sa katawan.

"Magsabi ka lang ha. Baka mamaya ako pa ang sisihin mo kapag nalipasan ka ng gutom d'yan."

"Baliw!" Muntik ko na s'ya bigyan ng isang kotong.

Inabot pa kami ng iilang minuto dito ni Kio at nagkwentuhan na muna. Parang ayaw n'ya talagang umuwi ng maaga ngayon dahil galang-gala s'ya. Nag-aya s'yang gumala last week pero hindi naman ako pumayag dahil wala ako sa mood noong araw na 'yun. At ngayon ay mahaba-haba pa naman ang oras ko sa labas ng bahay ay sumama na ako. Umalis na kami sa boulevard na 'yun at naghanap ng makakainan na fast food restaurant. Nakahanap naman kami kaagad at kumain na. Hindi pa rin kami nag-paawat sa kwentuhan dahil habang kumakain ay nag-uusap pa rin kami.

Hanggang sa naisipan na naming umuwi dahil paniguradong maaabutan kami ngayon ng matinding traffic. Hinatid ako ni Kio sa amin pero hindi ko pinahinto sa kanya ang kotse sa tapat mismo ng bahay namin. Pinahinto ko ang kotse sa kung saan tahimik at walang tao para walang makakita na may naghatid na naman sa'kin. Sakto naman ang pag-uwi ko dahil 9:00 pm pa lang. May 30 munites pa ako para hindi ako malintikan ni daddy.

Tinanggal ko na ang seat belt.

"Salamat."

Nilingon ko si Kio. "Para saan?" Tanong ko.

"Kasi sinamahan mo ako."

Napakunot ang noo ko. "Baliw ka talaga."

Natawa naman s'ya. "Pero nag-enjoy ako."

Nginitian ko s'ya. "Ako rin naman."

Ang sarap din kasing gumala ng mga ganoong oras. Makikita mo kung ano ang itsura ng lugar kapay may araw pa at kung ano ang magiging itsura kapag gabi na.

Sandali kaming nagtitigan. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay n'ya sa batok ko at dahan-dahan akong inilapit sa kanya. Bago pag maglapat ang mga labi namin ay napaiwas kaagad ako na ikinagulat n'ya.

Dahan-dahan n'yang inalis ang kamay n'ya sa batok ko. "S-sorry." Aniya.

"A-ah. Nabigla kasi ako." 

Tumango-tango s'ya.

"Alis na ako." Sabi ko at lumabas ng kotse ni Kio at naglakad papunta sa bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...