Chapter 49

1K 21 6
                                    

Angel's P.O.V.

9 months later...

"Hi baby, gusto mo ng alak o juice?"

Kasalukuyan kong nilalaro ang baby ng pinsan kong si Yesha na si Aphrodite. Tumawa naman s'ya sa'kin.

"Alak sa'yo 'no? Ayaw mo ng juice?"

Muli s'yang tumawa.

"Ay grabe mapili. Dapat hindi ka namimili, iinumin natin 'yun lahat. Kasi 'yung juice, chaser natin 'yun."

Tumawa na naman ulit s'ya.

"Angel, parang tanga eh." Suway sa'kin ni Charles na kalalabas lang ng kwarto ni Yesha.

Si Yesha naman ay kasalukuyang nagluluto sa kusina nila.

"Bakit ba?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Tinuturuan mo ang anak ko." Sagot n'ya. 

"Ang arte naman nito. Kala mo naman hindi ka lasenggo."

"Umiinom ako pero hindi naman ako katulad mo na sobrang lasengga. At isa pa, bata pa 'to uy." Aniya.

"Hoy! Anong sobrang lasengga?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Oh bakit? Kailan ka ba huling uminom?" Tanong n'ya sa'kin.

"Noong isang araw pero hindi---"

"He! Manahimik ka, lasengga ka kaya."

"'Yang bangayan n'yo d'yan baka madamay na naman ang anak ko ha. Kapag 'yang anak ko talaga umiyak d'yan, ay sinasabi ko talaga sa inyo." Sigaw ni Yesha na mula sa kusina nila.

"Itong pinsan mo pagsabihan mo. Kung anu-ano tinuturo sa anak natin." Sabi ni Charles at kinuha ang anak n'ya mula sa crib.

"Isa ka pa, anong oras na at papasok ka pa sa trabaho mo. Kapag ako nainis sa'yo, ewan ko na lang." 

Tinawanan ko si Charles. "Oh ano? Edi napagalitan ka ng asawa mo."

"Inggit ka lang eh. Wala ka kasing boyfriend."

Napanganga ako sa sinabi n'ya. Ako? Naiingit kasi wala akong boyfriend. Ang kapal ng mukha n'ya.

"Ang aga-aga pero ang init ng ulo mo. Ano na naman ba ang nakain mo?" Sabi ni Charles at pumunta sa kusina nila.

"Baka nakakain ng expired na hotdog kagabi." Natatawang sabi ko pero inaasar ko lang sila.

"Bibig mo Angel. Naririnig ka ng anak ko." Sabi ni Charles mula sa kusina.

Sumunod ako sa kanila sa kusina. 

"Oh? Sumunod ka pa talaga dito. Lumalayo na nga kami sa'yo." Sabi ni Charles pagkapasok ko.

"Alam mo, pumasok ka na lang sa trabaho mo para masaya." Sabi ko sa kanya.

"Para ano? Para makausap mo na naman 'tong anak ko. Manahimik ka. Sabay tayong aalis. Hindi mo pwedeng kausapin ang anak ko."

Napairap ako. Ang arte.

Biglang tumunog ang cellphone ko at si Cherry ang tumawag. Kailangan n'ya daw ako sa computer shop ngayon.

"Swerte mo dahil kailangan ko na umalis." Sabi ko kay Charles.

"Salamat naman kung ganoon."

Sarap talaga kaltukan eh.

Nagpaalam na ako kay Yesha at umalis na ako saka pumunta sa computer shop namin ni Cherry. Pagkatapos kong asikasuhin ang pinapagawa ni Cherry ay umalis na kaagad ako doon. Hindi ko naman na kailangang magbantay doon dahil nakakuha na kami ng tagabantay. Masasabi ko rin na medyo lumawak ng kaunti ang computer shop namin. At ngayon na graduate na ako, kasalukuyan na rin akong naghahanap ng trabaho. Gusto ko pa rin naman magkaroon ng experience sa corporate world bago ako magtayo pa ulit ng sarili kong negosyo.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora