Chapter 29

1.1K 10 0
                                    

Angel's P.O.V.

Lumipas ang mga ilang araw at ganoon pa rin ang ganap ko sa buhay. School at bahay na lang ang pinupuntahan ko. Hindi na rin ako nakabisita sa computer shop pero naiintindihan naman ako ni Cherry. Maaga na rin akong umuuwi dahil nga may curfew ako. Sina Kio at Blake naman ay ganoon pa rin, na-i-spoil na nga ako na hinahatid nila ako pauwi. Baka masanay ako na ganoon ang ginagawa nila sa'kin. At si Alice naman, tinatakot ko pa rin hanggang ngayon. Natutuwa naman ako na natatakot s'ya dahil sa'kin. Mataray kasi ang isang 'yun.

Sina mommy at ate ay nakakausap ko na rin pero bihira lang. Pero hindi pa rin kami katulad ng dati. Noon kasi ay nakakabiruan ko pa sila. Pero simula noong nagloko ako saglit ay doon na nagsimula ang tampo at sama ng loob nila sa'kin. At ngayon ay nakakausap ko na sila minsan. Mas better na ang pakikitungo namin sa isa't isa ngayon kumpara sa nitong mga nakaraang buwan. 

Si daddy naman ay pansin kong natutuwa na sa'kin dahil sinusunod ko s'ya. Katulad na lamang na sasabay ako sa kanila pagpasok at pag-uwi ko na hindi late. Mas maaga pa nga akong nakakauwi ng bahay kesa sa curfew na na-set n'ya para sa'kin. Wala naman kasing problema sa'kin kung uuwi ako ng maaga. Basta ba ay hindi rin nila ako aawayin pag-uwi ko.

Nandito ako ngayon sa school grounds. At heto na naman ako at napaaga ang pasok ko dahil sinabay ako ni daddy ngayong umaga. Maya-maya pa magsisimula lang pasok ko kaya dito na ulit ako maghihintay hanggang sa magsisimula na ang klase ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at ngayon ko lang napansin na nag-text pala sina Blake at Kio. Tinatanong nila kung nasaan ako. Kaagad ko namang sinabi kong nasaan ako at maya-maya lang ay naunang dumating sa pwesto si Blake. Tumabi s'ya sa'kin.

Isa pa 'to si Blake. Hindi ko alam pero medyo naiilang na ako sa pagiging close namin sa isa't isa nang dahil lang sa isang panaghinip ko ng gabing 'yun. Like what the f*ck? Panaghinip lang naman 'yun pero lagi akong napapatanong sa sarili ko kung anong klaseng lalaki s'ya kapag naging boyfriend.

"Kape?" Tanong ni Blake.

Ayan na naman s'ya at nag-aayang magakape. Noon ay hindi naman big deal sa'kin ang pag-aaya n'ya ng kape pero ngayon ay parang big deal na sa'kin.

"Pass muna." Sagot ko.

Parang ayaw ko na munang uminom ng kape ngayon.

"Aba! Aba! Marunong ka na palang tumanggi ngayon." Halatang namangha pa. "Sandwich?"

Umiling ako. "Pass na rin muna. Busog pa ako."

Napakunot ang noo n'ya. Halatang hindi s'ya sanay na tumatanggi ako sa pagkain.

"Okay ka lang ba? Baka nasapian ka na ha?" Aniya.

"Okay lang ako at hindi ako nasapian." Sagot ko.

Maya-maya ay natanaw ko si Kio na naglalakad papunta sa amin ni Blake. Nang nakalapit na s'ya ay umupo s'ya sa tapat namin.

"Ang aga n'yo yata ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Bakit? Ikaw rin naman 'di ba?" Sabi sa'kin ni Kio.

"Lagi akong maaga." Sabi ko. "Eh kayo?"

"Ikaw naman. Minsan na lang kami papasok ng maaga tapos ganyan ka pa?" -Blake.

Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Medyo nakakapanibago lang."

Sandali kaming natahimik pero maya-maya ay nagsalita si Blake.

"Sayang, hindi ka namin makakasama mamaya."

Nilingon ko s'ya. "Bakit? Saan kayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay ni Patrick. Nag-aya s'ya sa'min."

Bigla akong nalungkot. Sana ay hindi na lang nila sinabi. Aaminin ko, na-i-inggit ako. Lagi na lang kasi akong school at bahay kaya medyo na-mi-miss ko na rin ang pag-gimik ko. Noong linggo nga ay maghapon akong nasa bahay dahil hindi ako pinayagan ni daddy na umalis. Wala akong ginawang school works noong linggo na 'yun kaya bored na bored ako sa loob ng kwarto ko. Tulog at kain lang ang ganap ko sa araw na 'yun. Usually kapag linggo ay umaalis ako. Kung hindi sa computer shop ako mapapadpad ay doon ako sa pinsan kong si Yesha o hindi kaya ay kay Yvonne.

"Isama na lang s'ya mamaya." Sabi ni Kio at tumingin sa'kin. "Tapos ihahatid ka na lang namin bago mag-9:30 pm." Dugtong nito.

Tumango-tango naman si Blake. "Oo nga." Sang-ayon n'ya. "Para naman makalabas s'ya kahit saglit 'di ba?"

"Ay naku! Baka mamaya 'yang paghatid n'yong 'yan ay lumagpas pa ng 9:30 pm. Ipapahamak n'yo pa ako sa daddy ko." Sabi ko.

"Hindi 'yan." Paninigurado ni Kio.

"Motor naman kaya makakaiwas tayo sa traffic." - Blake.

Sabagay pero kasi minsan kapag nandoon na ako ay hindi ko mapigilan na mag-stay na muna. Lalo na't medyo nasasabik ulit akong gumala dahil hindi na ako nakakagala nitong mga nakaraan.

"Oo nga. Saglit ka lang doon tapos uuwi ka na." -Kio.

"Siguraduhin n'yo lang 'yan." Sabi ko.

"Oo nga. Para namang wala 'tong tiwala sa'min." -Kio.

"Hindi naman sa ganoon pero parang ganoon na rin." Biro ko.

"Ang arte mo." Bigla akong inakbayan ni Blake. "Sumama ka na kaya."

Kaagad kong inalis ang braso n'ya sa'kin. "Ano ba! Ang bigat ng braso mo." Inis na sabi ko.

Pero ang totoo n'yan ay nailang ako sa ginawa n'ya. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa'kin. Nababaliw na nga yata ako ngayon.

Aakbayan n'ya na sana ulit ako pero umiwas ako. "Sige subukan mo."

"Grabe ka. Mabango naman ako ah. Bakit ayaw mo?" Natatawang sabi n'ya.

Totoo naman na mabango s'ya pero ayaw ko pa rin.

"Basta ayoko." Inis na sabi ko.

"Arte." Aniya at sumandal.

Nilipat ko ang tingin kay Kio na ngayon ay napailing-iling sa aming dalawa ni Blake.

"What?" Pagtataray ko kay Kio.

"Wala. Sungit." -Kio.

"Wala pala eh. Magsilayas na nga kayo dito." Pagtaboy ko sa dalawa.

Kanina na mag-isa lang ako, tahimik at maaliwalas. Nang dumating sila ay nag-iba na yata ang ihip ng hangin.

"Bakit? Ikaw ba may-ari ng school na 'to." -Kio.

"Hindi pero ako ang nauna sa pwesto na 'to." -Ako.

"Ano naman ngayon kung ikaw ang nauna?" -Kio.

"Wala lang."

"Wala kang nasagot." Sabi ni Kio at natawa.

Wala akong naisip na isagot kasi. 

Dumito na muna kami hanggang sa malapit na magsimula ang klase namin ngayong umaga. Nag-remind naman sila sa'kin tungkol sa pupuntahan namin mamaya at isasabay na daw nila ako at h'wag daw akong mag-alala dahil ihahatid naman nila ako pauwi bago mag-9:30 pm. Pumayag na rin ako dahil parang gusto ko na munang gumala bago umuwi ng bahay.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Where stories live. Discover now