Chapter 44

976 19 5
                                    

Angel's P.O.V.

Naisipan kong bumaba dahil nakaramdam ako ng uhaw. Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig. Naabutan ko naman si daddy sa kusina. Kung kanina ay si mommy ang naabutan ko dito, ngayon ay si daddy naman.

"Oh? Bakit?" -Daddy.

Nagtataka siguro s'ya kung ano ang ginagawa ko dito sa kusina samantalang alas onse na ng gabi.

"Nauuhaw lang po dad." Sabi ko at kumuha ng malamig na tubig.

Tumango-tango naman s'ya. "Mag-ama nga tayo. Ako rin nauhaw eh."

Natawa naman ako sa sinabi n'ya. Ininom ko na ang tubig na kinuha ko.

"Bati na kayo ng mommy at ate mo?" Tanong ni daddy sa'kin.

Tumango naman ako. "Opo." Sagot ko.

"Ayan. Ganyan dapat." Aniya.

Ngumiti naman ako. "Thanks dad."

Nginitian n'ya ako. "Halika nga dito."

Nilapitan ko s'ya at niyakap. Sobrang nakaka-touch lang. Alam kong nagalit sa'kin si daddy noon pero hindi n'ya lang masyadong pinapakita sa'kin..

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo noon." Panimula ni daddy. "Hindi ka pumapasok sa school ng maayos, naglalasing at anong oras ka na rin umuuwi. Nag-aalala kaya kami sa'yo. 'Yang mommy mo noon halos hindi 'yan nakakatulog kasi hindi ka umuuwi ng maaga. Pati 'yang ate mo, nag-aalala na rin 'yan noon. Kaming lahat dito ay nag-aalala na sa'yo. Hindi ka rin namin ma-contact ng maayos. Laging naka-off ang cellphone mo. Minsan pa nga ay hindi ka na umuuwi."

Hindi ako nagsalita. Tama si daddy, ganoon ang ginagawa ko dati. Noong mga panahong broken hearted ako dahil sa walang hiya kong ex boyfriend.

"Kaya nga galit na galit sa'yo ang mommy mo at ate mo. Dahil alam mo ba? Na never kang nag-sorry sa kanila." Aniya.

Tumango-tango naman ako. Tama rin s'ya sa part na 'yun. Kanina nga lang ako nag-sorry sa kanila.

"Kaya nga ako gumawa ng paraan kung paano ko kayo mapaglapit ulit dahil hindi maganda sa pamilya ang laging nag-aaway."

Muli akong tumango-tango.

"Pero sana lang Angel. Ay h'wag mo na ulitin. H'wag mo na kaming pag-alalahanin ulit, ha?"

"Opo dad. Hindi na po." Sagot ko.

"At kung magmamahal ka ulit. H'wag naman 'yung katulad ng pagmamahal mo sa boyfriend mo dati. Grabe ka naman." Aniya. "Parang hahayaan mong mabaliw ang sarili mo dahil lang sa taong hindi naman kayang maging tapat sa'yo."

"Yes po dad." Sabi ko.

Sa tuwing naaalala ko ang mga panahong iyon ay nakakaramdam rin ako ng pagsisisi. Muntik ko na rin kasing sirain ang buhay ko noon dahil lang sa niloko na ako, iniwan pa ako.

"Eh 'yung lalaking ka-video call mo? Sino ba 'yun?" Tanong ni daddy. "'Yung Blake ba 'yun."

Napasimangot ako nang binaggit ni daddy ang pangalan ni Blake. Oo nga pala, nakilala na pala nila ang isa't isa. Noong ka-video call ko si Blake na biglang kumatok si daddy at narinig akong may kausap. Kaya ayun, pinakita ko na si Blake sa kanya.

"Kaibigan ko po 'yun dati. Pero hindi na ngayon." Sagot ko habang nakayakap pa rin kay daddy.

"Bakit? Ano ang nangyari?" Tanong n'ya.

"Wala po. Basta."

"Sinaktan ka ba ng lalaking 'yun? Anak ng---" -S'ya.

"Hindi po. Wala pong ganoon." Kaagad na sabi ko.

I mean, nasakatan n'ya ako but not physically. Hindi naman 'yun nananakit si Blake ng babae.

Kumalas ako sa yakap namin ni daddy.

"Pero pogi s'ya ha. Alam mo 'yun. Mukha namang mabait. Bagay sana kayo." -S'ya.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba s'ya o nagsasabi ng totoo.

"Daddy naman eh."

Natawa s'ya sa'kin. Kung alam n'ya lang kung ano ang sitwasyon namin ngayon. Ay ewan ko na lang kung masabi n'ya 'yun.

"So ano nga ang nangyari?" Tanong n'ya.

"Eh nilayuan ako. Nagkagusto ako sa kanya. Noong pag-amin ko, ayun nilayuan ako." Sagot ko kay daddy.

Hindi ko na nilihim sa kanya pa. Tinanong n'ya ako kaya sinagot ko na ang tanong n'ya. Hindi na rin ako nagsinungaling dahil hindi ko rin naman kayang magsinungaling sa kanya. Pero kaya ko pa ring paglihiman s'ya. Masama pa rin pala akong anak kahit papaano.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko." -S'ya.

Napasimangot ako. "Hindi n'ya ako gusto."

Hindi s'ya nagsalita kaagad. Inayos n'ya na muna ang buhok ko saka s'ya nagsalita.

"Malas s'ya kasi tinanggihan ka n'ya. Aba'y ikaw ba naman na anak ko. Maganda, matalino, matapang, mabait at masipag."

Napangiti naman ako si sinabi ni daddy. Ang cute n'ya kasi.

"Oh 'di ba ngumiti ka. Ganyan, gusto kong nakangiti kayong lahat. H'wag puro simangot, ha?"

Tumango naman ako. "Opo."

"Hayaan mo, balang araw magsisisi rin ang Blake na 'yun dahil pinakawalan n'ya ang isang katulad mo."

"Talaga?" Nakangusong sabi ko.

And oo, kay daddy lang ako naglalambing ng ganito.

"Oo naman." Aniya.

Muli ko s'yang niyakap. "Thanks dad."

"At dahil medyo mabait ka na. Ibabalik ko na sa'yo ang motor mo pero ako pa rin ang maghahatid sa'yo araw-araw." Aniya.

"Opo."

"At pwede ka na rin umalis ng linggo." Dagdag n'ya.

Napangiti ako. "Thanks dad."

"H'wag ka na ulit magpasaway." Aniya.

Tumango naman ako. "Opo."

"Good. Ngayon umakyat ka na at matulog ka na. May pasok ka pa bukas 'di ba?"

Muli akong tumango. "Yes po."

Kumalas na ako sa yakap at umakyat papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay kaagad akong humiga sa kama at kinuha ang cellphone. Binuksan ko ang instagram ko at in-open ang conversation namin ni Kio.

Me: Yow! Gising ka pa?

Inabot ng ilang minuto bago nakapag-reply si Kio.

Kio: Yes

Akala ko tulog na. Pero sabagay, anong oras pa lang at mamaya pa 'yan matutulog.

Me: Guess what?

Kio: Hmm?

Me: Bati na kami nina ate at mommy.

Kio: Mabuti naman

Me: Yep! And naging maluwag na din si daddy

Kio: Wow. Good for you.

Napangiti ako.

Me: Thanks

Me: 'Yun lang

Me: Goodnight

Me: Panget mo

Kio: Hahahaha

Kio: Goodnight

Siguro inaantok na rin 'yan. Halata sa mga reply n'ya. Pero alam kong masaya naman s'ya para sa'kin.

Itinabi ko na ang cellphone ko. Makatulog na nga ako at may pasok pa ako bukas.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ