Chapter 9

3.4K 49 1
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa club na madalas naming pinupuntahan nina Blake at Kio. Isang oras na kami dito at hindi pa rin nagbabago ang mood ko. Naiinis pa rin ako at gusto kong manapak ng tao. Kanina ko pa gusto itapon itong baso na hawak ko pero hindi pwede.

"P*tangina." Inis na sabi ko.

Bakit ba kasi ang tagal kong malasing? Gusto kong malasing muna at magpakasaya. Sumayaw sa gitna at mawala na muna sa sarili kahit saglit lang. Ayaw ko munang isipin ang pamilya ko at ang mga salitang lagi nilang binabato sa'kin. Gusto ko silang kalimutan kahit ngayong gabi lang.

"Dapat sanay na ako. Pero apektado pa rin ako hanggang ngayon." Napakuyom ang kamao ko. Nararamdaman kong bumabaon ang kuko ko sa palad ko pero hindi ko na 'yun inalintana. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at gusto kong sumabog.

Kalma Angel. Kumalma ka muna.

Si Blake naman na nakaupo sa harap ko ay nakatitig lang sa'kin dahil kanina pa ako nakarami ng inom. "Ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong n'ya.

Tiningnan ko s'ya ng masama. "Mukha ba akong okay?" Singhal ko sa kanya.

Nakita ko s'yang napalunok at hindi na umimik pa.

Halata naman na kaninang pagdating ko ay wala ako sa mood tapos tatanungin ako kung ayos lang ba ako? Eh kung tadyakan ko kaya s'ya? Isa pa s'ya eh, lalo akong iniinis.

Again Angel, kalma lang. Nagtatanong lang naman s'ya.

Si Kio naman ay tahimik rin na nakaupo sa tabi ni Blake. Simula noong nakaraang gabi na sinama n'ya ako sa lugar na malayo ay naging tahimik na s'ya. Hindi ko rin alam kung ano ang problema ng isang iyan pero hindi ko na muna iisipin kung ano man 'yun. Bahala s'ya kung ayaw n'yang magsalita.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Pinipigilan kong mainis lalo at baka makabasag pa ako ng mga gamit dito.

Walang umimik sa aming tatlo. Maingay dito sa loob pero kami ay tahimik lang. Sa lahat siguro ng mga taong nandito, kami lang ni Kio ang mga problemado.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita muli si Blake. "Ang alam ko ay magsasaya tayo ngayon. Pero bakit para naman kayong nagluluksa d'yan."

Halatang naiinis na rin si Blake sa amin ni Kio. Kanina pa kasi kami tahimik na umiinom.

"Bahala nga kayo d'yan. Patagal nang patagal, pumapanget kayong titigan." Sabi ni Blake at tumayo saka umalis. Malamang ay maghahanap 'yun kung sakaling may kakilala man s'ya dito.

Napabuntong-hininga ako. "Nakakainis talaga." Bulong ko.

Nilingon ko si Kio at ganoon pa rin ang ayos n'ya. Nakayuko at nakatitig lang sa sahig. Walang imik at halatang walang balak magsalita hanggang makauwi man kami. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi rin naman kasi s'ya nagsasalita kung ano man ang dinadamdam n'ya.

Napabuntong-hininga ako. Kung mananahimik lang ako dito at iisipin ang pamilya ko, baka lalo lang masira ang mood ko.

Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Kio. Siniko ko s'ya. "Hoy!"

Nilingon n'ya ako. Umangat ang kilay n'ya na tila ba nagtatanong kung ano ang kailangan ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Eh ikaw? Ayos ka lang rin ba?" Balik tanong n'ya.

Malamang ay napansin n'ya rin na tahimik ako kanina. Tumango ako. "Ayos lang. Sanay naman na ako." Pagtukoy ko sa pamilya ko.

Pero kahit sanay na, naaapektuhan pa rin kahit minsan.

"Ano ba ang problema mo?" Tanong ko at mas lumapit pa sa kanya para marinig ako.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Where stories live. Discover now