Chapter 30

1.1K 15 0
                                    

Angel's P.O.V.

"Angel!"

Nilingon ko si Kio na naglalakad papunta sa direksyon ko. Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa school grounds para lang makasama ako sa pag-aaya nilang 'yan.

"Tara na!"

Tumayo ako at nilapitan s'ya. "Oh? Nasaan si Blake?" Tanong ko nang napansin kong si Kio lang ang nandito at wala si Blake.

Tingnan mo 'yung taong 'yun. Mag-aaya at nangakong ihahatid ako tapos hindi naman pala pupunta. Ang galing naman talaga. Kapag ako talaga ay late na makakauwi talagang makakatanggap sila ng kurot sa'kin sa tagiliran gamit ang nail cutter.

"Mamaya pa 'yun. Susunod na lang daw s'ya kasi may klase pa."

Tumango-tango naman ako. Susunod naman pala tapos andami ko pang sinabi sa isip ko kanina.

6:00 pm pa lang kaya naman ay may oras pa akong gumala. Siguro naman ay mag-e-enjoy ako sa kaunting oras. Hindi baleng mabibitin basta ba magkapag-enjoy ako kahit saglit lang.

"May tao na ba sa bahay nina Patrick? Baka mamaya n'yan ay wala pala." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kotse n'ya. "Tapos nauna pa tayo doon at kailangan pa pala natin silang hintayin."

"Kanina pa sila doon." Sagot n'ya.

"Sino ba ang nandoon?" Tanong ko.

"Si Patrick nga."

"Malamang nandoon s'ya eh bahay n'ya 'yun eh. Alangan namang mag-inuman tayo doon kung wala naman pala s'ya."

Natawa si Kio sa'kin.

"Sino pa ang nandoon?" Tanong ko.

"Yssa at Carlo." Sagot n'ya.

Sila pa rin pala ulit. Akala ko ay may isasama pa sila.

Nakarating na kami sa kotse ni Kio at sumakay na. Umalis na kami sa school at pumunta na sa bahay ni Patrick. Pagkarating namin ay sinalubong kami ni Patrick at kaagad na pinapasok sa bahay nila. Nandoon na sina Carlo at Yssa.

"Oh? Wala yata ang isa sa inyo?" Tanong ni Yssa nang napansin n'yang wala si Blake.

"Susunod mamaya." Sagot naman ni Kio.

"Kaya hindi nalalasing eh. Lagi ba namang late sa inuman." Natatawang sabi ni Yssa.

"Tanga! Kahit late o maaga 'yun. Hindi mo 'yun malalasing kaagad." Sabi ni Patrick kay Yssa.

"Alam ko. Nagbibiro lang ako." -Yssa.

"By the way guys, maagang uuwi si Angel ngayon." Sabi ni Kio sa kanila.

"'Yan na naman tayo eh." -Carlo.

"Late na nga kayo tapos maaga pang uuwi 'yung isa." -Patrick.

"Kailan ka pa naging si Cinderella ha, Angel?" - Yssa.

"Grabe naman. Paupuin n'yo na muna kami bago kayo magbunganga d'yan." Sabi ko at nakiupo sa sofa. Tumabi ako kay Yssa.

"Shot na kaagad." Sabi ni Patrick kay Kio bago n'ya ito pinaupo sa tabi ko.

Nagsimula na kaming magkwentuhan at kung anu-ano na ang pinag-uusapan namin. Kung hindi tungkol sa school ay tungkol naman sa mga tsismis nilang hindi ko alam kung saan nila nakuha.

"Anong oras ka palang aalis?" Tanong sa'kin ni Kio habang nag-uusap naman ang tatlo na kasama namin dito.

"Mga 9 na siguro." Sagot ko.

Hindi naman malayo ang bahay ni Patrick mula sa'min at hindi naman talaga kami makakadaan sa kung saan may traffic. Dahil pwede naman mag-shortcut papunta sa bahay namin kung saan wala kaming madadaanan na traffic.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Where stories live. Discover now