Chapter 48

971 18 3
                                    

Angel's P.O.V.

Kakapasok ko lang ng school at kahahatid lang rin ni daddy sa'kin dito. Dahil hindi n'ya pa rin naman ako pinayagan na mag-motor papasok dito sa school. Pero kahit papaano naman ay nagagamit ko pa rin ang motor ko kapag gumagala ako. Kaya nga lang ay bawal na akong magpagabi masyado. 

"Ahem!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Kio.

"Ikaw pala." Sabi ko sa kanya.

Nginitian n'ya ako at sinabayan akong maglakad. "Hindi mo na ako kinausap. Hindi ka rin nag-reply sa chat ko."

Naalala ko bigla na nag-chat nga pala s'ya. Hindi ako nag-reply kaagad pero hindi ko naman sinadya na paabutin 'yun ng mga ilang araw.

"Pasensya na." Sagot ko.

Hindi ko alam pero hindi ko na s'ya kayang pakitunguhan kung paano ko s'ya kinakausap dati. Medyo nakakailang na kasi.

"Okay ka lang ba?" Tanong n'ya.

"Oo naman." Sagot ko.

Wala naman na yata akong problema. At kung tungkol man kay Blake, malinaw na rin naman na sa'kin ang sinabi ng lalaking 'yun. I guess wala talaga kaming chance na maging kami kasi ako lang naman ang may gusto sa kanya.

Tumango-tango naman s'ya. "Ummm, tungkol nga pala sa tinanong ko sa'yo---"

"Ah! Kasi ano Kio eh..."

"Alam ko." Pagputol ni Kio sa sasabihin ko. "Alam kong naguguluhan ka pa or baka nahihiya ka lang tumanggi. Pero ayos lang naman kung ayaw mo. Hindi na ulit ako magtatanong. Basta ba friends pa rin tayo at hindi mo ako lalayuan."

"Eh kasi---"

"And don't worry about my feelings for you. H'wag ka ring mag-aalala kung masaktan man ako o hindi. Kaya ko naman ang sarili ko. Ayaw ko lang na matulad rin tayo sa inyo ngayon ni Blake na hindi na talaga nag-uusap." Aniya.

Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya. Narinig ko s'yang napabuntong hininga.

"Please?"

Huminto ako kaya napahinto na rin s'ya. Hinarap ko s'ya.

"Sorry ha." Sabi ko. "Naguguluhan pa kasi talaga ako eh."

Natawa s'ya saglit. "Hindi mo naman kailangang humingi ng sorry eh. Wala kang kasalanan."

"Yeah but..."

"Hmm?" -Kio.

Umiling-iling ako. "Wala."

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad namin. 

"Ang aga mo yata ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang, hinintay talaga kita."

Nilingon ko s'ya habang naglalakad. "Hinintay mo 'ko?" Nagtatakang tanong ko.

Bakit n'ya naman ako hinintay?

Tumango naman s'ya. "Oo." Sagot n'ya habang hindi nakatingin sa'kin.

"Bakit?"

Nilingon n'ya ako. "Para kausapin ka. At ngayon, nasabi ko na."

Muli akong napaiwas ng tingin sa kanya. "Pwede naman kasing mag-chat na lang. Pumasok ka pa talaga ng maaga."

Madalang lang naman s'yang pumapasok ng maaga dahil hindi naman araw-araw ay sobrang aga ng pasok n'ya.

"Hindi ka nga nag-reply tapos gusto mo sa chat na lang." Aniya. "Ay no. Hindi mo nga in-open ang chat ko sa'yo. Sa tingin mo mag-e-expect ako na mag-re-reply ka?"

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant