Chapter 24

1.2K 13 0
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito kami ngayon ni Blake sa school grounds at magkatabi. Kasalukuyan kaming nag-aaral dahil wala pa kaming klase at mamaya pa. Naisipan namin na dumito muna at h'wag na muna kami doon sa library. Baka kasi ay mag-iingay lang kami doon. Kanya-kanya kaming open ng laptop namin at inaaral ang mga lessons na kailangan naming pag-aralan. 30 minutes pa lang kami dito pero parang sumusuko na ang ulo ko at parang gusto kong matulog na lang.

Maya-maya ay nag-unat ako at sumandal.  "Ang aga mo yatang pumasok ngayon." Sabi ko kay Blake na seryosong nag-aaral.

"Maaga akong nagising at nakapag-asikaso. Kaya heto, maaga na rin akong nakapunta dito." Sagot n'ya.

Tumango-tango naman ako.

"Eh ikaw? Maaga ka rin naman ngayon ah." Aniya.

"Maaga kasi ang pasok ko." Sagot ko. "Pero ang sabi ng professor namin ay hindi raw s'ya makakapasok."

"Akala ko wala kang klase ngayon." Aniya.

"Meron. Hindi lang kami nisipot ng professor namin."

Hinilot ko ang ulo ko dahil bahagya itong kumirot. Paano ba naman kasi, ang sinabi ko kagabi matutulog ako ng maaga pero hindi ako nakatulog kaagad. Gusto kong matulog kagabi ng maaga pero gising na gising ang diwa ko. Inilayo ko pa sa'kin ang cellphone ko para hindi ako ma-distract at para makatulog kaagad pero wala pa rin. Gising na gising pa rin ang diwa ko hanggang nagmadaling araw na. Kaya 2:00 am na akong nakatulog at 5:00 am akong nagising. At pagkagising ko kanina ay hindi na ako ulit natulog pa. May pasok pa ako ngayong umaga. Isinabay rin ako ni daddy at hinatid dito sa school kanina.

"Inaantok ako." Inis na sabi ko at pinikit ang mga mata habang nakasandal pa rin. "Nakakainis naman kami."

"Wait."

Dinilat ko ang mga mata ko at nilingon si Blake nang nagsalita s'ya.

Tumayo s'ya. "Bibili ako ng kape."

"Hay salamat naman." Sabi ko sa kanya.

Ewan ko pero tinatamad rin akong tumayo para bumili ng kape. Kasi naman, kulang na nga ako sa tulog tapos kaunti pa ang kinain ko kaninang agahan. Wala pa akong energy sa loob ng katawa ko.

"Anong gusto mo?" Tanong n'ya.

"Kahit ano basta kape. Kailangan kong gumising." Sagot ko sa kanya.

"Alright." Aniya at nagsimulang maglakad.

"Blake!"

Nilingon n'ya ako.

"Pasabay ng pagkain. Kahit ano, promise hindi ako magrereklamo." Utos ko sa kanya.

Natawa lang s'ya sa sinabi ko at tinanguan ako saka tuluyang umalis. 

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at saktong may chat sa'kin si Kio. Tinatanong n'ya kung nasaan daw ba ako. Nagsend ako ng picture kung saang part kami ng school ni Blake tumambay at maya-maya lang ay natanaw ko na si Kio.

"Yow!" -Kio.

"Yow!" 

Umupo si Kio sa tapat ko. "Kasama mo pala si Blake." Sabi n'ya nang nakita n'ya ang laptop ni Blake.

Tumango naman ako. "Kanina pa kami dito. Mga kalahating oras na."

"Nasaan s'ya?" Nagtatakang tanong n'ya.

"Bumili ng kape. Inaantok na kasi ako." Sagot ko naman.

Tumango-tango naman s'ya. "Sabagay, halatang puyat ka." 

Nang-asar pa talaga. Inis akong napairap. 

"Joke lang. Ikaw naman." Pagbawi n'ya.

Hindi nga pala ako nakapag-ayos kanina. Tinamad akong mag-ayos kanina kaya hindi ko na nagawa. Kinuha ko ang make up kit ko at nag-ayos saglit para naman magkaroon ng buhay itong itsura ko at para hindi ako mukhang stress.

"Ayan? Okay na po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ayan maganda ka na ulit."

Inirapan ko s'ya at tumawa naman s'ya.

"Ano ba? Nagagalit ka kapag sinabihan kang mukhang puyat tapos nagagalit ka rin kapag sinabihan kang maganda. Ano ba talaga? Ang gulo mo."

"Pasensya ka na, ito lang kasi ako eh. Magulo." Pagdadrama ko. "Kaya nga walang may gusto sa'kin kasi magulo ako."

This time, s'ya naman ang napakunot ang noo. Ayaw n'ya kasi ng ganoon.

"'Di ba nasira ko ang mood mo. Sinasabi ko na nga ba, wala akong kwenta dito sa mundo. Alikabok lang kasi ako."

"Tsk." Ang tanging nasambit n'ya at kinuha ang cellphone n'ya.

"Okay lang. H'wag mo na akong kausapin. Wala namang may gustong kumausap sa'kin. Sanay na rin naman na ako." Sabi ko. "Sino ba naman kasi ako para kausapin."

"Shut the f*ck up!" Inis na sabi ni Kio.

Parang baliw talaga.

Maya-maya ay biglang dumating si Blake na may dalang dalawang kape at dalawang sandwich. Binigay n'ya sa'kin ang isang kape at ang dalawang sandwich.

"Ay, sa'kin pala ang dalawang sandwich? Akala ko tig-iisa tayo." Sabi ko.

"Baka kasi kulang pa sa'yo ang isa." -Blake.

"Grabe ka naman sa'kin. Marunong akong makuntento sa isa. Ex ko lang ang hindi." Sabi ko. "Pero sabagay, sino ba naman ako para manatiling nag-iisa sa puso ng isang tao."

"Ewan ko sa'yo." Sabi ni Blake at umupo na sa tabi ko. "Ang drama mo."

Hindi na ako umimik at humigop ng kape. Napaso pa ako kasi mainit. Pero sabagay, sino ba naman ako para hindi masaktan 'di ba?

"Ang aga mo yata ngayon Kio?" Tanong ni Blake kay Kio.

"Wala lang. Trip ko lang pumasok ng maaga." Sagot ni Kio. "Ikaw rin ah. Maaga ka rin."

"Trip ko lang din." -Blake.

Nagsimula na silang magkwentuhan habang ako ay kumakain ng pangalawang almusal ko. Kumain naman ako sa bahay kanina kaso kaunti lang ang nakain ko kaya ngayon ay gutom pa rin ako. Mabuti na lang at dalawang sandwich ang binili ni Blake para sa'kin at dalawa pa kaya naman ay nag-e-enjoy ako dito. Pagkatapos kong kumain ay mas okay na ang pakiramdam ko at ramdam kong mas gising ako ngayon kesa kanina.

"Ano? Okay ka na?" Tanong sa'kin ni Blake pagkatapos kong kumain.

Tumango naman ako. "Magkano pala ang babayaran ko?"

"Saka na." Aniya.

"Edi saka na." Sabi ko at muling nagbasa ng mga lessons. Ako na lang nag manlilibre sa kanya sa susunod.

Hinayaan ko na silang dalawa na mag-usap ng kung anu-ano. Hindi ko rin naman naiintindihan ang mga sinasabi nila dahil tungkol sa kurso nila ang topic nila. Maguguluhan lang ako kapag makikisali ako sa usapan nilang mechanical engineering students. Tahimik naman ako dito sa pwesto ko at masyadong focus sa binabasa ko. Hanggang sa nagpaalam na ang dalawa na aalis na sila dahil maya-maya lang ay may pasok na sila. At ako naman ay nanatiling nagpa-iwan dito at mamaya na ako aalis kapag malapit na ang oras para sa susunod na klase ko.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon