Chapter 17

2.2K 31 2
                                    

Angel's P.O.V.

Linggo ngayon at nandito ako sa bahay ni Yssa dahil nag-aya s'yang mag-inom. Nandito rin sina Carlo at Patrick. Si Blake naman ay sumama sa'kin dahil wala daw s'yang magawa ngayon. Inaya ko si Kio kung sasama ba s'ya pero may kailangan daw s'yang puntahan kaya hindi s'ya makakasama.

Nakilala ko sina Yssa, Carlo at Patrick dahil sa pinsan kong si Yesha. Magkakaibigan kasi sila. Bihira ko lang silang nakakasama pero kapag nagyaya sila at free naman ako, sumasama ako sa kanila. Masaya rin kasi silang kainuman, maraming kalokohan. Nakilala rin nila sina Blake at Kio dahil sa'kin.

"By the way, kamusta naman ang buhay natin ngayon? Ha, Angel?" Tanong sa'kin ni Patrick.

"Ayos lang." Sagot ko. "Masaya."

"Ganoon talaga kapag naka-move on na sa ex na manloloko. Magiging masaya na." Sabi naman ni Yssa. "'Di ba Angel?"

Tumango naman ako.

"Kung makapagsalita 'tong si Yssa tungkol sa move on, akala mo naman nagka-boyfriend na dati." Sabi naman ni Carlo.

Inirapan naman ni Yssa si Carlo. "Hindi ikaw ang kausap ko."

"Grabe kayo. H'wag na nating isama ang ex ni Angel sa usapan. Baka mamaya ayaw pala ni Angel na marinig ang tungkol sa taong 'yun." - Patrick.

"Ayos lang." Kaagad na sabi ko.

Ang totoo n'yan ay wala na akong nararamdaman para sa ex ko. Kung mayroon mang natitira, 'yun ay ang pagsisisi dahil muntikan ko nang masira ang buhay ko dahil sa kanya.

Noon, sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng ex boyfriend ko, nalulungkot ako. Maiiyak na lang rin ako bigla sa tuwing naaalala ko s'ya pati na ang mga masasayang alaala namin. At mas lalo akong umiiyak kapag naaalala ko ang mga panloloko n'ya sa'kin. Pero ngayon ay hindi na. Walang-wala na. At kahit iharap pa s'ya sa harapan ko, wala na akong mararamdaman.

"Itong si Angel? Wala na 'yang pakialam 'yan sa ex n'ya." Sabi ni Blake na katabi ko lang. "Hindi n'ya na nga 'yun binabanggit. Samantalang dati laging kinukwento sa amin."

"Anong lagi?" Kinunutan ko ng noo si Blake. "Minsan lang."

"Palagi." Pag-ulit ni Blake.

"Whatever." Sabi ko na lang.

Basta ang alam ko ay wala na akong pakialam.

Period.

"Hay naku! Ang hirap talagang magmahal lalo na kapag manloloko." Sabi ni Yssa.

"Mas mahirap sa panahon ngayon kasi nagmamahal na ang mga bilihin." -Patrick.

"Ang layo sa usapan pre." -Carlo.

"Ay malayo ba? Sige lumapit ka para madagukan kita." -Patrick.

Napakunot ang noo ni Carlo. "Lasing ka na ba? Kung anu-ano na kasi ang sinasabi mo, malayo naman sa usapan natin."

"Hindi ako lasing." -Patrick. "Baka ikaw ang lasing. Alam mo naman na sa ating dalawa, ikaw ang mahina sa inuman."

"Oh talaga? Kapag pinukpok ko sa'yo 'tong bote sa ulo mo, talagang hilo ka kaagad. Makikita natin ngayon kung sino ang mahina sa inuman." Sabi ni Carlo.

"Subukan mo kasi ipapalamon ko sa'yo ang lahat ng bubog kapag nagkataon." -Patrick.

Nagtinginan kami ni Blake saglit at muling binalik ang tingin kina Carlo at Patrick.

"May kutsilyo sa kusina. Kumuha kayo doon at tig-iisa na kayo." Sabi ni Yssa. "'Di ba? Ano sa tingin n'yo?"

"Sa tingin ko? Masasaktan ka." Si Patrick ang sumagot kay Yssa. "'Di ba Carlo? Ano sa tingin mo?"

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Where stories live. Discover now