Chapter 28

1K 16 0
                                    

Angel's P.O.V.

Inayos ko na ang mga gamit ko sa bag at lumabas ng room. Tapos na ang klase ko ngayong araw at maaga pa. 3:00 pm pa lang at hindi ko alam kung saan ako ngayon pupunta. Dalawang subject lang naman ang klase ko ngayong araw kaya ganito kaaga ang out ko. Sina Kio at Blake naman ay mamaya pa ang out ng mga 'yun. Mga 6:00 - 7:00 pm pa. Pero minsan naman ay mas maaga pa doon. Medyo maaga ang pasok nila at bandang gabi naman ang out nila.

Uuwi na lang siguro ako.

"Ah no." Pagbawi ko kaagad.

Hindi na muna pala ako uuwi. Doon na lang muna ako sa library at magbasa ng mga kailangan kong babasahin. At naalala ko bigla, may kailangan pa pala akong tapusin para sa isang subject ko.

Kaagad akong pumunta sa library, mabuti na lang at may mauupuan pa ako. Lagi kasing puno ang tao dito sa library. Grabe kasi mag-aral ang mga estudyante dito. Hindi ka lang sa library makakakita ng mga nag-aaral. Pati na sa school grounds at sa ibat-ibang parte ng school. Maging sa canteen, before and after lunch time ay may nag-aaral din doon.

Umupo na ako sa bakanteng upuan at nilabas ang laptop ko at ang iilang libro ko. Nagsulat na rin ako kung ano ang kailangan kong isulat. Hindi kasi pwedeng sa bahay na lang ako mag-aaral ngayon. Mabilis akong ma-distract sa pagkain. O hindi kaya ay baka ma-distract ako sa kama at makaidlip pa. Kaya dito na muna ako dahil nahahawa ako sa kasipagan ng mga estudyanteng nag-aaral dito.

Pansin kong may nag-chat sa'kin kaya kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nag-chat. Si Yssa.

Yssa: Psst

Napa-smirk ako. Mukhang alam ko na kaagad ang pakay ng isang 'to. Wala na naman sigurong nag-aya sa kanya.

Reply ko: Yes?

Yssa: Ano na? Wala bang nauuhaw d'yan sa inyo?

Ako: Wala eh. Busy lahat.

Mamaya pa ang out nina Kio at Blake. At may tinatapos pa ako ngayon. At kung iinom ako ngayon, sigurado akong late na akong makakauwi at baka pagalitan pa ako ni daddy.

Yssa: Ano ba naman 'yan. Matumal benta ng alak ngayon ah.

Wow. Parang sinasabi n'ya na kami lang ang mga lasengga at lasenggo dito sa mundo.

Ako: Grabe naman 'yun.

Yssa: Ang boring kasi dito te. Hahaha.

Ako: Relax ka lang d'yan. May mag-aaya din sa'yo.

Yssa: Ang tagal eh. Ilang araw na akong nag-skip ng vitamins ko. Baka ma-ospital ako nito.

Ako: Ipagdadasal na lang kita.

Yssa: Hahaha

Yssa: Ang bagal n'yo. Mag-so-solo na lang siguro ako dito.

Ako: Tama 'yan para masanay ka kasi habang buhay kang mag-so-solo.

Yssa: Parang sinabi mong hindi na ako magkakapag-asawa ah.

Ako: Natumbok mo. Hahaha

Yssa: Ayoko. May pangarap pa ako. Gusto ko pang magpawarak, ikasal at manganak. Grabe ka.

Ako: Malabong mangyari 'yan. Hahaha. Hanggang pangarap na lang 'yan.

Yssa: Ang sama mo. Sana hindi ka na makakainom ng alak habang buhay.

Ako: Sana hindi ka magkaroon ng boyfriend habang buhay.

Yssa: Hype ka. Hahaha. Bahala ka na nga d'yan. Ang labo mo kausap.

Ako: Hahahaha

At hindi na s'ya nag-reply pa ulit. Siguro ay wala s'yang pasok at hindi s'ya masyadong busy kaya ganyan. Pero sabagay, hindi naman s'ya naging sobrang busy. Hindi ko alam kung paano n'ya nagagawa kaagad ang mga kailangan n'yang gawin para sa school. Parang kailangan kong malaman ang time management techniques n'ya dahil hindi s'ya palaging tinatambakan ng school works. Kaya naman ay marami s'yang time para sa inom na 'yan. S'ya ang tipong lasengga na sobrang responsable sa pag-aaral. Hindi katulad ko na tinatambakan pa rin ng mga school works. Minsan kasi ay inuuna ko ang pag-inom kesa gawin kaagad ang mga kailangan kong gawin.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon