Chapter 16

2.4K 37 2
                                    

Angel's P.O.V.

Naalimpungatan ako. Dinilat ko ang mga mata ko at napansin kong wala ako sa sarili kong kwarto. Saka ko lang naalala na nandito pala ako ngayon sa bahay ni Kio at nakaidlip dito sa loob ng kwarto n'ya.

May nangyari nga pala sa amin kanina.

Pansin kong may tao sa paanan ko kaya nilingon ko ito. Nakita ko si Kio na nakaupo sa dulo ng kama habang nakatalikod sa'kin. Tahimik lang s'ya habang nakatitig sa sahig.

Ano naman ang ginagawa n'ya d'yan?

Napatingin ako sa wall clock at 6:30 pm pa lang. Maaga pa pala. Buong akala ko ay inabot ng ilang oras ang pagtulog ko.

Napalingon sa'kin bigla si Kio. At ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala s'ya ng t-shirt at shorts.

"Gising ka na pala." Aniya at tumayo.

Hindi pa. Tulog pa rin ako pero nakadilat na ang mga mata ko.

Naglakad s'ya at lumabas ng kwarto. "Magbihis ka muna. Sabihan mo na lang ako kapag tapos ka na." At sinara n'ya ang pinto.

Napakunot ang noo ko. Hindi naman s'ya ganyan noon. Minsan nga ay pinapanood n'ya pa akong magbihis.

Inabot ko ang mga damit ko na nasa tabi ko lang at umalis sa kama saka nagsimulang magbihis.

"Okay na." Sabi ko pagkatapos kong magbihis.

Bumukas naman ang pinto at muling pumasok si Kio. "Gutom ka na ba?" Tanong n'ya sa'kin.

"Oo." Hindi na ako nagdalawang-isip at sinabi ko na ang totoo.

"Tara sa baba." Aniya at muling lumabas ng kwarto.

Sumunod naman ako sa kanya pababa hanggang sa narating namin ang kusina nila.

"Umupo ka muna d'yan."

Sinunod ko naman s'ya at umupo sa isang silya.

Nagsimula s'yang mag-asikaso ng lulutuin n'ya, at kung ano man iyon, wala akong idea. Samantalang ako naman ay nanatiling nakaupo.

"Wala pa ba ang mga parents mo?" Tanong ko sa kanya.

Dahil sa napapansin ko ay parang kami pa ring dalawa ang nandito.

Umiling s'ya. "Wala pa." Sagot n'ya habang nakatalikod pa rin sa'kin.

Hindi ako nagsalita at nilibot ang paningin sa kabuuan ng kusina nila. Parang mas gumanda ito. Sigurado akong nagpa-renovate sila ng kusina.

Nang nalibot ko na ang paningin ko sa kusina at binalik ko ang tingin ko kay Kio.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko.

Napalingon s'ya sa'kin sa tanong ko. Umiling s'ya. "Hindi na." At muling binaling ang atensyon sa ginagawa n'ya.

Okay.

Sana pala ay dinala ko na ang bag ko dito sa baba. O kahit ang cellphone ko lang. Para naman may malibangan ako dito habang may ginagawa si Kio ngayon.

"By the way, hinanap ka rin ni Blake kanina. Hindi ka daw nagsabi sa kanya na hindi ka pala papasok." Sabi ko dahil nabibingi ako sa katahimikan.

"Nakatulog kasi ako ulit kanina kaya hindi ko na kayo nasabihan." Sagot ni Kio habang nakatalikod pa rin sa'kin.

"Bakit kasi hindi ka pumasok. Wala ka namang sakit at parang wala namang emergency. Alam mo naman na sobrang higpit ng school natin. Bawal lumiban sa klase ng walang magandang dahilan."

"Hayaan mo sila." Ang tanging nasagot n'ya.

Napailing-iling ako. Hindi naman ganyan si Kio. Masipag 'yan pumasok. Kahit nga nilalagnat 'yan ay papasok pa rin 'yan. Hindi ko lang alam kung ano ang nangyari kanina at hindi s'ya pumasok sa school.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon