Chapter 18

1.5K 16 0
                                    

Angel's P.O.V.

"Dito na lang." Sabi ko kay Blake.

Lalakarin ko na lang mula dito hanggang sa bahay namin. Hindi na ako magpapahatid sa mismong tapat ng bahay namin.

Hindi hininto ni Blake ang motor at tila ba ay wala s'yang narinig.

"Hoy! Bingi ka ba?"

Hindi n'ya pa rin ako pinansin.

"Aba! Aba!"

At talagang hindi pa rin ako pinakinggan.

"Ihinto mo na nga!" Inis na sigaw ko kaya hininto na n'ya.

Umalis ako sa motor at tinanggal ang helmet. "Nabingi ka na?"

Inangat n'ya ang face shield ng helmet na suot n'ya. "Bakit ba? Malayo pa ang bahay mo pero gusto mo na kaagad bumaba." Inis na sabi n'ya.

Malayo? Kaunting lakad lang 'to at makakarating na kaagad ako sa bahay ko.

Inis akong napairap. "Ayokong ihatid mo ako sa tapat ng bahay mismo namin." Inabot ko sa kanya ang helmet.

"Bakit naman?" Tanong n'ya at kinuha ang helmet na inabot ko.

"Basta ayoko."

Baka mamaya nyan ay makikita na naman nila ako na may kasamang lalaki. I mean, malandi naman na ako sa paningin nila pero ayoko pa rin.

"Bakit nga?" Nagtatakang tanong n'ya.

"Basta." Inis na sabi ko. "Umuwi ka na nga."

Bumaba na muna s'ya at nilagay sa lagayan ang helmet na hiniram ko. At muling sumakay sa motor n'ya.

"Ang gulo mo." Aniya.

Hindi ako nagsalita.

"Sige alis na ako."

"Sandali lang." Sabi ko at nilapitan s'ya. 

"Oh? Ano na naman?"

Mainit ang ulo natin Blake?

"Tsk." Binaba ko ang face shield ng helmet n'ya. Nainis s'ya sa ginawa ko kaya inangat n'ya ito at muli ko itong binaba. Inangat n'ya ito ulit pero muli ko itong binaba.

"Ano ba!" Inis na sabi n'ya at halatang nakukulitan na sa'kin. "Pauuwiin mo ba ako o mag-aangat baba lang tayo ng face shield dito?" Tanong n'ya.

"Bakit mo kasi binababa?" Tanong ko.

"At bakit mo rin inaangat?"

"Para safe, ano ka ba." Inis na sagot ko.

"Tsk. Ewan ko sa'yo. Alis na nga ako." Aniya.

"Tsk. Ingat ka."

Tinanguan n'ya ako at umalis na s'ya. 

Siraulo talaga.

Nagsimula na akong maglakad. Maya-maya ay nakarating na ako sa tapat ng bahay namin. Pumasok ako sa gate at deretsong pumasok sa bahay. Nandito ang bunsong kapatid ko na si Alice, nanonood ng palabas sa TV kasama ang ate ko. Napalingon sila sa'kin pagkarating ko pero kaagad naman nilang binalik ang atensyon sa pinapanood nila.

Mabuti naman at tahimik sila.

Pumunta kaagad ako sa kwarto ko at nagkulong. 6:00 pm pa naman kaya sisimulan ko na ang gagawin ko para sa school. 

***

10:00 pm na at nakahiga pa rin ako sa kama. Nakakaramdam na ako ng gutom at gusto ko na bumaba para kumain. Hindi ako sumabay sa kanina kanilang hapunan. Inaya naman ako ni daddy pero gumawa ako ng excuse. Kaya naman ngayon ay nakakaramdam na ako ng gutom.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang