Chapter 13

2.5K 38 3
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa bahay ni Yvonne at kararating ko lang. Wala dito ang boyfriend n'ya kaya natuwa naman ako. Walang maglalandian sa harap ko. Ang sakit kasi nila sa mata.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko sa kanya nang nakaupo na ako sa sofa.

"Ayos lang, ikaw?" Mahinang sagot n'ya.

"Okay lang rin naman." Sabi ko.

Inabot n'ya ang remote sa tabi n'ya at binuksan ang TV. Pinagmasdan ko ang kilos n'ya. Bakit parang matamlay s'ya ngayon?

Nilingon n'ya ako. "S'ya nga pala. Hindi ako nakapag-bake." At binigyan ako ng isang pilit na ngiti.

Anong meron sa kanya?

"Okay lang." Sagot ko. "Grabe ka naman, para namang iniisip mo na kaya ako pumupunta dito dahil lang sa cookies mo."

Natawa lang s'ya ng mahina. "Hindi naman." Muli n'yang binaling ang tingin sa TV.

Tinitigan ko lang s'ya at saka ko lang napansin ang mga mata n'ya. Paniguradong umiyak ang babaeng 'to kanina.

"Ayos ka lang ba talaga?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Muli n'ya akong nilingon at tumango. "Oo naman."

"Seryoso?" Tanong ko.

Maya-maya ay bigla s'yang napakagat sa labi n'ya at halatang naiiyak na s'ya.

Ano ang nangyari?

"O-okay lang ako." Namamaos na sabi n'ya.

Tumayo ako at nilapitan s'ya. Niyakap ko s'ya kaagad. Pagkayakap ko sa kanya ay lalo s'yang naiyak. Ganyan s'ya palagi. Kapag pinipigilan n'ya ang luha n'ya at bigla s'yang niyakap upang i-comfort ay lalo s'yang naiiyak.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko s'yang umiling. "Wala."

"Sabihin mo na. Ilabas mo na sa'kin lahat." Sabi ko at gamit ang kamay ko, sinuklay-suklay ko ang buhok n'ya.

Muli s'yang umiling. "Wala ito. Normal lang naman ang away sa relasyon eh." Aniya.

Hindi ako nakaimik. Oo normal lang pero bakit parang ang lungkot n'ya? I mean, kakaiba ang lungkot n'ya.

"Sinaktan ka ba n'ya?"

Kasi kapag 'oo', sasapakin ko mukha ng taong 'yun.

"Hindi, walang ganoon." Sagot n'ya. "Ayos lang ako, h'wag kang mag-alala. Magiging okay rin ang lahat."

"O sige. Basta kapag sinaktan ka n'ya, sabihin mo lang sa'kin." Sabi ko.

Tumango-tango naman s'ya.

Maya-maya ay kumalas na s'ya at pinunasan ang mga luha n'ya. "Niyakap mo pa kasi ako eh. 'Yan tuloy naiyak ako lalo." Natatawang sabi n'ya pero alam kong malungkot pa rin s'ya.

"Naiiyak ka kasi eh." Sabi ko. "At hindi naman masamang umiyak. Kung naiiyak ka, ilabas mo lang."

"Oo nga. Pero ayaw kong maabutan nina mommy at daddy na umiiyak. Baka mamaya magtanong na naman sila ng kung anu-ano at bakit ako umiiyak." Sagot n'ya.

"Sorry naman." Sabi ko.

Muli n'yang pinunasan ang mga luha n'ya at halatang pinipigilan n'ya ang sarili na umiyak.

"Alam mo, mag-bake na lang tayo ng cookies. Para ma-distract ka at hindi ka na malungkot pa." Sabi ko at tumayo.

Tumayo na rin s'ya at pumunta kami sa kusina. Nagsimula kaming mag-bake at habang ginagawa iyon ay nagbibiro ako upang matawa s'ya. Hanggang sa natapos na rin kami.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Kde žijí příběhy. Začni objevovat