Chapter 10

3.3K 43 2
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito kami ulit ni Kio ngayon sa club dahil sabi n'ya ay masyado pang maaga para umuwi. Idagdag mo pa na hindi pa kami nagpaalam kay Blake kung uuwi man kami. Kasalukuyan akong nakaupo at nasa tapat ko naman si Kio. Ilang minuto na kami dito sa loob pero si Blake ay hindi pa rin namin nakikita. Alam kong hindi pa s'ya umuuwi dahil lagi naman s'yang nagte-text sa amin kapag gusto na n'yang umuwi.

Itinigil ko na ang paghahagilap kay Blake dahil parang kahit ang anino nito ay ayaw magpakita. At kung kailan ko itinigil ay bigla naman itong sumulpot.

"Hinanap ko kayo kanina pero hindi ko kayo nakita." Sabi nito.

"Nag-CR lang ako." Sagot ni Kio.

Nilingon ako ni Blake.

"Same." Sagot ko.

Ewan ko pero nahihiya akong sabihin ngayon samantalang open naman ako sa kanila palagi.

Umupo si Blake sa tabi ko. "Mabuti naman at nagsalita na kayo. Akala ko hindi na kayo magsasalita habang buhay." Biro nito.

Hindi kami nagsalita ni Kio. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi nito. Hindi ko rin alam kung tatawa ba ako sa walang kwentang joke nito.

Natawa ng mahina si Blake. "O ayan, hindi na naman kayo nagsasalita."

Wala ulit umimik sa aming dalawa ni Kio. Wala rin kasi akong isasagot, ulit.

"Ano? Iinom pa ba kayo o uuwi na tayo?" Tanong ni Blake kahit na hindi kami umiimik. "Kasi naman parang kausap ko lang ang sarili ko. Kapag ako napikon dito ibabalibag ko kayo pareho."

Nakakatakot 'yun Blake? Eh kung ikaw kaya ang ibalibag ko?

"Five minutes muna saka tayo uuwi." Sagot ni Kio.

Tumango-tango si Blake. "O sige."

Kakapasok pa lang namin ni Kio dito tapos lalabas ulit. Kamusta naman iyon.

Nanahimik kaming tatlo at literal na naghintay ng limang minuto. Si Blake naman ay halatang nabagot sa katahimikan. Kanina pa kasi kami tahimik ni Kio kaya umalis s'ya kanina, tapos ngayong nakita kami ulit ay tahimik pa rin kaming dalawa ni Kio. Kaya naman ay nabagot ito sa aming dalawa.

"Ano? Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Blake.

Biglang tumayo si Kio. "Sige tara na. May pasok pa ako bukas."

Tumayo si Blake kaya naman ay napatayo na rin ako. Wala akong balak na magpaiwang mag-isa dito kaya uuwi na rin ako. Naunang maglakad si Kio palabas at sabay naman kami ni Blake na nakasunod sa kanya. Unang nakalabas si Kio at nakasunod pa rin kami ni Blake.

"Alam mo ang weird ni Kio nitong nakaraan lang." Sabi ni Blake sa'kin.

Nilingon ko s'ya. "Ewan ko ba d'yan." Sagot ko.

"Baka nasaniban ng---" Hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya at umiwas ng tingin.

Nasaniban ng ano?

"Ha?" - Ako.

"Wala." Aniya at hindi na ulit ako nilingon.

Isa rin s'ya, weird din.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nanatiling tahimik. At dahil nauna si Kio kanina, medyo malayo na s'ya sa amin ni Blake ngayon.

"CR pala ha." Sarkastikong sabi ni Blake.

Napakunot naman ang noo ko. Ano daw?

"Takpan mo 'yang leeg mo." Sabi pa ni Blake.

Lalo akong nagtaka sa sinabi n'ya. Ano ang ibig n'yang sabihin? Anong meron sa leeg ko?

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang hickey sa leeg ko.

"What the f---." Muntik na akong mapasigaw.

Hayop na Kio na 'yun.

Bakit hindi ko 'yun napansin kanina? Like what the hell!

Kaagad ko itong tinakpan gamit ng buhok ko. Sana walang nakakita potang*na.

"P*ta." Hindi ko maiwasan ang mapamura. May nadaanan akong mga tao kanina, sana hindi nila iyon nakita. Hayop na 'yan.

Pinakalma ko ang sarili ko.

Kalma lang Angel, hindi ka nila kilala at hindi ka na nila makikita ulit. Isipin mo na lang, hindi ka nila makikita ulit.

Kaagad akong naglakad ng mabilis at pumunta sa motor ko saka sumakay. Hindi na ako nagpaalam sa dalawa at kaagad na umalis.

Oo alam kong normal na sa amin ang may nangyayari pero never pa nila akong minarkahan dahil ayaw ko. Ayaw kong may marka sa leeg ko o sa kung saang bahagi ng katawan ko. Demonyo man ang tingin sa'kin ng iba, kahit hindi naman talaga, ay nahihiya pa rin ako.

Mabilis akong nakauwi sa bahay at mabuti na lang dahil tulog na ang mga tao dito. Dumeretso kaagad ako sa kwarto at kumuha ng damit pangtulog. Lumabas akong muli at pumunta sa banyo upang maligo.

Humiga ako sa kama at napabuntong-hininga. Tapos na akong maligo ulit at tuyo na rin ang buhok ko. Mabuti na lang at tanghali ang pasok ko bukas kaya may oras pa akong matulog. Hindi ko natanggal kanina ang hickey sa leeg ko. Nag-search ako sa google pero dahil nainip ako at idagdag mo pa na inaantok na ako, hindi ko na nagawa. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili ko na makatulog.

***

Sinamaan ko ng tingin si Kio nang bigla s'yang sumulpot at umupo sa tapat ko. Nandito ako ngayon nakaupo sa school grounds at hinihintay ang time para pumasok sa room. Napaaga ang dating ko kaya naman ay napatambay muna ako dito.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong n'ya.

"Ul*l." Inis na sabi ko.

Tinakpan ko pa rin ang marka na nasa leeg ko gamit ang buhok ko. May kwelyo ang uniform na suot ko pero gusto kong makasigurado na walang makakakita kaya tinakpan ko pa rin ito gamit ang buhok ko.

Pero kung ikukumpara ko kahapon at ngayon ang mood ni Kio, mukhang mas maayos s'ya ngayon. Pero hindi ang mood n'ya ang issue ngayon. Itong marka sa leeg ko ang issue.

"Bakit? Anong ginawa ko?" Nagtatakang tanong n'ya.

Hinawi ko ang buhok ko upang makita ang iniwan n'yang marka kahapon. Nanlaki bigla ang mga mata n'ya, maging s'ya ay nagulat sa ginawa n'ya. Ibig bang sabihin ay hindi n'ya rin ito napansin kagabi?

"Ako ang may gawa n'yan?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.

"Oo loko ka." Inis na sabi ko.

"Hindi ko 'yan napansin kagabi." Sabi n'ya.

Maging ako ay hindi ko rin naman napansin. Siguro natakpan ito ng buhok ko kagabi at nahawi ko ang buhok ko na hindi ko namamalayan kaya nakita ni Blake.

"Tsk." Iyan lang ang nasabi ko at kinalukot ang cellphone ko.

Bahala s'ya sa buhay n'ya.

"Sorry na. Siguro nadala ako kagabi kaya hindi ko namalayaan na nalagyan kita n'yan." Aniya.

Nadala mo mukha mo. Palibhasa hindi ikaw ang mahihirapan o mag-aalala kung paano itago itong marka na 'to.

"Umalis ka na lang sa harap ko." Inis na sabi ko.

"Sorry na nga."

"Oo na kasi kaya umalis ka na sa harap ko." Bulyaw ko sa kanya.

"Kararating ko lang tapos pinapaalis mo na kaagad ako." Aniya.

"Wala akong pakialam kung kararating mo lang o hindi." Pagsusungit ko. "Kaya umalis ka na sa harap ko at baka mapektusan pa kita d'yan."

Napatayo s'ya. "Sungit. Eto na, aalis na." Umalis naman s'ya kaagad.

Sinundan ko s'ya ng tingin. Nakakailang hakbang na s'ya ay napahinto s'ya ng nilingon ako. Binigyan ko s'ya ng masamang tingin kaya umiwas kaagad s'ya ng tingin at tuluyang umalis.

Sana hindi masarap ang ulam mo mamaya. Tsk.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Where stories live. Discover now