Love At The Coffee Shop

By marisswrites

6.6K 321 23

|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though... More

Love At The Coffee Shop
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Finale

Chapter 38

68 2 0
By marisswrites

  
Sobrang excited ko na makita yung unang taong naniwala sa akin na may talento ako—na dapat bayaran ang bawat art na ginagawa ko.

Ito na yung araw na pinakahihintay ko—yung makita yung unang taong naniwalang kaya kong magligtas ng buhay gamit ang talento ko . . . kaso . . .

“H-Hindi n’yo na po ako natatandaan?” tanong ko habang nakatitig sa kan’ya.

Umawang ang bibig niya bago lumingon kay Solari saka tumawa ng mahina. Tumingin ulit siya sa akin.

“Kailan na nga tayo nagkita?” nakangiting tanong niya.

Napalunok ako. “S-Six years ago. Nagpa-drawing ka po sa akin. Ikaw yung unang commissioned client ko. Ikaw yung unang naniwala sa akin na kaya kong magligtas ng buhay gamit ang talento ko sa pagdo-drawing.” I gulped. “I-Ikaw yung nagbigay sa akin ng pangarap.”

Sa bawat segundo na lumilipas ngayong kaharap ko si Ate Destinee, pasikip nang pasikip ang dibdib ko dahil bakas sa mukha niya na hindi niya ako kilala—na para bang ngayon niya lang ako nakita.

Nagbuntonghininga siya. “Pasensiya ka na, may short-term memory kasi ako kaya mabilis akong makalimot lalo na kapag sobrang tagal na.” Kumamot siya sa ulo. “Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin na kilala nila ako—na kilala ko rin sila. Kaso, hindi talaga, eh. I’m sorry.”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko kasabay ng paghigpit ng hawak ni Fierro sa kamay ko sa ilalim ng lamesa. Pinanood ko si Solari na humigop sa iced coffee niya bago tumawa saka nagsalita.

“Baka naman may amnesia ka? Naaksidente ka ba?” natatawang tanong niya.

Tumawa si Ate Destinee. “Hindi, ’no! Kahit pakita ko pa sa ’yo medical records ko, wala akong history ng accidents.” Lumingon siya sa akin. “May isa pa akong naisip, Calista. Baka naman kamukha ko lang? May nagsabi kasi sa akin na sa mundo, may anim na taong magkakamukha. Baka nakita mo yung isa sa mga kamukha ko.” She laughed.

Kamukha . . .

Iniwas ko ang tingin sa kan’ya at pilit kong inalala ang pangalan ng kasama niya sa picture na d-in-rawing ko noon pero wala akong matandaan. Mukhang Destinee lang talaga ang pangalan na hawak ko.

Ibinalik ko ang tingin sa kan’ya. “May kapatid ka po ba?”

Humigop siya sa kape. “Wala.”

I sighed.

Kung sinabi niyang wala siyang kapatid, ibig sabihin, hindi nga siya yung na-meet ko noon kasi may kakambal yung Destinee na nakilala ko, eh. Same pa ng spelling yung name.

Sobrang grabe naman ng coincidence na ’yon kung sakali.

“Anyway, papasok na kami. Malapit nang mag-5:30. Salamat sa perfume! Magugustuhan ’to ng mama ko.”

I smiled at her but I stopped midway when I watched her stand up and smiled at me timidly.

She looked like the other person on my drawing!

Yung tipid na ngiti na walang eye-smile, alam kong siya ’yon kahit na nakabagsak ang buhok niya!

“Ingat kayo pauwi!” sabi ni Solari. “Nice meeting you, Fierro! Salamat sa kape!”

Nagpaalam lang si Fierro sa kanila pabalik. Napatango na lang ako habang pinanonood sila na lumabas ng coffee shop malapit sa university.

“Paano ’yan? Mukhang hindi siya yung hinahanap mo,” sabi ni Fierro habang nakatingin sa akin.

Humarap ako sa kan’ya. “Hindi siya yung na-meet ko noon.”

Umawang ang bibig niya bago tumawa nang mahina. “Oo nga.”

Umiling ako bago humarap nang mabuti sa kan’ya. “Pero siya yung isa sa dalawang d-in-rawing ko. Siya yung matipid ngumiti sa picture na nilagyan ko ng eye-smile sa drawing. Alam kong siya ’yon kahit na yung ayos niya, katulad na katulad ng sa Destinee na na-meet ko noon.”

Umiwas ng tingin ang mga mata niya kasabay ng pagkamot sa ulo.

“Hindi ko maintindihan.” Tumingin siya sa akin. “Bakit sinabi niyang wala siyang kapatid?”

I sighed before sipping from my decaf latte. “Hindi ko alam. Nalilito na rin ako.”

Alam kong kambal sila noong d-in-rawing ko sila. Magkamukha sila, sobra, tapos magkapareho pa sila ng damit. Imposibleng magkamali ako dahil sobrang importante sa akin ng pangyayaring ’yon.

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga.

“Hayaan mo na, huwag mo na masyadong isipin. Kung sinabi niyang wala siyang kapatid, baka nga hindi siya ’yon. Tutal, anim na taon na rin yung nagdaan, Calista. Imposible na gano’n pa rin ang itsura nila mula noon hanggang ngayon.”

Napanguso ako bago humihop sa kape ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa kasi hindi nangyari ang inaasahan kong mangyari.

At hindi ko nakita yung taong matagal ko nang ipinagdarasal na makita.

Nang maubos namin ni Fierro ang cake at coffee namin, naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep pauwi, tutal, marami pa kaming gagawin.

“Kumusta yung PerDev mo?” tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. “Matatapos na.”

Ngumiti siya. “Very good.”

“Ikaw?” tanong ko.

Ngumisi siya. “Tapos na.”

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malawak na pagngiti. “Talaga?! Ang bilis, ah!” We laughed. “Anong nilagay mo sa ‘where do you see yourself in five to ten years?’”

Tumawa siya bago ginulo ang buhok ko. “Secret. Malalaman mo rin soon.” Ipinatong niya ang kanang kamay sa kanang balikat ko pagkatapos.

Napanguso ako bago humawak sa baywang niya. “Malapit na pala finals, ’no?” I sighed. “Saan ka mag-OJT?”

Lumingon siya sa akin. “Kung saan ka mag-OJT.”

Ngumiti ako. “Talaga?”

Yumuko siya para patakan ako ng mababaw na halik sa labi. “Talaga.”

Tumawa ako kasabay ng paghampas sa kan’ya dahil sa naging epekto ng ginawa niya sa akin. Ilang sandali pa, may huminto ng jeep sa harap namin kaya sumakay na kami kasabay ng mga college student na kasama naming naghihintay kanina.

Habang bumabyahe pauwi, sinabi ko na kay Fierro ang mga nasa isip ko simula pa kanina.

“May sasabihin ako.”

Tumingin siya sa akin. “Ano?”

Nagbuntonghininga ako bago ngumiti. “Yung pagkuha ko ng course, nakadepende sa resulta ng scholarship test natin.”

Napakunot-noo siya. “Anong ibig mong sabihin?”

Suminghap ako bago sumandal. “Mahirap yung test natin, sa totoo lang. Hanggang ngayon, 50-50 pa rin ang chance kung papasa ako o hindi kasi marami talaga akong hindi alam. Kaya naisip ko . . .” Lumingon ako sa kan’ya. “Kung makakapasa ako at makakakuha ng full scholarship, itutuloy ko ang Fine Arts. Kung hindi ako makapasa, susundin ko yung gusto ni Mommy.”

Nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kan’ya pagkatapos dahil ayaw kong mahalata niya na hindi ko talaga gusto itong desisyon ko. Pero bago pa man ako umiwas ng tingin sa kan’ya, nakita ko na ang pagkurap at paglunok niya na parang alam na niya ang sasabihin ko.

“Hindi mo kailangang gawin ’yan. Sundin mo ang gusto mo. Calista, buhay mo ’yan. Susundin mo yung mommy mo tapos habang-buhay kang mabubuhay sa buhay na hindi mo gusto?”

Tumawa ako nang mahina bago pinindot ang ilong niya. “I’m just being fair to my decision-making. At least, dito, may choice talaga. May stake—may consequences. At may tension kasi hindi ko alam anong mangyayari at anong mapipili ko.” I chuckled.

He sighed before leaning his back too and closing his eyes. “Sabagay. Sigurado rin naman akong makakapasa ka sa scholarship—makakapasa tayo.”

Tumawa ako. “Kapag lumabas na yung resulta, saka ko na sasabihin kay Mommy.”

Bahagya niyang iminulat ang mga mata saka gumiti sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin.

“Calista, may hiling ako.”

“Hmm? Ano?”

Umalis siya sa pagkakasandal saka mas lumapit sa akin. “Magtiwala ka sa akin.”

Napakunot-noo ako bago tumawa. “Of courss. May tiwala ako sa ’yo, ’wag kang mag-alala, okay?”

Ngumiti siya. “Baka maging busy kasi ako. May mga araw na hindi ako makakapasok. Babalitaan na lang kita kapag ayos na, ha?”

Napanguso ako. “Hindi mo ba p’wedeng sabihin ngayon?”

Umiling siya. “Baka ma-jinx, eh.” He laughed. “Basta magtiwala ka sa akin.”

Tumango-tango na lang ako bilang tugon. “Dahil sinabi mo, magtitiwala ako sa ’yo. Basta ipangako mo sa akin na hindi ka mapapahamak sa ginagawa mo at maayos ka lang palagi, ha?”

Ngumiti siya bago hinalikan ang likod ng palad ko. “Okay na okay ako dito, Calista. Basta magtiwala at maniwala ka lang sa akin, maayos na ako.”

I smiled. “Okay, then. I will trust and believe in you.”

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa bumaba na kami sa harap ng village. Naglakad kami papasok at inihatid niya ako pauwi.

“Pasok ka muna?” tanong ko.

Umiling-uling siya. “Marami pa akong gagawin at aasikasuhin. Pero kung gusto mong magkita mamaya, p’wede naman.”

Ngumiti ako bago umiling. “Hindi na. Magkita na lang tayo bukas at gawin mo na lahat ng dapat mong gawin para masolo na ulit kita.”

Tumawa kaming dalawa.

“O, sige na. Pumasok ka na,” he said.

Tumango ako bago kumaway sa kan’ya. “Mag-ingat ka, Fierro. See you tomorrow!”

He smiled. “Tatawag ako mamaya.”

Tumango ako bago pumasok saka isinarado ang gate.

Continue Reading

You'll Also Like

36.1K 725 32
How #1 of How Trilogy Paano ba magmahal? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Para ba it...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
4.7K 376 63
|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already de...
3.7M 73.7K 67
|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. ...