Love At The Coffee Shop

By marisswrites

6.1K 257 23

|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though... More

Love At The Coffee Shop
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Finale

Chapter 35

74 2 0
By marisswrites

   

Hindi ako pumasok sa school. Pinatay ko rin ang cellphone ko dahil sigurado akong tatawag nang tatawag si Fierro, pati sina Frieda at Mona para tanungin kung ayos lang ba ako at kung bakit hindi ako pumasok. Sa ngayon, ayaw ko na munang makipag-usap sa kahit na sino dahil pakiramdam ko, sobra-sobra yung naging bigat ng dibdib ko dahil sa mga narinig kay Mommy.

Huminto ako sa harap ng bahay ng isa sa pinakamalapit na tao sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong schedule niya ngayon pero sana, nandito siya. Sana, mamaya pa siya papasok.

Lumunok muna ako bago pinindot ang doorbell. Hindi na ako naghintay nang matagal dahil ilang sandali lang, pinagbuksan na ako ni Tita Luna.

"Oh, Calista, anak! Kumusta? Napadalaw ka?" nakangiting pagbati sa akin ni Tita Luna—ang mama ni Solari.

Mabilis na nangilid ang mga luha ko dahil simula noon, ramdam na ramdam ko kung paano niya ako alagaan. Sa tuwing may problema rin kami ni Mommy simula last year, dito rin ako nagpupunta dahil dito ko lang nararamdaman na may pamilya ako kapag wala ako sa bahay.

"Tita Luna . . ."

Oras na banggitin ko ang pangalan niya, nawala ang mga ngiti sa labi niya. Yumakap ako sa kan'ya at saka humagulgol sa balikat niya. Niyakap niya naman ako pabalik habang pinapakalma, hindi nagtatanong sa kung anong nangyari at bakit ako umiiyak sa harap niya.

"Halika, pumasok ka muna, nasa loob si Solari."

Kumalas ako sa yakap saka tumango bago kami sabay na pumasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok ko, nakita ko kaagad si Solari na kumakain ng breakfast niya, mukhang nagulat pa nang makita ako.

"Calista!" Tumayo siya at mabilis na pumunta sa akin. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya bago ako niyakap.

Yumakap ako sa kan'ya pabalik. "Ayaw sa akin ni Mommy. Ayaw niya sa akin."

Lalong bumuhos ang mga luha ko matapos kong sabihin 'yon.

Kahit gaano ako nasaktan ni Mommy sa pagpilit niya sa akin na kuhanin ang kursong gusto niya, hindi ko kailanman siya inayawan dahil alam ko, bilang ina, marami rin siyang isinakripisyo para sa akin. Gusto kong ma-appreciate 'yon at palagi kong inaalala 'yon sa tuwing nagkakaroon kaming dalawa ng alitan.

Pero ngayon . . . kahit paano ko alalahanin yung mga araw na naging masaya kaming dalawa bilang ina at anak . . . hindi mawala yung sakit at hindi ko makalimutan lahat ng masasakit na narinig ko sa kan'ya kaninang umaga.

"Bakit mo naman sinasabi 'yan? Hindi naman siguro totoo 'yan," sabi niya.

Umiling ako nang umiling pero hindi na nagsalita pa. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa kumalma na ako. Pinaupo niya ako bago ako binigyan ni Tita Luna ng maiinom.

Napalunok ako nang makita na 7:15 a.m. na. May klase pa si Solari.

"P-Pumasok ka na, Ate . . . baka ma-late ka pa."

I have already got rid of calling her ate kasi hindi niya naman ipinaramdam sa akin kahit isang beses na mas matanda siya sa akin. She was the best cousin for me . . . and my best friend. Calling her ate only happens when I feel guilty about something.

Umiling siya. "Ayos lang ako, mamaya pa namang 9 a.m. ang pasok ko. Maaga lang talaga akong nagising."

Tumango ako. Ilang sandali pa, naupo si Tita Luna sa kabisera ng lamesa, pinananatili ang tingin sa akin.

"Tungkol na naman ba 'to sa course mo?" Hindi ako nakasagot. Nagbuntonghininga siya. "Bakit ba hindi na lang bitiwan ni Celestine ang tungkol sa bagay na 'yan? Bakit hindi ka na lang niya suportahan sa gusto mo?"

Nangilid ang mga luha ko bago sumagot. "Wala raw pong pera sa art . . . at ako raw po ang may kasalanan kung bakit hindi natupad ang pangarap niya. Sinira ko raw ang buhay niya."

Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko matapos maalala kung gaano kasakit ang naramdaman ko noong sinabi ni Mommy sa akin 'yon kanina. Uminom ulit ako ng tubig.

"Kailan sinabi 'yan sa 'yo?" tanong ni Solari.

"Kanina lang." I sniffed. "Binigyan niya kasi ako ng deadline na hanggang ngayon na lang daw ako p'wedeng mag-decide tungkol sa course. Pinaglaban ko yung gusto ko at sinabi ko sa kan'ya yung mga paraan para mapag-aral ko yung sarili ko. Nagalit siya at sinampal ako tapos . . ." Nanginig ang mga labi ko. "S-Sinabi na niya lahat ng masasakit na salita na hindi ko inaasahang marinig mula sa kan'ya."

Sinubukan kong pigilan ang muling paghagulgol pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko matanggap lahat ng mga salita ni Mommy. Hindi ko kayang sikmurain kaya ngayon, parang nagagalit ako sa sarili ko.

"Ano po bang nagawa ko para magalit siya sa akin nang gano'n?" I sobbed. "Sa lahat ng sinabi niya kanina, parang . . . parang nagsisisi siya na pinanganak ako, Tita Luna. Parang nagsisisi siya na naging anak niya ako—na naging magulang ko siya."

Narinig ko ang mahabang buntonghininga ni Tita Luha bago hinawakan ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakita ko ang malulungkot niyang mata na nakatingin sa akin. Si Solari naman ay patuloy sa paghagod ng likod ko.

"Sa totoo lang kasi, mahirap din yung pinagdaanan ng mommy mo. Pero hindi tama yung mga ginagawa niya sa 'yo—yung mga sinabi niya sa 'yo. Wala kang kasalanan. 'Wag kang makinig sa kan'ya. Wala kang ginawang mali. Inosente ka, Calista. Maniwala ka sa akin."

Napakunot-noo ako sa mga sinabi ni Tita Luna.

Bigla kong naalala, matagal na silang mag-boyfriend ni Tito bago sila nagpakasal. Kung gano'n, posibleng kakilala rin ni Tita Luna si Mommy simula pa noon at baka may alam siya sa mga nangyari kung bakit ganito siya ngayon. Bakit hindi ko kaagad naisip 'to noon?

"Bakit, 'Ma? May alam ka?" tanong ni Solari bago naghila ng upuan sa tabi ko saka naupo. "Chika mo naman sa amin."

Suminghot ako. "P-Pwede ko po bang malaman? Matagal ko na kasing kinukwestiyon ang sarili ko—kung may nagawa ba ako sa kan'ya at kung bakit galit na galit siya sa akin sa tuwing sinasabi kong ayaw kong maging doctor."

Sunod-sunod na napalunok si Tita Luna bago nagsalin ng tubig sa baso niya saka uminom. Pagkatapos n'on, nagbuntonghininga siya.

"Yung mommy mo kasi, bata pa lang, pangarap nang maging doctor. Gusto raw niya na maranasan mag-opera. Gusto niyang maranasan lahat ng nangyayari sa hospital para makapagligtas ng buhay."

Tahimik akong nakinig sa kwento ni Tita Luna tungkol kay Mommy.

"Bata pa lang, pinag-iipunan na ng tito mo ang pag-aaral niya sa med school. Invested siya kasi matalino si Celestine. Lagi siyang top one sa klase at g-um-raduate siyang valedictorian noong elementary at high school. Kaya noong nag-college, nag-take kaagad siya ng pre-med course niya na BS Biology."

Tumango-tango ako. Nakita ko si Solari na ch-in-eck ang oras sa suot niyang relo bago muling itinuon ang atensyon sa mama niya.

"Eh, kaso, pagkapasok niya ng college, nakilala niya itong daddy mo. Classmates sila. Pareho sila ng course at pareho silang matalino. Nagtutulungan sila sa pag-aaral at lagi silang may pinakamataas na score sa exams at quizzes. Hanggang sa nanligaw ang daddy mo at sinagot naman ni Celestine."

Kinamot ni Tita Luna ang leeg niya—mukhang nag-aalangan kung itutuloy pa ba ang kwento.

"Tapos po? Ano? Tapusin n'yo na po since nasimulan n'yo na naman. 'Wag po kayong mag-alala kay Mommy," sabi ko.

Nagbuntonghininga si Tita Luna bago itinuloy ang pagkwento.

"Kaso . . . mapusok kasi ang dalawang ito. May nangyari sa kanila, isang beses. Itong mommy mo, nabuntis kaagad. Hindi pa tapos ang second semester ng first year niya sa college. Nabuo ka, Calista."

Napalunok ako dahil mukhang alam ko na kung anong susunod dito. Nagkaroon na ako ng kutob sa kung ano pa ang mga susunod na mangyayari kahit na 'yon pa lang naman ang sinasabi ni Tita Luna.

"Gusto ng mommy mo na . . . ipalaglag ka. Kasi hindi niya kayang isakripisyo yung pangarap niya para sa bunga ng isang beses na kuryosidad nilang dalawa . . ."

Panibagong mga luha ang nagsiagos sa pisngi ko matapos marinig 'yon.

"Pero hindi pumayag ang daddy mo. Pinaglaban ka niya hanggang sa dulo. Gustong-gusto ng daddy mo na ituloy ni Celestine ang pagbubuntis sa 'yo kasi mahal na mahal niya ang mommy mo. At hindi niya kayang kumitil ng buhay na hindi pa man din naipapanganak sa mundo."

Sunod-sunod na hikbi ang lumabas sa bibig ko.

"Nalaman ng mga lolo at lola mo ang tungkol sa pagbubuntis ni Celestine dahil sinabi ng daddy mo. Nalaman ng kuya niya—ng papa ni Solari. Nalaman din ng pamilya ng daddy mo. Kaya ang buhay ng mommy mo noon, parang kalaban niya ang buong mundo. Sa huli, ikinasal silang dalawa at itinuloy ni Celestine ang pagbubuntis sa 'yo—"

"Dahil wala siyang choice," sabi ko sa nanginginig na boses.

"Maaring gano'n pero . . . base sa kwento ng asawa ko, pagkatapos daw ng checkup, si Celestine na ang nag-decide na ituloy ang pagbubuntis sa 'yo. Noong una, siguro nga, wala siyang choice. Pero siguro, noong narinig na niya ang heartbeat mo, baka naramdaman niya yung connection n'yong dalawa."

Kahit na may sense yung paliwanag ni Tita Luna, hindi ko magawang kumalma at hindi mabawas-bawasan ang sakit dahil parang ngayon, naiintindihan ko na kung bakit galit na galit si Mommy sa akin sa tuwing sinasabi kong ayaw kong maging doctor.

Pinaubaya niya ang pangarap niya para mabuhay ako—at wala siyang kakampi sa panahong 'yon. Mag-isa lang siyang lumalaban para sa pangarap niya. At pakiramdam ko ngayon . . . tama siya na ako nga ang sumira ng buhay niya.

"P'wede naman niyang ituloy ang pag-aaral after a few years, ah?" tanong ni Solari.

Nagbuntonghininga si Tita Luna.

"Yun nga rin ang sinasabi ng papa mo, Solari. Kaso, simula nang maikasal na nga itong si Celestine kay Darwin, doon na nakatira 'to sa poder nila. Pagkapanganak ni Celestine, siya ang nag-alaga kay Calista. Gustuhin man niya na mag-aral ulit, hindi niya magawa dahil may anak na siya—at sabi ng mga magulang ni Darwin na siya ang dapat na mag-alaga sa bata dahil siya ang ina. Sa huli, walang nagawa si Celestine kung hindi ang tanggapin ang kapalaran niya—na maging isang ina at hindi maging isang doktor."

Sumakit ang loob ko sa huling sinabi ni Tita Luna. Hindi ko ma-imagine na pinagdaanan ni Mommy lahat ng 'yon dahil lang sa pagiging traditional nina Lolo't Lola tungkol sa pagiging ina.

"Sayang naman. Sa totoo lang, ang yaman nila. Bakit hindi nila kinuhanan ng yaya si Calista habang lumalaki na?" tanong ni Solari.

Nagbuntonghininga si Tita Luna. "Dahil ayaw ng mga lolo't lola ni Calista na lumaki siya nang hindi naalagaan nang mabuti ng ina. At medyo may discrimination talaga sa pamilya nila noon—na kapag babae ka at may asawa't anak ka, dapat nasa bahay ka lang."

"Weird! Ginawang slave ang kababaihan para maglingkod sa kalalakihan! Mabuti na lang, hindi gan'yan ang parents n'yo ni Papa!"

Gustuhin ko man na magtampo kay Solari dahil sa side comments niya sa grandparents ko, hindi ko magawa dahil sa totoo lang, kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang vibes sa side ng family namin na 'yon. Kaya masaya ako noong nalaman ko na dito na kami titira simula noong grade ten ako.

Nakakainggit si Solari. Kahit wala dito si Tito—ang papa niya—hindi ko naman maramdaman na may kulang kasi parang ang perpekto ng samahan.

"Kaya, Calista, 'wag mong isipin na kasalanan mo ang lahat kung bakit nangyari 'yon sa mommy mo, ha? Walang may kasalanan sa inyo. Biktima ka—kayo ng mommy mo. Kaya kung mayroong nagdadamayan dito, dapat kayong dalawa 'yon."

Naalala ko rin lahat ng sorry ni Daddy sa akin. Bawat paghingi ng tawad niya dahil nagsa-suffer ako sa pamimilit ni Mommy at kung paano siya maging sunud-sunuran sa bawat desisyon ni Mommy.

It all makes sense now.

Maybe . . . just maybe . . . if I weren't born, my family's misery wouldn't ever happen in the first place.

***

This chapter is raw and unedited. Please bear with the errors. Thank you!


Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 15 1
Crescent Park Series #2 She's bad at love-that's the only reason Consuelo can think why all the boyfriends she had broke up with her. At nang makabal...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2M 92.1K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...