Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Eight

285K 3.9K 1.4K
By Alesana_Marie

Chapter Eight

"Isa pa nga pong order ng parfait supreme!" sabay na naman na sigaw ng 'Crazy Trios'.

Psh! Ang akala ko ba nagda-diet sila? Kaya nga hindi sila kumain ng lunch eh. Pang-apat na order na yata nila yan. Grabeh nakakahiya talaga sila kasama. Samantalang ako, hindi ko pa tapos itong unang order.

"Bunch of wusses, I'm gonna f*ckin' kill all of them if that's what they f*ckin' want," galit na sabi ni TOP habang mukhang papatay.

Kung tingnan nya yung parfait nya ay parang matagal na nya itong kalaban at plano nyang patayin. His angry face is enough to make me pee in my pants. Sino naman kaya ang kaaway nito? Sigurado akong lagot yun.

"Wala naman silang magagawa dahil wala dito ang boss at kanang kamay. Tsk! Gusto lang talagang magpasikat ng gag*ng yun," naka-smirk na sabi ni Red at kinain ang kanyang parfait.

"F*ck! Those f*ckin dogs should f*ckin' know who they're f*ckin messing with!" he glared at his parfait again then slammed his fist into the table causing me to jump.

"Hwag kang mag-alala," masayang sabi ni Red na patuloy sa pagkain ng parfait.

"Ano ba ang pinag-uusapan nyo? Teka nga, makikipag-away na naman ba kayo?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"Hindi Sam! May laban lang kasi kami sa basketball bukas ng hapon," nakangiting sabi ni Red habang may kutsara sa bibig.

"Talaga? Pwede ba kaming manuod?" tanong ko.

"Uhh. Eh." tumingin si Red kay TOP.

"No," sagot ni TOP.

"Hindi pwede? Bakit naman?"

Hindi sya sumagot at tinignan lang ako nang masama.

"Maglalaro na naman ba kayo ng basketball?" biglang sumulpot ang kakambal ni TOP. Ano nga pala ang pangalan nya? Sweety.

"Yeah," sagot ni TOP.

"Okay! Kayo sana ang manalo!"

"When did we ever lose?" naka-smirk na tanong ni TOP sa kapatid.

"Alam ko naman eh, gusto ko lang sabihin yun!"

***

"You can't meet me tomorrow," sabi ni TOP.

Nandito kami sa tapat ng bahay namin ng 'Crazy Trios'. Nasa loob na ang tatlo, naunang pumasok dahil sa sakit ng tyan nila. Ang dami ba naman kasing ice cream na kainin. Gusto pa nila iba't-ibang flavors. Sino ang hindi sasakit ang tyan sa ginawa nila? (−_−;)

"Who said I wanted to meet?" nakahalukipkip na tanong ko.

"Don't talk back!" bigla nyang pinitik ang noo ko.

"ARAY!" hinawakan ko ang noo ko. "Meanie."

"Retard," he looked at me straight in the eye causing me not to look away. His beautiful grey eyes, so captivating. He's so perfect.

BEEEEEEEEEPP!!!

Napatalon kami pareho ni TOP nang may marinig kaming malakas na tunog. Tumingin kami sa direksyon na pinanggalingan at nakita ang kapitbahay namin. Isang babae at lalaki na kasing edad ko. Malapit ang mga mukha nila sa isa't-isa.

"OH MY GOSH!!" malakas na sabi ko at tinitigan ang dalawa. Kilala ko sila!!

"What? What is it?" tanong ni TOP at tumingin din sa dalawa.

"Isn't he dreamy?" I sighed.

"What the f*ck did you say?!"

"He's so handsome," nakatingin pa rin ako kay Daren. Yeah, ang swerte naman ni Louie.

Sina Louie at Daren ang kapitbahay namin. Sa tingin ko malapit na silang maging SILA.

"F*ck it! I'm hotter!"

"I know. He's totally hot!" Not listening to TOP.

"He's a wuss I'm more good looking!!" he yelled.

"He is not a wuss!"

"Yeah he is! Didn't you see that wuss kiss that retard? Man, it was lame! Hella quick!" he smirked.

"You were watching them kiss?!"

Sila na nga?! Malulungkot ang Crazy Trios! Taken na ang crush nila!

"Yeah, why? You wanna do that too?" he smirked.

Stupid Rude Jerk! You can't ask a girl like that! Just do it! Huh?

"Psh, why would I want to kiss you?! I'm not even sure if you can kiss!"

"Oh, is that an invitation?" he smirked wider then took a step closer.

What?! Napakurap ako habang nakatingin sa gwapo nyang mukha na bahagyang nakangiti sa akin. Inaakit nya ako!

He's coming closer and closer and closer and closer. Naamoy ko na naman ang pabango nya. Pero parang mas matapang yata sa ilong ang pabango nya ngayon. Parang nakakaba—

"AAACCHHOOOO!" I accidentally bumped my forehead to his nose.

"Aw! What the f*ck!" he screamed then covered his nose with one hand. "F*ck shit!!"

Mukhang ang sakit nga nun. Ehehehe!

"Oopps?" I bit my lip while watching him curse. Hindi ko naman sinasadya eh.

"Oopps?! Do you wanna die?!" he glared at me and he kept cursing and cursing.

Wow. Nakakamangha sya sa dami ng alam nyang cuss. Isa syang tunay na cuss machine. Masakit siguro talaga ang ilong nya.

"Hah! That's what you get for trying to steal a girl's first kiss! Stupid gangster!"

"Say that again and you're dead," his expression, it's beyond scary.

"Y-You dont scare me!" I said, my voice shaking. Yeah! I'm not scared of you! Really, I'm not!

"Do you want to get... beat?"

Waahh!! I'm not scared of you! So, dont look at me like that! What? Beat?! NO! Ayokong pumangit! Pano na ang status ko sa school?! Magiging outcast ako!

Click! Snap! Nakita ko nalang na may sinindihan na sigarilyo si TOP. Agad ko iyong inagaw at tinapakan sa sahig.

"Ilang beses ko ba na sasabihin na masama ang manigarilyo?" patuloy parin ako sa pagtapak sa stick.

"What the hell is your problem? Shit!" kumuha ulit sya ng sigarilyo at muling sinindihan.

"Sabi nang masama nga yan eh!" inagaw ko ulit at kinuha ko na rin ang buong pakete at itinapon sa kung saan.

He looked at me with dark expression. Uh-oh! Ang talim nya tumingin. Swallow. Stare. Swallow. Stare.

"Why the f*ck did you do that?"

"B-Because." Waaahh! Ano dapat ang sabihin ko? Concerned ako? Ayoko nga.

"What? You f*ckng what? Huh?" he cussed. "F*ckn stupid bitch," he muttered under his breath.

I looked at him, shocked. Pano nya nasabi sakin yun?! Ako na nga itong nag-aalala sa health nya tapos sasabihan pa nya ako nang ganun?! Ang lalaking ito! WALANG PUSO!

"Sorry ha," I said coldly. "Pasensya ka na kung nakialam ako. Concerned lang naman ako sa health mo. Sorry sa pag-aalala at sorry dahil itinapon ko yung sticks mo! Don't worry sa susunod hindi na kita papakielaman pa. Hindi na talaga ako makikialam pa sa buhay mo kahit na kailan!"

Ewan ko kung bakit napaka-sensitive ko ngayon. Siguro kasi malapit na period ko? Malapit na akong maiyak!

"Alam mo, sayang eh... ang lapit na sana.. konti nalang..." sabi ko at tinalikuran na sya para pumasok sa loob. Isinarado ko ang gate pagkapasok ko at tumuloy na sa loob ng bahay.

Konti nalang at mahuhulog na ako... Huh? Aist! UNDO! UNDO! I hate him! Nasaktan talaga ako sa sinabi nya. Buong gabi wala akong ginawa kung hindi ang umiyak. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako. Iyon na yata ang unang beses na umiyak ako dahil sa walang kwentang salita ng isang lalaki. I hate him!

***

"Sam umiyak ka ba?" tanong ni Michie.

"Sino may gawa at paiiyakin din namin?!" sabi naman ni Maggie na acting all tough habang sinusuntok ang kanyang palad.

"Oo, nga!" segunda ni China.

Kung sabihin ko kaya na si TOP? Magtatapang-tapangan pa rin ba kayo? Sigurado ako na bago pa kayo makalapit sa gang leader na iyon ay dadaan muna kayo sa twelve members ng Lucky 13. Tsk! I hate him! I hate him!

"Okay lang ako, nakagat lang ako ng ipis sa mata," pabulong na sabi ko at umarteng nahihiya.

"EEEEWWW!!" sabay na sabi ng 'Crazy Trios' at nagsibalikan na sa kanilang upuan.

Ayokong sabihin sa kanila na umiyak ako dahil nasaktan ako sa mga sinabi ni TOP. Nakakahiya eh. Pumasok na ang instructor at nagpatuloy ang klase habang lumilipad ang isip ko.

Natapos ang klase namin na wala ako sa sarili. Hindi rin ako gaano nakapag-participate sa recitation, puro si Audrey. Haay. Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan kong bumawi sa susunod. Hindi ako pwedeng bumaba sa rank ko. Pagtatawanan ako ni Audrey! Magiging outcast ako at magiging emo! Waah! Ayokong maglaslas!

"Pupunta nga pala kami sa Sweets House ngayon. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Michie sa akin pagkasara ko ng locker ko.

"I have no money today, I think I'll pass," sabi ko. Pero ang totoo baka makita ko lang dun si TOP. Ayoko syang makita noh! Pero sayang yung parfait!

"Kailan ka pa nawalan ng pera Samantha?!" malakas na sigaw ni China.

Lahat ng nasa hallway tumingin sa amin, particularly sa akin. Nagbulungan sila bigla.

"Uy, narinig mo ba yun? Wala na daw pera si Samantha?" - chismosa #1

"Ano? Hindi naman yata kapani-paniwala yan!" - chismosa #2

"Oo nga, diba nangunguna parin ang kompanya nila sa pinaka-succesful dito sa Pilipinas?" chismosa #3

"Ohoho! Look girls, tingnan nyo ang mukha ng isang Samantha na nag-hihirap!" biglang sumulpot si Audrey at ang kanyang mga followers. "Isn't it obvious na mas mayaman talaga ang pamilya ko kaysa sa kanila? Kawawa naman sya, right girls?"

"Yes," they all said in unison.

"Cmon girls, mag-shopping nalang tayo, MY treat! Hindi ko kasi alam kung saan ko gagamitin ang napakarami kong pera," nagmamayabang na tumingin sya sakin.

Nilagpasan nila kami at rinig ko parin ang tawa nya mula sa malayo. Weirdo! Mag-isa na naman ako ngayon uuwi. Siguro naman walang mangangahas na kumidnap ulit sakin.

Lakad.

Tingin sa likod. (">.>)

Walang tao.

Lakad.

Tingin sa kaliwa, wala ulit tao. (<.<")

Lakad.

Tingin sa kanan, walang tao. (">.>)

Lakad.

Lakad.

Lakad.

May narinig akong yabag sa likod ko. Hindi ako lumingon, baka kung sino lang yan. Hwag kang praning Samantha!

Lakad.

Lakad.

Naramdaman kong may nakatingin sakin mula sa likod. Hindi ko parin pinansin. Binilisan ko ang paglalakad.

Lakad. Lakad.

Palapit nang palapit ang yabag na nasa likod ko kaya naman.

TAKBO! TAKBO!

Tumakbo din sya! WAAHH! Sino ba itong sumusunod sakin?! May biglang humila sa braso ko at nakita ko kung sino sya.

"Kumusta ka na Sis?!" masayang bati sa akin ng isang babae na naka-shades at ponytail.

Napahawak ako sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim. Nakakagulat sya! Naka-coat sya na pang-detective at halos umabot ito sa knees nya. Kamukha nya na si Sherlock Holmes dahil may suot din syang hat. Kung hindi lang siguro sya naka-red lipstick at pink nail polish ay hindi ko maiisip na isa syang girl.

"Uhh. Hi? Kilala ba kita?" Hindi ko yata sya kilala.

"Waaah! Sis! Ako 'to!" tinanggal nya ang kanyang shades at tan tananan tanaan!! Ano nga palang pangalan nya?

"Ah! Ikaw pala. Uhh." bakit ba hindi ko matandaan ang name nya?

"Aphrodite, my name is Aphrodite," pakilala nya sa sarili nya. "Pero Sweety ang tawag sa'kin pag nasa cafe! Pasensya ka na nga pala kahapon ha? Ang totoo nyan gusto ko lang kasing makita kung magseselos ka ba o hindi. Actually kinulit ko pa nga ang kapatid ko para lang makilala kita! Nalaman ko kasi na may girlfriend na pala ang little brother ko at nilihim nya kaya naman binlack mail ko sya para isama ka. Hahaha!" bigla nya akong hinampas sa balikat.

"Ahh. Bakit mo naman ako gustong makita?" Aray ko! Ang sakit nun! Paano kaya natagalan ni TOP ang dami ng hampas ng kapatid nya kahapon?

"Ahahaha! Ikaw kasi ang unang girlfriend nya! Eighteen na sya pero wala pang girlfriend. Akala ko nga nababading na ang kapatid ko eh, puro kasi gwapo ang kasama nya! Hahaha! Mabuti naman ngayon eh sure na sure na akong lalaki nga sya! Hahahaha! Salamat dumating ka!" sabay hampas ulit sa braso ko. "Napaka-pihikan lang pala ng kapatid ko, gusto pala nya yung mala-Goddess of Beauty katulad ko! Ang super pretty mo naman little sis! Hahahaha!"

"Ah. Salamat!" Kung anong ikinatahimik at seryoso ni TOP sya namang kabaliktaran ng kakambal nya. Sasabihin ko ba na hindi naman talaga ako girlfriend ng kapatid nya??

"Teka pauwi ka na ba?" naka-smile parin na tanong nya.

*nods* (-_-) (_ _) (-_-)

"Ganun ba? Hindi ka ba manunuod at mag-chi-cheer para kay Timothy?" medyo nabawasan ang smile nya.

Cheer? Ah! May laro nga pala sila ngayon! (>.<) Ayoko ngang makita ang taong yun! I hate him! I hate him! Di ko sya bati! I so hate him!

"I don't think so, he told me not to bother him today and besides—" naputol ang sinasabi ko nang hilahin nya ang kamay ko at naglakad kami sa kung saan.

"Ano ba ang sinasabi mo? Umaarte lang yun, pero ang totoo nyan gusto ka talaga nyang makita!"

"But—"

"Ang swerte mo ngayon alam mo ba? Kasi pwede kitang samahan papunta doon! Makikita mo na rin syang mag-basketball! I'm sure mas lalo kang maiinlove sa galing nya! Hohoho!"

Bakit pakiramdam ko eh, pinlano nya itong mabuti? At gusto nya lang talaga na may makasama sa pagpunta dun? Sigh. Sana pala sumama nalang ako sa 'Crazy Trios' Siguradong nag-papakabusog na sila ngayon sa parfait! Parfait ko!

"Teka Ate, kung nandito ka ngayon, sino ang bantay dun sa shop mo?"

"Si Juniel yung assistant manager ko dun, tara na! Yehey!"

Hinila nya ang braso ko. Napayuko ako at napa-mental face palm. Ano ba yan? Umiiwas nga ako eh!

Nakarating kami sa isang covered court. Ang hirap namang hanapin ng lugar na ito. Mga isang oras yata kami nag-lakad. Nang dumating kami wala pa namang naglalaro pero ang dami ng tao. Ang daming mukhang gangster! At nang pumasok kami sa loob pinagtinginan kami ng mga tao. Kasi naman eh. Ako, suot ko pa ang aking napakagandang uniform at ang kasama ko naman ay naka-dress up bilang detective.

Nang lingunin ko sya, ibinababa nya yung hat nya at parang gusto nyang itago ang mukha nya. Bigla na naman nya akong hinila at naupo kami sa pinaka-tagong bahagi.

Sinasabi ko na nga ba gusto lang nito magpasama sakin eh. Haay.. Tumingin ako sa paligid at nakita na wala pa ang Lucky 13 sa loob. Sa kabilang side naman ay puro maskuladong lalaki na mukhang college graduate na. Nakasuot sila ng red and white na jersey. Sila ba ang makakalaban ng Lucky 13?

"Parang nagugutom ako, gusto ko ng apple!" (*u*) biglang sabi nya.

"Apple ba ang favorite fruit mo?" tanong ko.

"Oo!" masiglang sagot nya. "Pero si Timothy galit sa apples! Hahaha! Kalaban nya ang mga apples! Palagi nyang ibinabato sa malayo. May bad memory yata sya dun eh."

Wow. Ayaw ni TOP ng apples? Ngayon lang yata ako nakarinig na may ganong tao. Ayaw sa apples. Biglang tumahimik ang paligid nang may pumasok sa court ang Lucky 13. Nakasuot sila ng red at black na jersey.

Napapaligiran sila ng kakaibang aura. Katulad nang makita ko silang naglalakad sa school nila ay ganoon din ngayon. Lahat sila parang walang pakialam sa iba. Na parang sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat at walang kahit na sinoman ang maaaring makatalo sa kanila. At syempre nakita ko na naman sya.

Walking with pride and authority just like a King, looking quite hot with his cold hard glare, he said; "F*ck, I'm pissed today so if you wanna live longer just f*ck off."

Anong nangyari sa kanya? Bakit parang sobrang sama naman ng aura na bumabalot sa kanya ngayon? At ang mga mata nya, sobrang cold. Hanggang dito sa pwesto ko nakakatakot syang tingnan. Sino kaya nagpasama sa mood ng halimaw na 'to? Buhay pa kaya 'yun?

"My little brother is so cool! Hmm. Pero bakit kaya mukhang may sumpong na naman sya? Hindi maganda to," sabi ni Sweety. "Wow! Look at those goodlooking guys beside him! Hahaha! I really thought they were his lovers! Hahaha!" she laughed whole heartedly.

Ano kayang reaksyon ni TOP kung malaman nya na iniisip ng kakambal nya na isa syang bading? Siguradong rumble ito!

"Mukhang mag-uumpisa na oh!" Nakatutok na naman ang kanyang binoculars sa mga players.

"Bakit ba tayo dito sa tago pumwesto? Doon nalang kaya tayo sa unahan? May mga unoccupied seats pa naman oh."

"Huh?!" bigla syang nagpanic. "Ano kasi! Ayaw ko matamaan ng bola! Oo, yun nga! Kaya dito nalang tayo sa malayo!" medyo lumakas ang boses nya tapos namula ang buong mukha nya at nag-iwas ng tingin sakin.

Bigla ko tuloy naalala si TOP. Ganito din ang reaksyon nya tungkol sa strawberries. Hmm. Akalain nyo yun, may pagkakatulad pa pala ang dalawa. Parehas silang inosente sa pag-sisinungaling. Kitang kita kapag nag-sisinungaling sila, hahaha! Hindi katulad ko, na-master ko na ang arts of deceiving!

"May tanong ako, marunong ba mag-luto ang kapatid mo?"

"Aba! Oo naman! Parehas kaming tinuruan mag-luto ni Nanay Mami noon nung nasa bahay pa sya. Alam mo ba na mas magaling pa syang magluto sa head cook ng hotel namin?" masayang kwento nya.

Eh ano kaya yung strawberries?

"Ano ang favorite fruit ng kapatid mo?" tanong ko.

"Strawberries!"

"Ahh. Talaga?" kung ganon tama ang hinala ko. (。-_-。)

Sya nga yung lalaking naka-strawberry apron nung nasa condo nya ako. Hahaha! Kakatawa naman! Kaya pala sya sigaw ng sigaw non! Denial king ka TOP!

"Uuuyy! Ngumingiti na sya! Bakit? Mas lalo ka na bang naiinlove sa kapatid ko?"

"Haaaa?"

"Hwag kang mag-alala! Secret lang natin dalawa ito! Hahaha!" Inilagay na naman nya ang kanyang binoculars.

Nag-umpisa na ang laro. Jump ball nakuha ng mga Lucky 13 ang bola. Si Chinito boy ang may hawak sa bola, nalagpasan nya ang nag-babantay sa kanya at lumapit sa ring para mag-shoot, pero may humarang sa kanyang malaking lalaki at binunggo sya. Nakuha nito ang bola at dinala sa kabilang side para mag-shoot. Ang akala ko bibigyan ng foul ang bumunggo kay Chinito boy pero walang nangyaring ganun! Oh my gosh! Isa nga kaya itong underground battle?

PUK!

BLAG!

BLAG!

Nagkakapisikalan na sa laro pero wala ni isa sa kanila ang nagreklamo. Kapag may bumabagsak sa sahig na player tinutulungan ng ka-teammate nya sa pagtayo at muli na silang babalik sa game. Ilang beses na rin natamaan si TOP. Minsan sa mukha o sa likod o sa dibdib pero hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha nya. Emotionless. Hindi siya nagpapakita ng sign na nasaktan sya. Pero bukod doon sya parin ang may pinakamaraming naipasok na bola sa ring.

Napapatayo na nga ako sa sobrang excitement lalo na kapag mukhang hindi papasok ang bola pero pasok din pala. O kaya naman kapag nasa kalaban na team ang bola. Grrr! Nakakainis talaga! Ang laki ng mga katawan nila kaya madali silang maka-shoot! Kaasar! 22-38 ang score. Lamang pa rin ang Lucky 13.

"UGH! DARN IT!" napasigaw ako nang maka-score na naman ang kabilang team. Kakainis naman oh! Three point shot pa! 25-38 na!

"GO TIMOTHY!!! KAYA MO 'YAN!!!" todo naman sa pag-cheer ang kapatid ni TOP.

Natulala ako sa suot nya. Nakapang-cheer syang damit at may hawak pa syang pompoms! Kanina binoculars ngayon naman pompoms! WAAHH!! Kaya naman pala balot na balot sya kanina. Yun pala ang suot nya sa loob! Ang dami sigurong bulsa sa loob ng coat nya na 'yon!

"GO TIMOTHY GO GO GO!!!!" gumawa pa sya ng ibang cheer dance steps.

Aaminin ko ang cute nya parin kahit may pagka-weird. Bigla naman napatingin sa direksyon namin si TOP.

Nanlaki ang mga mata ni TOP nang makita nya ang kapatid nya na todo parin sa pagsayaw. Lumipat naman ang tingin nya sa'kin tapos bigla syang umiwas.

Teka! Galit ba sya? Dapat ako yung galit ah! Σ(・□・;)

Sablay...

Sablay...

Sablay...

Ano ba ang nangyayari kay TOP at puro sablay na ang tira nya? Kaasar! Bakit ganon? Eh kanina naman walang kahirap-hirap na nakakapag-shoot sya kahit na ang higpit ng bantay sa kanya. 55-4O na ngayon ang score. Lamang na ang kalaban. Si Red na nga lang yata at iba pa ang nakaka-score.

"Uwah! Ano'ng nangyayari kay baby brother? Nawalan sya bigla ng focus. Why oh why?" tanong ni Sweety sa sarili nya. Nakasuot na sya ng coat ngayon at gamit na naman ang kanyang binoculars. "Alam mo kasi nawawalan lang ng konsentrasyon sa laro si Timothy kapag kinakabahan sya. At dahil madali syang mainis naaapektohan nito ang mga galaw nya. Dahil don kaya hindi sya makapaglaro ng maayos."

"Kinakabahan? Bakit naman kaya sya kakabahan?"

Sobrang bilis, na akala ko nga hihiwalay sa ulo ang leeg ni Sweety, tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Good question! Samantha, nauuhaw na ako!" nag-pout sya habang naka-puppy-dog-eyes sa akin. "Pwede mo ba akong ibili ng mineral water?"

Hindi ko akalain na may mas iku-cute pa pala si Sweety! Over Over! Bukod don, sa tingin ko tinablan ako ng technique na yun kaya naman pumayag ako agad.

Lumabas ako ng covered court para bumili. Tingin sa kanan, walang tindahan. Tingin sa kaliwa, wala din. Naglakad pa ako at naghanap pero wala talagang tindahan dito. Siguro kasi tago at nakakatakot ang lugar na ito. Napatingin tuloy ako sa paligid. Walang tao at madilim. Mapuno. OMG! Wala naman sigurong mumu dito diba?

Mabilis akong lumakad pabalik sa covered court. Actually mukha syang malaking gymnasium. Sino naman kaya ang nagpagawa nito at dito pa sa malayo sa kabihasnan? Nag-hiyawan na sa loob at nakita ko si Sweety na balik na naman sa kanyang cheer dance.

"WOOHOOO!! GO GO GO TIMOTHY!!" sigaw nya.

Napatingin ako sa mga naglalaro at napansin na balik na ulit sa game si TOP. Nakakapag-shoot na ulit sya. Biglang bumagsak ang balikat ko. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinalabas ni Sweety para bumili. Mukhang galit talaga si TOP sa'kin. Ano ba ang nagawa ko sa kanya? Eeesh! Ang hirap intindihin ng mga lalaki!

"WAY TO GO TIMOTHY!"

Naipasok ni TOP ang three point shot kaya naman nanalo ang team nila. Nag-cheer ang mga tao. Sila parin ang champion. Napa-buntong hininga nalang ako. Bakit pa ba ako nandito? Pinuntahan ko si Sweety sa pwesto nya. Masayang masaya sya sa result ng game.

"Hey, Sis! Nakita mo ba yun? Ang galing talaga nya hindi ba?" excited na kwento nya.

"Yeah, uh Sweety, kailangan ko nang umalis. Baka kasi nag-aalala na sa'kin ang mga kasama ko sa bahay eh," paliwanag ko.

"Pero hindi ka ba sasama sa celebration ng team? I'm sure—"

"Naku hindi na. Kailangan ko na talagang umalis."

"Pero sis.."

"See ya!" tumakbo na ako palabas ng court bago pa nya ako mapigilan.

Haay. Bakit ba parang ang lungkot ko? Ang totoo nyan gusto ko syang makita pero... Eh?! Ano ka ba Samantha? Bakit ang weird mo ngayon? Hwag ka ngang emo. Eh ano naman kung galit sya sa'yo? Oo nga pala, bakit naman kaya sya galit sa'kin? Dahil ba inaway ko sya kagabi? Yun ba? Psh! Sya pa may ganang mag-tampo. Ako nga dapat yun eh!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pauwi sa village namin. Ano kayang oras na? Napatingin ako sa relo ko, 9pm. Nakupo lagot na ako nito! Siguradong lagot ako sa tatlong baliw na yun! Ano kayang sasabihin kong dahilan kung bakit gabi ako nakauwi?

"Psst!" may tumawag mula sa likod ko. "Psst! Sexy! Hahaha!"

May sumusunod sa akin!! Hindi ko pinansin at binilisan ko ang lakad ko.

"Hi Miss Sexy!" tawag ng lalaking nasa likuran ko. Tapos sumipol sya.

"Looking fiiiiine baby!" Kasunod nun may narinig akong tawanan.

HOLY SHIZ! Ang dami yata nila. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman mas binilisan ko lang ang lakad.

"Damn slut, stop playing hard to get—AHHH!" sumigaw yung lalaki. Then may narinig akong tunog na parang may natumba.

Nang lingunin ko. Nakita ko nalang na nakahiga na sa sahig ang tatlong lalaki at namimilipit sa sakit. Tapos nakita ko sya. Ano'ng ginagawa nya rito?

*LUB.DUB.LUB.DUB* WAAH! Ano'ng ginagawa nya rito? Bigla syang lumapit sa'kin.

"How.." Umiwas ako ng tingin kay TOP. Yung tingin nya kasi. Ewan ko ba, biglang may nagbago sa amin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman, naglakad na lang ulit ako.

"I'll walk you home," narinig kong sabi nya.

"You dont have to," sabi ko at naglakad na ulit. Ano ba ang sinasabi nya? Akala ko ba war kami? (>.<)

"I'm not asking for your permission. I'll walk you home whether you like it or not," he started walking in front of me. Psh!

Stupid Bipolar Gangster!

(<__<") tingin sa kanan

(">__>) tingin sa kaliwa

(>__<) ayoko syang tingnan! PERO!! Ang sexy ng likod nya! At ang sexy ng lakad nya. Pang model!

Ugh! Sa loob ng mahabang oras walang imikan na naganap sa pagitan namin. Hindi naman awkward kasi buong oras nakatingin lang ako sa likod nya. Hindi ko sya pinagnanasahan! Ina-admire ko lang sya! Hindi ako guilty! Maganda lang talaga porma nya! Sobrang makisig lang talaga sya. Bigla syang tumigil at bigla akong nabunggo sa likod nya.

"Oomph!" napahawak ako sa ilong ko at bahagyang umatras.

Nakatingin lang sya sakin. Napatingin ako sa tinigilan namin. HUH? Nasa bahay na pala kami! Ang bilis naman yata! Bakit nandito kaagad kami?

"Uhh. Nandito na pala tayo," sabi ko. Hindi parin sya umaalis. Nakatingin lang sa bahay namin. "Sige.. thanks!" sabi ko at tinignan lang nya ako pero hindi nagsalita.

Owkay. Binuksan ko yung gate nang bigla syang magsalita.

"I'm sorry!" he said.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Shocked.

"W-What did you just say?" gulat na sabi ko. Totoo ba to? Nagso-sorry sya?

"Damn it, don't make me say it again!" he said frowning.

Tinignan ko lang sya. Bahala ka na nga dyan. Binuksan ko ulit yung gate.

"Ah f*ck it! I said I'm sorry!" he yelled. "I'm sorry for being a jerk yesterday! I'm sorry for yelling at you! And I'm sorry for calling you a b*tch! You're not a b*tch, I take it back. Sorry."

Namumula yung mukha nya. Hindi sya makatingin sa akin. Sa ikinikilos nya ngayon parang kinakabahan sya, hindi sya komportable. Lihim akong napangiti.

"There! I f*ckin said it!" sabi nya at huminga sya ng malalim. Ganon ba talaga kahirap magsabi ng sorry?

"So you finally admit that you're a jerk?"

"When did I ever say that? I said yesterday I was, but I'm not a jerk! Ah f*ckin, dummy."

And you're denying that you're a jerk when you act like one?

"Yes, you are!" sabi ko.

"ARE NOT!"

"ARE TOO!"

"ARE NOT!"

"ARE TOO!"

"SHUT THE F*CK UP!"

"You can't make me shut—mmph!" Something soft and warm covered my lips. Nanlaki ang mga mata ko. Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ang sobrang lapit na mukha ni TOP. Nakahawak ang isa nyang kamay sa likod ng ulo ko at ang isa ay sa waist ko. Magkadikit ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako makahinga. Ano ba ang dapat kong gawin? Nablangko ang isip ko. Ang lambot ng labi nya. Amoy mint ang bibig nya. Nakapikit sya. Ang haba ng pilikmata nya. Ang init. Ang init ng mukha ko.

"There! See? I told you I can make you shut up," he smirked triumphantly. Hawak nya ang labi nya.

Hinalikan nya ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang first kiss ko. Ang first kiss ko....ay hindi si Lee Minho! WAAAAAAAAAAHHHHH!

SLAAAAP!!!

Sinampal ko sya ng pagkalakas-lakas na pati kamay ko sumakit. Mas malakas ito sa unang sampal ko sa kanya noon.

"Retard! What's that for?!" galit at gulat na tanong nya habang nakahawak sa pisngi nyang namumula.

GRRR!! Tinawag na naman nya akong retard! Itinaas ko ulit ang kamay ko para sampalin sya pero sa kasamaang palad mabilis niya itong nahuli. His grin turned even more malicious. He pushed me back on the brick wall and like a wild beast he stole my lips. Sa pangalawang pagkakataon ngayon, ninakawan nya ako ng halik. My second kiss!

"One slap, one kiss," he said after a minute of kissing. He smiled mischievously.

WHAT THE HELL JUST HAPPENED?

"One kiss for every slap," sabi nya at nilagay nya ang thumb nya sa labi ko at hinawakan nya naman ang labi nya. Tapos nakita ko syang ngumiti.

Parang... nakarinig ako ng anghel na kumakanta. Naging blangko ang isip ko dahil sa ginawa nya. Hinawakan ko ang labi ko. He kissed me! Oh my God! He kissed me! This annoying, arrogant, self-centered juvenile delinquent gangster who likes strawberries freakin kissed me! He stole my precious first kiss! Ang my second! OH MY GOD!! OH MY GOD!!

"Well? Say something," he snapped his fingers in front of me.

"Something." Still out of it. ('・_・')

"Are you trying to be funny?"

"You... You... Just... Kiss."

"That was your first kiss right?" he was smiling.

*nods absentmindedly*

"Okay, I'll take full responsibility," he said it like it was nothing.

Ano? Responsibility? Can you believe this guy? Akala ba nya lokohan lang ang lahat? Importante sa'kin ang halik na 'yun! Pero sa lalaking ito parang...Ugh!! Kainis!! Gusto ko syang sabunutan!

(__ ___") napayuko nalang ako. Wala na akong magagawa. Nakuha na nya.

"Ah shit! Are you ignoring me?"

Umiyak ako. (;'༎ຶД༎ຶ')

"Are-Are you crying?! What the hell are you crying for?!"

"WAAAAAAHHH!! I HATE YOU!!" I cried.

"Ah shit! I said I'll take responsibility! Stop crying!"

Di ko sya pinansin, umiyak lang ako. Wala na. Lee Minho I'm so sorry! WAAH!! *pokes* He keeps on poking my head but I still refused to look at him. *still poking*

"STOP POKING ME AND STOP PLAYING WITH ME I'M NOT YOUR F*CKING TOY!" nakapag-cuss pa ako ng wala sa oras. Nahahawa na rin yata ako sa lalaking 'to!

He brings out the worst in me. Gusto talaga nyang maging monster ako kagaya nya! Tinitigan nya ako sa mata at sinabi ang mga salita na hindi ko akalain na sasabihin nya.

"I like you," diretsong sabi nya sa akin.

"Hwag mo sabi akong pag-laruan eh! Ano na naman ba ngayon? Kailangan mo ng babaeng ipapakilala sa parents mo kaya mo ako hinalikan?! Pwede ba TOP, humanap ka ng ibang pwedeng magpaloko sayo!"

Isinuklay nya sa buhok nya ang kanyang kamay at tumingin sa akin ng diretso. Unti-unti na naman syang lumapit at hinawakan ako sa mag-kabilang balikat. Ibinaba nya ang mukha nya para ka-level ng sa akin. Ito na naman ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang soft na ngayon ng mga mata nya habang nakatingin sa akin. Napaka-sincere at tila nanghihigop.

"I'm not...really good at this. I'm not good at explaining and showing my feelings but what I said about me liking you Miracle, it's true! I f*ckin' like you! I really do!" puno ng sincerity ang mga mata nya pati na rin ang boses nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Sa lahat ng sinabi nya sakin simula nang magkakilala kami, ito na ang masasabi kong sweetest kahit na may kasamang mura. Pero hindi na 'yon importante. Gusto nya ako. Oh my gosh! May gusto nga sya sa'kin!

"W-What? Why? What do you even like about me?" Sa dami ng emosyon na pumasok sa akin iyon lang ang tanging nasabi ko.

"I don't know. I just like the way you talk or shout, the smell of your hair, your eyes, your voice, your laugh, the way you treat me, your soft lips. I like everything about you. And I think... I think... Ah! F*ck! This is really gay."

"A-And what?"

"I think... I like you more and more. I really like you Miracle."

Natulala lang ako sa sinabi nya. Nagulat ako sa mga narinig ko. Pero bakit nya ako gusto? Hindi naman ako nag-effort para magustuhan nya ako ah! Hindi ako mahinhin sa harap nya, inaaway ko sya, sinisigawan ko sya, naglasing pa nga ako sa harap nya, palagi nya akong sinasabihan ng retarded, palaging stupid ang tingin nya sa'kin. Bakit nya ako gusto?! Hindi ko maintindihan!

"Wow." Wala akong masabi sa dami ng sinabi nya. At sa dami ng emosyon na bumalot sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"Yeah, well. Just. Uhh! F*ck it! Just forget it! It's getting really late, get in and rest," and with that he walked away.

Dapat ba akong maniwala? Dapat ko bang pagkatiwalaan ang mga sinabi nya sa'kin? Si TOP na leader ng isang gang, isang cuss machine, basagulero at palagi akong sinisigawan ay interesado sa isang katulad ko? Si TOP na magaling magluto? Si TOP na mahilig sa strawberries? Si TOP na palaging nandyan kapag kailangan ko ng tulong? Si TOP na gwapo at arogante? Si TOP na isang good kisser? Teka! Paano nasama 'yun?! WAAAAH!! Ano ba ang dapat kong gawin? <(>0<)>!!!

Tinignan ko sya. Naglalakad sya palayo. Nakatingin ako sa likod nya. Gah!

"OKAY FINE!" sigaw ko at tumakbo ako palapit kay TOP, hinigit ko ang kamay nya.

"What?" gulat na tanong nya at tumingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay nya.

"Fine, let's do it!"

"Do what?" clueless nya akong tinignan.

"The boyfriend girlfriend thingy, let's try it. Take responsibility, be my boyfriend."

Ilang segundo syang natigilan. Hinihintay nyang bawiin ko iyon. Hinihintay nya na magbago ang desisyon ko. Makaraan ang ilang segundo naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Napangiti ako.

"Are you sure?" di parin makapaniwalang tanong nya sa akin.

"To tell you the truth, hindi ko rin alam. Pero pano natin malalaman kung pwede nga tayong dalawa kung hindi natin susubukan right? And besides you stole something very important to me kaya dapat lang na panagutan mo."

Teka parang iba na meaning ng sinabi 'ko ah? Sana walang ibang nakarinig nun, siguradong iba iisipin nila! Napaka-greenminded pa naman ng mga tao ngayon! He ruffled my hair while chuckling. Ang ganda pakinggan ng tawa nya.

"Well then, from now on you're my girl and this time," he lowered his head to look at me straight in the eye. Then he whispered in my ear. "...it's for real."

Mabilis nya akong hinalikan sa pisngi and I blushed. I can still smell his perfume! Oh my God! And I can still feel his warm breath!

"Don't go and see another guy cause if you do, I'll seriously kill you," he gave me a rare playful smile.

"A-Ano ba ang sinasabi mo? Are you accusing me of—" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla ulit syang nag-salita. At ang mga salitang iyon ang sumira sa magandang atmosphere.

"Oh yeah, wait, what kind of a crazy b@stard would actually go out with a retard like you? You're not hot," he looked at me from head to toe. "Too skinny," and then tumingin sya sa front ko na agad ko naman tinakpan "...and flat," he smirked.

"You," sagot ko. "You like me too much."

"Yeah I really do Wifey."

"Wifey?" kunot noong tanong ko.

"That's right! I'm your hella hot hubby and you're my hella retarded wifey. Got that?"

"Bakit ba palagi mo akong tinatawag na retard? I'm not retarded!" I crossed my arms and glared at him. "Bakit hindi mo ako tinatawag na Sam?"

"Don't talk back to me like that wifey," he poke my forehead.

"Stop poking my head! Don't poke your wifey stupid hubby!"

He smiled brightly making my heart skip a bit. Pinigilan ko ang sarili ko na mag-gasp at mapa-sigh sa ngiti nya. Ang gwapo nya! Oh dear God! Salamat sa pagpapadala sa gwapong nilalang na ito sa buhay ko pero pwede po ba baguhin nyo yung ugali? Last request na po yun! Puh-lease?

"What did you say? So it's official then, you're my wife and I'm your husband."

"Psh. Oo na!"

"Say it again," utos nya. "Call me Hubby."

"Hubby?"

"Again. Louder Wifey, say it again," seryoso syang nakatingin sa akin. Di ako mapakali sa tingin nya.

"Hubby!"

"Again."

"HUBBY!" sigaw ko.
"That's my girl," pinat nya ang ulo ko na para akong isang aso.

"Hoy TOP, alam mo ba na," tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "Ang gwapo mo—"

"Stop stating the obvious," he snorted.

"Hindi pa ako tapos pwede makinig ka muna sa wifey mo?"

"Fine MY wifey," nakangiti nyang sabi.

"As I was saying, ang gwapo mo na sana kaso mas maganda kung mag-tatagalog ka na at titigilan mo na rin ang paninigarilyo mo," naalala ko na naman yung nangyari nung pinigilan ko syang manigarilyo, nag-away lang kami dahil don. "Ayokong magkasakit ka dahil sa bisyo na 'yun."

He cleared his throat and combed his hair using his hand. What a sight! My boyfriend, he's so cool!

"If that is what you want then," tumingin sya sakin. "Sige, susubukan ko."

"Talaga?" masayang tanong ko. Nag-tagalog sya!

"Oo." -___-

"Talagang talaga?!"

"Oo sabi." -___-

"Yes! Haha!" Hindi talaga ako makapaniwala na papayag sya! Kung palagi lang sana syang ganito.

"I'm going now," he walked away. After three steps, lumingon sya. "I said I'm going NOW." sabi nya, yung tingin nya parang may hinihintay syang mangyari.

"Okay! Ingat!" ngumiti ako. Pero parang hindi yata sya nakuntento sa sinabi ko. Teka ano ba ang hinihintay nya? Then may napansin ako. "Teka! Sabi mo magtatagalog ka na!"

"Tomorrow, I'll start tomorrow. I'm going now," naglakad ulit sya palayo. After ten steps lumingon ulit sya. "Ah! F*ckn dummy."

Ano na naman ba ang problema nya? Ano ba kasi yun? May nakalimutan ba akong sabihin? Teka, boyfriend ko na nga pala sya. Ano ba ang sinasabi ng mga mag-boyfriend at girlfriend kapag maghihiwalay na? 'bye honey, take care?' pang mag-asawa yata yun eh. 'i love you sweetheart! see you tomorrow?' ang sagwa! Hindi yata kaya ng powers ko yun. Ano pa ba?

"Hey!" nasa harap ko na pala si TOP at nakatingin sya sakin na parang ako na ang pinaka-weird sa lahat.

Napatulala pala ako habang nag-iisip. Nginitian ko lang sya.

"Wait for me in front of your school at around five okay?"

"S-Sure!"

"Good. I'm going now," hayan na naman yang line na yan. Ano ba talaga ang gusto nya?

"Uhuh. Okay, uhh take care, good night, sleep tight, sweet dreams," meron pa bang kulang sa sinabi ko?

"Shit! You're too slow," he muttered.

Lumapit sya at itinuro nya ang left cheek nya habang ibinababa sa level ng mukha ko. I still don't get it. Ano ba ang nasa left cheek nya? Wala naman dumi ah. Ang kinis nga ng mukha nya lalo na sa malapitan. Mas lalo syang guma-gwapo!

"Wala naman dumi sa pisngi mo. Okay naman sya." Ang kinis nga eh, may kaunting pula lang kasi nasagi kanina ng siko ng player. Bakit kasi sila ganon mag-laro ng basketball? Brutal. O baka dahil sa sampal ko?

"Ah f*ck! My wife is a f*ckin retard," he said, annoyed.

Tumayo na sya ng tuwid. Then he looked at me one more time and messed with my hair while chuckling.

"Hindi sabi ako retard eh!" he laughed even more.

"Good night wifey, let's see each other in our dreams," then he kissed my cheek and walked away. "Damn I'm falling hard."

Only this time hindi na sya lumingon. Yun pala yun? Ang slow ko nga. At—At ano daw yon? Let's see each other in our dreams? KYAAAH~!

Pagkapasok ko sa bahay nakapatay ang ilaw. Hmm. Ayos! Tulog na ang tatlong baliw. Oh yeah! Pagkasara ko ng pintuan biglang lumiwanag! Ehh?!

"At may plano ka pa palang umuwi Samantha," sabi ni Michie. Nakasuot sya ng business suit at may hawak na wine glass. Nung uminom sya nagkaron sya ng puting bigote. Gatas.

"Ano'ng oras na?" tanong naman ni China na nakasuot ng robe habang nag-babasa ng malaking dyaryo. Baliktad pa! Adik talaga.

"Saan ka nag-punta?" tanong naman ni Maggie na nakasuot ng dress habang nakatingin sa labas ng bintana at nasa likod ang dalawang kamay.

"Sino'ng kasama mo?" - Michie

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" - China

"Nakipagkita ka na naman sa hampas lupang lalaking 'yon ano?" - Maggie

"Inuna mo pa yang lalaki mo kaysa sa mga anak mo?" - Michie

"Pera lang ang habol nyan sayo!" - China

"Bakit nawawala ang isang kutsara dito sa bahay?" - Maggie

"Kinuha mo 'yun ano?!" - Michie

"Magnanakaw! Umamin ka na!" - China

"Walang utang na loob! Ito pa ang igaganti mo sa amin?!" - Maggie

"Hampas lupa! Lumayas ka ngayon din!" - Michie

"Sisiguraduhin namin na makukulong ka!" - China

"Guard! Hulihin ang kubang babaeng ito!" - Maggie

Napatingin ako sa grandfather clock. Alas dose na. Kaya pala. Sinasapian na naman sila.

"Gusto nyo ng sapak?" Ano ba 'to? Hindi na naman nakainom ng gamot. Sigh. 'Crazy Trios' mas naging Crazy!

Pumasok na agad ako sa kwarto para matulog pagkatapos kong bigyan ng gamot ang 'Crazy Trios'. Nakatingin lang ako sa ceiling habang binabalikan ang mga nangyari. Totoo ba na narinig ko ang mga salita na iyon mula sa gang leader na si TOP? Hmm. Parang panaginip lang ang lahat! Akalain nyong may soft side din pala yun! At akalain nyong ang soft din pala ng lips nya? Ayyiiiee!!

Pero bakit kaya sakin 'yun na-inlove? Eh? Dahil ba sa kagandahan at alindog ko? Kyaaaahh!! Ano ba yan Samantha?! May boyfriend na ako! My very first boyfriend. My gangster boyfriend. A very hot and goodlooking boyfriend!

At tomorrow susunduin nya ako sa school! At pagkatapos magde-date kami. At.. pagkatapos.

"NOOO!!!" Napabangon ako bigla nang may maalala. Pupunta sya sa school! Sa front gate! Makikita kami ng lahat! Makikita nilang may gangster akong boyfriend! Hindi naman siguro nya isasama ang buong Lucky 13 hindi ba?!

Hala! Lagot na! Pano 'yan kapag nalaman nilang lahat ang tungkol sa gang ng boyfriend ko. Isa pa naman syang juvenile delinquent, isang gang leader? Waaahh! Lagot ako kay four-eyes-Audrey! NOOO!

Kailangan kong gumawa ng paraan! Ipa-cancel ko nalang kaya ang date namin? Hindi! Dapat matuloy yung date, bukas tatawagan ko sya para sabihin na hwag na syang pumunta sa school! Hindi kaya sya mag-hinala? Baka isipin nun kinakahiya ko sya. Naku, lagot na naman ako sa kanya. May pitik na naman ako sa noo!

Pero ayoko syang makita sa school na mukhang gangster! Ano nalang ang mangyayari sa akin?! Mamamatay ako sa kahihiyan. Nung unang beses syang pumunta sa school ang sabi ko nalang sa mga nagtanong kung ano ang relasyon ko sa gangster na yun, 'Isa syang stalker'.

Waaahh!! Hindi sya pwedeng pumunta sa school! Unless mukha syang decent like nung pumunta sya para ipakilala ako sa parents nya! Sa tingin ko kasi iniisip ng mga schoolmates ko na magkaibang tao ang decent na si TOP at ang gangster na si TOP. Waaaahh! Kailangan kong gumawa ng paraan! Tatawagan ko sya.

Kinabukasan tinawagan ko sa cellphone si TOP nang lunch break para sabihin na hwag nang tumuloy sa school namin. Matagal syang nag-ring at may sumagot na mukhang bagong gising lang na TOP.

[F*ck! Who the hell is this?! Do you wanna die?!] came an angry voice then he yawned.

"Hubby~ Its me!" ginamit ko ang pinaka-sweet kong boses.

KYAAAAA! Ngayon lang ako nagka-boyfriend kaya lubusin na ang pagiging cheesy! Hihihi!

[Who?]

"Your very beautiful wifey! Don't you recognise my voice?"

[Damn it! Stop wasting my time! I don't have a beautiful wife! Tell me your name so I can beat the living shit out of your f*ckin ass!]

Anong sinabi nya? Wala daw syang wifey?! Eh ano ako?! Sya pa nga ang nag-insist ng tawagan na iyon eh! Don't tell me joke lang yun? O nakalimutan nya? Arrgghh! Stupid evil b@stard!! Ang akala ko ba magtatagalog na rin sya? Liar!

[Mr. Pendleton bawal gumamit ng cellphone sa loob ng klase! — Ah shit! Shut the hell up baldy!! You're hella making me angry! Just teach whatever you're teaching!]

Ehhh? Nasa loob pa pala sya ng klase? Wrong timing yata ang tawag ko?! Pero kung nasa loob sya ng klase ibig sabihin natutulog lang sya sa loob?

"TOP hindi ganyan makipag-usap sa matanda."

[Huh? Are you saying something? Speak louder! Shit! Are you my hella retarded wifey's friend? And why is your voice so f*ckin creepy? Why did you call? Give it to my retarded wife!]

"Hoy TOP! Ano ka ba ako kaya 'to si Samantha! Bakit ka ganyan? Akala ko ba magtatagalog ka na? At hindi sabi ako retard! Grr!"

[Mr. Pendleton give me your cellphone before I send you to the Principal's office! — Ah shit! Do you wanna lose your f*ckin job old hag?! Don't yell at me! I'm talking to my wife so — Tama na! Detention para sa'yo mamaya! — What the f*ck! Detention? I have a f*ckin date. Dammit give me my cellphone back—doo doo doo] biglang naputol ang linya.

Hindi ko akalain na ganon din pala sya makipag-usap pati sa mga matatanda. Pero bakit nga ba ako magugulat eh nagawa na nya yun dati? Waaah! Hindi ko nasabi na hwag syang pumunta ngayon! Ano'ng gagawin ko?!! Katapusan ko na ba?!

Hindi! Kailangan makaisip ako ng paraan! Hindi ako papayag na ito ang maging katapusan ko!! NO WAY!!

Continue Reading

You'll Also Like

17.6K 453 12
Because believe it or not, your worst possible enemy in this life is no one, but your own damn self.
273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.
223K 9.1K 11
A short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal...
106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.