Meeting The Devil's Son

By Coffeehoelic

35.9K 2.2K 20

Sa hindi inaasahang pangyayari, ay pagtatagpuin ang dalawang taong hindi mapagkakasundo. Ngunit malalim pala... More

NOTICE
NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
NOTICE

Chapter 68

46 9 0
By Coffeehoelic

Joaquin's PoV

- FEW DAYS LATER -

Alam n'yo yung feeling na sobrang gaan ng pakiramdam mo kahit tinitignan mo lang yung taong mahal mo?

Masaya ka kasi alam mong and'yan s'ya para sa'yo, sa ano mang oras na kailangan mo s'ya ay nand'yan s'ya para suportahan ka.

Masaya ka kasi alam mong may taong hindi ka tatalikuran kahit na anong mangyari, kasi mahal ka.

Masaya sana ang bida...kung walang kontrabida.

Marahan kong inayos ang buhok ni Bella na mahimbing na natutulog sa gilid ko bago ko itinaas ng bahagya ang kumot na yakap-yakap n'ya, tsaka ko s'ya binigyan ng magaan na halik sa noo.

Hindi ko alam kung tama ba ang mga planong gagawin ko pero hindi ko na masikmura na makitang mahirapan pa s'ya ng sobra, alam kong grabeng hirap na ang nararamdaman ni Bella at hindi lang ako basta uupo nalang at manonood.

[Flashback]

Ha! Ang ganda ng panahon ah? Yayain ko kaya si babe na manood ng sine mamaya pagkatapos gumala?

Ilang araw na no'ng nakilala namin ang Snake Eyes, at ilang araw na din silang palaging nag ki-kita para mag-usap ng tungkol sa mga plano na kailangan gawin.

Sa totoo lang ay panatag ang loob ko dahil maayos silang kausap, sadyang hindi ko lang mapigilang hindi maasar sa tuwing nilalapitan nila si Bella at tsaka nila 'to sasabihan ng kung ano-anong mabubulaklak na salita, nakakabugnot!

Andito sila ngayon sa opisina na malapit sa pad na tinirahan n'ya at nandito din ngayon ang tatlong kulokoy na dikit ng dikit kay Bella, kapag hindi ako nakapagtimpi ay hindi ko kasalanan kung may madadalang katawan sa morgue--

"So, Mr. Lexington." Agad akong napalingon sa gilid ko at agad na nangunot ang noo ko ng makita si Haven na nakatayo lang malapit sa'kin pero ang tingin ang nakila Bella. "If it's not a secret, care to tell me why are you hiding the orders from your 'wife'?"

I looked at her harshly before speaking, loud enough for her to hear it.

"I don't hit girls so you better keep your mouth shut." Sabi ko sakan'ya. "If you tell anyone about it, especially to Bella, i wouldn't think twice and kill you with my bare hands." Pananakot ko pa sakan'ya pero tanging maikling tawa lang ang natanggap ko.

Pinagmasdan ko lang s'yang lumakad papalapit sa mga kasama n'ya kaya huminga ako ng maluwag bago kumuha ng isang basong tubig.

Damn. How did she knew about it?

[End of Flashback]

Hindi man sabihin sa'kin ni Bella ay alam kong may mga taong nangga-gambala ngayon sa kumpanya n'ya at sinusubukang pabagsakin ang lahat ng ari-arian n'ya.

Ilang araw na ang nag daan at pansin ko ang pagbabago sa pangangatawan n'ya ng dahil sa matinding pagod, puyat at kawalan ng gana kumain gawa ng mas inuuna n'ya pa ang trabaho kaysa sa sarili n'ya. Alam kong nag aalala lang s'ya para sa mga taong umaasa lang sa trabaho nila ngayon pero hindi ko na kayang panoorin nalang ang ginagawa nilang pagpapahirap sakan'ya, lalo na kung kaya ko naman tapusin ang lahat.

Mahigpit kong hinawakan ang sobreng itim at matapos akong makuntento sa pagtitig sa maamong mukha ni Bella ay tumayo na ako at walang ingay na tinahak ang cabinet namin, doon ko kinuha ang bag sa ilalim ng mga damit na nag lalaman ng baril, bala, mga granada at iba pang gamit na kailanganin ko bago nag suot ng jacket, tsaka ko dinampot ang telepono at susi sa bedside table.

Binigyan ko pa ng isang huling tingin ang babaeng pinakamamahal ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Hindi ko lubusang maisip kung bakit n'ya nagawa 'yon kay Bella. After all of what she have done for him, for them, the nerve of them to betray my love. Now, they have to go through me.

---

"Oh, Joaquin! Napadalaw ka, brad?"

Simpleng ngiti lang ang ibinigay ko kay Jester bago pumasok ng buksan n'ya ng tuluyan ang pinto.

"Anong atin?" Tanong n'ya ulit kaya naman inilapag ko ang sobreng itim sa lamesa na ikinagulat n'ya. "Bakit ka may--"

"We need to talk." Sabi ko at hindi mapigilang hindi maasar habang inaalala ang mga salitang sinabi nila sa'kin. "It's about Bella."

***

Bella's PoV

"Mawalang galang na pero magsi-layas nga kayong lahat dito."

Bugnot kong tinanggal ang salamin ko dahil mula pa kanina ay wala na silang ginawa kung hindi ang bantayan ako!

"Ah ano, inutu--"

"Na-miss ka lang naman namin, insan, ikaw naman oh." Pagpuputol ni Marcus sa sasabihin ng kambal n'ya bago pumangalumbaba sa lamesa tsaka ako lalo tinitigan habang nakangiti.

Isa-isa ko silang pinakatitigan bago ko ipinag-krus ang mga kamay ko. "Anong kalokohan ang itinatago n'yo?" Prangkang tanong ko sakanila.

Malamang sa malamang ay pasimuno 'to ni Joaquin dahil mula ng umalis s'ya ng madaling araw ay nagsi-datingan agad 'tong mga kolokoy na 'to, si Raven, Yuan, s'ya at si Von lang ang wala.

Hindi man siguro alam ni Joaquin pero gising ako nung umalis s'ya, sa kyuryosidad ay hindi ko na nagawang pigilan pa at nakita ko nalang ang sarili kong nakasunod na pala sakan'ya pero hindi na ako nag tagal pa doon ng malaman kong sa bahay lang pala s'ya ni Jester pupunta.

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit may dala s'yang malaking bag na naglalaman ng mga baril, para saan? May hindi ba ako nalalaman, na ayaw nilang ipaalam sa'kin?

"Bella? Huy!"

"Huh?" Wala sa sariling sabi ko bago sila nilingon ko si Jester ng alugin n'ya ang balikat ko. "Bakit?" Tanong ko pa.

"Kanina ka pa namin tinatawag, anong bakit?" Sabi n'ya kaya naman nagtataka akong tinignan s'ya. Tinatawag nila ako? "Okay ka lang?" Tanong n'ya bago kapain ang noo ko.

"Ayos lang ako." Sabi ko bago inalis ang kamay n'ya.

Wala man sa wisyo ay nagsuot ulit ako ng salamin at ipinagpatuloy ang pagtingin sa stocks na nasa laptop ko pero wala pang limang minuto ay pabagsak kong isinarado 'yon bago tinignan ang mga gulat na mukha ng kasama ko dito.

Walang sali-salitang kinuha ko 'yon at nag lakad papaakyat sa kwarto at pabagsak na isinarado ang pinto. Alam kong ramdam nila ang inis ko pero hindi pa din nila sinasabi sa'kin kung ano bang meron, kung nasaan ba si Joaquin at kung bakit nila ako binabantayan. May nakaligtaan ba ako?

***

Jester's PoV

Kamot-ulo nalang akong sinundan ng tingin si Bella na parang sinisilihan ang pwet dahil hindi pa umuuwi mula kaninang madaling araw si Joaquin, ala singko na at napakadilim na din sa labas, bakit naman kasi hindi nalang s'ya makipagtulungan kay Bella?

Aish! Palibhasa parehong matigas ang ulo, bagay nga sila, buti pa ako, gwapo lang sa isang tabi, masunurin pa.

"Bakit ba kasi ayaw mo nalang sabihin, dude?" Bulong ni Marcus sa'kin kaya nagkibit-balikat lang ako at hindi s'ya sinagot.

Ako ang malilintikan kapag nakarating kay Bella na hinayaan kong mag manman si Joaquin sa pinagsususpetsahan n'ya. Kahit na kasama n'ya doon sina Yuan at Raven ay pati ako, kinakabahan para sakanila, hindi ko naman sila masamahan dahil iniutos sa'kin ni Joaquin na bantayan si Bella.

[Flashback]

*Ding-dong! Ding-dong!*

"Sandali!" Sabi ko bago nagmamadaling bumaba ng hagdan mula sa kwarto ko.

Sino ba namang siraulo ang mag do-doorbell ng alas kwatro ng madaling araw? Lintik, ni hindi manlang natuloy ang panaginip ko!

"Sino ba namang--oh, Joaquin! Napadalaw ka, brad?" Takang tanong ko ng bumungad sa'kin ang madilim na aura na nakapalibot kay Joaquin ng buksan ko ang pinto.

Nang buksan ko ng tuluyan ang pinto ay binigyan n'ya lang ako ng simpleng ngiti bago s'ya nag lakad papasok.

"Anong atin?" Tanong ko ng ibaba n'ya ang duffel bag na hawak n'ya. Palagay ko ay napakabigat no'n dahil sa pag kalansing ng mga nasa loob, halatang siksik.

Nagtataka man dahil hindi s'ya nagsasalita ay sinundan ko s'ya sa may lamesa at gano'n nalang ang gulat ko ng ilapag n'ya sa lamesa ang itim na sobre dahilan para lalong mangunot ang noo ko. "Bakit ka may--"

"We need to talk." Pagpuputol n'ya sa tanong ko bago s'ya bumuntong-hininga ng pagkalakas-lakas na akala mo ay pasan na n'ya ang buong mundo. "It's about Bella."

"Teka nga, maupo ka muna, anak ng teteng." Kakamot-kamot na sabi ko bago kumuha ng dalawang basong tubig sa kusina at ng bumalik ako ay halata ang halo-halong expresyon sa mukha n'ya na hindi n'ya na talaga maitago kaya naman inilapag ko ang baso sa harapan n'ya bago naupo sa kabilang upuan. "Anong meron kay Bella? At bakit ka may black envelope?" Takang tanong ko.

Ang black envelope na 'yon ay galing sa mga nakatataas, boss ng mga boss namin, mas mataas pa kay Bella kumbaga. Ang tanong ay bakit s'ya meron no'n, pa'no s'ya na-involve sakanila?

"Alam kong madami kang tanong, sasagutin ko lahat 'yan pag dating ng tamang panahon."

Tiim-baga ko s'yang tinignan na para bang hindi ako naniniwala sa sinabi n'ya ngayon lang. "Anong...ginagago mo ba ako ha? Bakit ka may itim na sobre, Joaquin? Alam ba ni Bella 'yan?" Pabalang na tanong ko dahilan mapa-buntong-hininga pa lalo s'ya. "Sumagot ka--"

"May traydor na gustong pabagsakin si Bella." Sabi n'ya dahilan para mapaawang ang bibig ko. "Wala pa akong ebidensya sa mga haka-haka ko, pero sa ngayon, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko na panatiliing ligtas si Bella at si Tito." Dagdag n'ya pa na nakapagpatuyo ng lalamunan ko kaya isang lagukan kong ininom ang isang basong tubig na kinuha ko kanina.

Ibang iba ang aura ni Joaquin kapag si Bella na talaga ang pinag-uusapan, lalo na kung buhay n'ya ang nakataya, parang nag iibang tao ang Joaquin na kilala namin na mabait at mahinahon na tao.

"Sinong...sinong pinagsususpetsahan mo?" Tanong ko dahilan para mapatingin s'ya sa'kin. "Tsaka bakit ka sa'kin lumalapit para ma-protektahan si Bella? Hindi ba dapat ay kay Von--"

"S'ya ang pinagsususpetsyahan ko."

[End of Flashback]

I gave him a fair warning, i told him to not enter a situation that he can't get out of but he just shrugged it out like he is ready to do everything to finish him.

Wala akong ideya sa tumatakbo sa isip n'ya, masyado s'yang komplikado mag isip na kahit na sino ay malulunod sa lalim ng pag i-isip ni Joaquin. Hindi ko alam kung pa'nong umabot sa puntong pinagsuspetsahan n'ya ang pinsan mismo ng mahal n'ya, sa anong paraan n'ya narating ang konklusyon na 'yon? Bakit hindi ko manlang makita noon?

Ang sabi n'ya ay may plano s'ya, hindi ko alam kung ano, hindi ko alam kung pa'no n'ya gagawin ang plano na sinasabi n'ya pero alam kong kaya n'yang gawin kung ano man 'yon.

Nakakaloko mag bantay sa mag jowang nagtatago sa isa't isa sa totoo lang. 'Yung isa ay ayaw humingi ng tulong sa iba dahil sa pride na kaya n'yang iligtas ang kahit na sino, at 'yung isa naman ay matigas ang ulo na gustong iharang ang katawan n'ya bilang shield sa mga balang gustong tumama sa ma-pride na babaeng mahal n'ya. Alam ko namang gusto lang nila pareho na walang masaktan, pero ako ang kinakahaban tuwing iniisip ko sa mga susunod na araw o linggo ay mangyayaring hindi maganda. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa daloy ng nangyayari sa'min ngayon.

Pero bakit wala akong maisip na motibo ni Von para gawin ang sinasabi ni Joaquin kay Bella? Kahit anong anggulo ko tignan ay wala ni isang bakas na may dapat na ikagalit o ipaghiganti si Von kay Bella. Alam kong sila ang kumupkop kay Bella noong bata pa s'ya pero kinalaunan ay umalis na din naman s'ya sa puder nila Von dahil mas pinili n'yang mangibang-bansa para mag-aral. Tinulungan pa nga ni Bella na makabangon ang pamilya nila Von noon dahil baon sila sa utang na gawa ng nanay at tatay n'ya mismo, mahigit kalahating milyon ang pinakawalan n'yang pera noon para lang matapalan ang mga gusot ng tita at tito n'ya, out of gratitude ba kumbaga dahil kinupkop s'ya nito noong bata pa s'ya.

Oh, hindi ako chismoso ha, baka sabihin n'yo marites ako, hindi naman kasi itinuring ni Bella na taboo topic ang mga 'yon sa buhay n'ya, masyado s'yang open lalo na sa nga taong pinagkakatiwalaan n'ya.

Now that i think of it, it really sounds suspicious for Joaquin to suspect Von. Unless may dahilan talaga s'ya para pagsuspetsyahan sila na itinatago n'ya lang sa sarili n'ya pansamantala.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
78.3K 117 1
Take it off! Take it off! Take it off! Sabi ng mga lalaki habang nagsasayaw ako dito sa gitna ng bar!Oo bar! Umiiyak nako sa gitna habang kumikimbot...
102K 2K 25
Different world. Same feelings.