Talk Back and You're Dead!

By Alesana_Marie

9.5M 142K 28.7K

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang kari... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
TIMOTHY'S JOURNAL
BOOK 2: NTBG

Chapter Seven

310K 4.3K 767
By Alesana_Marie

Chapter Seven

"He likes you"

"Trust me, I know."

"He likes you"

"Trust me, I know."

UGGHH!!! Paulit-ulit nalang, parang sirang plaka na naglalaro sa isip ko ang sinabi ng Red na 'yun! Kainis! Hindi pa ako nakatulog kagabi dahil nagi-guilty ako! Why oh why ako nagi-guilty? WHY MEEEEE?!

"Nag-solo flight sya non. Napagtulungan tuloy, mabuti magaling ang loko. Ilang pasa lang ang nakuha. Ang alam ko nasagip din nya yung babae."

Tapos napaaway sya dahil sa akin nang hindi ko man lang alam?! Nung time na pumunta sya sa bahay nang may pasa?! Nung pumunta sya nang madaling araw?! Kaya ba nya sinabi sa'kin na girlfriend nya ako?! Dahil nagturo ako ng iba?! <(>O<)>!! Sumasakit ang ulo ko!

"Oh, bakit mukhang constipated si Sam?" - China

"Bading, hindi constipated, frustrated!" - Maggie

"Hindi, mas mukha syang wanted" - Michie

"Huh? Bakit naman wanted?" - China

"Wala na kasi akong maisip na word na nag-tatapos sa 'ted' eh kaya wanted nalang. Tignan nyo. Mukhang kakatakas lang nya galing kulungan at nagpa-plano kung paano mangho-holdap ng bangko!"

Kulungan. TOP? NOOO!! Guilt. Guilt. Bilang ganti sa ginawa nya, tinawag ko syang ex-con. (;'༎ຶД༎ຶ') Wala nang mas sasama pa kaysa sa'kin. Wala akong utang na loob? WAAAH!! HINDEEE!!

"Just shut up 'Crazy Trios'," I hissed.

"She's creepy." - Maggie

"She's giving me the chills." - China

"Shut up..." I muttered. The guilt is eating me. (_ _")

What should I do? Should I just say sorry?

"TAMA!!" napatayo ako sa upuan.

Biglang tumahimik sa cafeteria at tumingin sa akin ang mga schoolmates ko. AGAIN WHY MEEEE?!

***

Nandito ako ngayon sa front gate ng school nila. Ang kinatatakutan na school, ang Pendleton High. Nagmadali ako para makapunta dito, stupid gangster kapag hindi ka nag-pakita sa'kin lagot ka! Ang tagal naman ng TOP na 'yun. Pagkalipas ng sampung minuto ay bumukas ang malaking gate at nag-labasan ang mga nakakatakot na estudyante ng Pendleton High. Lahat halos may badass look at mukhang siga!

Nagtago ako sa likod ng puno para hindi nila ako makita. Hmm. Ang yaman naman talaga nila, lahat may sasakyan! Tsk! Asan kaya ang TOP na 'yun? ANG TAGAL naman!!

May lumabas na grupo ng mga kalalakihan, mas mukha silang decent na at the same time ay dangerous. Kung maglakad silang lahat ay parang sila na ang pinakaimportanteng nilalang sa mundo. Sa pinakagitna at nangunguna ay ang leader nila. With his bangs na medyo tumatakip sa kanyang mga mata, tan skin, straight proud looking shoulders ay walang iba kung hindi si TOP. Oh wow! Mas makisig pala syang tingnan mula sa malayo.

'He likes you.. Trust me, I know..'

Ang hot na lalaking ito ay mag crush sa'kin. Ang swerte ko! Ang gwapo nya, ang cool nya, ang hot nya, ang galing nya sa labanan. Fuuu. Ano ba itong sinasabi ko?

Nakakalimutan ko na ang misyon ko! (*^*) Operation alisin ang guilt na nararamdaman ko!

"TOPPPPPP!!!" sigaw ko sa kanya habang kumakaway.

BIG MISTAKE ang ginawa ko dahil nakaattract ako ng mga unwanted glares. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng Lucky 13.

"Kumusta?" I used my One Million Dollar Smile. Ito ang ngiti na nagpapanalo sa akin sa Valentines Day. May mga lalaki pa nga na nahimatay dahil sa ngiti ko na ito. Yeah!

Pero si TOP...hindi niya ako pinansin at pumunta sa kanyang motorbike. Dedmahin daw ba ako?! Nakaya nyang dedmahin ang smile ko?! Σ(・□・;)

"Teka lang! Galit ka ba?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at sumakay na sa kanyang motorbike, pinaandar at umalis katulad ng ginawa niya kagabi. Hindi lang nya ako dinedma, tinakasan pa nya ako! Kasunod naman na umalis ang mga kasama niya. Pero hindi ako susuko kaya naman hinabol ko sila. I know imposible na abutan ko sila. Pero ewan ko ba, desperate na yata ako na malinis ang konsensya ko. Lalo pa na nakita ko na sobrang cold ng mga mata ni TOP sa'kin.

Parang nakakaramdam ako nang paninikip sa dibdib ko kapag ganon sya. WAAAHH!!

Nag-patuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko na sya maabutan, ang layo na nya. Pero nakikita ko pa naman ang motor nya eh. Okay lang tatakbuhin ko hanggang kaya ko.

Bigla naman akong natalisod dahil hindi ko tinignan ang tinatakbuhan ko. Bumagsak ako sa semento. AAHHHH!! Ang sakit! Napatingin ako sa tuhod ko. DUGO! May dugo. (;'༎ຶД༎ຶ')

SCREEEEEECCCHHHHH!!!

May malakas na tunog akong narinig at nakita si TOP na bumaba sa kanyang motorbike at tumakbo papunta sa akin. Huh?!

"Stupid barbie doll!! Who the f*ck told you to run then trip!" galit na sabi niya sa akin nang makalapit siya. Pero nag-bago ang ekspresyon sa mukha niya nang makita niya ang gasgas sa braso at tuhod ko.

"I'm fine. It's just a scratch," I lied. Pero sa totoo lang gusto kong sumigaw ng HOLY SON OF A GUN!!! IT EFFIN HURTS LIKE HELL!

"HAVE YOU COMPLETELY LOST YOUR MIND? THE F*CK DO YOU THINK YOU'RE DOING?!"

"Well... I. Uh. I have something to tell you?" Bakit patanong?

"Stupid seaweed, retarded seaweed, what's so important that you had to run after me and trip?"

I'll just pretend I didn't hear the Seaweed part. "Are you uhh busy?"

"Yes, what is it to you Miss Nosy?"

Pretend you didn't hear that Sam, just pretend! "I was just wondering if maybe..."

"What?" -___-

Ang sungit nya talaga! "Go out with me, just for today! My treat!"

He frowned. "Retard, did you hit your head that bad?"

Nawala ang ngiti ko. "I'm serious!"

"Why? Why would someone like you ask someone like me out?"

Nose bleed! "Kailangan ba talaga may dahilan?"

"Fine, I'll play along with your game."

Ano ba'ng game ang sinasabi nito? Gusto ko lang naman mag-thank you at mag-sorry sa ginawa ko kagabi! Kaasar. Kinakain kasi ako ng konsensya ko.

And that's how I end up here, walking with ice cream in my hands with the hottest guy—NO scratch that—the coldest guy on earth by my side. Naglalakad lang kami dito sa park.

"What now?" he asked before licking his strawberry ice cream. Para syang bata!

"We keep walking, eating and talking."

"This is hella embarassing and gay." -___-

"Do you like strawberry ice cream?"

"N-NO!! I HELLA HATE IT!!" he then turned bright red.

"You're lying." I smirked.

"N-No I'm not." he stuttered

"Ooohhh~~ Okay then." Isa syang newbie pagdating sa art of lying. Unlike me.

"Ah shit I said I'm not, why would I lie to you?!" he continued licking his ice cream.

"How would I know? I thought I was a retard?"

"Shit!" pinitik nya bigla ang tenga ko.

"Hoy! Ang sakit nun ah!" Napahawak ako sa tenga ko na pinitik nya.

"Tss." Umiwas sya ng tingin.

"I don't like strawberry," bigla kong nasabi.

Bigla syang natigilan at nilingon ako. Parang nagulat sya sa sinabi ko. Bakit? Ano ba ang inaasahan nya?

"Why is that?" tanong nya sa halos pabulong na boses.

"Just because." I shrugged.

"You are hella weird." -___-

"Look who's talking, strawberry lover!"

"I DON'T HAVE A STRAWBERRY LOVER!! I'M NOT A GODDAMN FRUIT!!"

Ano daw?! Akala yata nya inaakusahan ko sya na may strawberry lover sya. Stupid!

"Ang sabi ko isa kang strawberry lover hindi isang lover ng isang strawberry!" Naguluhan ako sa sinabi ko.

"F*CK! YOU THINK I'M THAT STUPID? STUPID, IT WAS A JOKE!"

"NO IT ISN'T!!"

"HOW WOULD YOU KNOW? YOU'RE A RETARD!!"

"BECAUSE IT WASN'T FUNNY!! DO YOU SEE ME LAUGHING?!" Hah! Take that!

"THAT'S BECAUSE YOU HAVE NO SENSE OF HUMOR! Retard!"

I blinked at him. No sense of humor?! Napa-nganga ako.

"Yeah, that's what I thought, now shut up and don't talk back!" he licked his ice cream with a small victory smile. Psh!

"Strawberry lover," I muttered under my breath.

"Shut up!"

"Make me!"

"You sure bout that?" he grinned evily.

"Yeah!" No.

Then suddenly... out of nowhere...

"YUUUCCCKKKKKKK!!!" sigaw ko at lumayo sa kanya.

"Hahahaha!" tumawa sya nang malakas.

Napatulala ako sa kanya. Ang ganda pakinggan ng tawa nya. At ang gwapo nya. Mukha syang anghel.

Pero nawala 'yon nang maramdaman ko ang lagkit sa pisngi ko. Bigla ba naman akong pahiran ng ice cream sa mukha?! Who does that anymore?! Para talaga syang bata! Isang pasaway na bata! Isipin nyo nalang na isang seventeen or eighteen year old na lalaki biglang ipinunas sa iyo ang ice cream na hawak! SO IMMATURE, DUDE! Ang lagkit ko na tuloy!

Tinignan ko sya nang nakamamatay. Lumapit ako sa kanya para gumanti pero bigla siyang tumakbo. Ngayon naman habulan ang gusto nyang laro?! FINE!! Hinabol ko sya at patuloy parin siya sa pagtawa habang natakbo.

"STOP CHASING ME STICKY-HOBO!!" sigaw niya habang tumatakbo.

"I'M NOT A STICKY-HOBO YOU DISGUSTING STRAWBERRY LOVER!!!"

"HAHAHAHA!" he just laughed at me.

"SHUT UP!"

"NO!"

"SHUT UUPPP!"

"NO!"

"JUST WAIT TILL I GET MY HANDS ON YOU, STRAWBERRY!!!"

"WELL C'MON AND GET ME BARBIE!"

"WHY ARE YOU RUNNING ANYWAY?!"

"BECAUSE YOU'RE CHASING ME, RETARD, WHAT DO YOU THINK?!"

"YOU COWARD, STOP RUNNING AWAY!!!"

"I'LL STOP RUNNING IF YOU STOP CHASING ME WITH THAT SCARY FACE OF YOURS!!!"

"YOU STRAWBERRY!!"

Pinapanuod lang kami ng mga tao sa paligid habang naghahabulan kami. Iniisip yata nila gumagawa kami ng Music Video dito. Yung iba pa nga kumukuha ng pictures namin. Then yung isa narinig ko nalang; "Aww. Ang sweet naman nila, naalala ko tuloy nung kabataan natin Honey" at sumagot naman yung asawa nya ng; "Oo nga Honey, naalala ko ganoon din ako kakisig noon at kasing ganda mo naman yung babae" tapos tumawa sila.

Ang hirap naman nyang mahuli, ang haba kasi ng legs nya! Grabe! Unti-unti akong tumigil sa pagtakbo. Ang sticky ng kamay ko, natunaw na kasi ang ice cream ko nang hindi ko namamalayan. STICKY!! Umupo ako sa bench.

"Tss! You're no fun," lumapit si TOP pero malayo parin siya para maabot ko.

This is the time where I should use my talent on acting. Mouhahaha!

"I think I twisted my ankle." Nag-teary eyes ako at nag-sniff.

Nagulat ako nang bigla syang nagpanic at mabilis na lumapit sa akin. Lumuhod sya sa harap ko at tinignan ang paa ko. Unexpected, hindi ko alam na ganoon sya ka-concerned sa akin. Somehow... parang.. err.

"Where?" tanong nya na may nag-aalalang mukha.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba ang iniisip ko? Snap out of it Samantha! Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para lagyan siya ng ice cream sa mukha. Hahaha! Chocolate ice cream pa naman ang sa'kin.

"YAHAHAHA!! Sino na ngayon ang sticky hobo sa'tin ngayon?!" mabilis akong tumakbo palayo. Ngayon na ang oras para gamitin ang speed of light like kong pagtakbo! Hahahaha!

"YOU—YOU—YOU!! COME BACK HERE!!!" sigaw niya at hinabol ako.

"WHAT?! WHAT?! WHAT?! AND NEVEEEER!!!" Now it's his turn to run after me.

Makalipas ang kalahating oras ng paghahabulan nagpahinga kami sa isang wooden bench habang nagpapatuyo sa ilalim ng sikat ng araw. Kung itatanong nyo kung bakit namin kailangan magpatuyo, nabasa kasi kami sa fountain. Itinulak ba naman ako?! Ang sama talaga nya, kaya naman gumanti ako at hinila siya para parehas kaming nabasa.

"Miracle." Bigla siyang tumingin sa'kin.

Muli akong natulala sa kanya. Nakatitig sya sa akin. May saya sa mga mata nya at bahagyang nakangiti ang kanyang labi. Basa ang buhok nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Huh?" wala sa sarili na sagot ko. Nakatitig parin ako sa kanya.

"So we're... friends now right?"

"Oh," parang nabuhusan ako ng isang balde ng malamig na tubig. Friends lang?

"Right?"

"Yeah, I guess so. Haha! Yeah, why not? Haha!" sagot ko.

Yumuko ako at tinitigan ang palda ko. Bigla akong nalungkot. Siguro hindi naman totoo yung sinabi ni Red. I should be thankful. Pero bakit bigla akong nanghinayang? Umasa ba ako? Ano ba ang gusto kong sabihin nya? Teka! Gusto ko ba sya?

***

Nag-ring na ang bell para sa susunod na klase namin. Inaayos ko ang laman ng bag ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello?"

[It's me.]

"Uhh. Who?"

[It's me.]

"Who's me?"

[*Dude, sabihin mo na kasi ang pangalan mo!* SHUT UP!!] may nagsabi sa background at sumigaw si TOP. TOP?!

[Ah shit! Hey retard it's me!] May biglang nagtawanan sa kabilang linya at ilang lagabag at pagkatapos ay 'ouch!'.

"TOP?"

[Yeah, Wait for me at the back gate of your ugly school] he hung up just like that.

Napatingin ako sa cellphone ko. Pupunta sya? Bigla akong napangiti nang malapad. Ang saya saya ko. \(*0*)/ Wait! Umiling ako at tinampal ang magkabila kong pisngi. Hindi pwede 'to. What am I getting myself into? Hindi pwede to! Crush ko sya?! Eeeh! Hindi! Hindi!

"Uy, sino 'yun?" nakangiting tanong ni Michie na biglang lumitaw sa tabi ko.

"Wala," sagot ko.

"Hmm?"

"Wala nga."

"Hmm? Hmm?"

"Wala nga sabi!"

Bigla siyang tumakbo papunta sa seat niya at pumasok na ang instructor. Nag-check siya ng attendance at nagbigay ng reviewer para sa exam. Examination na pala namin next week! Mag-pupuyat na naman ako ng todo nito! (*^*)

***

"Bakit ba madalas dito tayo sa back gate dumadaan?" tanong ni China.

"Nag-simula ang lahat ng ito nang magkaroon ng HOT boyfriend itong friend natin." - Maggie

"FYI! Hindi ko sya boyfriend!" paglilinaw ko.

"Fine, hindi na kung hindi. But still, bakit kayo sa back gate nagkikita?" - China

"Pwede ba manahimik nalang kayo d'yan?!"

"Uy, may mga lalaki na naman sa back gate oh!" sigaw ni Michie.

"Michie, hwag ka ngang maingay. Baka may makakita sa'tin dito," bulong ko.

"Bakit ka ba natatakot na may makakita sa inyo?" - Maggie

"Eh kasi di'ba ayaw niyang masira ang 'reputation' nya dito sa school?" sagot ni China

"So ayaw mong malaman ng ibang tao na may gangster boyfriend ka?" - Maggie

"Di ko sabi sya boyfriend eh!" Kulit!

Nag-roll ng mata si Maggie. Psh! Hindi kasi nila ako maintindihan kaya nila sinasabi 'yan.

"F*ck! Can't you run?! What are you? A f*cking turtle?" tanong ni TOP na may sigarilyo na naman sa bibig.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Aba, may mga kasama ka pala!" masayang sabi ni Red. Adik talaga sa babae 'tong isang 'to.

"Hello!" sabay sabay na bati ng 'Crazy Trios'. ヽ(^▽^)人(^▽^)人(^▽^)ノ

"You," turo ni TOP kay Michie. Nakakunot ang noo nya. "You look familiar."

Namilog naman ang mga mata ni Michie at awkward na ngumiti kay TOP. Lagot ka Michie.

"Hey Sam, mukhang dudugo ang ilong namin dito ah. Mas mabuti pa siguro umalis nalang kami," bulong ni China.

Hinawakan ko sya nang mahigpit. Hindi sila pwedeng umalis dahil maiiwan akong kasama ang mga 'to! Oo nga at ayos na kami ni TOP pero ang awkward naman kung puro lalaki ang kasama ko tapos mag-isa lang ako.

"Sam, bitawan mo na ako, ayokong ma-nose bleed! Bakit ba kasi ingles ng ingles 'yang boyfriend mo?" - China

"Hindi ko alam," bulong ko. "Hindi kayo pwedeng umalis! At hindi ko sya boyfriend!"

"Bakit naman hindi kami pwedeng umalis?" tanong ni China.

"Because I said so!"

Naglakad lang kami papunta sa cafe. Pinagtitinginan lang naman kami ng mga tao. Isipin nyo nalang na thirteen students ng Pendleton High na naka-uniform pa at four girls na galing sa St. Celestine High na nakauniform din. What a sight to see! Ngayon lang yata sila nakakita ng mga taga Pendleton at St. Celestine nang magkasama at pumasok sa isang cafe! Ang pangalan nga pala ng cafe ay 'Sweety's Sweets House' Puro bata pa yata ang mga napasok dito sa loob. Puro pink, white at violet ang nakikita ko sa loob.

"TOP, ano ba ang meron? Bakit mo kami dinala dito?" tanong ko.

"Just order anything, it's on me," sabi nya.

Okay hindi nya ako pinansin. Nice!

"I'll just have the parfait," sagot ko at pinaglaruan ang rainbow colored napkin sa lamesa.

"Yeah, me too!" – Michie(^◇^)

"Me three!" - China(^◇^)

"Me four!" - Maggie(^◇^)

Bunch of crazy girls! Ang saya nila kasi libre ang kakainin nila. Ang hilig talaga nila sa libre.

"Hey Sweety!" tawag ni TOP sa waitress.

Biglang lumaki ang mga tenga ko sa narinig ko. Ano daw, Sweety? Tinignan ko ang maliit na waitress na palapit sa amin. Sya na yata ang pinaka-cute na babae na nakita ko! Mas cute pa yata sya sa'kin eh! Nakasuot sya ng cute na pink at white na waitress uniform at nagba-bounce ang kanyang buhok na naka-ponytail. May dimples siya at nakangiti sa amin.

"Timothy!" biglang yumakap ang waitress kay TOP.

"Sweety, what are you doing?" kalmadong tanong ni TOP.

Sweety?! Akala ko ba sabi ni Red. Sabi ni RED single si TOP! At AKO ang CRUSH NYA! Sino 'to?! Nakangiti na lumayo ang waitress at tumingin sa amin.

"Nice to meet you, I'm Sweety. Mabuti naman nakapunta kayo sa ika-one hundred days namin ni TOP. Umorder lang kayo, libre namin to ni TOP ngayon!"

Biglang kumidlat at kumulog nang malakas. Ah hindi pala, sa isip ko lang pala 'yun! BAKIT HINDI NIYA SINABI SA'KIN NA MAY GIRLFRIEND NA PALA SYA?! AT BAKIT AKO NAGPAPANIC?! Teka nga! Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ang daming girlfriends ni TOP? Sila ba talaga? Nagsinungaling ba sa akin si Red?! Niloko nila ako!

"Huh? Sammy totoo ba yun?," bulong na tanong ni China.

"Akala ko ba may three month rule pa?" pabulong din na tanong ni Maggie.

Hindi ko sila pinansin. Bakit ba ako isinama ni TOP dito? Balak ba nyang ipamukha na may bago na syang ipinalit sa akin? That stupid stupid b@stard!!

"Stop saying rubbish and go get our damn order," TOP said calmly. Parang hindi naman nya iniintindi ang sinabi ng babae. Siguro totoo nga na sila.

"Sweetheart naman masyado kang harsh! Teka ni hindi mo pa nga ako binibigyan ng kiss!" naka-ngiting sabi ng cute na waitress habang nakatingin kay TOP na parang may nakakatuwang nangyayari.

Sweetheart?!! Kiss?!!

"Sam! Bakit mo pinilas ang napkins? Sayang naman, makulay, ang cute." - Michie (*u*)

Napatingin naman ako sa kamay ko at totoo nga na napunit ko ang lahat ng napkin sa lalagyan. Oopps! Ngumiti sakin nang todo ang waitress. Ang cute nya talaga! Waaahh! Mas pretty na yata sya sa'kin!

"Oohh~ Ngayon alam ko na!" tumango-tango na sabi nya. Bigla syang nag-wink sa'kin at ngumiti nang malapad kay TOP. "Pano ba yan Timothy panalo ako sa pustahan! Hahahaha!" she laughed an angelic laugh.

"F*ck! What are you talking about?" bigla syang tumingin sa'kin at muling tumingin sa cute na waitress. "You are the one who should pay up."

Umiling ang waitress at nag-tsk. "You're hopeless, Timothy."

Una, Ano ba ang pinag-uusapan nila? Pangalawa Timothy?! Who's she calling Timothy? Tumingin kami ng 'Crazy Trios' kay TOP at...

"Timothy?!! BWAHAHAHA!!!" we all laughed in unison.

Tumigil kami at nagkatinginan ng Crazy Trios.

"Timothy daw?! Pfft!! Bwahahaha!!" we burst out laughing again.

Who would have thought na Timothy pala ang pangalan nito? Kaya siguro hirap malaman ang buong pangalan nya dahil don. Naiiyak na nga kami ng 'Crazy Trios' sa sobrang tawa. Nang medyo huminahon na ako napatingin ako sa paligid at una kong nakita ang mukha ni TOP. Ang blangko ng mukha nya.

Napatigil kaagad ako sa pag-tawa.. Narealize ko na kami lang palang apat ang tumawa. Ang dilim ng tingin ng Lucky 13 sa amin na para bang wina-warningan nila kami. Nakalimutan ko na leader pala ng isang gang itong pinagtatawanan namin. Lagot!

"F*ck! You got the nerves to laught at me huh?" sabi ni TOP.

Bigla naman syang hinampas sa likod ng cute na waitress.

"Timothy! Ilang beses ko ba na sinabing hwag kang magcu-cuss sa harap ng isang babae?!" nakapameywang na sabi ng cute na waitress. "At sanayin mo na nga ang sarili mo sa pagsasalita ng tagalog! Nasa Pilipinas ka, uso ang nose-bleed dito!"

Inaasahan ko na sisigawan ni TOP ang cute na waitress o magagalit dahil hinampas siya nito at ngayon ay pinagsasabihan pero ang tanging lumabas sa bibig nya ay;

"Fine, whatever." -___-

"Good!" (^__^)~*

Medyo naging malungkot naman ang pakiramdam ko. Mukha kasing super close ng dalawa. Naiinis ako. Ito na naman ang weird na feeling na ito. Ano ba 'to?!

"Sya nga pala, pasensya na sa nasabi ko kanina! Hahaha!" nakatawang sabi ng cute na waitress, nakatingin sya sa'kin. Huh? "Ang totoo kasi nyan, hindi naman ako girlfriend ng pasaway na batang ito," paliwanag nya habang hinahampas ng paulit-ulit ang likod ni TOP.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Kung ganon, hindi pala sila. ('-').。oO

"Ako nga pala ang kanyang fiancee!"

ANOOOOOOOOOOO?!!!! 。・゜・(ノД')・゜・。

"EEEHHH?!?!" napatayo sa silya ang 'Crazy Trios' at tinitigan sina TOP at ang cute na waitress.

Biglang tumahimik sa loob ng cafe. Pati ang ibang customers ay nakatingin sa table namin.

"PAANO NA SI SAM?!" sigaw ulit nila.

Parang gusto kong lamunin ng lupa o maglaho na lang mula sa kinauupuan ko! Ano ba?! Bakit ba ganito ang tatlong ito? Nakakahiya! Bakit nila kailangan itanong yan?! Mukha tuloy akong kawawa. Pero itinago lahat ng emosyon na lalabas sa mukha ko. Neutral lang.

Matiim na tumingin ang cute na waitress sakin na tila ba pilit nyang binabasa kung ano ang iniisip ko. Ang weird naman nito. At pagkatapos ngumiti sya.

"Haaay. Ang hirap naman nya mabasa," sabi ng cute na waitress kay TOP. "Pero alam ko na panalo parin ako sa pustahan!"

"Wazzup yow!!" bati ni Red na pumasok sa cafe at lumapit sa table namin. Hindi ko napansin na wala pala sya sa loob. Kaya pala pakiramdam ko ay may kulang. "Nag-aaway na naman ba ang kambal ng tadhana??"

Kambal ng tadhana? Julio at Julia?

"Waaah! Bakit mo kami ibinuking?!" sabi ng cute na waitress kay Red. "Sira na tuloy ang plano namin ni Timothy!!"

"Huh?" Napakamot sa ulo si Red at mukhang clueless.

Narinig ko naman na bumuntong hininga ang ibang myembro ng Lucky 13 including TOP pati na rin ang cute na waitress. Naguluhan ako. Nanatili namang walang imik ang 'Crazy Trios'. Ewan ko ba, mas behave sila ngayon. Bakit kaya? Napatingin naman ako sa tatlo.

"Ahhh!!! Michie! Maggie! China! Ano'ng nangyari sa inyo? Bakit ganyan ang mga mukha nyo?!" gulat na tanong ko.

"Sam..." - China, nag-collapse sa upuan.

"Gu... Gu—tom na..." - Maggie, nag-collapse ang ulo sa lamesa. I bet masakit yun!

"Gutom... Na... Kami..." - sabi ni Michie na mukhang tutulo na ang laway.

"Ay! Sorry! Nakalimutan ko yung order nyo!" sabi ng makulit at weirdong waitress sabay hampas na naman sa likod ni TOP.

"Damn it woman, stop slapping my back!! It f*ckin hurts!! Go get the damn order!!"

Natahimik na naman sa loob at muling tumingin ang mga customers sa table namin. Bigla nilang tinakpan ang tenga ng mga anak nila.

"Mommy, what does the word f*ck means?" an innocent little boy asked.

Halatang gulat ang Mommy nya sa sinabi ng bata.

Note; hwag na hwag pupunta sa mga ganitong lugar kasama si TOP. At hwag rin syang ilalapit sa mga kids! Bad Influence.

"Timothy Odelle Pendleton! You wanna die?!!" nakataas ang kilay at nakangiti nang nakakatakot ang weirdong waitress.

"Uh-oh! I smell trouble! Lalo na sa kambal na ito. Double trouble," bulong ni Red sa sarili niya at lumayo ng kaunti sa dalawa.

Ano daw? Kambal? Sino? Si TOP at ang weird na waitress? Tinignan ko ang dalawa na ngayon ay parehong nababalutan ng itim na aura. Bakit biglang lumamig at dumilim?

"Die! Die!" at sino ang nag-sabi nun? Walang iba kung hindi isang 3-year old na bata.

Marahil narinig nya mula sa waitress! Waah! Kambal nga sila!

Continue Reading

You'll Also Like

31.3M 569K 170
Journal ng babaeng walang lovelife...
58.8M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...
23.5K 1K 97
Internet Love | epistolary with narration.
273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.