Silent Pain

By WifeOfSimon

38.4K 2.1K 577

Is LOVE worth fighting for? Paano mo ipaglalaban kung alam mong hindi na pwede? More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Cbapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70

Chapter 54

640 41 20
By WifeOfSimon

She got a call from Blaze. Off na ng mga tao nya at mag-isa na lang nya ngayon sa resto.

"Oy kumusta? Asan ka ngayon?" tanong nya dito. It's been a week mula nang hindi na sya sumama sa gig ng mga ito.

"Stop na kami sa pagba-banda." pagbabalita ng binata.

"Why?" nagulat ang dalaga sa balitang yun ni Blaze.

"Myles is pregnant."

Nanlaki ang mga mata ni Yassi.

"What?"

"Yeah. She confirmed it the other day. Aside from that, sarado na ang resto bar dyan sa kalapit ng place mo."

Lalo nang ikinagulat yun ni Yassi.

Nalungkot sya sa mga nawalan ng trabaho sa Sunrise View. Nainis tuloy sya sa bagong may-ari. Nagsara ito kahit malakas naman ang resto bar. Ang buong resort kaya, nag-ooperate ba?

"So saan na kayo ngayon?" malungkot nyang tanong.

"I can get by. I have businesses. Sina Ram and Josh ang inaalala ko. All their lives sa pagbabanda sila nabuhay. But I have a friend in Manila. May mga natapos naman yung dalawa. Maybe my friend could help them get a job."

Napahanga si Yassi kay Blaze. Ang laki ng puso nito sa mga kaibigan. Kagaya noong panahong sya ang tinulungan nito.

"Asan ka ngayon? Drop by here, I-treat kita ng foods." lambing nya dito. Gusto nyang siya ang magbigay ng reward kay Blaze dahil sa kabutihan nito sa kapwa.

"Talaga? Medyo malayo pa ako eh."

"San ka ba?"

Sinabi ni Blaze kung asan sya.

"Hintayin kita kahit anong oras ka dumating."

Napangiti si Blaze.

"Okay. I'll drive faster now." aniya.

"No!" biglang nag-alala si Yassi. "Wag kang magmadali please." may trauma na sya sa aksidente at ayaw nyang mangyari sa kahit kaninong kakilala nya ang nangyari sa kanya before.

"Alright."

Nagluto ng espesyal na hapunan si Yassi. Tumawag sya sa kanyang nanay at sinabing sa resto sila magdi-dinner ni Blaze.

Tumunog ang cellphone sa counter. Ito yung cellphone na ginagamit nila to accept orders for deliveries.

Sinagot nya ito.

"Hello good evening."

"Is this Yummy Place?" the man on the other line has husky voice. May naalaala syang ka-boses nito.

"Yes Sir. This is Yummy Place but we're already closed."

"I see..." narinig nya ang pagbuntong hininga ng lalaki at maya-maya boses ng batang babae na umiiyak ang narinig nya.

"Dada, I'm hungry na. I don't like milk. I want rice and chicken."

"Okay baby. Don't cry na. I am going to buy you foods. Wait lang ha. Maghahanap pa si Dada ng mabibilhan. "

Naawa si Yassi sa umiiyak na bata.

"Ah okay. Thank you na lang." sabi ng lalaki at mukhang ii-end na nito ang call.

"Teka lang Sir. Kung makakapaghintay po kayo, ipagluluto ko po ng makakain ang bata. Ah... pati na rin po kayo."

"Thanks." tila nabunutan ng tinik ang kausap ni Yassi.

"Give me 30 minutes po Sir. Saan po ba kayo?"

"Sunrise View Resort." Ayaw na sanang tumanggap ng order si Yassi ngunit kawawa naman yung batang nagugutom. Bakit kasi hindi nakabili ng makakain itong kausap nya.

"Can you make it three orders? Kasi tatlo kami dito." parang nahihiyang sabi ng kausap.

"Ah... Okay Sir." napilitan nyang sabi.

Kaagad tumungo sa kusina si Yassi. Wala syang sinayang na oras. Buti na lang may kanin pa. Para sana yun bukas na isasangag nila. Babawasan na lang nya. So fried chicken na lang. Kumuha sya ng thigh part, breast part at leg part. Dinoble na lang nya yung sa breast part. Baka malakas kumain yung lalaki.
Pinakuluan muna nya saglit yung karne ng manok. After 15 minutes hinango na nya.

Hinanda na nya ang pagpiprituhan.

Pinagulong nya ang chicken meat sa breading mix. Nang masigurong mainit na ang mantika, pinrito na nya ang mga bahagi ng manok.

Matapos maluto ang mga yun ay nilagay na nya sa paper meal box ang fried chicken kasama ang kanin.
Naglagay na din sya ng catsup sa plastic disposable sauce cup.

Nilagay nya sa paper bag ang mga yun saka lumabas na sya ng kanyang resto. Ipinasya nyang magmotor na lang para mas mabilis syang makarating. Tinatamad na kasi syang maglakad.

"Ma'am Yassi!" bati ng guard sa gate.

"May umorder po sa akin ng pagkain. Taga-Sunrise daw. Nakalimutan kong itanong yung pangalan."

"Ay opo Ma'am. Kagagaling lang dito ni Sir, yung bagong may-ari ng resort. Ibinilin po nya yang mga order nya."

Inabot ng guard ang pera.

"Ay kuya pakisabi bukas na lang yung sukli."

"Sabi po ni Sir, wag nyo na daw pong suklian."

Napatanga si Yassi. Masyado namang galante ang bagong may-ari ng resort.

"Sarado na po ang resort kuya?" usisa ni Yassi.

"Temporary lang Ma'am. Ipapaayos daw ni Sir. Ipapa-renovate."

"Ah kaya pala."

Nagpaalam na si Yassi at bumalik na sa kanyang resto.

Tinext na lamang nya ang lalaking umorder sa kanya.

"Sir may sukli pa po kayo. If you want po, umorder na lang po kayo ng breakfast nyo bukas."

Nagreply ang lalaki.

"Sure. Thanks."

"Blaze!"

Ngumiti ang binata nang salubungin sya ni Yassi.

"You really knew the sound of my car."

"Oo kabisado ko na. Kaya nga nagbukas na agad ako ng pinto nang marinig ko ang sasakyan mo."

Napansin ni Yassi na may itinatago sa kanyang likod si Blaze dahil naroon ang isang kamay.

"Ano yang nasa likod mo?"

Kaagad din naman nitong ipinakita sa kanya at inabot.

"Lagi kang may pabulaklak ah." biro ni Yassi.

"Ayaw?"

"Sira! Okay lang na bigyan mo ako ng bulaklak ikaw naman ang bumibili eh."

"Yun naman pala, so wag ka nang mag-complain."

"Hindi ako nagrereklamo ha."

"Ang kulit mo." pinisi ni Blaze ang tungki ng ilong ni Yassi. Natigilan tuloy ang dalaga.

Nag-alala naman agad si Blaze.

"Sorry, nasaktan ka ba?"

Umiling si Yassi.

Sa totoo lang, natigilan sya dahil may taong dating gumagawa noon sa kanya. Naalaala na naman nya ang tao na yun.

Ito naman kasing si Blaze, habang tumatagal nagiging sweet at malambing.

"Tara na sa taas. Doon tayo kakain." yaya na ni Yassi sa binata.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila ng kung anu-ano.
Naikwento ni Blaze na ngayong stop na muna sila sa pagbabanda ay magpo-focus na rin sya sa kanyang mga negosyo. Bukod sa may farm ang binata, mayroon itong tatlong branch sa iba't ibang lugar sa Batangas, ng mga hardware/construction material supplies.

Matapos nilang kumain ay tinulungan ni Blaze si Yassi sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. Walang nagawa ang dalaga dahil mapilit si Blaze.

"Ihahatid mo pa rin ba ako? Dumeretso ka na sa inyo at baka gabihin ka pang lalo."

Gusto ni Blaze na maihatid pa si Yassi hanggang sa bahay ng mga ito.

"Sige lang. Susundan ko lang ang pagmomotor mo, kapag nasa tapat na tayo ng bahay nyo, babalik na rin ako."

Ganoon nga ang nangyari. Nagmotor si Yassi hanggang sa kanila kabuntot nya ang sasakyan ng binata. Nang masigurado nito na nasa bahay na sya ay bumalik na rin ito para makauwi.

Nakahinga ng maluwag si Simon matapos mapakain si Sianna.

Ngayon ay payapa na itong natutulog.

Bukas na bukas din ay pupunuin nya ng stocks ang ref para may mailuto sila. Hindi na siya nakadaan sa grocery store kanina dahil nagmamadali na rin sya.

Pasalamat sya at kahit sarado na ang Yummy Place ay inentertain ang order nya.

Napaisip sya, yung kausap kaya nya kanina ang nagmamay-ari ng resto?

Her voice is soft and sweet. She sounds like ----
Ipinilig ni Simon ang kanyang ulo.

Ah, puro na lang si Yassi ang laman ng isip nya.

Five years since they parted. Hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng puso at isip nya.

Baka kailangan na ring mag-move on na sya.

Isang linggo na mula nang makita nya si Yassi, and yet kahit anong waksi nya sa kanyang isip, nakikita pa rin nya at paulit ulit naglalaro sa gunita nya ang mga eksenang nakita nya sa loob ng resto bar.

Pinipiga pa rin ang puso nya kapag naaalala ang gabing yun.

He's a fool na umasang hanggang sa mga oras na ito ay malaya pa si Yassi.

Bakit nga ba sya aasa, kung sya mismo ay hindi malaya?

Naikuyom nya ang kanyang mga palad.

"Where are you Marianna? Why don't you show up so we can part ways legally?"

Ginamit na nya ang lahat ng kanyang resources to trace kung saan pwedeng nagtatago, kung nagtatago man si Marianna, pero walang nangyari.

Not even her relatives know her whereabouts.

Past 5AM pa lang at kakapasok pa lang nila sa loob ng resto nang tumunog ang cellphone sa counter.

Binasa yun ni Mildred.

May convo naman kaya na-gets nya yung sinasabi ng customer.

"Ma'am Yassi may umorder po ba sa inyo kagabi?"

"Ah oo. Taga-Sunrise. Andito pa kasi ako that time. Inentertain ko pa rin kasi yung bata nagugutom na eh. May order ba ngayon? Sabi ko kasi yung sukli nya i-order nya na lang ngayon."

"Yes Ma'am may order po."

"Hala pakisabi kay Kuya Aldin unahin na nya yan. Baka gutom na yung bata."

"Ah sige po Ma'am."

"Pakisabi na rin kay Lander, ideliver na agad ha."

"Okay po Ma'am."

May ginawang brownies si Yassi kagabi dahil hindi sya agad nakatulog, kumuha sya ng ilan at ipinasama kay Mildred sa idi-deliver.

"Para sa bata." aniya.

Napangiti si Mildred nang mabasa nito ang sticky note sa ibabaw ng plastic container.

Maagang gumising si Simon para makapag-grocery. Maghahanap rin sya ng construction supplies na malapit sa lugar dahil bukas ang simula ng renovation ng resort.

Kahapon nagka-usap na sila ng engineer na mangangasiwa ng renovation.

Gusto nyang ipabago ang designs ng two-storey mini-hotel building, gagawin nyang modern style. Ipapatayo rin nya ang sarili nyang villa na may sariling pool. Kung i-ooperate ang resort, gusto nya ng privacy kaya ang villa nya ay nasa dulo, wala sa sentro ng resort.

Napangiti si Simon nang dumating ang inorder nyang agahan nilang tatlo. Nakita nya ang mga brownies. Nakalagay yun sa plastic container. May sticky note pa na nakalagay.

"For Baby Girl"

Nabaitan sya sa may-ari ng resto. Mabait sa mga bata. He grasped nang maalaala ang ina ni Sianna.
Three years nang hindi ito nagpapakita, kahit mag-attempt man lang na tingnan ang bata hindi nito magawa.

Hindi nila alam kung saang panig ng mundo naroon si Marianna.

Buti pa yung owner ng Yummy Place. Kahit hindi pa nya nakikita si Sianna, naalaala nitong padalhan ng brownies.

He wanted to meet her one day pero hindi ngayon. Masyado syang busy sa maraming bagay.

Brownies?

He knows someone who loves to bake sweet goodies.

Ayan na naman sya.

𝘚𝘪, 𝘮𝘰𝘷𝘦 𝘰𝘯. 𝘚𝘵𝘰𝘱 𝘳𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘦𝘳.

"Yaya Marsha, tulog pa ba si Sianna?"

"Tulog pa po Sir. Pero maya-maya gigising na din po yan."

"Ah okay. Kumain ka na pagkatapos ko dito. Aalis na muna ako ha. Gonna find construction supplies here. Maggo-grocery na din ako."

"Sige po Sir."

Nasa store nya ngayon si Blaze. Hindi sya bumababad sa mga negosyo nya, but since wala na syang pagkakaabalahan gusto nyang subukang maging hands on sa negosyo nyang yun.

Kaya nagulat pa ang kanang-kamay nyang kaibigan na si Merwyn.

"Mukhang mawawalan na ako ng trabaho ah!" biro ni Merwyn.

"Siraulo! Tatambay lang ako ngayon dito, mamaya aalis na din ako." nakatawang sabi ng binata.

Tumawa din si Merwyn.

Natigil lang sila sa pagkukulitan nang may tumigil na kotse sa harap at bumaba mula sa sasakyan ang isang lalaki.

Kaagad hinarap ni Merwyn ang customer. Lumapit sya sa counter. Si Blaze naman ay nagbuklat ng mga sales journal.

Tumingin tingin muna si Simon sa paligid ng store. Pagkatapos ay nahagip ng paningin nya ang lalaking yun na nakaupo sa harap ng mesa na nagbubuklat at tila nagbabasa ng kung ano man.

Nagulat sya.
That guy. Kilala nya yun kahit hindi sya nito kilala.

"Sir ano pong kailangan nila?" magalang na tanong ni Merwyn sa kaharap.

Inilabas ni Simon ang listahan ng mga kakailanganing materyales. Ito yung mga kakailanganin sa buong linggo. Binigay yun ng engineer.

Hands on sya sa mga gagamiting supplies kaya sya ang mamimili ng mga materyales.

"Lahat po ba ito?"

"Yes."

"Ipapadeliver nyo ba Sir?"

"Yes. Is it free of charge or I need to pay for the delivery?"

"Saan po ba kayo Sir?"

"Sunrise View Resort."

"Ah okay lang Sir. Free delivery pa po kami dyan. Sa looban lang naman ang sa inyo."

Tumango tango si Simon.

Isa isang inihanda at ni-load na sa sasakyan ang mga materyales. Patingin-tingin lang si Blaze mula sa kinauupuan.

Nang makumpleto na ang mga yun ay tinanong ni Simon kung pwedeng check ang ibayad.

"Bossing, check daw?" tanong ni Merwyn kay Blaze.

"Check will do."

Nilabas ni Simon ang kanyang check booklet.

Kinu-compute naman ni Merwyn ang lahat ng kinuhang materyales ni Simon.

Lumapit si Blaze.

"Give him discounts. Marami syang binili sa atin. Same discounts that we give to our valued clients." ani Blaze. Matapos nun ay bumalik na sa kanyang upuan.

"Swerte nyo Sir, nandito ang bossing ko. Pinabibigyan kayo ng 5% discount." ani Merwyn sa kaharap.

Tumango-tango lang si Simon.

So the guy is the owner of the store.

It means, he is a businessman too, not only a band member.

Ipinakita ni Merwyn ang babayaran ni Simon.

Isinulat naman yun ni Simon sa check. Matapos nun ay pinilas na nya ang tseke at inabot sa kaharap.

"Sige Sir, ipapadeliver na po namin agad yan."

"Thank you." tipid na sagot ni Simon.

Sumakay na sa kanyang kotse si Simon. Since nakapag-grocery na sya ay babalik na sya sa resort.

"Saan yan idideliver." tanong ni Blaze kay Merwyn.

"Sa Sunrise View Resort daw pre."

"Ah. Irerenovate daw kasi yung resort. Baka yun yung bagong may-ari."
sabi ni Blaze.

"Ah ipinagbili na ba ng dating may-ari?"

"Yup. And sarado na sya ngayon. Temporarily while renovation is on-going."

Kanina pa ikot ng ikot sa buong resort si Yaya Marsha ngunit di nya makita si Sianna. Kinakabahan na talaga sya. Mangiyak ngiyak na nga sya. Ilang beses na syang bumalik sa tabing dagat, pumunta sa pool, at sa iba pang lugar ng resort ngunit di nya makita ang alaga. Napatingin sya sa kanyang orasan. Malamang pauwi na ang boss nya.

"Yaya!"

Napatakbo si Yaya Marsha nang makita ang alaga. Hawak ang kamay nito ng isang magandang babae.

"Saan ka nanggaling na bata ka. I told you wag kang lalayo kanina. Mamatay-matay ako sa nerbyos eh."

"Baby girl I'm going back na ha. Kainin mo yang request mong spaghetti ha."

Tumango-tango ang bata.

"Ikaw ba ang Yaya nya?"

Tumango si Yaya Marsha.

"Pakibantayan syang mabuti. Nakaabot na sya dun sa store namin. Mabuti na lang nakita ko sya kanina."

"Naku po salamat Miss Ganda. Kinakabahan na nga ako eh."

"Sige babalik na ako roon."

Yumuko si Yassi kinausap ang batang babae.

"Baby don't go too far, just stay here, okay?"

"Miss Pretty can I go to your store again tomorrow?" tanong ni Sianna.

"Sure. Bring your Yaya with you."

Tumalon sa tuwa ang bata.

Nagpaalam na si Yassi.

Mga sampung minuto syang maglalakad sa buhanginan. Sa likod na rin sya dadaan at hindi sa kalsada. Napailing sya ng maalaala ang bata. Napaka-biba at inglesera. Anak marahil ng may-ari ng resort.

Sianna. Sounds like ---
Ipinilig nya ang kanyang ulo. Ayaw nyang isipin ang pangalang yun. Dahil sakit lang ng kalooban ang dinudulot noon sa kanya.

"Dada!" tuwang salubong ni Sianna kay Simon.

"How's my baby?"

"I met someone today Dada. She's pretty and very kind." kwento ng bata. Napatingin si Simon sa yaya ni Sianna.

Nagkamot ng ulo si Yaya Marsha.

"Sir kanina po nawala si Sianna. Mga isang oras po yun. Nag-alala na nga po ako tapos bago po kayo dumating may magandang babae ang naghatid dito kay Sianna. Binilinan nga po ako na bantayang mabuti si Sianna kasi nakaabot na daw sya sa store nila. Pasensya na po Sir hindi na po mauulit."

Tumango tango si Simon. The only store na malapit sa resort ay ang resto na Yummy Place. Mabuti na lang mababait ang mga tao sa lugar na yun.

"Dada, I have spaghetti here. And that beautiful lady gave me macaroni salad too! Taste it Dada."

Excited na pinatikim ni Sianna si Simon ng mga pagkain.

Natigilan si Simon nang malasahan ang macaroni salad. May naalaala na naman sya.

"Do you know the name of that beautiful lady you have just met today?" tanong ni Simon kay Sianna.

Tumango ang bata.

"They call her Ma'am. Ma'am Yassi."

Natigilan si Simon sa narinig.

*** may pasok na bukas. Hinabol ko lang itong update na ito. Sana nagustuhan nyo. Please vote. 🙏
Thank you! 🥰

Disregard any wrong spelling and wrong grammar. ❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
5.5K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
6.6K 423 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
8.9K 83 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...