JEMA
"NANALO TAYOOOO!" -Deanna
Dito kami nakapwesto sa opposite side ng Ateneo pero rinig ko siya. Nakita ko agad siyang pagkaguluhan ng lahat, pati sina Bea nakita ko na rin na sasama sa group hug nila. Ang wild ng crowd. It was a good game talaga. Malinaw sa lahat ng saksi ng game na to ang effort ng parehas na team. Ramdam na ramdam ng lahat ang bawat emosyon na pinaglalaban ng bawat isang maglalaro.
"Ateeeee.." Mafe
Niyakap nya ko agad habang umiiyak.
"Shhhh, its okay. I'm proud of you" Ang sakit makita na mauwi sa pagkatalo lahat ng pinaghirapan ng kapatid ko pero alam ko na hindi dito matatapos ang lahat. She will come back stronger.
"Galanza tayo. Babangon lang hindi susuko, okay?" Yakap yakap ko pa rin siya, hinahayaang iiyak niya lahat ng nararamdaman niya.
"Andito lang si ate, Mafe. I love you." I kissed her forehead and mukha namang kumakalma na siya. Alam kong mabigat parin ang kalooban niya pero tulad ko, alam kong strong ang kapatid ko. Kayang-kaya niyang ibangon sarili nya sa pagkatalong ito.
"Nice game"
Lumingon kami ni Mafe, and for the second time, nakakagulat din talaga ang mga tumatakbo sa isip ng taong to.
Natahimik ang lahat ng nakakakita, kahit ako hindi makapaniwala. Nasa harapan lang naman namin e ang kapitana ng Ateneo.
Deanna Wong.
Nakangiti siyang nakatingin kay Mafe naghihintay na makipagkamay sakanya ang kapatid ko. Bumitaw na sakin si Mafe at unexpectedly, niyakap niya si Deanna at nagsimula na ulit na umiyak ng umiyak sa damit niya.
Naiyak na rin ako.
Alam ko din kase gano ka-idol ni Mafe si Deanna. Setter din ang kapatid ko. Katulad ng yakap ni Deanna kay Jia, alam kong sobrang mahalaga tong pagkakataon na to para kay Mafe na maacknowledge ng taong inspirasyon niya sa paglalaro.
"Pinahirapan mo ko dun Mafe ah? Sayo ako kinabahan e." -Deanna
Alam ko namang pinapagaan niya lang pakiramdam ng kapatid ko. Yet, I am thankful. Eversince nagkakilala si Mafe at si Deanna, naging mabait na ate narin talaga si Deanna para sakanya.
"Thank you." Pabulong ko lang na sinabi kay Deanna pagtingin niya sakin.
She only nodded.
Ewan ko ba sa language na meron kami ni Deanna pero alam niyo yun. We don't need many words para maexpress ang sarili namin sa isa't isa.
After nga mag-iyakan ni Mafe at Deanna, tinawag na si Deanna ng teammates niya for the interview. Wala akong duda na MVP si Deanna. Alam ko wala yun sa isip niya kase ganun lang talaga siyang tao. Walang yabang kahit konti sa katawan. I am proud of her. During that service ace, naluha ako. Nung makita ko yung mukha niya sa screen, nakita ko lahat ng pagod, hirap, sakit na tiniis niya para makarating sa kung anong meron siya ngayon. Pero may nangibabaw.
Kitang kita ko yung determinasyon nyang ipanalo hindi lang ang team, hindi lang ang Ateneo, kundi pati rin ang sarili niya laban sa lahat ng negativity rin na gumugulo sakanya all these times. Narinig ko na lahat ng pagdududa niya sa sarili niya. Nakita ko lahat ng time na muntik na siyang sumuko. Pero ngayon, ang nakikita ko lang ay yung Deanna Wong na naipanalo na ang sarili niya.
"OUR UAAP '81 MVP! NO OTHER THAN KAPITANA. MARIA. DEANNA. IZABELLA. "MASTER PLAYER". WONG!!!!"
Wala na. Umiyak na si Kapitana.