Book 2 - Chapter 11

1.2K 47 5
                                    

DEANNA

Nakalipas na ang ilang linggo at heto na ulit, laban na ulit. Narito na kaming lahat sa arena. Parehas may laban ngayon ang Choco Mucho at Creamline. Mauuna nga lang kami sakanila kaya nasa bench lang sila na manonood muna sa laban namin. 









"Boss D! Trending ka na naman sa twitter oh! Iba ka talaga! Hahahaha." Pagbati sakin ni ate Bei. Kahapon pa niya sinasabi na malamang daw ay pag-uusapan na naman ng mga tao ang pagbabalik ko sa volleyball. I won't deny na dagdag pressure yun for my part kase madami nageexpect sakin.









"Mananalo tayo, Deanns. Kaya nga tayo nagpakahirap para makundisyon ulit e. Wag ka kabahan, kasama mo kami dito." Pagpapakalma naman sakin ni ate Madz. Ngumiti naman ako sakanila at huminga ng malalim para pakalmahin na ang sarili ko. 









"Psst!"









Lumingon ako sa likod at nakita ko sina ate Ly na nagegesture ng good luck para sakin. Nginitian ko lang din sila at napalingon din naman ako sa kinauupuan ng Creamline. Ewan ko ba pero simula noong nagtraining kami ng sama-sama, sobrang naging solid na ng bond namin sakanila kaya hindi na rin talaga competition ang tingin namin sakanila kahit pa maging kalaban namin sila sa court. 









Hindi sila kumpleto sa bench dahil hindi ko nakita ang nagiisang taong hinanap ko. I feel disappointed and hindi ko maintindihan why I have to feel that way. 









"Good luck, Deanna!"









Agad akong lumingon kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Jovie na papalapit sakin. Ngumiti lang rin ako ng maliit sakanya at nag thank you. Ewan ko ba sa dinami-rami na ng nagcheer up sakin, hindi makampante ang puso at isip ko.









"Hoy Wong! Ang lalim na naman ng iniisip mo, ikalma mo nga yan! Paano tayo maglalaban niyan sa finals?"









Finally.









Ngumiti na ko ng malaki habang hinanap ang boses na yun. Si Jema. Tinawag niya ko para lumapit sakanya kase hindi siya pwede makita sa bench namin kase unang-una, hindi namin siya teammate and pangalawa, alam ng lahat ang nakaraan namin kaya umiiwas lang kami na mapag-usapan ulit. 









"Heto! Wala akong mapili na favorite mo kaya pagtiyagaan mo yan. Alam ko gaano ka ginugutom after every game kaya this is how I'll cheer you up. Ubusin mo yan lahat ha? Just enjoy the game, yun lang ang mahalaga. Okay?"









Nilapag niya sa kamay ko lahat ng binili niyang mga foods. Napakasimple lang talagang gesture nito pero sobra sobra nitong ginugulo ang damdamin ko.  Hindi ko alam bakit may tumulong luha sa mata ko. 









I look up to her and smiled sadly. Nag-iba rin ang emosyon ng mga mata niya and I know, she knows what my eyes are trying to say. My eyes are telling her words my mouth can't ever. Ngumiti na rin siya ng malungkot and hinawakan niya balikat ko.









"Good luck, Wong!"









"Thank you, Galanza."









With one last look, naghiwalay na kami. Nilagay ko lang muna sa bag ko ang binili ni Jema kase delikado na pag nakita yun ng mga teammates ko especially ang nag-iisang De Leon. Baka wala na ko matikman kase uubusin na niya lahat. 









Build Me UpWhere stories live. Discover now