Chapter 47

1.2K 46 0
                                    

aDEANNA

"ATE!"

"SACHI!"

Nilingon ko kung saan nanggaling yung boses na tumawag sakin at nakita ko ang mga kapatid ko na tumatakbo papunta sakin at kasunod naman si Mom at Dad sa likuran nila. Niyakap ko sila agad at inalalayan sa mga gamit na dala nila. Para naman kaseng dinala na nila buong bahay namin sa Cebu e hahaha. Kiniss ko sa cheeks si Mom at Dad, finally, andito na talaga sila. Lalo tuloy akong hindi mapakali sa magiging laban namin bukas. 

"Hindi mo kasama si Jema, Sachi?" Grabe, kararating pa lang nila, si Jema na agad hanap nila. "Dad, may lunch po kase yung team ko at ang Creamline kaya nasa Vikings po sila lahat. Nagdecide rin po si Jema na hindi sumama kase she thinks na family time ito and she knows naman how I miss you guys." Pageexplain ko naman sakanila habang sinasakay gamit nila sa van na hiniram ko kay ate Bea. "Hindi ba siya family para hindi sumama satin, Anak?" Natigilan naman ako sa sinabi ni Mom. Tama ba ang naririnig ko? I just gave her a look asking her to elaborate more kung anong point niya. "Girlfriend mo siya diba? So part na rin siya ng family natin. Don't give me that look, Sachi. I told you right na gusto naming itry na matanggap tong mga decisions mo in life, are we really that hard on you for you to think na sobrang mahihirapan kami tanggapin si Jema?" Pumasok na ang mga kapatid ko sa van and lahat sila mga nakangisi sakin. What's happening in this family? May nangyari ba sa loob ng eroplano at parang hindi ko kilala tong pamilyang sinundo ko ngayon? "Let's go, Sachi. Sunduin natin si Jema. Let's have lunch together." Kay Dad naman ako napatingin. Sumakay na ko sa driver's seat at napatunayan ko na talaga na may nangyaring hindi ako informed and I will find out. Lagot ka saken ate Cy mamaya. 

Nakarating na kami sa harap ng Vikings and I just told them na susunduin ko lang si Jema. Mom insisted na sa condo ko na kami maglunch e, magluluto siya for us. As a masunuring anak, siyempre hindi ako umaangal. Miss na miss ko na rin mga luto niya e. Pagbaba ko sa van ay nakita ko naman yung mga friends and teammates ko sa labasan, nagiintayan pa sila makumpleto bago pumasok sa loob. "Uy! Boss D! Bakit ka andito? San sila tita?" Salubong naman agad sakin ni ate Bei. Tinuro ko naman yung van niya saying na andun sila and no need to explain more, nagtakbuhan mga teammates ko sa van and binati ang pamilya ko. Nakita ko naman si Jema kasama sina ate Ly and nilapitan ko sila. Although confused, kiniss ko naman sa cheeks si Jema and hinug si ate Ly at ate Jia. "Akala ko ba susunduin mo family mo, Deanna? Hala! Nagback-out ba sila?!" Nagwoworry naman agad na tanong ni Jema. Ngumiti naman ako sakanya. "Hindi, Jema, andoon sila sa van. Gusto nilang sunduin kita para maglunch with my family." Hindi agad siya nakasagot at tumingin naman ako kay na Ate Ly asking for their permission na hiramin si Jema. Wala pa ko nasasabi ay tumango na agad sila ni Ate Jia. Hahahaha. Solid supporters talaga sila ng relationship namin ni Jema. Tumingin ako ulit kay Jema na namumula, siguro nahihiya hahaha. "Tara na, B?" Kumapit naman siya sa kamay ko and tumango. Pumunta na nga kami sa van at nakita ko namang lumipat na sa unahan ang bunso kong kapatid kaya si Jema, doon tatabi sa side ng parents ko. 

"Hi Jema!"

"Hello ate Jema!"

"Nice to meet you Jema!"

Sabay-sabay namang bati ng mga kapatid ko kay Jema. Kanina ko pa nahahalata na todo suporta sila sakin ah. Syempre I'm not complaining naman, I'll gladly accept any help para madaling matanggap ni Mom and Dad ang bebe ko. Hahahaha. Umupo na si Jema sa tabi ni Mom and Dad, nakita ko naman siyang niyakap nila bago ko isara yung pinto ng van. Dumerecho na ako agad sa driver's seat at nagtuloy na papunta sa condo ko.

"Jema, don't be shy samin, we are happy na finally nakikita namin talaga na masaya na si Sachi." Nakikita ko sa salamin na hawak-hawak ni Mom kamay ni Jema habang nakangiti lang naman si Jema sakanila. Naooverwhelm siguro tong baby ko, hindi ko siya masisi kase kahit sakin, bago to lahat e. "Jema, sorry if we scare you and Deanna from opening your relationship with us. I just remember yung last relationship niya with a girl kaya aakalain talaga niya na we are totally against with her being in a relationship with the same gender. We only protected her kase nalaman naming niloloko lang siya ng ex niya e." Grabe naman Dad, kailangan pa ba ungkatin yon? Antagal na nun and I'm still so young kaya! Malay ko ba. Nagreklamo ako agad and nagpout. Nagtawanan naman sila lahat pati si Jema. "Jema, pasensya kana kung immature pa tong anak namin ha? Tiis-tiis lang at tatanda din isip niyan." Natatawa namang sabi ni Mom kay Jema. "Naku! Sobrang swerte ko din naman po sakanya at sa inyo din po na family niya, hindi ko po talaga ineexpect na magiging ganito kaganda ang first meeting po natin. Sobrang nakakagaan at nakakasaya po ng puso. Sobrang thank you po talaga Tita at Tito tsaka sa inyong mga kapatid ni Deanna." Naiiyak na niyan si Jema, alam ko kase na inooverthink niya din tong moment na ito sa mga gabing hindi siya makatulog lalo na these past few nights na alam naming malapit na sila magkita. Niyakap naman siya ni Mom and I have to look away, baka umiyak din ako e. "Call me Mama or Mom or kung saan ka comfortable okay? Family na tayo lahat dito Jema ha?" Ang sweet naman ng nanay ko, ano kayang ginayuma nina ate dito. Hahahaha. "Hala si ate naiyak na din!" Nang-asar pa tong kapatid ko na nasa unahan. "Hoy! Hindi ha? Ang baho mo kase kaya sinisipon ako sa amoy mo!" Napikon naman siya agad at tumingin sa labas ng bintana. Nagtawanan naman lahat. 

Ako na yata ang pinakamasayang tao sa araw na ito. 

Naging sobrang saya naman ng takbo ng araw namin at maggagabi na. Hindi mo na iisipin na first time magmeet ni Jema at ng family ko sa sobrang close na niya ngayon sa parents ko at sa mga kapatid ko. Magkasundong magkasundo sila ni Mom lalo na sa pagluluto tapos kay Dad naman, hindi man niya aminin pero I know sobra niyang naappreciate paano siya alalayan ni Jema. Sa mga kapatid ko naman, madali lang naman sila maging kaclose. Chinika na agad si Jema ng mga ate ko and ginagawa namang kakampi ng bunso kong kapatid si Jema laban sakin. Sobrang saya ko lang talaga ngayon. Kung pwede lang talaga patigilin ang oras e. 

"Oh siya, siya. Magpahinga na kayo lahat lalo na kayo Deanna at Jema, may laban pa kayo bukas." Pagsasaway ng nanay ko samin na nagkukulitan pa sa living room kasama mga kapatid ko. Sumunod na kaming lahat at dahil dalawa naman room ng condo ko, yung isa ay para sa parents ko at sa bunso kong kapatid, yung isa namang room ay para samin ni Jema at ng mga ate ko. Malaki naman yung kama kaya nagsiksikan na lang muna kami. Hahaha. I'm really blessed din talaga to have a girlfriend na napakabait and mapagmahal din sa pamilya. 

"Sleep kana, B. Matatalo ka pa bukas." Bulong naman sakin ni Jema habang nakayakap sakin. "Aba naman! Don't be too sure B, ha? Baka masaktan ka pag mali ka ng inaakala." I kiss her forehead and napansin kong nakakatulog na rin siyang nakangiti. "I love you so much." Binulong ko ulit and hinalikan siya ulit sa noo. Natulog na rin ako, we have a long day tomorrow. 

Magiging Champion kami bukas. 


Build Me UpWhere stories live. Discover now