Chapter 30

1.3K 47 5
                                    


A/N: Sorry kung medyo nagtatagal ako magupdate. To be honest, ang hirap din minsan kumuha ng inspirasyon para magsulat lalo na't yung mga taong sinusulat mo ay hindi okay sa totoong buhay. Sa mga nangyayari between Deanna and Jema, and mga kumakalat sa mga social medias, nakakalungkot din talaga. Pero tuloy lang. Sabi ko nga, masakit man sa reality, sa storyang to hindi lulubog ang GAWONG. Thank you sa suporta. Naappreciate ko lahat :D

- - - - - - -


JEMA


Halos isang linggo na ang nakalipas simula noong nagtraining kami dito sa Brazil. Nararamdaman na rin namin yung pagod. Hindi talaga biro ang training ng isang National Team. Bigatin e. Smooth naman ang training, maliban sa madalas na sermon session ni Coach at ni Deanna. Hindi ko din magets si Deanna bakit siya nagpapasaway. Hindi ko nga siya kinakausap e, naaasar kase ako, para kaseng sinasadya niya.






Hindi naman pwede na porke cute siya e lagi siyang pagbibigyan. Hays.






"Uy Jema! Yung kilay mo magkasalubong hahahaha" -Ate Ly





"Ate naman, si Deanna kase nakakairita." -Jema






"Bakit? Dahil lagi siya pinapagalitan? Nako Jema, ganyan talaga yan. Lagi din sila habulan ni Coach O nung Ateneo days palang. Halimaw yan maglaro pag real game na, pero sobrang kulit niya sa training" -Ate Ly






"Ewan ko ba ate, hindi rin nakikinig sakin e. Hindi pa ko sanay na ganyan sya ka childish kasama sa training, nung kami lang naman dalawa at kapatid ko, seryoso naman siya" -Jema






"Nako, Jema! Wag mo na lang pakaisipin. Ganyan yan talaga pag masaya. Yieeeeee. Pag at home na at home talaga siya sa mga kasama nya, ang hyper niya. Siguro kaya serious siya noon kase nahihiya pa siya sayo at sa kapatid mo ahahahaha" -Ate Jia







"Ah basta hindi ko siya kakausapin." -Jema





Build Me UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon