Chapter 24

1.3K 44 3
                                    


JEMA


Ilang oras na ring wala si Deanna. Alas tres na ng hapon at nagkakape lang ako dito sa may terrace namin. Siguro nagbobonding din sila ng team niya. Hindi din kase biro yung pinagdaanan nila. As an athlete, ang hirap mag-ipon ulit ng motivation pag nakaranas ka ng pagkatalo. Tiwala naman ako na hindi ito ang huling laban ng Choco Mucho. Inaacknowledge ko at ng buong Creamline ang galing nilang lahat. Kampante nga si Ate Ly na hayaan muna namin sila huminga, kase tiwala siya na si Bea ang magbabalik ulit ng puso ng Choco Mucho sa paglalaro.




Syempre, umaasa din kami na after ng game na yun, magbago pa ang isip ng mga nasa taas. Sobrang galing ng pinakita ng Choco Mucho. Sobrang nahirapan din talaga kami. May moment din daw na naisip ni Ate Ly na sila ang mananalo. Take note, Alyssa Valdez yun ah. Kaya nagppray kami palagi na mabigyan din sila ng chance na mapili for the National Team.






Syempre, gusto ko rin naman kasama si Deanna.






Kasama sa paglalaro at sa buhay. 







Jemalyn. Magpigil ka.








Pumasok nako sa bahay para maglinis linis muna ulit kase ayoko ng maruming bahay. Hahahaha. Wala rin naman akong magawa. Kaya bilang panganay, syempre magkukusa na ko kesa intayin na kumilos ang mga kapatid ko. 







Isang oras na kong naglilinis nang may narinig ako na nagigitara sa labas ng bahay namin. Lumabas ako para tingnan kase baka yun na naman yung mga pakalat-kalat na humihingi ng donation para sa simbahan.







May dala na kong sampung piso nang paglabas ko...








Si Deanna. Nagigitara. Kumakanta. 

Build Me UpWhere stories live. Discover now