Book 2 - Chapter 12

1K 45 5
                                    

DEANNA

Ilang linggo na ang nakalipas at pasok na ang Choco Mucho at Creamline sa Final Four. Mas heavy ngayon ang training namin dahil we are aiming for the Championship. Magkahiwalay na ang training ng dalawang team kaya ilang linggo na ring hindi namin sila nakakasama.









Simula din noong interview ko as POG, hindi na rin ako tinigilan ng notifications sa mga social media accounts ko. Ano pa bang inexpect ko? Kahit naman paliwanagan mo yung fans, marami pa rin talagang kukulit at kukulit sayo na kulang na lang ay ispell mo sakanila lahat lahat ng ganap sa buhay mo. 









"Si Jovie ba yan Boss D?!! OMG!!!"









"Layag ang #HerWong!"









"Nasa barkada ang forever ni Boss D. #teamrIde"









"Baka naman lowkey lang sila ni Jema kase toxic pa ang paligid."









"Gawong pa rin for life!!"









Iilan sa mga nababasa ko sa internet tungkol sa mga possible na babae sa buhay ko. Hays. Kahit tiktok ko napuno na rin ng mga fanmade videos tungkol sa mga shiniship nila sakin. 









Sino nga ba Deanna?









Hays.









Hindi ko na rin alam.









"EARTH TO WONGSKIE!!"









Natigil ako sa pagmumuni-muni sa paggulat sakin ni Pongs. Kinunutan ko naman siya ng kilay at tumawa lang siya.









"Tara na Boss D! May pa teamdinner ang Rebisco kaya kasama natin for tonight ang Creamline!"









Lumiwanag naman ang mata ko at gumaan ang mood ko. Antagal na rin kase talaga naming hindi nagkakasama. Miss ko na sila kasama sa training.









Baka miss mo siya?









Hays.









Sa dami ko ng bugtong hininga, oras na ata talaga para iconfront ko tong gumugulo sa nararamdaman ko. Bahala na, gusto ko na lang talagang maging malinaw ang lahat.









JEMA

Nasa labas kami ngayon ng Jollibee hinihintay ang mga kaibigan namin sa Choco Mucho. May team dinner ngayon at sa dinami-dami din talaga ng choices ng kakainan, Jollibee talaga yung pinakamaraming naging boto para sa ililibre samin ng Big Boss. Mga bata talaga kami kahit pa anong itanda ng edad namin. Hahaha.









Dumating na yung dalawang van nila at nakita ko agad si Deanna. Siya ang nagdrive noong isang van nila. Grabe, antagal na rin since noong last na kita ko sakanya.









Miss mo?









As a friend, oo.









"Hi Jema!"









Tumingin ako sa paligid, at ako na lang pala ang natira dito. Lahat sila nagpasukan na agad sa loob. Nagmukha tuloy akong nagiintay sakanya kahit talagang mga patay gutom lang ang mga kasama ko. 









Build Me UpWhere stories live. Discover now