Book 2 - Chapter 9

1.1K 48 4
                                    

JEMA

"What are you doing here?"








"Ikaw ang bakit nandito, Deanna?"








"What do you mean?"








"This is already my property, Deanna. Nabili ko na siya 3 years ago."








Gulat na gulat siya and hindi ko siya masisisi. To be honest, habang pinagiipunan ko talaga tong building na to, ay antagal kong pinagisipan kung sasarilihin ko ba or ipapangalan ko saming dalawa ang magiging titulo nito.








Our safe place.








Since, kami namang dalawa talaga ang nakatagpo dito at nagbigay ng bagong meaning sa dating sira-sirang building na ito.








In the end, nakapending parin yung pag-aayos ng titulo kahit nakumpleto ko na ang bayad para mabili ang building. Wala naman sakin yung pera na naipon ko para makuha to pero alam ko din kase, I mean nagtitiwala ako na mahalaga din itong lugar na to para sakanya kaya iniintay ko talaga yung pagkakataon na mabring-up sakanya ang tungkol sa titulo.








Eversince nagbalik siya, halos napapaniwala ko na sarili ko na this place no longer mean anything to her pero ginulat din ako ng presence niya ngayon na hindi ko na talaga ineexpect na makikita ko sa lugar na to.








"Wow! I'm sorry I'm speechless for a while. Sobrang layo din talaga ng expectation ko sa totoong nakita ko ngayon. Sobrang ganda ng ginawa mo sa lugar na to, Jema. Thank you." Kitang kita ko sa mata niya yung sincerity and sobrang tuwa niya sa mga nakikita niya.







"Lugar natin, Deanna." Nakatitig lang ako sakanya and natigilan din siya after niya marinig ang mga salita kong iyon. Tumungo siya and I feel like naguiguilty siya.








"I'm sorry, I let you do all of these alone." Hindi siya tumitingin sakin and right now, ang nakikita ko ay ang Deanna na nakilala ko 10 years ago. Yung Deanna na walang wall, Deanna na open book, Deanna na ang bilis umiyak.








"Its okay, Deanna. I did all of these because I really wanted to. Hindi man kita kasama sa mga taon na yun, nagtiwala pa rin ako na deep inside your heart, this will always be your safe place. Bukas naman sakin yung possibility na if ever na babalik ka dito like right now, this place will always welcome you home. Hindi magiging kumpleto ang kahulugan ng lugar na to sa buhay ko kung aalisin kita." Nakangiti lang ako habang pinapaliwanagan siya. Oo nga at marami na ring nagbago sa takbo ng buhay naming dalawa, pero never na mawawala yung naging foundation ng bond namin noon pa man.








Nakita ko naman na nawala na yung bad vibe na pumapalibot sakanya and tinour ko na rin siya sa mga bago kong pinagdagdag sa building. Pinagawan ko na rin dito sa loob ng dalawang rooms if ever na we want to stay the night, may office din dito for future purposes lang if ever na iopen ko to sa public, pinaayos ko yung garden sa likod and syempre kinumpleto ko lahat ng kailangan para mabuo ang mini-court namin kaya pag frustrated ako at nakukulangan sa training, dito ko lahat binubuhos.








"Hindi joke ang lahat ng gastos mo dito, Jema ah?" Nakakunot na naman ang mga kilay niya. Kung kami pa siguro, sinesermonan na niya ko sa pagsosolo ng lahat ng gastos na to.








"Ano ka ba? Okay lang yun. Kaya nga natagalan rin ako bago talaga mabigyan ng justice yung place, kase naglalaan lang ako ng pera after ko mabawas talaga yung mga monthly gastusin and emergency funds ko. Hindi ka maniniwala, pero nagmomodelling na rin si ate mo ghorl, Hahahahaha. Freelance modelling lang pero malaking help parin naman." Natatawa kong pagkekwento sakanya. Its funny din na wala akong awkwardness na nararamdaman between us. Its like same old us, minus the romantic relationship.








"Give me a copy of your total expenses, hahatian kita sa lahat since parehas naman nating mahal tong lugar na to. Lagi ring nasa isip ko na irenovate to pero masyado rin kase akong tumakas sa lahat e. Sorry, Jema." Nakatungo na naman siya. Hay nako.








Hinawakan ko ulo niya and hinaplos lang ng konti. "Don't be sorry, wala kang ginawang mali. I totally understand you." Tumunghay na siya and she smiled at me.








"Thank you, Jema."








DEANNA

Antagal naming tumambay ni Jema and it feels like we're really catching up sa tagal naming hindi nagkasama at nagkausap. I don't know what came over me pero I had the feeling bigla na I had to share something with her. I had the feeling na siya ang makakaintindi sakin.








"Jovie kissed me."








"Oh? That's good, right? I mean kahit ako iniisip ko na there's something between the two of you e." I can feel na she is staring at me waiting for my answer habang ako nakatingin lang sa malayo.








"Yun din naman nasa isip ko e. Na gusto ko siya."








"E bakit parang may pumipigil sayo?"








Napatingin naman ako sakanya sa tanong niyang yun. Ano nga bang pumipigil sakin?








"Hindi ko rin alam e pero it would be too bad naman if ireject ko pa yung feelings niya diba since wala rin naman akong valid reason na mabigay kung bakit ayoko magtake ng chance with her."








"Pero ang unfair din naman sa part niya kung sakanya, sigurado siya sa nararamdaman niya pero ikaw nagpepretend ka lang pala."








"Then what should I do, Jema?"








"Take it slow. Kausapin mo siya ng maayos tungkol sa feelings niyong dalawa. Make it clear to both of you. Its obvious na gusto mo na siya, Deanna. Siguro hindi ka na lang rin sanay how a relationship works sa tagal na rin since nung last relationship. Maybe you need a little push lang."








Umiwas na siya ng tingin sakin. We don't want to feel awkward pag paguusapan ang past relationship kaya mas mabuting iwasan nalang agad.








Natahimik naman kami ng mga ilang minuto and nabasag lang nang napangiti ako bigla and napansin niya rin naman. Tumingin siya sakin na curious na curious kung bakit ako ngumingiti mag-isa.








"Wala naman. I just find it funny na yung akala ko na we will never cross paths again, but here we are talking na parang walang 10 years gap. Hahaha"








Ngumiti rin siya. Nakita ko. Ang gaan sa pakiramdam na kasama siya ulit. Namiss ko tong lugar na to, namiss ko rin siya.








Namiss ko tong mundo na to na kami lang dalawa ang nakakaalam.








"E bakit parang may pumipigil sayo?"








Bigla na lang pumasok sa isip ko ang tanong ni Jema kanina. Tumingin ako sakanya and siya naman ngayon ang nakatingin sa malayo habang nakangiti.








Ang ganda pa rin talaga ng mga ngiti niya.







Biglang nawala ang ngiti ko habang pinapanood siya, sa narealize ko sa mga naisip ko.








Kaya ba hindi ko kayang magbukas ng pinto para sa iba...








ay dahil na kay Jema parin ang susi?

Build Me UpWhere stories live. Discover now