Book 3: Chapter 1

1.1K 47 7
                                    

JEMA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JEMA

"OMG JEMAAAAA!!!!! PANALO TAYO!!!!!!"





Napatigil na lang ako sa sumigaw na si Ced sa gilid ko. Kakabagsak ko lang sa sahig pagkatapos ng napakahabang rally at parang nagsslow motion pa ang lahat sa mga mata ko.





"JEMA YOU DID IT!!!!"





"JEMA ANG ANGAS!!!!"





Paglingon ko sa likod ay nakita ko lahat ng teammates ko na patakbo papunta sakin. May mga tumatalon sa tuwa, may mga umiiyak, may mga malalaki ang ngiti sa labi.





Nanalo kami.





After 5 sets, naipanalo namin laban sa Australia. Kung iisipin ay nasa 6th spot na kami ngayon sa overall rankings. Ito na ang pinakamataas na nakamit na rank ng Pilipinas sa tagal ng panahon na sumasali ang bansa sa International League.





"JEMA!"





"Panalo tayo, Ate Jia"





"OO PANALO TAYO JEMA! TUMAYO KANA JAN!"





Saka lang ako natauhan nang itinayo na ako ni ate Jia at binuhat pa nila ko habang chinecheer ang pangalan ko.





Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na ang luha ko. Sobrang nakakapagod dahil sunod-sunod na laban pero tangina sobrang worth it.





"THANK YOU LORD!!!"





Sigaw ko habang sumasabay na rin sa mga celebrations ng team. Ilang minuto pa ay binaba na nila ako at tinawag na kami nina ate Ly para sa interview.





"Congrats Team!!! Sobra kayong nakakaproud!"





Bati samin ni ate Ly paglapit namin sakanya at kay Coach. Sobrang saya lang talaga. Sobrang fulfilling.





"BEA!"





Bigla naman ako kinabahan sa narinig ko.





What if....





Nevermind.





"Ate Ly! Ate Jia! Jema! Congrats!!! Nanood kami ng laban. Ang gagaling niyo grabe! Walang kupas ang Creamline!!!"





"KAMI? SINO KASAMA MO BEATRIZ?? KASAMA MO BA SI DEANNA?"





Napatahimik naman ang lahat sa sunod sunod na tanong ni ate Jia kay Bea. Mukhang nahotseat naman si Bea at naspeechless agad.





"Ahhh. Hindi, hindi. Mga friends ko lang from here na mahilig din sa volleyball. Si Deanna? Nope. No. Hindi ko siya kasama."





"Alam mo Bea, ilabas mo nalang si Deanna. Hindi ka talaga marunong magsinungaling. Hahahaha. Sabihin mo sakanya kung gusto niya kami taguan, hindi siya dapat nagtitiwala sa pagtatago skills mo Bea."





Build Me UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon