Chapter 44

1.3K 47 2
                                    

JEMA

"Miss na miss din kita, Jema."

Finally, I'm home.

Ilang minuto na rin kaming magkayakap lang ni Deanna dito sa may pinto niya na para bang ayaw bumitaw ng isa't isa, na para bang hindi magsink-in na sa tagal naming magkahiwalay, finally, we are in each others' arms.

May 30 minutes na yata at dahan-dahan na kaming bumitaw sa pagkakayap. Nakita ko naman na mapula ang mga mata niya sa pag-iyak at alam kong hindi rin naiiba ang mga mata ko.

"Kumusta ka doon? Bakit hindi mo sinabi? I should've fetch you sa airport. Hindi ka na sana nahirapan sa mga luggage mo" Sunod-sunod niyang pagsasalita habang hinahaplos ang buhok ko palikod sa tainga ko. Ito yung namiss ko e, yung mga simpleng lambing niya. "Magiging surprise ba lahat ng 'to kung ipapaalam ko sa'yo na parating na 'ko?" Hinawakan ko na rin ang mukha niya ng dalawa kong kamay. Bahala na kung may makakita sa pagp-PDA namin sa labas dahil bukas pa ang pinto, sadyang miss na miss ko lang makipagharutan sakanya ng ganito.

Natapos rin ang aming kalandian at ipinasok at inayos na namin ang mga gamit kong dala. Tuwang-tuwa naman siya sa mga pasalubong ko sakanya. Binilhan ko siya ng mga t-shirt at tsaka isang sapatos. Odiba? Sugar mommy lang Hahahahaha. Galante din naman kase sakin si Deanna kaya bumabawi lang ako. Iniready ko na rin ang mga pasalubong ko para sa iba naming friends, tama na ang chocolates sakanila. Hahahaha. Joke.

Nagluluto ako ng food namin ni Deanna nang may narinig kami na katok sa pinto namin. Binuksan naman yun ni Deanna at laking gulat ko na ang pumasok ay si Ponggay at wala siyang kasamang ibang teammates. Madalas kase na pumupunta lang dito si Pongs pag may hangout silang teammates.

"HALA! JEMA YOU'RE BACK!!!!" Nagtatakbo agad siya papunta sakin nang nakita niya ko and niyakap ako. "OMG! How's your stay sa US?? Kabog! Namuti ka lalo ghorl!" Natatawa naman ako sa mga salita niya. "Nako! Nakakapagod literal Hahahaha. Halimaw ang training don. Parang ayoko na umulit. Char! Hahaha" Sagot ko naman sakaniya. Hindi ko siya maentertain ng ayos dahil baka masunog tong niluluto ko. Odiba nagawa ko pang magluto e ako na tong pagod sa biyahe. Ganun ko kamahal tong si Deanna. Hahahaha. Mukhang magdadagdag ako ng ulam kase dumating si Ponggay. Buti nalang at naggrocery naman pala si Deanna kahit wala ako. Puno ng stocks ang ref niya.

"Ay, Jema! Kaya ako andito kase napilit ko mag-Kumu si Deanna! Okay lang ba? Sorry kung ngayon pa kung kelan dapat magbonding muna kayo. Hindi ko kase alam na uuwi ka pala today" Nahihiya naman niyang sabi sakin. "Anukaba? Okay lang yun uy! Sige lang. Nagluluto parin naman ako. Magsimula na kayo." Okay lang naman sakin yun, natutuwa nga ako na binubuksan na ni Deanna sarili niya sa mga gantong online platforms. Kahit hindi talaga siya gumagawa ng account, atleast nakikisama siya sa mga friends niya.

Mukhang marami agad nagbago sa limang buwan naming naghiwalay ah. Okay lang, we have all the time in the world to catch up.

_ _ _ _ _

DEANNA

"Hello mga abangers natin jan sa Kumu! Nandito na! Nandito na talaga! hahahaha. Insert drum roll! Isang Yamashita naman jan para kay! DEANNA WONG!" Hype na hype namang pag-iintro sakin ni Pongs. Tumabi na ko sa tabi niya para makita ng camera at naghello na sa mga viewers. Ilang minuto palang pero nasa 10k na ang nanonood kay Pongs. Ngumiti nalang ako sa camera kahit gusto ko nalang din matapos na agad to hahaha. Mas gusto kong tahimik na kumakain ng hapunan kasama si Jema.

"Ano ba gusto mo gawin nating game Deanns?" Siya tong expert sa ganiyan tas ako tinatanong niya. "Kaw bahala. Kahit ano" Simpleng sagot ko nalang sakaniya. Pinapanood ko naman yung screen at grabe andami nagrereact ng heart tapos andami nagchachat na mga tao, hindi mo na mabasa yung buong chat sa bilis ng pasok ng mga chats nila.

Build Me UpМесто, где живут истории. Откройте их для себя