Chapter 43

1.3K 55 5
                                    

DEANNA

Limang buwan na ang nakalipas simula noong lumipad si Jema para sa International Training niya sa USA. Limang buwan na ring babad lang ako sa training. Malapit na ulit magsimula ang PVL kaya puspusan na naman ang pagsasanay samin ni Coach O. Hindi rin naging madalas ang pag-uusap namin ni Jema kase sobrang busy din niya at madalas pagod na rin siya kaya derecho tulog lang ang nangyayari. Mahirap, sobrang hirap lalo na sa akin kase nauubusan na ko nang naiisip na alternative ways to cope pag hindi ko siya kausap. Oo, palagi lang nandiyan for me ang teammates ko at sina ate Ly pero sino ba namang pwedeng magfill ng space na naiwan ni Jema, kundi siya lang din diba?

"Uy, Deanns!" Napatigil naman ang pagmumuni-muni ko sa biglang pagtawag sakin ni Ponggay. "Oh, bakit buddy?" Sagot ko naman sakaniya.

"Kumu?" Ayan na naman siya. Ilang linggo na niya ko kinukulit na magguest sa Kumu niya. Naiirita na ako pero mukhang hindi siya talaga titigil hangga't hindi ako napapapayag e. "Please, Deanna. Isang beses lang to talaga, pag hindi mo nagustuhan, hindi na talaga kita kukulitin na magkumu forever! Need ko lang talaga ng followers kaso yun nga lagi ikaw hinahanap nung mga viewers ko. Please, please, please Deanna. For your buddy?" Hays. May pag puppy eyes pa siya. "Sige na nga! What time ba?"

"YES!" May pagsigaw pa siya dito sa gym at pagtatalon-talon. "Wala ng bawian yan Deanns ah? Hmmm, 8pm tonight. Sunduin kita sa inyo! Thank you! Labyu!" May pagkiss pa siya sa cheeks ko habang dali-daling lumabas ng gym. May mga ipeprepare pa daw sya for later e. Ewan ko ba sa mga pakulo niya.

Bahala na si Batman.

After magrest at magshower, dumerecho na rin ako sa kotse para umuwi. Wala naman akong other plans kundi yung Kumu with Pongs. Hays. Kung hindi ko lang talaga siya buddy, hinding hindi talaga ko papayag. I'm not really comfortable sa mga ganyang online platforms e. I'm scared of toxic fans who think na they can control you just because feeling nila we should owe them for our fame.

Thankful ako, pero never ko namang pinangarap na maging ganito kaingay ang pangalan ko dito sa Pilipinas. I just want a simple and happy life with my family and friends and Jema. Speaking of Jema, wala pa rin siyang chat for this day. Siguro sobrang busy niya lang talaga. Puro sent palang ang messages ko simula kaninang umaga e. Offline pa rin siya hanggang ngayon.

Miss ko na ang baby ko.

Isang buwan na lang, Deanna. Isang buwan na lang at mayayakap at mahahalikan mo na siya.

Pasakay na ko sa kotse nang may humawak ng kamay ko. Agad akong napalingon. "Celine?" Paano siya nakaabot dito?

"Hi Deanna! Buti naabot pa kita." Mukhang kagagaling niya lang sa pagtakbo dahil sa uneven breathing niya at bigat nang pagkakahawak niya sakin. "Bakit ka andito? Ang layo ng gym niyo sa gym namin ah." Naguguluhan kong pagtanong sakaniya.

"Wala lang, namiss lang kita." Napatulala lang naman ako sakaniya sa sinabi niyang yun. Ang awkward naman. "Joke! Hahahaha. Kung nakita mo lang reaction mo oh? Anukaba, tinanggap ko na, na masaya ka na sa iba." Napapilit nalang akong natatawa sakaniya. Hindi pa rin siya bumibitaw sakin at hinihintay ko lang siyang magsalita ulit. Ang awkward parin kase.

"Kain tayo? Libre mo ko! Miss kita e!" Bigla namang nag-iba yung mood niya at nagpupuppy eyes rin sakin.

Sinimulan mo to Pongs. Hays.

Kahit hindi ko pa rin alam ano ba talagang pakay niya, umoo na lang ako sa gusto niya. Hindi naman siya iba sakin, maguiguilty lang din ako pag tinanggihan ko siya at magtampo pa siya. Ang mahalaga, wala naman tong malisya para sakin. I am just being friendly.

Natuwa naman siya at agad na sumakay sa passenger seat. Nagupdate muna ako kay girlfriend bago sumakay.

To: My Love ❤️

Build Me UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon