Chapter 8

1.6K 48 0
                                    

JEMA

Ilang days na rin ang nakalipas after ng Championship at eto ako hindi parin alam paano gagawan ng solusyon tong bagong eksena na pinasok ko.

Hay nako Jema, bakit ba kase di ka muna nag-isip.

"Nice game, idol!"

"Are you free this coming Saturday?"

Mga text lang naman ng nag-iisang Deanna Wong. Friday na ngayon at hindi ko pa rin alam ano bang gusto kong ireply sa taong to.

Magdahilan na lang kaya ako?

Hindi pa rin kase ako comfortable na out of the blue may gusto na makipagkita sakin, and from Ateneo Lady Eagles pa talaga.

"Sorry late reply, naging busy kase ako kase nagpaplano kami ng family ko ng outing ngayong weekend. So, to answer your question, di ako free bukas. Peace ✌️"

Sent!

Hays. Sana naman makagets na siya na hindi ako basta basta nakikipag meet and greet sa hindi ko lubos na kilala.

1 New Message!

"Ay ganun ba? Sayang naman. Hindi naman ba to way mo lang just to push me away? Am I acting creepy? Sana naman I'm not scaring you kase seryoso, harmless talaga ko. Mas mukha ka ngang nakakatakot sating dalawa e 😋"

Wow ah.

Tama ba talaga na ganun ang ireply nya sakin? Duh? Nang-asar pa talaga, siya na nga tong andami dami ganap e nananahimik lang naman akong nabubuhay sa mundo.

"Excuse me Miss Deanna Wong, masyado kang judger agad! Ikaw tong ang speed magmake ng move tas ako pa yung mas nakakatakot? 😤"

Sent!

1 New Message!

"First of all, hindi ako ang unang nangjudge. Feeling ko talaga nagdadahilan ka lang para di makipagmeet sakin. Gusto ko lang naman makipagkaibigan e. Ayaw mo ba ng cute na friend? 🥺"

Wow ah. (2)

"Madami na kong cute na friends. Tsaka ang ingay ingay ng pangalan mo everywhere. Baka mamaya may makakakita satin, makabuo na naman sila ng issue. Mahirap ka kaibiganin Miss Wong. Ayokong magulo ang nananahimik kong pangalan."

Sent!

Ilang oras na ang nakalipas, wala na kong natanggap na reply galing kay Wong. Siguro naman nagets na niya na di ko mabibigay yung gusto niya.

Ang harsh ko ba masyado? hays.

Bahala na nga.






"Uy bespren, may naghahanap sayo sa labas!" Nakakagulat na pagpasok bigla ni Kyla sa room ko.

"Huh? Wala naman akong alam na bibisita ngayon ah."

"Dali! Tingnan mo nalang!" -Kyla

Hila-hila agad ako ni Kyla palabas ng Dorm namin. Nagulat naman ako sa bumungad sa pintuan namin.

"Hi Jema!"

Nandito lang naman ang buong team ng Ateneo Lady Eagles.


Build Me UpWhere stories live. Discover now