Book 2 - Chapter 1

1.5K 42 4
                                    

DEANNA

7:10 AM

"Wake up Boss D! Wake up! You are going to be late! Wake up Boss D!..."







"Alexa, SHUT UP!"







Lagi na lang bumubungad sa umaga ko ang nakakairitang boses ni Alexa, my virtual assistant na gift sakin ni ate Bei para naman daw may kausap ako sa bahay.







Bumangon na rin ako kase totoo namang malalate ako pag tumambay pako sa kama. Ito na ang naging everyday ko ng sampung taon. Bumangon ng maaga, kumain, maligo, mastress sa traffic, magtrabaho, mag-inom, umuwi, matulog, repeat 3650 times.







I'm driving through a hell of a traffic when someone called me.







"Boss D! Goodmorning!"







"Walang good pag boses ni Alexa at boses mo ang una kong maririnig sa umaga, ate Bei."







"Grabe ka naman! Malaki laking iniyak ng bulsa ko mabigyan lang kita ng Alexa ng buhay mo e. Don't tell me, kababangon mo palang? May meeting tayo later, remember?" -Ate Bei







"I'm on my way na ate Bei. Sobrang traffic. Teka, what's our meeting all about nga?"







"Hay nako, CEO! Kung malaman lang to ng pamilya mo, they will definitely fire you, sayang lang binabayad sayo e! Sige ka, baka itong sampung taong nagpapabango ako kay na Tito e, ako na pumalit sayo bilang CEO! hahahahaha" -Ate Bei







"Asa ka, ate Bei! Kahit ganito ako, hindi ko naman pinapabayaan yung mga PINAKAimportanteng bagay sa company namin."







"Oo na, oo na. Diba pag-uusapan natin yung pinropose ko sayo na paginvest sa Rebisco? Matagal na tayo nililigawan ng manager nila, tapos ngayon si Maddie na nga ang manager e. Time na siguro para bigyan mo na ng chance, Boss D." -Ate Bei







"Si ate Madz? Sige, pag-isipan ko habang traffic. See you later na ate Bei."








"Yan tayo e, kakainom mo yan! Wala ka ng kabali-balita sa mga trop---" -Ate Bei







I ended her call. Alam ko na mga kasunod niyang sermon e. Gasgas na actually sa tenga ko. Sa sampung taon, kay ate Bei at ate Jho lang ako nagkaroon ng consistent na communication and its only because makulit talaga si ate Bei. Kahit anong naging pagtaboy ko sakanya, wala e, daig pa niya linta sa tindi ng kapit.







I won't deny naman na, I am really thankful for that.







And if si Jema ang hinahanap niyo sa buhay ko, we already ended our relationship bago pa man ako pumasok sa bagong chapter ng buhay ko right now. Naka-one year naman ata yung relationship namin pero hanggang dun nalang e. We ended it in good terms naman, we just realized na magkaiba kami ng pinupursue na future and the best way to go for it is to let go of each other.







Nakarating nako sa WE (Wong's Enterprises), and I'm on my way sa office ko.







After ilang minutes din agad, bigla namang may pumasok sa office ko. Maiinis na sana ako kase I hate it when someone barge in without knocking first nang makita ko kung sino ang malakas loob na pumasok nang walang paalam.







"Jema?"







At hindi lang yun, after ng 5 minutes naming nagtitigan sa gulat e sunod-sunod namang nagpasukan sina Ate Ly, Ate Den, Ponggay, Ate Kat, at iba pang teammates ng Choco Mucho at Creamline. Ang akala kong puno na ang office ko, ay pumasok pang huli ay si ate Madz, si ate Bei at si ate Jho.







Build Me UpWhere stories live. Discover now