Chapter 45

1.3K 33 1
                                    

JEMA

2 linggo na ang nakalipas simula nang nakauwi ako ulit ng Pilipinas at 1 linggo na lang at simula na ulit ng PVL. Ilang araw lang kami nagcatch-up ni Deanna at balik training na ulit. Kung tatanungin niyo ako kung napapagod ba ako? Oo pero wala akong choice. Excited na akong magamit ang training ko sa US para sa PVL. Busy na busy rin naman ang Choco Mucho sa pagttraining, 5AM palang ay nasa gym na silang lahat. Madalang na lang kami magkita ni Deanna at pag nagkikita kami, tulog lang ang bonding namin dahil sa pagod ng training araw-araw.

"Guys, half day lang daw tayo today. Magpahinga kayo ha? Wala munang gala-gala okay?" Announcement ni ate Ly samin. Hays. Buti na lang, makakatulog nang mahaba-haba. Nagshower na rin kami agad at nag-uwian na, lahat ay sabik sa kaniya-kaniyang tulugan.

Tinext ko naman si Deanna na half day lang kami at derecho na ko sa condo ko at magpapahinga. Ang alam ko may training pa rin sila ng gantong oras kaya hindi na ko naghintay ng reply.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa parating na PVL. Girlfriend ko si Deanna pero never talaga nawala yung kaba ko pag makakalaban ko siya at team niya. Naramdaman din ng teammates ko na iba ang aura ng Choco Mucho sa pagpprepare nila para sa PVL. Hindi ako nagtatanong kay Deanna tungkol sa training nila and vice versa. Nirerespeto naman namin na magkalaban kami kahit pa gaano pa lumalim at tumagal ang relasyon naming dalawa.

Nakarating na ako ng condo at nakaamoy ako ng pagkain sa kusina.
Mukhang may kumain ah. Andito kaya si Deanna. Siguro ay naghalf day rin sila ng training. "Deanna?" Tawag ko sa kawalan, baka biglang sumulpot e. Pagsilip ko naman sa kusina, walang tao at wala ring pinggan sa sink. Chineck ko ang kwarto at ayun, nakita ko si Deanna na natutulog sa kama ko. Ibinaba ko na ang gamit ko at nilapitan siya. Halatang halata na rin sa mukha niya ang pagod ng training. Napansin ko namang hindi bukas ang aircon, siguro ay nakalimutan na nito buksan sa sobrang antok. Tumayo na ko at binuhay ang aircon, kinumutan ko na rin yung half body niya at inayos ang position niya. Kiniss ko na forehead niya. Kakain lang din ako dahil nakita kong may dala siyang food na nakahayin sa table at tutulog nalang din katabi niya.

_ _ _ _ _

DEANNA

Pagmulat ng mga mata ko nakita ko na gabi na mula sa bintana. I felt something heavy rin na nakayakap sakin and pagtingin ko, si Jema. Chineck ko naman phone ko at 7PM na pala. Nagmessage rin pala siya kanina na half day sila, hindi na ako nakatext sakanya nung pauwi ako kase sobrang antok na antok na akong umuwi e. Antagal pala naming natutulog ni Jema. Finally, nakapahinga rin. Hinayaan ko na lang muna si Jema matulog at yumakap sakin. Mamaya ko nalang siya gigisingin. Kaya ko pa naman tiisin ang ihi ko hahaha.

Hinahaplos ko buhok niya while I'm so lost in my thoughts naman. Isang linggo na lang at PVL na ulit, I'm really nervous and very excited din at the same time. Gusto ko magchampion. Gusto naming magchampion at sisiguraduhin kong makukuha namin yon.

Habang busy ako sa pag-iisip bigla naman nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Mommy. Nag-aalinlangan pa ko sagutin dahil baka magising si Jema pero baka emergency naman kase madalang naman sila tumawag at madalas pag importante lang. Di bale na, sinagot ko na lang din yung tawag.

"Hello Mom? Napatawag po kayo." Bungad ko naman as I answered her call. Tiningnan ko naman si Jema at mukhang malalim talaga ang tulog niya. "Hello Sachi! Miss ka na namin anak. Gusto lang kita kamustahin?" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon, akala ko kase emergency na. Alam ko namang may sakit si Daddy kaya kinakabahan ako pag tumatawag sila ng alanganing mga oras. "I'm okay lang Mom, pagod lang lagi dahil sa training pero other than that, wala naman dapat ipag-worry. How bout you po? si Daddy tsaka mga kapatid ko?" Pagtatanong ko kay Mommy. Narealize ko lang din na ang tagal na rin naming hindi talaga nakakapag-usap ng maayos ng pamilya ko. Hays. I miss them so much. "We are okay, Anak. Don't worry about us. I want to talk about din with you yung tungkol sa Kumu niyo ni Ponggay, napanood namin yun, Sachi." Shit. I bit my lip sa nerbyos. Talaga bang thru phone call talaga namin to paguusapan? "And???" Pabitin naman tong si Mommy. "Dahil doon, we've decided na manood ng Championship mo. Take note, Deanna. Championship. Okay?" Does it mean na... "So if hindi kami magqualify for Championship, hindi kayo manonood?" Nalungkot naman akong isipin yun. "Yes, Sachi. Alam mo namang ang mahal ng ticket papuntang Manila lalo na at lahat kami ay manonood sayo. It better be worth the money. This is not to discourage you, Deanna. Alam namin ng pamilya mo na kaya niyo dalhin ang pangalan niyo sa Championship." May point naman si Mommy. "What about yung sa relationship ko with Jema?" Eto talaga, I'm really nervous na mabitawan ang tanong na yun sakanya.

"No Championship, No meeting with Jema. It's really hard for us yung mga decision mo, Sachi. But katulad ng sabi ng Dad mo, you are old enough para malaman ang bigat ng mga choices mo and we have to respect that as much as gano pa kami kadisagree sa mga decisions na yun. We are willing to open our minds and heart sa happiness na sinasabi mo." Para naman akong binunutan ng tinik sa narinig kong yun. Nakakapressure yung part na I have to make it to Championship pero mas nagkaroon ako ng stronger Will para lalong ibigay pa yung best ko.

"Thank you so much, Mom. It meant a lot talaga. Miss na miss ko na kayo. I promise, hindi ko kayo bibiguin." Nagtuloy lang ang kwentuhan namin ni Mommy na para bang never nagkaroon ng wall between us. Nakausap ko din sina Dad at mga kapatid ko. Grabe, sobrang miss na miss ko na sila. Maya-maya pa ay nagpaalam na sila dahil magdidinner na sila. Pinatay ko na yung tawag at ginising ko na rin si Jema.

"Baby? Wake up na, we need to eat." Dahan-dahan kong pagsasalita habang tinatapik siya ng mahina sa balikat. Dahan-dahan rin naman bumukas ang mga mata niya at ngumiti sa akin. Ang cute naman.

"Good morning, baby!" Bati niya sakin. Hahaha. "Gabi pa lang, baby, excited ka masyado." Sabi ko naman sakanya as she hugs me. Nauna na ako bumangon at ihing-ihi na ako. After ko gumamit ng CR, siya naman.

"What do you want for dinner? Drive thru na lang tayo. Katamad magluto e" Jema told me paglabas niya ng kwarto. Okay lang naman sakin kase its late na rin para magluto pa. Pumunta na kami sa parking lot to get my car.

Habang nasa biyahe, sinabi ko naman sakanya yung pinag-usapan namin ng pamilya ko kanina. Ayoko na gawing surprise sakanya kase alamko na gusto niya rin to paghandaan, yung pagmemeet nila ng family ko.

Kita ko namang natutulala siya habang kagat-kagat labi niya. Ang lalim na naman ng takbo ng isip nito.

"Uy! Lalim ng lipad ng isip natin ah?" Natatawa kong pagpansin sakanya. "Nang-aasar ka pa e, syempre doble-doble na lalo yung kaba ko ngayon. Andaming what ifs sa utak ko right now." Halatang halata sa mukha at mata niya yung pag-aalala niya. Hinawakan ko naman kamay niya habang nakafocus pa rin sa pagmamaneho. "Shhhhh, everything will be alright okay? Hindi ka mahirap mahalin, Jema. For sure, mararamdaman din nila yun pag nameet ka nila." I just smiled at her. Kahit pa may disagreements kami ng family ko dahil sa preference ko, alam ko at sigurado ako na magugustuhan nila si Jema as a person. Kahit pa abutin ng gano katagal, basta ba ay mamahalin rin nila si Jema the same intensity as I do, maghihintay lang ako. Hindi ako mapapagod.

Nakapagdrive-thru naman kami sa Jollibee and kumakain na kami sa condo niya.

"Deanna, di porke gusto ko makagood points sa family mo ay di na kita pahihirapan sa Championship ah!" Napatigil naman ako sa pagkain sa sinabi niya. Nakakatawa e, ang competitive kase. "Wala naman ako sinabi na make it easy for me ah? Mas hinahamon nga kita, Jema Galanza." Inaasar ko na siya ngayon, alam ko hindi to magpapatalo e.

"Let's get it on, Wong! Hahahaha. Wag ka iiyak pag talo ka ulit ha?" Odiba? Hindi magpapatalo.

Ngumiti lang ako sakanya at natapos na nga kaming kumain. We did our night routines and babalik na lang ulit sa pagtulog. Sobrang sarap ng pahinga namin today. Parang kayang-kaya na namin magPVL bukas sa ganda ng pahinga namin.

We are facing each other, nakatitig lang sa isa't isa. Hinahaplos ko ang buhok niya. "I love you." I told her as I kiss her forehead. "Sleep kana ulit, baby." She smiled back. "I love you more."

We held each other as we sleep peacefully. Sana after ng PVL ay uuwi pa rin kaming ganito kasaya.

Thank you Lord for this day.

Build Me UpWhere stories live. Discover now