Love At The Coffee Shop

By marisswrites

6.6K 321 23

|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though... More

Love At The Coffee Shop
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Finale

Chapter 13

87 4 0
By marisswrites


   

Nakaharang sa mukha niya ang dalawang braso habang ang kalaban ay hindi siya tinitigilan sa pagsuntok kahit na nasa sahig na siya ngayon. Nakaupo na ito sa tiyan niya at paulit-ulit siyang sinasaktan habang ako, walang ibang magawa kung hindi ang umiyak at mag-panic sa mga nakikita.

Nang inawat na ng referee ang lalaki at pinalayo kay Fierro, tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Kinausap siya ng referee pero hindi siya sumasagot. Hindi ko rin alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakita ko na lang na umiling si Fierro.

Nang tumayo ulit ang referee, kinuha na nito ang kamao ng kalaban ni Fierro saka itinaas ang kamay, simbolo ng pagkapanalo nito laban kay Fierro. Nagsigawan ang mga lalaki sa paligid ko na nanonood at ang karamihan doon ay galit na galit sa kan'ya dahil halata nga namang nagpatalo siya.

"'Tang ina, Fierro! Pambili ng gatas ng anak ko 'yon, pinatalo mo! Gago ka! Ako na lang bubugbog sa 'yo!"

"Ibalik mo pera namin! Mandaraya ka, binenta mo laban mo para sa sarili mo!"

"Hayop ka, Fierro! Hinding-hindi na ulit ako pupusta sa 'yo!!!"

Pinanood ko siyang dahan-dahan na bumangon saka lumapit sa referee. May binulongn siya dito bago tinanggal ang suot na proteksiyon sa ulo at gloves. Kinuha na rin niya ang gamit sa isang sulok saka isinuot ang t-shirt bago siya naglakad papalapit sa akin.

Nang huminto siya sa harap ko, mas nakita ko kung gaano kalinaw ang mga sugat at pasa niya, dahilan para mas lalong bumuhos ulit ang mga luha ko.

"Fierro . . ."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin saka lumunok. Ilang sandali pa, hinawakan niya ang kamay ko saka kami naglakad palayo sa lugar na 'yon. Nasa kan'ya lang ang buong atensiyon ko habang hinihila niya ako.

"Bakit ka ba nagpunta dito?" tanong niya nang medyo nakalayo na kami sa pinangyarihan ng mga nangyari kanina.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang isa kong kamay bago sumagot. "H-Hindi ka pumasok kanina."

"Ano naman 'yon sa 'yo? Bawal na bang mag-absent?"

Napalunok ako at hindi na nakasagot pa. Nagdere-deretso na lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa Kapehan Sa Daanan. Pumasok kami ro'n saka niya ako pinaupo malapit sa graffiti zone ng coffee shop. Tumayo siya saka um-order ng kape sa counter bago bumalik sa akin.

"Huwag ka nang babalik do'n," sabi niya habang ipinapasok ang sukli sa wallet.

Umiling ako. "Para hindi kita makita na ginugulpi doon?"

Bahagya siyang tumawa bago tumingin sa akin. "Kahit kailan, hindi ako nagulpi doon."

"Eh ano yung nakita ko kanina?"

Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin. Hindi na nagsalita pa. Sa mga oras na 'yon, wala akong ibang ginawa kung hindi ang hanapin ang mga sugat at pasa na natamo niya mula sa pakikipag-away kanina. Napalunok ako nang ma-realize na ang dami . . . at hindi ako mapalagay na makita ang lahat ng 'yon.

Ilang sandali lang din, tinawag na ang pangalan niya para sa kape na in-order niya. Nang tumayo siya para kuhanin ang mga 'yon, tumayo rin ako para lumabas ng coffee shop.

"Calista!"

"Babalik ako, d'yan ka lang!" sabi ko bago binuksan ang glass door saka nagmadaling tumakbo paalis.

Sa pagkakaalam ko, may nadadaanan kaming pharmacy dito. Hindi masyadong malayo pero p'wede namang takbuhin, makakarating din kaagad doon. Sana lang, bukas pa 'yon.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na may bukas pang pharmacy! Pumasok kaagad ako ro'n para bumili ng mga gamot para sa sugat ni Fierro. Matapos mabayaran ang mga pinamili, nagmadali na akong lumabas ng pharmacy at tumakbo pabalik sa Kapehan Sa Daanan.

Pagkarating ko ro'n, nakita ko siya na nasa labas, mukhang naghihintay sa akin. Nagbuntonghininga siya nang makita ako na papalapit na sa kan'ya. Huminto ako sa pagtakbo saka humingal nang humingal habang nakapatong ang mga palad sa magkabilang tuhod.

"Saan ka ba nanggaling? Ano ba 'yang hawak mo?"

Itinaas ko ang kraft paper bag na hawak. "Gagamutin natin ang sugat mo."

"Kaya kong gamutin ang sugat ko."

Nagbuntonghininga ako bago hinawakan siya sa palapulsuhan. "Alam ko, hindi ko naman sinabing hindi mo kaya. Tara na, 'wag ka nang maarte."

Hinila ko na siya pabalik sa loob. Nakita ko sa pwesto namin kanina yung dalawang large iced latte na binili niya para sa akin at ang espresso na para sa kan'ya. Naupo kami ro'n. Humigop muna ako sa kape na binili niya para sa akin bago hinila ang upuan ko papunta sa tabi niya saka inilabas ang mga gamot na binili ko kanina.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Ginagamot ko naman lahat ng sugat ko sa bahay," sabi niya habang naglalagay ako ng alcohol sa bulak.

Nagbuga ako ng buntonghininga bago sinimulan nang linisin ang mga sugat niya sa mukha.

"Kahit na."

Nakita ko ang paglunok niya habang naka-focus ang buong atensiyon ko sa mga sugat niya.

"Bakit ba kasi pumunta ka pa doon? Dalawang linggo ka nang hindi nadaraan dito, kaya anong naisip mo? Bakit ka pumunta doon nang hindi ako sinasabihan?"

Nagbuntonghininga ako. "Nag-absent ka kanina. The past two weeks, hindi lang naman ako ang nakapansin na palagi kang may sugat-na hindi ka nawawalan ng sugat at pasa. First time mong nag-absent kanina simula noong pasukan kaya . . . nag-alala ako. Baka kasi ano na nangyari sa 'yo." Napalunok ako. "Hindi naman kita nakukumusta kaya hindi ko alam kung ano nang lagay mo."

Matagal siyang nanahimik kaya naman pinagpatuloy ko na ang paglalagay ng gamot sa mga sugat niya. Nang matatapos na ako, nagsalita ulit siya.

"Tapos ka na bang . . . magalit sa akin?"

Napakunot-noo ako bago lumingon sa kan'ya.

"Tapos ka na bang . . . hindi ako pansinin?"

Lumunok ako bago sumagot. "Hindi naman ako nagalit sa 'yo kahit kailan."

Kinuha ko na ang band aid at nilagyan ang tatlong sugat niya. May ginamot din ako malapit sa labi pero hindi naman na kailangan ng band aid n'on.

"Iniiwasan mo ako. Sa loob ng dalawang linggo, hindi mo ako nilapitan o kinausap . . . maliban doon sa tungkol sa PerDev."

Nagbuntonghininga ako bago niligpit ang mga pinaggamitan. "Hindi ka rin naman lumalapit sa akin. Hindi mo rin ako kinakausap . . . kaya naisip ko . . . baka ayaw mo na talaga makipagkaibigan sa akin."

Humigop siya sa kape matapos kong sabihin 'yon. Ibabalik ko na sana ang upuan ko sa dating pwesto nang pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko paea hindi ako makaalis.

"D'yan ka lang."

Napakunot-noo ako. "Bakit?"

Umiling siya. "Wala."

Tumango na lang ako bilang tugon. Binitiwan niya rin kaagad ako.

"Ikaw lang naman ang nag-iisip na ayaw ko nang makipagkaibigan sa 'yo."

Napanguso ako. "Ayaw mo nga ipakilala sarili mo sa akin," sagot ko bago humigop sa iced coffee ko.

"Hindi naman lahat ng bagay, dapat ipaalam sa isang kaibigan." Muli aiyang humigop sa kape niya bago nag-iwas ng tingin. "At saka . . . nahihiya ako."

Napakunot-noo ako. "Saan ka mahihiya?"

Nagkibit-balikat siya. "Sa nakita mo kanina." Tumingin siya sa akin. "Kung sinagot ko lahat ng tanong mo sa akin noon, eventually, makikita mo rin ako sa sitwasyon na katulad ng kanina. Naisip ko lang na . . . masyadong pangit yung ginagawa ko para ipaalam sa 'yo . . . para ipakita sa 'yo." He laughed. "Pero nakita mo pa rin."

Nangalumbaba ako. "Bakit kasi pinangungunahan mo ako? Gusto ko lang naman malaman kung bakit ginagawa mo 'yon. Naipaliwanag mo yung side ng ibang mga tao na gumagawa niyan. Eh, ikaw yung gusto kong makilala, hindi sila."

Nagbuntonghininga siya bago humigop sa kape. Wala nang nagsasalita sa aming dalawa kaya naman ang tanging nagawa lang naming dalawa sa table ay makinig ng kantang tumutugtog sa loob habang inuubos ang in-order niyang kape.

You deserve someone who listens to you
Hears every word and knows what to do
When you're feeling hopeless lost and confused
There's somebody out there who will . . .

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya mang marinig ko ang mahinang pagsabay niya sa kanta. Parang ito ying first time na narinig ko siyang kumanta nang ganito kahina pero malinaw.

You need a man who holds you for hours
Make your friends jealous
When he brings you flowers
And laughs when he says they don't have love like ours
There somebody out there who will . . .

Parang tumayo ang balahibo ko. Sakto pa namang hindi ako naka-jacket. Naka-short lang din ako at medyo malamig sa loob ng coffee shop.

There's somebody out there who's looking for you
Someday he'll find you, I swear that its true
He's gonna kiss you and you'll feel the world stand still
There's somebody out there who will . . .

Pinakinggan namin nang buo ang kanta nang hindi kami nag-uusap. Hindi ko rin siya matingnan dahil natatakot ako na baka tumigil siya sa pagkanta kapag nakita niya akong nakatingin sa kan'ya.

I want him to continue singing that way. I want to listen more to his singing voice.

Nang matapos ang kanta, kasabay nito ay ang pagtunog ng hinihigop ko, senyales na ubos na. Nag-angat ako ng tingin kay Fierro na ngayon ay nakatingin sa akin, bahagyang nakangiti.

"Gusto mong . . . maglakad-lakad sa labas?"

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
Totoy By Iskripturyent

General Fiction

146K 5.6K 42
Tumatalakay sa buhay ng isang lalaki mula sa oyayi ng kaniyang ina hanggang sa pagsasaboy sa kaniya ng mga bulaklak. Paano nabago ng unang halik ang...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...