Love At The Coffee Shop

By marisswrites

6.6K 321 23

|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though... More

Love At The Coffee Shop
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Finale

Chapter 04

168 11 0
By marisswrites


   

It's been a few weeks since I last went to the graffiti zone. Minsan, na-e-excite akong gumabi at mag-10:00 p.m. pero dahil nga umuwi si Daddy a week after that, hindi ako makalabas ng bahay.

Wala namang problema sa kan'ya kung paminsan-minsan ginagabi ako ng uwi. Kaso nga lang, ayaw niya 'yong lalabas ako ng ganoong oras. Hindi ako makatakas dahil natatakot akong baka mahuli niya.

Kahit na hindi siya nagsasalita o lumalaban kay Mommy, pakiramdam ko naman, may kakampi ako sa kan'ya.

Gusto ko sanang pumunta sa graffiti zone kasi . . . kasi miss ko na magkape sa Kapehan Sa Daanan. At saka . . . miss ko na yung pakiramdam na may kausap at naglalakad kahit na ganoong oras.

Napabuntonghininga ako bago pumasok sa coffee shop malapit sa school. Dumeretso ako sa counter para um-order ng chocolate cappuccino. Pagkatapos magbayad, dumeretso na ako sa isang bakanteng table at binuksan ang sketch pad habang hinihintay ang order.

Nagsimula ulit akong mag-drawing ng kung ano lang na maisip ko bilang pampalipas ng oras. Kahit na nandoon si Daddy, ayaw ko na munang umuwi dahil hindi pa rin ako okay sa presensiya ni Mommy lalo na ngayong malapit na akong mag-college.

Nape-pressure ako kahit na nakikita ko lang siya.

Nape-pressure ako kapag alam kong malapit lang siya.

"Calista!"

Tumayo na ako matapos marinig na tinawag ng barista ang pangalan ko. Pagdating ko sa counter, napaawang ang bibig ko nang makita si Fierro na nandoon din, ibinabalik na sa wallet ang loyalty card ng coffee shop bago 'yon ibinulsa. Bahagya siyang ngumiti sa akin.

"Hindi mo pa kukuhanin ang coffee mo?" he asked.

Nagtaka pa ako kung anong sinasabi niya, pero na-realize ko na kaya nga pala ako nagpunta dito, para kuhanin ang order ko! Nagmamadali kong kinuha 'yon sa barista bago muling humarap sa kan'ya.

"Uhh, s-sige. Upo na ako."

He nodded slightly. "May kasama ka ba?" he asked.

Umiling ako. "Wala."

What the heck? Why am I nervous?!

"Then . . . p'wedeng maki-share ng . . . table? Promise, hindi ako manggugulo."

I gulped, nodding at him. "Sure."

Naglakad na kami papunta sa table ko. Wala akong ibang narinig pagkatapos n'on kung hindi ang paghila niya ng upuan para paupuin ako bago siya naupo sa harap. Humigop ako sa kape na in-order bago ibinalik ang atensyon sa dino-drawing.

The Fierro and Calista that met near the graffiti zone are really different from the Fierro and Calista in school. Hindi ko alam kung ako lang ba yung nakakaramdam ng awkwardness kapag may ibang taong kakilala namin ang nakapaligid sa amin. Feeling ko, hindi niya gusto 'yon.

He has his own set of friends. I have mine. Baka lang magtaka yung iba kapag biglang close na kaagad kami kapag nakita nila.

"Fierro!"

Napalunok ako nang marinig mula sa barista ang pangalan niya. Narinig ko ang pag-usog ng upuan bago siya tumayo. Nang maglakad na siya palayo, tumingin ako sa kan'ya.

"Bakit ba ako kinakabahan ngayon?" bulong ko sa sarili.

Ibinalik ko na ulit ang atensyon sa dino-drawing. Gusto kong mag-focus dito kaso hindi ko na magawang hindi mailang dahil hindi naman ako sanay nang may kasama dito sa coffee shop! Wala ngang sumasama sa akin dito sa mga kaibigan ko dahil hindi naman sila mahilig sa coffee.

Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang pag-upo ni Fierro sa harap ko. Nang maibaba niya sa table ang espresso niya, nagsalita siya.

"Anong dino-drawing mo?"

I shrugged. "Ito lang yung pumasok sa isip ko."

Bahagya siyang tumawa. "Parang sa Kapehan 'yan, ah?"

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "Huh?"

Bahagya siyang ngumiti sa akin bago ipinatong ang hintuturo sa sketch pad. "Ito yung free wall for vandalism doon, 'di ba?"

Napaawang ang bibig ko nang ma-realize na, oo nga! Yun nga pala ang dino-drawing ko! Paano niya naman nalaman kaagad?! Kunot-noo akong tumingin ulit sa kan'ya.

"Bakit?" natatawang tanong niya bago humigop sa kape.

"Ang bilis mo namang nahulaan. Ako nga, hindi ko alam kung ano itong ginagawa ko."

He chuckled before pointing on the sketch pad agad. "This part. Fuck this coffee shop. Hindi ba't yan ang isinulat n'ong lalaking pumasok noong nandoon tayo?"

Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagtango nang mapagtanto na tama nga siya. Nakalimutan ko na rin kasi ang tungkol doon. Masyado akong maraming iniisip para isipin at alalahanin pa ang mga ganitong bagay.

"Okay ka na ba?" he asked.

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "Huh? What do you mean?"

Nagkibit-balikat siya bago kinuha ulit ang espresso. "It's been three weeks since you went there. Hindi ka na ba ulit bumalik doon?" He sipped on his espresso once again.

Napanguso ako bago kinuha rin ang kape at humigop. Nang matapos, napabuntonghininga ako kasabay ng pagbaba nito sa lamesa.

"Gusto kong bumalik kaso no chance. More than two weeks nang nasa bahay si Daddy naglalagi. Hindi ako makatakas."

Nangalumbaba siya sa lamesa. "Bakit kailangang tumakas?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman ako papayagan n'on."

Napatango-tango siya bago sumandal sa sandalan ng upuan. "Hintayin mo na lang kapag p'wede na."

Tumango ako nang bahagya. "Ano pa nga ba?" Napabuntonghininga ako bago nangalumbaba at ipinagpatuloy ang dino-drawing.

"So . . . kumusta ka the past weeks?" he asked.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya saka ngumiti nang bahagya. "Ayos lang naman. Parang tulad lang ng dati. Medyo nalulungkot lang ako kasi hindi na namin masyado nakakasama si Mona sa lunch. Naging close na sila ni Caleb."

Tumango-tango siya. "Do you like hanging out with her?"

I nodded slightly, still in the same position. "Makulit siya at curious sa mga bagay." I chuckled but it faded eventually. "Kaso, feeling ko, may problema siya. Gusto ko sanang maramdaman niya na nandito lang ako sa tuwing kailangan niya."

Fierro leaned closer to the table. Nang mapatingin ako sa kan'ya, nakita ko na pareho na kami ng posisyon ngayon. Pareho kaming nakapangalumbaba at magkaharap. Mabuti na lang, medyo malapad ang table, ginawa talaga para sa mga estudyante na nagre-review dito o gumagawa ng school works.

"She already has Caleb."

I looked away. "Kilala ko siya, 'no. Wala namang pakialam 'yon. Paano kung bigla niyang iwan si Mona? I don't think she's really fine."

He nodded as he sighed. "Kilala mo si . . . Caleb?" I nodded, still looking at my sketch pad as I drew my favorite part on KSD. "Paano mo siya nakilala?"

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Napatigil ako at bahagyang napalayo nang makita na mas seryoso na ang mga mata niyang nakatitig ngayon. Umalis ako sa pagkakapangalumbaba at humigop sa kape bago sumagot sa tanong niya.

"P-Pinsan siya ni Solari, n'ong pinsan ko sa mother side."

Napatango siya. "So . . . pinsan mo si Caleb?"

Umiling ako. "H-Hindi. Kapatid ng papa ni Solari ang mommy ko. Tapos, kapatid naman ng mama niya ang papa ni Caleb."

Nakita ko ang pagkunot at paggalaw ng ulo niya na para bang nalito sa paliwanag ko, pero napatango na lang sa huli.

"Ahh, okay. Gets."

I smiled and didn't mind him anymore. Tahimik lang din naman siyang nanonood sa akin, hanggang sa magtanong ulit siya.

"Paano mo pala nasabing hindi okay si Mona?"

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "I think, her arms are covered with wounds and scars."

Umawang ang bibig niya. "Is that why she always wore a jacket?"

I nodded. "Nakita ko lang minsan. At saka, kapag kumakapit ako sa braso niya, lagi siyang dumadaing."

He nodded slightly. "That's why she seemed a little off."

Napakunot-noo ako. "What do you mean?"

Nagkibit-balikat siya. "Minsan nakita ko rin siya sa graffiti zone. One week pa lang yata nagsisimula ang pasukan. Namulot siya ng nakakalat na spray paint. She wrote something on the wall too but I don't remember the words anymore."

Napanguso ako lalo. Sayang, hindi ko siya naabutan doon. Eh 'di sana, kahit papaano, natulungan ko siya. Balita ko rin kasi, pareho kami ng sitwasyon ni Mona kaya malapit ang loob ko sa kan'ya. Nape-pressure din yata siyang gawin ang isang bagay na hindi naman niya gusto.

Pero feeling ko, hindi naman niya naririnig ang mga salitang naririnig ko palagi kay Mommy. Good for her, though. At least, kahit na papaano, her life is better than mine, even just a little.

"Can I . . . ask you something?" I said.

"Hmm?"

"Bakit ka nag-STEM?"

He chuckled. "Nakakapogi raw kapag nag-STEM, eh."

Humagalpak ako ng tawa kasabay ng pagtingin sa kan'ya. "Seryoso kasi!"

He smiled. "No reason at all. Ni hindi nga ako magaling sa math o matalino pero ang lakas pa rin ng loob kong mag-STEM." He laughed. "Wala kasi akong maisip."

Napanguso ako. "You should've taken the GAS track. Para 'yan sa mga undecided."

He chuckled. "I'm not undecided."

My forehead creased. "Eh, ano lang?"

He shrugged. "Wala lang talaga akong maisip kuhanin."

"Huh?"

He smiled with his mouth shut. "Hindi naman itinuturo sa eskwelahan ang lahat ng bagay na gusto matutunan ng isang tao."

Bahagya akong napakunot-noo ulit matapos marinig ang sagot niya. It, somehow, made sense, but I'm still confused.

"What do you mean?"

Kinuha niya ang kape sa table at humigop doon. Narinig ko ang tunog ng paghigop niya, senyales na ubos na ang kape. Ibinaba niya ulit sa table ang cup saka nagsalita.

"What if I want to work in an orphanage? What if I want to become a car racer? Will this school teach me about those things? I can't find any school that teaches what to do in an orphanage or how to become a racer." He smiled. "Hindi naman lahat ng gustong gawin ng tao, kailangan ng diploma." He chuckled. "Pero seryoso, wala naman talaga akong naiisip na kuhanin sa college. Sumunod lang ako sa gusto ng ibang barkada ko."

Mapait akong napangiti bago ibinaba ang tingin sa sketch pad. Napabuntonghininga ako. "Sabagay . . . tama ka naman." I smiled at him. "Sana gan'yan na lang din ako. Sana, hindi ko na lang din alam kung anong gusto kong kuhanin sa college." I looked down once again. "Baka mas madali."

Naging tahimik kaming dalawa. Hindi ko napansin na medyo madilim na pala ang kalangitan at sa ilang oras ng pag-stay ko sa coffee shop kasama si Fierro, nakaisang order lang ako ng kape!

Isinarado ko na ang sketch pad at niligpit ang gamit.

"Gabi na pala, kailangan kong umabot sa dinner," I said.

Tumango siya bago tumayo at sinukbit ang sariling bag. "Then, let's go home."

Tumango ako bago sinukbit na rin ang bag. Sabay kaming naglakad palabas ng coffee shop. Dumeretso kami sa sakayan ko ng jeep at doon naghintay. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.

"Hindi mo na ako kailangang samahan, kaya ko na 'to. Salamat, Fierro." I smiled.

He chuckled. "Dito rin ang sakayan ko pauwi."

Napaawang ang bibig ko at nakaramdam ng sobrang hiya kasabay ng pag-init ng mukha ko. Ilang sandali pa, huminto na ang jeep sa harap namin. Pinauna niya akong sumakay saka siya sumunod. Magkatabi kaming dalawa sa upuan.

"Makiabot ho ng bayad," sabi niya sa matandang babaeng katabi ko. "Salamat ho."

Kinuha ko ang coince purse sa bag at kukuha na sana ng pamasahe ng magsalita siya. "Dalawa ho."

Napatingin ako sa kan'ya. "Huh?"

He smiled. "Bayad na kita. Mura lang naman."

Napaawang ang bibig ko bago napangiti. "Salamat."

He nodded. "Ahh . . . nga pala. May sasabihin ako."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niyang 'yon. "A-Ahh . . . a-ano?"

He smiled a little. "I lied. Alam ko kung anong gusto ko . . ."

Napalunok ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko habang hinihintay ang mga susunod niya pang sasabihin.

"Pero totoong hindi lahat ng bagay, naituturo sa eskwelahan."

I smiled a little. "Then . . . why STEM?"

He shrugged. "Baka para talaga ako dito . . ."

Halos pigilan ko na ang paghinga ko dahil sa bawat pagtigil niya sa pagsasalita, ramdam na ramdam ko na may kasunod pa, kaya kahit gusto kong magsalita ulit, hindi ko magawa dahil alam kong may susunod pa palagi sa sasabihin niya.

"Baka dito talaga ako dinala ng sarili ko . . . para mangyari ang lahat ng nangyayari ngayon."

   :)

Continue Reading

You'll Also Like

730 255 13
πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ‘¨ Published under Ukiyoto Publishing: Magkasintahan Volume 28 Kate and Nate are best of friends. Parehong sawi sa pag-ibig noong subukang pasu...
1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] PeΓ±ablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
2M 92.4K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
1.1K 163 38
to be made whole an epistolary novel Who would have thought that a simple heart reaction on someone's post could make someone's life whole again?