My Promdi Sweetheart [S1: Com...

DeinSerpent22

176 41 0

"A beautiful face will soon rotten and a perfect body will lose its flawlessness, but a pure soul remains as... Еще

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30: The Ending
Authors Note

Chapter 20

13 1 0
DeinSerpent22

20: Love Quarrel?

Alam mo yung  feeling na parang kang tinutusok ka ng karayom sa iyong balat? That was what I felt when I saw the girl kissing Klyde. Talagang umiyak ako nung pagkauwi nun sa bahay. Maraming mga katanungan na hindi pa nasasagutan at ngayon ay may dumagdag na naman.

I don't wanna see his face because my heart aches everytime I saw him not recognizing me, not respecting me and most of all when he doesn't remember our relationship back then.

Ayoko ng bumalik don at baka mapatay ko siya. I'm so disappointed with him. Ewan ko ba? I don't want to judge him but I can't blame myself after seeing him kissed by that bitchy girl. Mas maganda naman siguro ako doon at mas sexy pero bakit?

'Sana lang Klyde may explanation ka cause I wanna hear your side defending yourself'

Natigil lamang ako sa pagiisip nung may narinig akong katok sa pintuan.

"Pasok!"

Pumasok naman agad si Mimi na may ngiti sa labi ngumiti rin ako sa kanya.

"Oh Mimi!" Sigaw ko sa pangalan niya.

"Ready na po ang lunch."

"E-eh? Asan si Layla?"

"A-ahh, inutusan po siya ni Madaam Helena kaya ako na lang po ang pinapapupunta niya sayo." Sabi niya at wala naman sa sariling akong napatango.

"Okay, I'm going.." casual kong sagot sa kanya.

"Sige po Ma'am.." Ani ni Mimi na aakma sanang lalabas pero pinigilan ko siya.

"W-wait!" Pagpipigil ko sa kanya kaya tiningnan niya ulit ako na bakas ang pagtatanong sa kanyang mukha.

"A-ano po yun, Ma'am Ara?" Tanong niya.

"Would you mind if I ask where is Cristin?" Balik na tanong ko sa kanya. Gulat naman ang kanyang mukha nung mabanggit ko ang anak niyang si Cristin.

"Bakit po?"

"Isasama ko sana siya sa Mall mamaya." Nakangiting saad ko sa kanya. "Don't worry, I'll take good care of her."

"A-ahh. Naku, p-parang nakakahiya naman po yun."

"Sige na! Please... Gusto ko lang kasi na may kasama." Nakanguso kong saad sa kanya. Nagulat naman siya at mabilis na umiling-iling.

"W-wag na po kayong mag please. Papayag naman po ako."

"Talaga?"

"O-opo" nahihiya siyang tumango. Napatayo ako bigla dahil sa tuwa at niyakap ko siya.

"Thank you..."

"Hehehehe. Okay lang po. Ihahatid ko na lang po siya mamaya pagkatapos mo pong kumain."

"Okay!" I thumbs up and wink at her. Excited na akong makasama ang cute na batang yun.

"Sige po Ma'am." Pagpapa-alam niya.

"Sige Mimi.. thank you.." Nginitian niya lang ako at tuluyan ng umalis.

Mabilis naman akong kumilos at uminom ng vitamin for lunch time. Lumabas ako ng kwarto at dumeritso sa dining.

"Good afternoon po Miss Ara..."

"Magandang hapon po..."

"Hello po Señora Ara.."

Rinig kong bati ng mga kasambahay sa akin. Nginitian at tinanguan ko lang sila. After I confronted all of them, ay mas naging okay ang pakikitungo nila sa akin. Though, there are some who's still afraid of me but most of them finally didn't and I'm so happy with my decision. Nakakagaan ng loob.

Pagkarating ko ay agad akong sinalubong ni Helena ang Mayor Doma ng aming mansion.

"Nakahanda na po ang pagkain." Ani Helena.

"Salamat po." Sagot ko bago umupo at kumain.

"Kukuhanin ko lang po ang juice niyo. Pakihintay na lamang po." Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Ganito talaga dito sa mansion. Everyone should respect our family. Saying "po" in the members of our family is one of the policy. If someone here will break the rule then they will lost their job as simple.

Nung una ay gusto ko ang ganoong patakaran dito sa mansion but after I return here from province; suddenly, I realize that the policy is so strict to them. Paano kasi, isang mali lang ay tanggal agad at kaya ganoon na lamang sila katakot sa akin. Bitch kasi ako nung una remember?

Now, I am still bitch but not the bitch with bad image. I'm a bitch because I'm beautiful. Why? Because as the say, bitch is a female dog and a dog barks, barks came from wood, wood came from tree, tree came from nature and nature is beautiful and so that only explains that I'm beautiful. Hehehehe. Isang malaking char..

Ilang segundo lang at nakabalik si Manang Helena na may dalang juice. Inilagay niya iyon sa table atska nagpa-alam na umalis.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong bumalik sa kwarto. Sa tukador agad ang tungo ko para mag make-up. Makailang saglit lang at ay may kumatok.

"Come in!" Pagpapasok ko habang nagli-lipstick.

"Mama! Where are we going?"

Nung marinig ko ang boses ni Cristin ay agad na lumipad ang tingin ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang manggigil habang nakatingin sa matambok niyang mga pisngi.

"Cristin!" Sigaw ko at saka ko sila nilapitan.

"A-ahh Ma'am Ara, sure po ba talaga kayo na isasama niyo ang anak ko?" Tanong ni Mimi, bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Oo naman. I really want to make bonding with this little cute baby girl!" Gigil kong saad habang pinisil-pisil ang pisngi ni Cristin.

"Mama, she is pretty!" Sigaw ni Cristin habang nakaturo sa akin. Nahihiya naman akong ngumisi at na flattered ako sa sinabi nung bata. Ano ba baby... Alam ko naman yun. Hehehe.

"Oo nga baby ang ganda nga ni Ma'am Ara!" Sabat naman ni Mimi saka pinisil ang cute na ilong ni Cristin.

"Hehehe. Mag ina nga kayo. Sobra naman kayong honest."

Nagtawanan pa kami nina Mimi bago niya mapagdisisyonan na umalis. Iniwan niya naman si Cristin sa akin na naglalaro ngayon sa ibabaw ng kama ko.

Tinawagan ko muna si Kif dahil may sasabihin pa ako sa kanya.

"Mmmm... Kif, pwede mo bang I cancel ang request nung HMC."

"H-ha? W-why?" Ramdam ko naman ang pagtataka sa kanyang boses. Napabuntong naman ako ng hininga bago siya ulit sinagot.

"I- I just don't like their request. Total, marami naman ang request na natatanggap mo. Baka pweding yung iba na lang."

"W-what's with that reason. That's absurd. Hello TEH! Ang laki ng fee mo doon! Aren't you thinking?" Inis na sabi niya sa akin.

"Tss.."

'Mukhang pera talaga ang baklang toh! Nakakainis!'

"At naiisip mo rin ba na sikat ang kompanyang yun and basically they could help us for your more promotions."

"Eh kasi... Basta... Ayoko doon!"

"Ate! Why are you shouting?.." Napatingin naman ako kay Cristin na napahinto sa paglalaro. Nakaramdam ako ng hiya doon sa bata.

"No Cristin, wala 'to. Just continue playing there." Sabi ko sa bata. Sumunod naman siya.

"Sino kausap mo teh?" Tanong ni Kif. Kinalma ko ang sarili ko.

"A-ah si Cristin, my maid's daughter." Pag e-explain ko sa kanya. "Kif.. Ayoko doon naiinis ako sa CEO ng kompanya." Mahinahon na pagbalik ko sa usapan namin

"E-eh? Bakit naman?"

"Do I need to tell you?" This time ay hinanaan ko na ang boses ko para hindi maostorbo si Cristin. Saglit ko pa siyang tiningnan.

Sasabihin ko ba sa kanya? Pero kasi baka ipagsabi niya sa iba at kumalat na may boyfriend na ako. Swear, madaldal rin kasi ang bunganga nitong baklang to.
Sa tingin ko ay hindi ko dapat sabihin sa kanya. I should take care of my image.

"O-ofcourse. Na-ano ka ba? Simula na lang nung nalaman mo yung CEO ng HMC naging baliw ka na." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Excuse me, I'm not like that..."

"Then, ano nga ang dahilan mo?" Tanong naman niya at dahil sa inis ko ay binabaan ko siya ng telepono.

'Bweset'

Hindi ko pinahalata kay Cristin ang pagka-irita ko. Pilit akong ngumiti sa kanya sa tuwing bumabaling siya sa akin.

Maya-maya lang at kinuha ko na ang pink shoulder bag ko para umalis.

"Mmmm... Cristin, alis na tayo." Tawag ko kay Cristin. Wala namang pagaalinlangan na sumunod si Cristin. Hinawakan ko siya hanggang sa makarating kami sa kotse.

Ipinasok ko siya sa loob saka din ako pumasok sa drivers seat. Nginitian ko pa siya..

"Just behave baby girl." I said while pinching his pinkish cheeks.

Masaya ko siyang pinagmamasdan habang ako ay nagdadrive. Kasi ang cute na nga, masunurin pang bata. Napaisip ako kung anong feeling ang magka-anak pero siguro hindi muna ngayon dahil marami pa naman akong mga pangarap sa buhay. Mabilis kaming nakapunta sa mall. Pi-nark ko muna ang sasakyan sa parking lot atska ako lumabas at kinuha ko rin si Cristin at holding hands kaming naglalakad. Ang sarap pala talagang kasama ang isang bata.

"Oh my God, who's that girl? Anak ba siya ni Miss Ara?"

"OmG. Ang ganda niya talaga no. Walang kupas at tingnan niyo ang cute nilang tingnan nung baby girl!"

"I'm sure that is not her daughter, tingnan mo nga o ang fresh na fresh pa ng mukha niya."

"Ang ganda niya talagang manamit!"

"Idol ko siya sa modelling industry, and I'm pretty sure na hindi niya anak ang baby na 'yan."

"Ano kayang gamit niyang soap?"

Hindi ko na pinansin pa ang mga bulungan sa amin ng mga tao. I just walked with grace and confidence while holding Cristin.

"A-am Cristin, Gusto mo ba ng food?" Tanong ko kay Cristin habang naglalakad.

"Mmmm.. Opo ate! I want food!" She giggled and she look at me. Kitang kita ko na masaya siya.

"Hahahaha. Okay...okay.."

"I want ice cream too!" Sigaw naman niya.

"Talaga?" Tumango naman siya. "Okay... Bibili tayo."

"Hi Miss Ara!"

"Hello po Miss ganda!"

Nginitian ko ang dalawang babae na bumati sa akin. Nung nakarating na kami sa isang food chain ay agad akong umorder.

"Isang kiddie meal nga."

"Okay po Ma'am."

Umupo kaming dalawa ni Cristin sa table. Marami pa rin ang nakatingin sa amin kaya hindi ko maiwasan ang mailang. Sarap tusukin ang mga mata.

"Here's your order Ma'am." Saad nung waiter.

"Thank you." Nginitian ko lang siya atsaka binalingan ko ng tingin si Cristin.

"Kumain ka na Cristin."

"Sige po ate!" Sagot niya sa ka kumain. Masaya ko siyang pinagmamasdan. Hindi na ako kumain since busog na ako kanina.

"Umm.. Cristin." Tawag ko sa kanya. Huminto naman siya sa pagkagat nung hotdog at tiningnan ako. "Saan pala daddy mo?"

"Sabi ni mama, he's in America!" Sabi niya at gulat naman ako sa nalaman. Kaya pala, mapapansin mong hindi nga siya pure Filipina.

I'm sure there's a reason why Mimi is working as our maid. Maybe nagkahiwalay sila nung asawa niya. Kasi kung sinusupurtahan niya sila ng dad niya ay hindi na kailangan pa magtrabaho ni Mimi para buhayin silang mag-ina. Hindi na ako nag tanong kay Cristin hanggang sa matapos siyang kumain. Binayaran ko muna ang bills bago kami umalis.

"Nabusog ka ba?"

"Opo! Very." Nakangiting saad niya habang nakahawak sa tummy niya. Napatawa naman ako.

"Very Good!" Sabi ko na lamang sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng pagka-ihi kaya nag iba kami ng direksyon. Pumunta kami sa Cr ng hindi inaasahang makita ko siya. Nagtama ang mga paningin namin at bigla akong napahinto sa paglalakad. Huminto din siya at tinangnan ako sa kabuuan. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi na parang nanunuya.

"It's nice to see you here." Sabi niya. "And who's this little girl?" Baling niya kay Cristin.

Uminit bigla ang dugo ko dahil sa presensya niya. Naalala ko naman kung paano siya halikan sa pisngi nung girl.

"And why did you care!" Pabagsak na tanong ko sa kanya. Kita ko na natigilan siya saglit.

"A-ahh. Sorry... I'm sure she is not your daughter." Mapakla siyang ngumisi sa akin. "Ang init naman agad ng ulo mo."

"Puwede ba Klyde! Over my dead-----"

"Shhhh.... Don't say that again. Sinabihan na kita noon diba." Seryoso niyang sabi. Natulala pa ako bago ko napagtanto. OMG. It means naalala niya ako! Pero bwesit bakit kailangan pa niya akong tratohin na parang hindi kami magkakilala? Humanda ka talaga sa akin Klyde.

"Pwes, I already forgotten what you have said!" Sigaw ko sa kanya.

"Ate! Is he your boyfriend?" Nabigla naman ako sa tanong ni Cristin. Shit! Nakalimutan kong nandito pala siya. Masamang impluwensya talaga ako!

Yumukod ako para magkapantay ang paningin namin. Nanginginig naman akong nag explain sa kanya.

"No baby, he's a stranger." Usal ko.

Nainis naman ako nung narinig kong tumawa si Klyde. Inis ko siyang binalingan ng tingin.

"You're saying, I'm a stranger huh." Sabi niya na tumatawa. Buweset.

'Oo Klyde, stranger kana sa paningin ko!'

"Pwede ba Klyde. I don't want to argue with you. And yes, you're a stranger for me. Total, you are treating me as if you don't know me." Mahinahon ngunit seryoso kong saad. May inis parin sa tono ng pananalita ko. Pansin ko ring naging seryoso siya.

"Why are you so angry?" Sarcastic niyang tanong.

"Eh bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Hindi mo alam ang nararamdaman ko Klyde. So stop the shit!" Napataas ang tono ko.

"Then, we're just the same. Hindi mo rin alam ang nararamdaman ko Ara." Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya.

Fake akong napangiti. "Bakit ano bang naradaman mo?" Sarcastic ko ring tanong.

"I feel lost since you left me." Seryoso at deritsong sabi niya. Napatingin ako sa mga mata niya. Lahat ay biglang bumalik. Ang dating tingin niya ay parang bumalik na rin sa dati.

'I feel lost since you left me'

'I feel lost since you left me'

'I feel lost since you left me'

"I feel lost since you left me'

Paulit na umiikot ang salitang yun ni Klyde sa utak ko.

"I thought we're okay since I left you." Mahinang usal ko. Nangingilid na rin ang luha ko. Ayokong tumingin sa mga mata niya dahil nasasaktan ako. Umiwas ako ng tingin at pinukol na lang kay Cristin ang tingin ko.

"Pilit kong inintindi Ara. But damn! I thought it's okay with me pero hindi. I'm sick for a days. I still want you here by my side." Sabi niya pa.

"So ano to? Is this your revenge?" Hindi siya nakasagot. Tiningnan ko siya ulit ng may inis.

"Hindi.. It's not what you think Wifey."

"Don't call me that way!"

"Wala na ba akong karapatan?"

Napahilot ako sa aking sintido. "Ang kapal ng mukha Klyde. Wala kang kwenta, alam mo ba yun ha? You're such a coward guy!"

"Hey man, bakit mo pinaiyak ang ate ko?" Napatingin ako kay Cristin na galit na tinuturo si Klyde. Tiningnan lang siya ni Klyde saglit at bumalik na naman ang tingin niya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ngayon ang lungkot.

"Alam mo, mabuti pang wag na tayong magkita." Mahinahon ngunit seryoso kong sabi sa kanya. Napataas naman ang labi niya dahil sa sinabi ko.

"No!" Matigas na sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"At bakit hindi? Klyde? Don't say na may gusto ka pa rin sa akin?"

"Bakit? Wala ka na rin bang nararamdaman para sa akin?" Natigil ako sa pambabara niya sa akin. Hindi ako nakasagot at tulala lang akong napatingin sa kanya.

"Answer me." He command.

"Hindi mo na kailangan na malaman pa."

"I said answer me!"

"Ano ka ba, may bata dito!"

"Wala akong paki!"

Inirapan ko na lang siya at aasta na aalis kami ni Cristin pero hinawakan niya ako sa braso.

"Get off your hand away from me Klyde." Tiningnan ko siya ng masama at binalaan pero hindi siya nagpatinag.

"Wag mo akong talikuran dahil naiinis ako." Matigas na sabi niya. Napatawa ako saglit.

"I don't care.. Sino ka ba?" Kunwaring tanong ko.

"I am Klyde your husband."

*PAAAAKKKKKK*

SINAMPAL KO SIYA.

Napahawak siya sa pisngi niya at nawala ang ekspresiyon niya na nakatingin sa akin.

"Cut the sh---" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nung gumapang ang kamay niya sa leeg pataas sa pisngi ko.

"One slap. Then, you'll be punished."

"M-mahiya ka nga. May bata dito Klyde."

Hindi niya ako sinagot bagkus ay pinasadahan niya lang ako ng tingin sa mukha.

"Ano ba!" Bulyaw ko pero hindi pa rin siya nagpatinag.

"Get out of here big man!!" Pansin ko rin na parang umiiyak na si Cristin.

'Sorry Cristin'

Nanlambot ang tuhod ko dahil sa tingin niya. Bumilis rin ang tibok ng puso ko.

"Tandaan mo. Hindi pa tayo tapos" sabi ni Klyde atsaka umalis. Nanatili ako sa aking kinatatayuan at dumadaosos ang luha na kanina ko pa pinigilan.

'Hindi pa tayo tapos'

'Hindi pa tayo tapos'

'Hindi pa tayo tapos'

His words are looming around my brain and it's pains me.

Why are you doing this Klyde? I really don't understand you.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Twisted Reincarnation Nam Garcia

Любовные романы

170K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
Ang Mutya Ng Section E Lara

Художественная проза

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
919K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
Jersey Number Nine em

Любовные романы

250K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.