My Promdi Sweetheart [S1: Com...

By DeinSerpent22

176 41 0

"A beautiful face will soon rotten and a perfect body will lose its flawlessness, but a pure soul remains as... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30: The Ending
Authors Note

Chapter 18

4 1 0
By DeinSerpent22

18: Revelation .1 Why?

Hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa nakita. Napaisip ako kung siya nga yun? bakit siya nakahanay sa mga mayayaman na mga personalidad?

Hindi pa rin ako makapaniwala kaya lutang ako pagpasok backstage. I was thinking of approaching him pero ewan ko ba at hindi ko kaya. Natatakot ako at nahihiya.

At para masagot ang lahat ng katanungan ko ay napagdisisyonan ko na hanapin si Kif at sa kanya magtanong tutal marami siyang kakilala doon sa mga mayayamang personalidad sa gitna.

I went to the crowd and search for Kif. Hindi naman ako nahirapan dahil agad ko siyang nakita sa isang table na nasa gilid malapit sa bleachers.

"Oh my God! Ara is so beautiful!"

"That Goddess look! Omg!

"Sana ganyan ako ka kakinis"

"She is my Idol! Wohhh!!"

"Nakakaingit naman!!"

"Siya nga talaga ang Princess of Modelling. Tingnan mo nga, bagay talaga sa kanya."

Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa bawat  tables na madadaan ko. May mga sumisigaw pa nga e kaya hindi na ako nagtaka nung napatingin sa direksyon ko si Kif pati na rin ang mga kasama niya sa table. Kunot noo niya akong tiningnan.

"What are you doing here Ara?" Bungad na tanong ni Kif.

"I need to talk to you."

"Is there any problem?"

"W-wala naman.."

"Hi Miss Ara!" Singit ng isang babaeng singkit at mestisa. Binalingan ko siya ng tingin at nginitian.

"Oh.. Hello.."

"By the way Ara, this is Shanely Vergara." Pagtutukoy niya doon sa babae na kausap ko. "Ang that is Felipe Vergara." Pagtuturo niya naman sa isang lalaking parang walang paki-alam. Hindi siya umiimik na parang walang naririnig. I can't deny that he is handsome and hot lalo na sa suot niyang black suit ngayon. "They are siblings and the children of Mr. Felimon Vergara of Davis Modelling Company." Dagdag na saad ni Kif.

"Pesensya na po kay kuya Felipe Miss Ara. Ganyan lang po talaga 'yan. Hindi siya kumikibo parang Pepe lang ganern!!!" Natawa naman kami ni Kif sa sinabi ni Shanely. Tiningnan ko ulit yung lalaking Felipe pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha niya. Nanatili pa rin itong blanko. May pinagdadaanan yata ang isang 'to.

"Kif, Please let me talk to you for a moment." Pagmamaka-awa kong sabi kay Kif."

"Oh sige na nga.."

"Ummm. Shane, hihiramin ko muna si Kif saglit." Pagpapa-alam kong usal kay Shanely. Hindi ko na pinasin yung Felipe dahil baka mapapahiya lang ako kung hindi rin naman niya ako kikibuin.

Habang naglalakad kami ni Kif ay tiningnan ko ang table sa gitna at laking gulat ko na nawala na siya doon. Bakanti na ang inuupuan niya kanina. Panay ang palinga-linga ko sa paligid para hagilapin yung lalaking parang si Kyde pero hindi ko na siya makita.

"Sino ba hinahanap mo?" Napatingin ako kay Kif dahil sa tanong niya.

"A-ahh may familiar face lang kasi akong nakita. Doon sa gitnang table."

"Ofcourse, Ara lahat naman siguro diyan ay familiar sa iyo dahil mga CEO sila ng mga modelling company. Are you out of your mind?"

"Oo nga kilala ko ang ilan sa kanila... but except for him!" Pigil ang inis kong sagot sa kanya.

"H-ha? Bakit atat na atat ka naman yatang makilala yung lalaking sinasabi mo?"

"Tss.. kasi familiar siya sa akin."

"Nakakalerke kanaman teh! Parang familiar lang sayo hindi kana mapakali. Ano 'yan pa- detective lang ang bet?"

Linga parin ako ng linga pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi pa rin nawawala ang kabog ng dibdib ko. Marami ang lumulutang sa isipan ko ni hindi ko man lang alam kong ano. There's something inside me that keep on searching someone and I can't willed my body to stop.

Binalingan ko ulit si Kif at kita ko pagtataka sa kanyang mukha.

"Sino ba kasi ang taong yun?" Inis na tanong niya sa akin.

"Basta mamaya ko na sayo sasabihin. Sa ngayon tulungan mo muna ako dahil hindi talaga ako mapakali. Please Kif, kahit ngayon lang."

"O siya, kukunin ko lang yung mga guest sa listahan at ituturo ko sayo isa-isa kong sino ang mga iyon. Tutal kilala ko naman sila lahat at baka kilala ko rin ang hinahanap mo."

"Okay, I'll wait for you here."

Tinanguan niya lamang ako at naglakad na para kuhanin ang list of guest sa event na to. Umupo ako sa isang bakanting chair at pinukol na lang ang atensyon sa mga model na rumarampa.

'Siya nga ba talaga ang nakita ko?'

Naimagine ko naman ulit kung paano niya ako titigan at nginitian. That smile of him, malakas talaga ang kutob kong siya nga iyon.

"Hello Miss Ara pwede po bang magpapicture? Hehehehe..." Napatigil ako sa pagiisip nung may nagsalita. Nahihiya ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.

"A-ahh sure!" Nakangiti kong aproba sa hinihiling niya.

"Talaga po! Naku, thank you po ng sobra. Ang ganda niyo po Ma'am! Idol ko po kayo!"

"You can call me ate"

"Ayieeeeee. Sige po A-T-E..."

Pagkatapos magpapicture nung babae ay siya ring pagbalik ni Kif. Napatayo ako bigla at sinalubong siya.

"'Yan na ba yun?" Tukoy ko sa isang log book na hinahawakan ni Kif.

"Oo teh, Ano masaya kana?" Inirapan ko siya at inismiran.

"Buklatin mo na bilis!"

"Wowww a! Lakas makautos!"

"Please!"

Wala ng nagawa si Kif at agad niyang binuksan ang log book.

"Ayon dito. May 5 guest ang event na to." Panimulang basa niya. "We have here Felimon Vergara. I'm sure kilala mo na yun dahil anak niya yung ipinakilala ko sayo kanina."

"Yung pangalawa."

"Mrs. Jean Alajar." Tinuro ni Kif yung isang babeng may katabaan.

"Mr. Willy Remez.... Mr... Kent Hidalgo... And Mr. Klyde Sebastian." Tuloy tuloy na basa ni Kif at isinarado ang log book pagkatapos. Mas bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko dahil sa nalaman. So it means, siya nga? Totoo na nandito siya?

"O my God!!! Over my dead gorgeous body. This is impossible!" Napatakip ako ng baba dahil napalakas nung pagkasigaw ko.

"Hoy Ara, Ano ba nangyayari sayo. May tililing ka ba?"

Hindi ko nasagot si Kif bagkus ay gulat ko lang siyang tiningnan.

"Are you okay?"

"Kif, sino yung Klyde Sebastian?" Pagiiba ko sa topic.

"Bakit naman?" Takang tanong niya sa akin.

"Basta, can you just please answer my question?" Atat na sabi ko sa kanya.

"Okay.. Klyde Sebastian?.. Mmmm... Actually that hot guy is the CEO of Hanna Modelling Company.. Siya ang pumalit sa puwesto ni Mr. Alejandro bilang CEO ng Kompanya nila."

'W-what??!'

Napalunok ako sa mga nalaman. Paano nangyari yun? Of all I knew, Klyde is a low profile person. Nabigla talaga ako lalo na nung nalaman ko na may-ari niya na ang isang sikat na modelling company.

I need answers! Hindi talaga ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang lahat.

'Si lolo!'

Baka may alam si lolo since kilala niya naman si Klyde. I don't know but I feel that there is something wrong.

"I need to go." Saad ko sa kanya sa mababang tono.

"Wait, may meet up pa tayo with some companies."

"I- cancel mo na lang."

"H-ha? Saan ka ba pupunta?"

Hindi ko na siya sinagot bagkus ay dali dali akong tumakbo palabas nang bilang....

"Ouch!!!!" Hiyaw ko dahil may nabunggo akong tao. Ang careless ko kasi e. Sumalpak ako sa sahig kaya napadaing ako sa sakit.

"I'm sorry."

Hindi ko agad na igalaw ang mga paa ko at nakaramdam ako ng kilabaot sa aking katawan. Dahan-dahan kong ini-angat ang paningin ko at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Gusto kong maiyak pero hindi ko pinahalata. Hindi tulad nung una, ang mga mata niya ngayon ay parang walang gana kung tumingin sa akin. Walang kang mababakas na pag-aalala. Tiningnan niya lamang ako at biglang... TINALIKURAN.

Lahat ng systema ko sa katawan ay parang hindi na nagf-function.  Unti-unting nangigilid ang mga luha ko. Si Klyde ba talaga yun? How can he ignore me.

Hindi ko matanggap, bakit parang wala na siyang paki-alam sa akin. Hindi ko maintindihan. I need answers.

Maluha-luha akong lumabas at pumasok sa kotse ko. Yung mga mata niya kanina ay iba sa mga mata niya nung nasa province pa kami.

'Bakit? Kinalimutan niya na ba ako?'

As I drive my way home, I couldn't help but to cry every minute. I can't accept that he ignored me. Ang dali naman ata sa  kanyang alisin ako sa buhay niya samantalang heto ako at hindi masaya hanggang wala siya sa piling ko.

"I hate you!!!!!!!!" Sigaw ko kawalan.

"How dare you Klyde!!!!!!" Isa pang sigaw. Gusto kong alisin sa isip ko kung paano niya ako tinrato kanina. Inis na inis ako.

Buweset!

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
27.3M 697K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...