My Promdi Sweetheart [S1: Com...

By DeinSerpent22

176 41 0

"A beautiful face will soon rotten and a perfect body will lose its flawlessness, but a pure soul remains as... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30: The Ending
Authors Note

Chapter 7

4 2 0
By DeinSerpent22

7: Meet the Bestfriend

*Klyde's POV*

Mag-iisang linggo na si Ara dito sa bahay ko at sa wakas, mukhang naiintindihan na niya kung bakit nandito siya sa bahay ko. Sa kagustuhan ni lolo na mapabago si Ara kaya niya nagawa ang lahat ng ito at naiintindihan ko naman din ito.

Naiinis talaga ako minsan sa babaeng yon. Paano naman kasi ang arte mismo kung paano manamit, lumakad at kumain. Aaminin ko naman talaga na hot and sexy siya sa paningin ko kaya minsan napapagtripan ko siya na halikan. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi maakit sa ganoong kagandang babae kaso nga lang ang sama ng ugali at damn, maarte na syang hindi ko gusto kaya minsan napapagalitan ko siya.

Nung una ko siyang makita, alam ko na agad na parang spoiled brat si Ara dahil nga mayaman sila kaya alam kong mahihirapan ako sa misyon kong baguhin siya. Kung hindi lang talaga kay lolo hindi ko tatanggapin ang alok niya sa akin dahil sobrang hirap. Hindi naman din ako makatanggi dahil unang-una may utang kami sa pamilya nila at pangalawa, si lolo ang gumastos ng pang-ospital sa aking lolong si lolo Fernand na kumapare niya.

Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na magbabago ang babaeng yun lalo na ngayon na parang na realize niya na ang mga pagkukulang niya dahil pinaintindi sa kanya ni lolo.

Masaya ang araw ko sa tuwing nasisilayan ko ang kanyang mukha. I don't know what is called with this feeling na parang ang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandiyan siya sa tabi ko at sinusungitan niya ako. I find her cute pag ganon siya. Gusto kong galit siya sa akin dahil gusto ko ang reaksiyon niya pag ginagalit ko siya. Ewan ko ba...

Pauwi na ako ngayon galing sa pagsasaka ng prutas. Nag dala ako ng ako ng samot saring prutas para sa kanya dahil alam kong maarte yun sa pagkain dito at kapag hindi niya gusto ang pagkain prutas na lang kinakain niya.

Habang naglalakad ako papasok sa gate may nakita akong isang lalaking tila may inaabangan. Palinga-linga ito ng tingin. May katangkaran ito at halatang mayaman din ito dahil sa mga pananamit nito. Agad kong binilisan ang aking paglakad para tingnan kong sino ito.

"Sino ka?" Agad kong tanong. Napalingon naman ito sa akin saka ngumiti.

"I'm Alvin, Alvin Santiago." Nakangiting tugon nito saka naglahad ng kamay.

Alvin? Wala naman akong kilalang Alvin kaya labis na lang ang aking pagtataka. Nagtataka man ay tinaggap ko ang kamay saka nakipag-shakehands.

"I'm Klyde," mapakla akong ngumisi sa kanya habang nakipagkamayan.

"Dude, nandito ba si Ara?" Tanong niya sa akin na nagpakunot sa aking noo. Ano naman kailangan niya kay Wifey?

"Oo, nandito siya bakit?. Anong kailangan mo sa kanya?"

Hindi pa man siya nakasagot ay biglaang bumukas ang pinto saka nakita namin si Ara na napahawak sa kanyang bibig na parang nasurpresa.

"Alvin?!" Sigaw niya sa pangalan ni Alvin. Agad siyang tumakbo papunta rito atsaka niyakap si Alvin. Hindi ko alam ngunit nag-igting ang aking panga sa pagkakayakap ni Ara sa Alvin na 'yan. Tila matagal na silang magkakilala at ganoon kahigpit ang yakap nito sa kanya. Uminit ang aking dugo. Ewan ko kung bakit tila galit ako sa aking nakikita.

"Ara, my princess!"

"Oh my god Alvin, why are you here?"

Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Gusto ko na sana silang awatin sa pagyayakapan nilang dalawa dahil mas umiinit lang ulo ko sa ka-artehan nila.

Shit! Sino ba kasi yang Alvin na 'yan. I feel envy. Gwapo na mas di hamak ako sa kanya kaya wala dapat akong ipag-aalala.

------------------------------

*Ara's POV*

O my god! nandito si Alvin na best friend ko since bata pa kami, kami na ang magkasama. Magkasama kaming lumaki at talagang magkasundo rin kami sa lahat ng bagay. Pangalawa siya kay mom na to the fullest kung sumuporta.

Naghiwalay lang kami nong may trahaho na siya sa Canada. Paminsan-minsan naman kaming nag v-video call noong nasa Manila pa ako at ngayon lang ako nawalan ng koneksyon sa kanya dahil wala na akong cellphone dahil pinagbawalan nga ako ni lolo.

Wala pa ring pinagbago sa kanya. He is handsome kahit saang angulo tingnan. Really, he is awesome man at napaka-understanding. He is a model dito sa Philippines pero lumipat nga siya sa Canada nung may offer sa kanya doon. I support him dahil yun naman ang gusto niya at I have no right to counter his decision. Passion niya kasi yun. His dream. Model din naman ako pero kalaunan ay huminto ako dahil nawalan ako ng gana dahil wala na siya.

"Bakit ka pala nandito Alvin?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. Nasa sala kami ngayong tatlo nila Klyde. Tila walang gana si Klyde na nakikinig sa amin at kita ko ang nag-aalab niyang mata.

Ano naman kaya ang ikinagagalit ng lalaking ito? Bahala nga siya diyan?

"Sinabi kasi sa akin ni Tita Quenee na samahan daw kita rito dahil nag-aalala siya sayo. Pinilit niya ang lolo mo at pumayag naman ito." Page-explain niya sa akin.

So ibig sabihin. Makakasama ko na siya rito? O my G! May kasama na ako! Napangiti ako ng todo dahil sa nalaman. So this means na pinapunta siya ni mom dito for me. I love you mom. Talagang hindi niya ako pinapabayaan.

"Hindi pwede!"

Napakunot naman bigla ang mukha ko dahil sa sinabi ni Klyde. Ano na naman ba problema ng lalaking ito. Can't he just be happy at hindi na siya magtitiis na mag-alaga sa akin dahil Nandito naman si Alvin?

"At bakit naman hindi? He's my bestfriend Klyde kaya bakit naman hindi?" Nagtataka kung tanong sa kanya.

"Dude, Calm down. Sandali lang naman ako dito. I'm living here for a week dahil babalik din ako sa Canada." Alvin explain. Ay bakit isang linggo lang? Pero okay na to kaysa wala akong kausap sa bahay. Hindi naman din kasi kami naguusap ni Klyde kasi puro siya pang-aasar sa akin. I hate him.

"Oo nga Klyde. Ayaw mo ba non, hindi kana magtitiis na alagaan ako." Pag sasang-ayon ko kay Alvin.

Hindi sumagot si Klyde at narinig kong nag tskkked ito at nag walk out. Ano ba talaga problema ng lalaking 'yon? Hindi ko na siya matansya gosh! Over my dead gorgeous body, nakakaiistress talaga siya.

Binalingan ko si Klyde na ngayon ay mapaklang nakangiti. "Don't worry Alvin, I'll fix it for you." I assure a words to him.

Napatango naman ito. "Thank you my Princess. Kasi gusto na talaga kitang makasama e. I miss you." Nakanguso niyang saad na agad nagpagaan ng loob ko. Ang cute talaga niya daig niya pa ang kacute-tan ng isang sanggol. Well, gwapo rin naman kasi siya. Ang rami kayang mga girls ang nagkakandarapa sa kanya.

"Welcome my prince" sagot ko sa kanya saka pinisil-pisil ang cute na mga pisngi niya.

"Pa kiss naman o. Matagal din tayong hindi nagkita e"

"Sira ka ba? Tumigil ka nga Alvin." maarte kong usal sa kanya saka sinapak ng mahina ang mukha niyang nakanguso sa akin.

"Damot mo naman"

Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakatawa talaga siya. He always act na parang bata kahit ang laki-laki na. Ang laki nga ng katawan e. Very hot na nga niya. I'm sure, may girlfriend na ang mokong na 'to.

"Don't make me a fool Alvin. May girlfriend ka na no?" Pangaasar ko sa kanya.

Napahagikhik naman siya saglit saka tumingin sa akin na parang nang-aasar din. Kita mo 'tong lalaking 'to napaka-walang modo.

"Bakit? Selos ka?" Pagbibiro niya.

Napa-awang naman ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Wait, me? HAHAHA. So funny. Asa pa siya.

"Why would I?" Maarte kong tanong sa kanya.

"Ikaw talaga Princess, ang sungit mo naman parang nagbibiro lang e"

Nagtatawanan kaming nag-uusap ni Alvin. Hindi parin talaga kumukupas ang pagka-malapabiro niyang ugali. I like him because of his attitude kahit minsan ay tinatarayan ko siya.

Ang sabi niya ngayon sa akin, wala pa raw siyang girlfriend dahil busy daw siya sa career niya na pagmomodel. Tsskk, maypapaganyan-ganyan pa siya pero kung manligaw sa akin wagas. Charr! Syempre joke. Umamin lang naman siya na kesyo crush niya raw ako. Neknek niya!

Habang masaya kaming naguusap ni Alvin sa sala. Ilang saglit rin bago napansin kong papunta si Klyde sa kinaroroonan namin. Cold ang expression ang mukha nito habang papunta sa amin.

"Klyde!" Papunta sana siya ng kusina pero napahinto ito dahil tinawag ko. Napatingin ito sa akin na wala man lang mababakas na emosyon.

"Please, pumayag ka na" pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Can we talk?" I turned my eyes back and forth to Klyde and Alvin. Alvin agreed.

Ano naman pag-usapan nila? Pwede naman siguro niyang sabihin kahit marinig ko man.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Ano naman pag-usapan niyo?" Tanong ko.

"It's a boys talk wifey" saad niya saka umalis palabas. Sumunod naman din si Alvin at nag wave lang ng kamay sa akin.

I am left dumbfounded. So. Ito talaga si Klyde puro pa thrill. He could've said it with me. OA niya rin no!

Napansin ko rin na simula ng dumating itong si Alvin kanina ay naging mainitin ang ulo. Ano 'yon?

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
918K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...