MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

By akosilenpot

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... More

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 17
Chapter 18
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 31
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 38
NOL - CHAPTER 39
NOL - Chapter 40

NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA

9K 285 174
By akosilenpot

CHAPTER 16

NOL – NO ORDINARY FIESTA

ARKIN'S POV

Nasabi ni Andoy na mainit pa rin ang dugo ni Reena sa amin.Pabagsak kong inilapag ang bag kong dala.

"Ano ba kasing ginawa mo?"tanong niya.

"Andoy,ba't ba paulit –ulit ka? Wala nga akong ginawa diba?!"sabi ko at hinubad ang sapatos ko.

"Asus..."Kinuha niya ang bag ko at tinabi sa kwarto.

"Kumain ka na ba?"tanong niya mula sa kwarto. "Hindi pa nga eh,may pagkain na ba sa baba?"tinutukoy ko yung handa sa Fiesta.Dito kasi sa Barangkal,isa ang pagkain kapag Fiesta. "Tignan ko kung meron..hindi ka man lang pinakain sa inyo?"

"Ako ang may ayaw na kumain don"sabi ko at lumabas na siya.

"Hi Reena!"bati ni Andoy.Rinig ko dahil nakabukas ang pinto. "Nag-mall ka?ikaw huh..gumagala ka na?"sabi pa ni Andoy.Dahil hindi ko maintindihan ang isinasagot ni Reena kay Andoy ay naisipan kong lumapit sa may pinto.Nagtago ako doon.

"Sinamahan ko si Sam"sagot ni Reena.

"Akala ko kanina,papasok ka na eh"sabi ni Andoy . "May nakakamiss sayo doon"pang-aasar niya kay Reena.

"Oo yung sahig na hindi ko napupunasan ."napangiti ako sa sagot niya.

"Sahig?"huminto saglit si Andoy. "Parang ibang  "S"ang nakakamiss sayo"sabi niya sabay tawa.

"Sampal gusto mo?"sabi ni Reena. Gusto kong tumawa, "Stop the violence!"sabi ni Andoy. "Pero ang mas nakakamiss sayo ,eh ang taong nakatago sa pinto"sabi niya.huh?!Ano daw?!sira ulo talaga tong taong to,.sa sobrang taranta ay napatakbo ako sa kwarto.Sira ulo talaga yun.Hay nako!

LAREEN'S POV

"Ano?!"parang nawala ako a sinabi ni Andoy.Pero imbis na sumagot ay tumawa lang si Andoy na mas ikinagulo ng utak ko.

"Ewan ko sayo!manang mana ka talaga sa kaibigan mong parang menopausal baby!"sabi ko at pumasok na ko sa loob ng bahay.

Pagpasok ko ay nagpalit na ako kaagad.Medyo kinukulit na kasi ako nila Aling Merlyn na bumalik kaagad para makisali doon.

"Badtrip talaga ang dalawang yun..."sabi ko na lang.

Makalipas ang ilang oras ay nagumpisa na ang kantahan sa baba. Napahinto ako ng isang lalake na ang kumakanta.Nahinto ako sa pagsusuklay ng buhok ko at napalabas ako ng di ko na mamalayan.Pamilyar ang bose na iyon.Isang boses na minsan ng nagpatayo ng balahibo ko dahil sa takot at isang boses na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Dumungaw ako.Natulala ako ng makita si Arkin na may hawak na mic at kumakanta.He's singing "OUT OF MY LEAGUE".Napalunok ako,hindi lang pala pagsusungit at paglalandi ang alam ng lalakeng to...may tinatagong boses.

Kung pwede lang mag-assume na ako yung kinakantahan niya.Gusto kong mag-assume talaga.Parang napaparalisado ang buo kong sistema.Shocks...inlove na ba talaga ako sa lalaking madalas sumira ng araw ko??haist!

Gusto kong pigilan ang sarili kong wag mag-assume.Ayokong pang-paasahin ang puso kong ngayon ko mahahanap ang taong tunay na mahal ko.Ngayon pang hindi ako buo at nasa isang sitwasyon ako na pilit kong tinatakbuhan ang tunay na ako.

"Reena baba na diyan!"nagulat ako ng tumigil sa pagkanta si Arkin at si Andoy ang naririnig ko.Inagaw niya pala ang microphone kay Arkin nang makita akong nakatunghay sa kanila.

"Huh?ah....."

"Oi Reena,baba na dito para makakain ka na","ano bang ginagawa mo diyan ?!"sabi ni Aling Merly.Then suddenly lahat na sila ay nasa akin ang atensyon pati si Arkin.Pinilit kong ngumiti.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag nag pagdungaw ko...Lord pwede bang kunin niyo na ko? Mamamatay na ko sa hiya dito.Parang nauutal talaga ako.

"Tara na dito!Tama na muna ang pag daydream Reena" biglang sabi ni Andoy. Nagtinginan sa kanya ang iba. Nilakihan ko siya ng mata. "Joke!Tara na!" sabi niya at siya na ang nagtuloy ng kanta ni Arkin. Back to normal na sila.Bumalik na muna ako sa loob ng bahay para humiga..hay Diyos ko! Sarap kurutin nitong puso ko.

Ilang saglit ng pagcocompose ng sarili ay bumaba na ako para makipagsiyahan sa kanila. Ayoko namang sabihin at mapagisipan na may iniiwasan ako kaya I need to act normal. Hay..bakit parang napakaparanoid ko today?!!!

"Oh kumain ka na" Binigyan ako ni Aling Ising ng plato at sinamahan sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain.

"Nasaan ang tiyahin mo?" tanong niya. Marami pa pala akong makakasabay na kumain. Nasa isang mesa ang halos mga kabataan na masayang masayang nagkukwentuhan.

"Pumasok ho"sagot ko.

"Dapat hindi muna siya pumasok..sayang naman"

"Ah medyo mahigpit po kasi yung amo namin eh. Mabuti nga ho't pinayagan akong umabsent" sabi ko. Pumayag? Kung hindi lang namin pinalabas na may sakit ako ay malamang wala rin ako sa isang araw ng kasiyahan dito sa Barangkal.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay hinatid niya ako sa lamesa. Kasabay kong kumain sila Jun-jun.

"Ate Reena,dito ka na oh"sabi niya at inoffer niya nag bangko niya sa akin. "Salamat"sagot ko naman.

I smiled sa lahat ng kabataang kasabay ko. Lahat sila ay mababait kahit para silang mga loko-loko.

"REENA!!"nagulat ako sa pagsulpot ni Andoy sa likod ko. "Kumain ka na?" tanong ko sa kanya.

"Bati na tayo?"

"Ayaw mo?"masungit kong sabi.

"Ito naman..ako pa magpahuli? Kumain na ko pero yung kaibigan ko.. hindi pa" sabi niya.

"Ba't hindi pa siya kumain?"nagkibut balikat lang siya.

"Wait lang huh"sabi niya at lumapit ata kay Arkin.

Nakatalikod ako sa kanila kaya hindi ko alam kung nakatingin ba sila sa akin o hindi. Grabe napaparanoid ako!!

"Arkin!kumain ka na!"rinig kong sabi ni Andoy. Nagintay ako ng sagot ni Arkin pero parang no comment siya. Hunger strike? mukha niya. Patapos ko nang naubos ang pgkain ko ng marinig ko ang sabi ni Joshua.Tumayo ito dala ang pinggan niya."Kuya dito ka na. Tapos na ako eh" sabi niya. Parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi ako makalingon. Patay umalis siya.

"Sige salamat" POSITIVE si Arkin nga.

He's three inches away from me. Konti na lang yung food ko sa plate pero parang hindi ko pa mauubos. Isa-isang naubos ang mga kasabay ko kanina, hanggang kami na lang ang naiwan sa mesa. Parang feeling ko kahit anong gawing nguya ko sa pagkain ko ay hindi parin magkasya sa lalamunan ko.

"Galit ka sa akin?" hindi ko ineexpect to.

Hindi ako makasagot, Pero gusto kong sabihing "HINDI!!!!HINDI BA OBVIOUS??".

"May ginawa ba ako?" windang question #2!!

Nilakihan ko ng subo,at pilit kong nginuya.Narinig ko ang buntong hining niya.

"SORRY".Napaubo ako at halos mabilaukan. OMG!Parang hindi ako nakahinga. "REENA?!" tinatapik ko ang dibdib ko. Gosh..hindi ako makahinga, I need water. Tarantang binigay sa akin ni arkin ang tubig at hinaplos ako sa likuran. "Okay ka lang? Okay ka lang ba?" paulit ulit niyang tanong. Pagkainom ko ay naramdaman kong lumuwag na ang paghinga ko.Tuloy parin siya sa paghaplos ng likod ko. Habol ko pa ang paghinga,Bakit ganun?napapansin ko lang huh,parang puro trahedya ang nangyayari sakin kapag magkalapit kami?

"Okay ka na?"tanong niya ulit. He looked worried. Tumango ako.He smiled. Arkin,papatayin mo ba ako huh!

Para akong nahyhypnotized. Basta nakatingin lang ako sa kanya. Amazed by his beauty...grabe...ano bang nangyari sa akin?

"Ow........ang sweet..."sabi ni Andoy...gamit ang microphone. Nagbalik ako sa katauhan ko.Napaiwas ako ng tingin kay Arkin na parang hindi man lang naapektuhan sa mga sinabi ni Andoy.

"Okay ka na?"

Marahan akong tumango. "Excuse me" sabi ko sa kanya at madali akong napatakbo pataas sa bahay.

Habol ang hininga ay sinara ko pinto at sumandal sa likod noon. OMG...nahalata kaya niya? OMG...alam na kaya niya? Lareen naman kasi!!!

"Reena?"nagulat ako sa pagkatok niya. Si Arkin.naman oh.

Binuksan ko ang pinto . "Bakit?"

"Okay ka na ba talaga?" tanong niya.

"Huh....me-dyo" sabi ko. Actually hindi ko talaga lang alam kung anong isasagot sa kanya.

Tumango siya ng marahan."Sabi ni Aling Ising baba ka raw pag maayos na ang pakiramdam mo"sabi niya at parang malungkot na umalis. Hinabol ko na lang siya ng tingin.

Arkin...bakit ngayon ka lang ?? San ka ba nung kailangan ko ng isang taong mamahalin huh? Nasaaan ka nung ako si Lareen Castillo??



ARKIN'S POV

Hindi ko talaga magets ang babaeng yun. Siya na nga inaalala tapos parang ako pa yung may kasalanan? Muli kong sinulyapan ang nakasarang pinto.Bakit ba ganito? Bakit ba gani

"Pre ok ka lang?"tanong ni Andoy nung nakababa na ulit ako.

Kinuha ko yung iasang bote ng beer at ininom iyon. There is something wrong about me....alam kong meron.

"Arkin, pabagalbagal ka kasi..inumin mo na nga muna to" sabi ni Manong Chris at binigyan pa ako ng beer.

"Pre,hayaan mo muna ang prinsesa ...wag mo kasing biglain" sabi ni Andoy sabay akbay.

"Tigilan mo nga ako..lasing ka na eh!"sabi ko. "Suuusss.....Arkin !! Kilalang kilala kita! Wag ka ng magdeny pa dahil ayan oh" tinuturo niya nag mata ko. "Kitang kita sa mata mo..Letter "R""sabi  niya.

"Sira ulo!"sabi ko at pinaupo ulit siya.

Nagkakasiyahan na ulit nang makia ko si Auntie Delia. Tutulungan ko sana siya nang makita kong kasunod niya si Tep..Si Tep? Sa Barangkal? Pambihira.

Deadma sana ako nang tumayo si Andoy at batiin si Tep.

"Bossing! napadalaw ka?" hindi ako kumibo,nag-stay lang ako kung saan ako. "Hi auntie Del.."bati niya rin.

"Makikipyesta pwede ba?"sabi ni Tep. "Makikipyesta? Wow bago yun huh"sabi ni Andoy. Bago naman talaga. Si Tep? Halos hindi nga pumupunta yan dito  eh.

"Bawal ba?" sabi ni Tep.

"Pero Boss...syempre always welcome ka dito sa Barangkal"sabi ni Andoy at lumapit siya kay Tep.

"Arkin..bro!" tawag niya. Lumingon ako at kumaway pero madali ko ring ibinalik ang atensyon ko sa kwento ni Mang Ino na actually hindi ko naman talaga naiintindihan. Maya maya ay nakita ko na silang paakyat.Tama ang hinala ko he's here para kay Reena



LAREEN'S POV

Parang lutang parin ako hanggang ngayon.Yung way kung paano niya ako tingnan kanina. I feel so different,  kasi yun yung mga tinging hindi ko maiisip na makukuha ko from him. Papunta ako sa kusina to get a glass of water ng marinig kong tinatawag ako ni Ate Madel mula sa labas. Bakit parang ang aga niya ata ngayon.

"Oi..te?"natigilan ako ng makita si Tep sa likuran niya.

"Hi! Reena"sabi niya. I smiled at him and say "Hi" parang feeling ko nauutal ako. Muntik na yon huh.

"Reena andito si Sir para bisitahin ka "sabi ni Ate Madel. At pumasok sa loob ng bahay.

"Sir pasok ka ho"sabi niya ulit. Parang nagulat lang talaga ako. Hindi ko inaasahan ang pagdalaw niya.

Para akong batong natigilan. "Reena for you" sabay abot ng isang basket ng prutas. Oo nga pala,akala niya may sakit ako. "Ay salamat ho. Naku Sir nagabala ka pa".

"Wala yon"sabi niya.

"Ay oo nga pala Sir pasok ka"

"Hindi na Reena,actually dumaan lang talaga ako para kamustahin ka"

"Mabuti na ho ang pakiramdam ko"

"So makakapasok ka na?"

"Ah..eh..siguro po"sabi ko na lang.

"Pero pagaling ka huh. Nagaalala kami...ako..Sige na, dito na ako. Auntie Del una na ho ako, Reena dito na ko"sabi niya.

"Ingat sir"sigaw ni Auntie Del mula sa loob.

He kissed me pa sa cheeks bago umalis.Parang nanuyo ang lalamunan ko.

"Haba ng hair" sabi ni Ate Madel habang nagaayos ng pinamili niya ng pumasok ako. I pulled out a chair at umupo roon.

"O anong nangyari sayo?" tanong niya.

"Huh? Wala... may iniisip lang"

"Lareen Castillo....andyan ka nanaman sa pagiisip".

"Hindi... iba to"sabi ko. "Anong iba?"

Hindi ko alam kung magoopen up ba ko sa kanya, ayoko na kasing dagdagan pa ang iniisip ni niya. Alam kong buong buhay niya ay binigay niya na sa akin at ang pagsama sa dito ang  isa pang napakalaking  utang na loob na ginawa niya para sa akin.

"Sobrang saya na sa baba, hindi ka ba makikisali?"

"Mamaya na siguro"sabi ko. Hangga't andon si Arkin sa baba feeling ko hindi na ako mapapanatag.

"Lareen?"

"yes?"

She pulled out a chair too at tumabi sa akin.

"Alam mo bang alam ko na ang address ng tiyahin ko dito sa Maynila?"

"O?? really?! Well that's a good news!" sabi ko.

"Gusto kong puntahan"sabi niya.

"O..di puntahan natin..ano, kalian?"

"Alam nila ang paglalayas mo sa Milagros Lareen, natatakot ako na baka malaman ng Daddy mo kung nasaan ka kung sasama ka" sabi niya. "Huh?...so iiwan mo ko?"

"Hindi.. iniisip ko na wag na sigurong pumunta" sabi niya.Bumukas ang lungkot sa mukha niya.

"Huh? Nako..sayang naman ate..wag mo akong isipin..kaya ko na naman" sabi ko. "Lareen..."

"Ate kaya ko naman eh...Ituloy mo yung balak mo okay!"

Tumango siya at niyakap ako. Matagal niyang hinanap ang mga kamag anak niya,sayang naman kung hindi niya pa kukunin ang pagkakataong ito.

"Lareen, mga tatlo o apat na araw lang naman ako doon eh.. wag kang mag-alala.. kaya nga ipamimili kita" sabi niya.

"Sus..."sabi ko at kinurot ang ilong niya.

"REENA! DELIA!" malalakas na katok ang narinig namin ni Ate Madel. "Ano yon?!" nagkatinginan kami.

Ako na ang nagbukas ng pinto at nakita ko si Aling Ising.

"Ano kayong dalawa? Hala! Baba na!" aya niya.

"Naku Ate Ising, ako maya maya na medyo pagod kasi ako eh, yang si Reena na lang ang ayain mo" sabi ni Ate Madel.

"Halika na Reena" sabi niya sabay hila sa akin palabas.

Pagbaba ko ay madali niya akong pinaupo. "Wag mong palampasin  ang isang araw ng Barangkal... minsan lang to.. bukas may bayad na lahat!!" sabi ni Aling Merly. Nagsasa/yawan na sila. Si Andoy ay makulit na rin at sinasabayan na ang pagindak ni Mang Ino.

"Reena, oh inom lang" Si Andoy naman ang lumapit, "Sige lang okay lang" sabi ko. Hindi ko pa binabawasan  ang alak na nasa harap ko. Actually sa Milagros hindi naman talaga ako nagiinom ng masyado. Tama lang yung occasional.

Tatayo sana ako ng makita ko Si Jennifer na palapit kasama ang mga alagad niya. Kahit kelan tong babaeng to parang walang kaalam-alam sa COLOR COMBINATION. Talagang pinangalandakan na ang pagiging Christmas tree.

"Hi Papa Arkin" sabi niya sabay haplos sa braso ni Arkin. Nakuha ko bigla ang Shot glass at ininom ang sobrang pait na laman niyon. Mas mapait pa yung nararamdaman ko sa ininom ko. Hindi sila ganoon kalayo kaya mas badtrip ako. Bawat haplos  niya ay isang inom ang ginagawa ko. Sarap basagin ng bote sa ulo ng babaeng to eh.

"Oh Reena, halos naubos muna oh" nagulat ako ng iangat ni Ando yang bote ng MATADOR sa akin. Halos 3/4 na ang nawala eh parang halos puno pa yon kanina. Kaya pala medyo nahihilo na ako. Medyo? Hindi medyo talagang nahihilo na ako, pero ano?

"Lasing ka na?"

"Hindi...nakainom lang." Sabi ko at hindi ko namalayang nasa harap na ako hawak ang microphone.

ARKIN'S POV

   Yung kaninang walang kibong Si Reena,  eh ayun nasa harap at parang nagcoconcert. Tuwang tuwa sila Aling Merly sa kanya at sumasayaw din siya. Reena? Tsk..tsk..lasing na eh.

"Arkin nakikinig ka ba sakin  huh?" tanong ni Jennifer. Muntik ko ng makalimutang nasa tabi ko pala siya.

"Huh? Ano nga ulit yon?"

"Sabi ko bakit hindi ka dumaan sa karinderya ko kanina?"

"Eh may libre din ngang pagkain dito eh"

"Hmp.. eh libre din naman  sa tindahan ko huh!" sabi niya.

Hindi ko siya tinitignan. Nasa isang babae lang ang mata ko. Kay Reena na isang tulak mo lang ay matutumba. Kumakanta siya pero din a maintindihan ang lyrics. Every move she makes eh binabantayan ko, kaya nung muntik na siyang matumba  ay madali ko siyang nilapitan.

"Reena" nakahawak ako sa bewang niya. I saved her gain. Pinilit niyang tumayo pero natumba ulit siya.Tumingin siya sa akin. She tapped my face. "Alam mo? Ang sungit mo ..badtrip ka" sabi niya sabay tawa.

Dahan-dahan ko siyang tinayo.She anchored her hands on my neck. "Gwapo ka na eh.. sungit mo lang" sabi niya sabay ginulo pa ang buhok ko. "Lasing ka na eh" sabi ko.

"Nooooooo...I'm not! Hindi ako lasing" sabi niya. Gusto kong matawa sa hand movements niya. "Hindi ako lashing...ako? lashing??? Gusto mo mag jumping jacks pa ako dito eh..hehehe" ang kulit niya na talaga. Naglakad siya palayo sa akin. "Reena"

Bumalik siya sa kaninang inuupuan niya. Bigla kong naalala si Jennifer, wala na ito sa pinagiwanan ko sa kanya. Nang tingnan ko ang pwesto niya kanina ay wala na ito. "Tama na yan" awat ko ng muli pang iinom si Reena. Kinuha ko ang baso sa kanya at ibinaba iyon sa mesa.

She looks at me. "Shhhh...Tay Arkin..hindi pa ako lashing okay??" sabi niya. Hindi daw pero halos mabulol na sa pagsabing lasing. Halos idikit na niya ang labi niya sa tenga ko. "Wag kang makulit!" dinuro niya pa ako at kukunin ulit ang baso.

"Sabing tama na eh" kukunin ko ang baso ng kamay niya ang mahawakan ko. Nagulat ako ng ibigay niya sa akin ng kusa ang baso. "Hindi ako lasing...baka ikaw lasing. Lasing ka?" tanong niya. Natawa ako. Ang kulit na niya sobra.

"Tara na, umakyat ka na" sabi ko. "NOOOOO......ayoko pa...ikaw Arkin ha ..nakakainis ka na huh" sabi niya at halos dumikit na ang hintuturo niya sa akin. "At bakit?" tanong ko.

"At bakit??? Tsk tsk" sabi niya at umiiling pa. This is the first time I saw her like this. I am hooked sa ganitong ayos ni Reena. Nakakaaliw lang talaga.

"Bakit nga??"

"At bakit ka pa diyan huh...Ang dami dami mo ng kasalanan sa akin!" sabi niya na halos napapapikit na. Mabuti na lang at hindi kami pinakakailamanan nila Andoy.  "At ano naman ang kasalanan ko?" umurong ako palapit sa kanya.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam??? Hay ewan ko sayo" sabi niya at parang yumuko. "Pano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?" 

"Manhid ka kasi! Ewan ko sayo" sabi niya at aaktong tatayo ng bigla ko siyang hinawakan sa braso at pinaupo ulit. Salamat na lang at lasing ang babaeng to kundi hindi ko siya napapasunod ng ganito.

"Ano ba?!" sigaw niya.

"San ka pupunta? Sabihin mo na kasi"

"Hindi mo alam? Huh? Huh?" tinatapik niya pa ako sa braso. Nakatingin lang ako sa kanya. "BADTRIP AKO SAYO!" sabi niya na akala mo batang inaway. "Bakit ka naman badtrip sa akin?" alam kong masamang magtake-advantage pag lasing ang tao pero alam ko rin kasing pagnawala ang amats nitong babaeng to eh hindi ko na to makakausap ng matino.

Umupo ulit siya. "Badtrip ka kasi ang sungit mo!"

"tapos?"

"Badtrip ka kasi lagi ka na lang galit sa akin! wala naman akong ginagawa sayo" halos mabulol na siya.

"at?"

"Badtrip ka kasi pinagiisip mo ako"

I looked at her.

"Badtrip ka kasi.....

"kasi???"

"Kasi mah....

Iniintay ko ang sunod niyang sasabihin. Nakatingin ako sa kanya ng bigla siyang sumuka. Kung hindi lang siya matutumba ay maiiwasan ko sana ang lahat ng kinain niya sa buong maghapon pero dahil sa mas inisip ko na maaari siyang masaktan ay mas pinili ko na lang na masukahan. Iniwas ko ang mukha ko para hindi ko maamoy...itong babaeng to talaga puro disgrasya.




Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 175 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
5.7K 353 24
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
20.9K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
36.5K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"