Make Mr Fierce Mine (Adonis S...

By Labxzaza

22.1K 842 11

May isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Authors Note.
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
EPILOGUE
Thankyou notes.

Chapter 42

225 9 0
By Labxzaza

CHAPTER 42

EXPECT THE UNEXPECTED.

MIGUEL POV.

Halos buong magdamag ay hindi ako dinalaw ng antok, Nakapikit man ay gising ang aking diwa. Hindi mabura sa isip ko ang nangyaring sagutan namin ni luna kagabi, Pilit iyon gumugulo sa 'akin. Ang kanyang mga salita ay hindi ko makalimutan, kung paano siya tumingin. At kung paano niya sabihing nasasaktan siya. Hindi ko intensyon na saktan siya, nais 'kong ipaintindi sa kanya na kaibigan ko lang talaga si selena at walang kahit anong espesyal sa pag trato ko rito, May Dahilan ako kaya ko iyon ginagawa, At kahit anong mangyari ay hindi ko magagawang iwasan siya. Naaawa ako sa lagay niya, Nais ko man sabihin ngunit hindi ko alam kung paano.

Isang pribadong kalagayan ang meron si selena, Nais ng kanyang pamilya na kami lang ang nakakaalam. Maliban sa malalapit na tao rito at ako, Ngunit kung iyon lang ang paraan para maging klaro kay luna ang relasyon namin ay baka hindi ako magdalawang isip na sabihin sa kanya ang dahilang iyon.

Hawak ang batok akong naupo sa kama kasabay ng pagpapatunog sa 'aking leeg, Ngunit ni hindi man lang nito naibsan ang sakit na nasa parteng iyon.

Napabuntong hininga ako dahil sa katotohanang hindi maganda ang lagay namin ni luna. Kung tutuusin ay wala naman siyang dapat pag-selosan kay selena, Gaya ng sabi ko ay kaibigan lang ang tingin ko rito. At iyon ang hindi magbabago.

Mabigat ang katawan 'kong tumayo at naglakad papasok sa banyo upang maligo, Alam ko na ang gagawin ngayon araw na ito.

Mabilis ang aking pagkilos upang mas maaga akong makababa, Nang matapos ay sinipat ko ang kabuuan ko sa salamin at muling nagpakawala ng malalim na hininga. Sumagi na naman sa isip ko ang binitawang salita ni luna, Ganon na ba talaga kalamig ang pagkatao ko? Ngunit hindi ko alam kung paano iyon mababago, Buong buhay ko at paglaki ay ganito na talaga ako. Wala naman akong naging mapait na karanasan ngunit hindi ko alam kung bakit, Ngunit kung sasabihin ay hindi iyon hadlang sa pagmamahal ko sa kanya.

Mahal ko si luna, At gagawa ako ng paraan upang maalis ang galit at pagdududa niya sa' kin.

Napangiti ako sa isiping siya pa lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko, Sa tuwing ngingiti ito ay parang mabubuo ang araw ko. Nais ko iyong makita ngayong araw.. Nakangiti 'kong binuksan ang pinto upang magtungo sa kusina, Saktong paglabas ko ay siyang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto kung saan naroon si luna. Agad nagtama ang mata namin ng sandaling iyon, Ngunit parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa malaming niyang tingin.. Ang mga mata niya ay walang emosyong nakatingin sa 'akin, Nalulungkot ako sa kadahilang nagkakaganito siya.

Hahagilap pa sana ako ng salita upang batiin siya ngunit mabilis itong nag-iwas ng tingin kasabay ng pagtalikod sa' kin. Tanaw ko itong bumaba ng hagdan at parang isang matinding sampal sa 'akin ang eksenang ito. What should I expect? After all I deserved this. I deserved her cold treatment, D*mn. I did'nt expect the unexpected thing.

Ang nais 'kong makitang ngiti ay wala sa babaeng mahal ko, Ang nakagiwaan niyang emosyon ay halos hindi ko makita sa kanya. Kahit naiirita siya minsan ay nagagawa niya pa rin ngumiti sa 'akin, Ngunit ngayon. Tila'y wala siyang nakita kung tingnan ako.

Naputol ang aking pag-iisip dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Naglakad ako patungong hagdan at naroon si luna sa dulo na nakalingon sa'kin, Salubong ang kilay niyang nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa pinto.

Sino naman kaya ang pupunta dito ng ganitong kaaga.

Muli akong bumaba upang puntahan si luna na patungong pinto, Ngunit nahinto ako ng mabuksan niya na iyon at bumungad sa kanya ang magandang ngiti ni selena.

"GoodMorning.." masayang bati niya kasabay ng pagkaway, Nakasuot ito ng kulay kremang bistida habang may dalang kumpol ng prutas na nakalagay sa katamtamang laking basket.

Hindi man lang tinugunan ni luna ang kanyang pagbati, Ni pagkibot ng labi ay wala siyang naging reaksyon. Gaya ng sakin ay ganoon rin niya tingnan si selena, Mararamdaman mo talaga ang kahindian niya sayo sa tinginan niyang iyon.

Tuluyan na akong bumaba ngunit muli ay natigil ako ng magsalita si luna.

"Anong ginagawa mo dito?" nabura ang magandang ngiti ni selena dahil sa tanong niyang iyon.

"Bibisitahin ko lang si miguel, If thats okay to you." Lumingon sakin si luna, bago humarap muli sa kausap.

"May sakit ba ito upang bisitahin mo siya?" puno ng sarkastimong asik niya, Napataas ng kilay si selena dahil doon.

"Ang may sakit lang ba ang pweding dalawin?"

Umiling si luna. "Hindi, May dala ka kasing prutas. Mukha 'kang dadalaw ng isang pasyente."

"Huh? Ito ba?" inangat ni selena ang dalang basket. "Tsk, This fruit are the most favorite of miguel, Your boyfriend.." muli niya iyon binaba at nakangisi siyang nakatingin kay luna. "Siguro ay hindi mo alam kung anong mga paborito niya, Kung sabagay hindi na ako magtataka dahil maging kaarawan nito ay wala kang ideya. Tch! How poor you."

Nilagpasan niya na ito upang pumasok sa loob, Nakita ko ang pagkurba ng panga ni luna na halatang nagpipigil lamang. Sinalubong ko si selena na nakakunot ang noo.

"Selena, What are you doing here?" napanguso itong tumingin sa' kin.

"Maging ikaw ba naman ganyan ang tanong sa 'kin, Tch.."

Hindi na ako nakasagot ng maglakad si luna na hindi man lang lumingon samin, Sinundan ko ito ng tingin hangga sa makapasok siya sa kusina. Muli akong napapikit at humarap kay selena.

"Anong meron?"

"Hm, Wala. I just want to see you.."

"Nagkita pa lang tayo kagabi, Selena." hindi mawala ang pagkanguso niya habang nakatingin sa' kin. Katulad ng sinabi ko kay luna ay lagi itong ganito, Hindi ko siya maawat dahil mas makakalala iyon sa kundisyon niya.

"Yeah, But I missed you." Ngumiti siya "And besides, I dont want to be alone. Nalulungkot ako sa bahay dahil wala akong kasama, You know naman Im not close with my ate.." Isang buntong hininga lamang ang nagawa ko dahil hindi ko naman siya pweding paalisin at itaboy na lang basta.

Hindi ako ganon kasamang tao, At sana ay maintindihan ako ni luna.

"Fine, Have a seat here. Ikukuha lang kita ng maiinom." mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti dahil sa sinabi ko, Mabilis itong naupo sa couch at muling humarap sa' kin.

"I want the old coffee of yours, miguel." tinanguan ko lang ito bago tumalikod upang magtungo sa kusina.

Nasa bungad pa lang ako ng pinto nang makita si luna na sinisindihan ang stove, Lumapit ako kaya  napalingon siya sa 'kin.

"Magluluto ka?" tumaas ang kilay nito at tumuwid ng tayo.

"Hindi, Maglalaba sana ako rito." pamimilosopo niya at umirap na nagtungo sa ref, binuksan niya iyon at halos mapangiwi ako ng maalalang hindi pa pala ako nakakapag grocery. Muli niya iyon sinara ng makitang gulay lamang ang laman ng ref.

"What do you want to eat, I cooked it for you." ani ko ng magtungo siyang muli sa stove upang isara ang gas na binuksan niya.

"I can cook all by myself, Asikasuhin mo ang iyong BISITA. Sayang naman at dinalhan ka pa nito ng mga PABORITO 'mong prutas.."

"Luna naman." anas ko ngunit umismid siyang muli sabay tungo sa gilid upang kumuha ng tasa.

Lumapit ako ng makarating siya doon. "Magkakape ka?" sumama ang tingin niya kaya napaatras ako.

"Hindi miguel, Trip ko lang sanang basagin ito sayo."

"Tch, Gagawan na kita."

"Kaya ko ang sarili ko, umalis ka dito at naaaliblaran ako sa pagmumukha mo.." iniwan niya na ako at doon sa mesa ay naupo siya dala ang pagsangkap ng kape, napabuntong hininga ako.

"Luna, I want to talk to you about last night."

"What about last night?" tanong niya ng hindi tumitingin sa 'kin.

"You know what I mean.."

"I dont want to talk about that, Leave and give me some peace..." asik niya at padabog na nagtitimpla ng kape, napahilamos ako sa mukhang lumapit sa kanya.

"Please luna, I can't take this situation.. Ayokong nag-aaway tayo." hindi mawala ang masama niyang titig sa 'kin maging ang magaganda niyang mata ay sobra kung manlisik, nagmamakaawa akong tumingin rito ngunit ni hindi man lang nagbago ang reaksyon niya.

"Do you want to talk about what happen last night? D*mn you miguel!Nariyan lamang siya sa living room at nais mo itong pag-usapan! Hindi pa man tayo nagkaka-ayos at ayan na naman siya!" tumayo ito at akmang aalis ng harangin ko siya.

"Luna, Dont be like this. Please.. Aalis din siya mamaya."

"Edi umalis siya, I dont care! Magsama kayo ng babae 'mong umalis!"

"F*ck, babae?"

"Yeah miguel, Stop playing with me. Im living, Get out of my sight!"

Tinulak niya ako at mabilis na lumabas ng kusina, susunod pa sana ako ng masalubong ko sa pinto si selena na sinundan ang tingin ni luna habang paakyat ng hagdan.

"What happen to her?" inosente nitong tanong ng maharap sa' kin, napapikit 'kong minasahe ang aking noo.

"How do you get long to stay here?" ani ko na kinabagsak ng balikat niya.

"I'll stay here until you leave.."

"Im not going for work, Aalis kami at may pupuntahan.." lumabi ito sa 'aking tinuran.

"You dont want me to join?"

"Selena, This is about me and luna. I hope you understand,  Nagagalit ito sa 'kin.."

"Why? Because of me! Tsh, your girlfriend is too selfish. and you, your too mean. Simula ng makilala mo siya ay hindi muna ako gustong manatili r-rito.." nabasag ang boses niya kaya muli ay
napapikit ako.

f*ck, Hindi ko siya pweding paalisin sa ganitong lagay. Selena is too sensitive for her feelings, Kaya niyang saktan ang sarili niya upang mabigyang pansin. And Im aware about her situation, Alam 'ko rin na siya ang gumagawa sa sarili niya ng nakakasakit na bagay. And thats her  problem.

"Just stay here for a while." anas ko na lang, sabay hila ng upuan. "I talk luna for a minute."

"O-okay.."

Lumabas na ako upang akyatin si luna sa itaas, para kausapin siya. Kung palalagpasin ko ito ay baka mas lumaki ang tampo at galit niya sa 'kin, at iyon ang hindi ko makakayanan.
__
Continuation 42

Kagaya ng nakagawian ko ay hindi na ako kumatok upang pag buksan ni luna. Dumiretso ako sa kwarto niya at doon nakita ko itong sinisilid niya ang kanyang kagamitan sa kalakihan nitong maleta. Mabilis akong lumapit ngunit ni hindi niya man lang ako nilingon.

"Luna, What are you doing?" nagpapanic 'kong tanong, tumayo siya at hindi man lang ako nilingon.

"Are you planning to leave, Luna. Answer me.." anas ko ng magbalik siya sa kanyang ginagawa, bumaling ito sa' kin pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"D*mn, Stop packing!" asik ko ng ipagpatuloy niya ang pag-iimpake.

"Pwede ba!" sigaw niya, tumayo ito at humarap sa 'kin. "Huwag mo akong pipigilan sa gusto ko, Doon ka na sa ibaba at pabayaan muna lang ako!" sinara niya ang maleta at nagmartsa sa cabinet na nasa gilid upang kunin ang mahaba nitong coat, Sumunod ako upang hawakan ang kanyang kamay.

"Saan ka pupunta?"

"None of your bussiness." giit nito, tinangka niyang bawiin ang kamay ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakahawak doon.

"Please luna, Pwedi naman natin pag-usapan ito."

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Bitawan mo ako!" nabitawan ko ito dahil sa malakas niyang pagbawi, at muli siyang nagtungo sa kabilang parte ng kama upang kunin ang kanyang gamit.

"Luna dont leave, please."

Huminto ito at tumingin sa' kin. Katulad kanina ay eto na naman siya, At walang emosyong nakatitig.

"Kung ganon ay bigyan mo ako ng rason
para hindi umalis.." sa sobrang seryoso nitong magsalita ay halos hindi ko na makita ang luna na nakakasama ko noon, tila nag-iba ang pagdating sakin ng bawat salita niya.

"Tch, Wala kang masabi dahil mas gusto mo pang kasama ang impaktang iyon.."

"Impakta?" kunot noong tanong ko, natawa itong tumingin sa gilid.

"Ang sarap niyong pag-untuging dalawa, miguel.." singhal niya ng muling humarap sa' kin. "Nauubos ang pasensya ko ngayon, At kung mananatili ako rito ay baka hindi na ako umabot bukas.." naglakad siya patungong pinto kaya mabilis akong humarang doon upang hindi siya makalabas ng silid.

"Aalis ka diyan o sisipain kita!" singhal niya sakin, umiling ako.

"Huwag ka naman umalis ng hindi ko nalalaman kung saan ka pupunta."

Umarko ang sulok ng labi niyang nag-iwas ng tingin.

"Wala ka naman pakielam sa nararamdaman ko, Kaya hayaan muna lang akong umalis. Yun lang sa ngayon ang magpapakalma sa' kin." ani niya, nanatili akong nakatayo sa harap niya at ni hindi tumabi sa pinto.

"Thats not true luna, I care for you. Specially for your feelings."

Tumawa ito, Ngunit hindi iyong tawa na masaya. Kundi nang-iinsulto.

"Pinapatawa mo ako." naiiling na anas niya. "Kung may pakielam ka sa' kin paalisin mo mismo 'yang babae mo.."

"Hindi ko siya babae.."

"Iyon ang dating sa' kin ng pagka-kaibigan niyo, Kaya pwede ba, Kung hindi mo rin naman magawa ang gusto ko ay umalis ka riyan.." tinabig niya ako at mabilis na binuksan ang pinto, habol ko ito hangga sa makarating siya ng hagdan.

"Luna naman, Huwag muna man akong iwan." humarap siyang muli, masama pa rin ang tingin.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan tayong humantong sa ganito, Pwedi muna man sabihin sa' kin kung anong dahilan. Makikinig ako, At baka sakaling maintindihan ko at hindi na ako umalis.." mahabang lintanya niya, napabuntong hininga ako.

"Hindi maganda ang kundisyon ni selena sa ngayon, Kung paalisin ko siya ay baka makasama iyon sa kanya.." tumaas ang kilay niya.

"Sabihin mo kung ano iyon."

"She can hurt her self, Hindi ko maipaliwanag." hinawakan ko ang kamay niyang may hawak sa maleta at kinuha ang dala niyang iyon. Nagtagumpay naman ako kaya mabilis ko itong  dinala sa likuran ko.

"Aalis din ito mamaya, Kaya wag 'kang umalis. Please lang.."

Umirap siya. "Bakit ito aalis, Sayang naman. Solong solo niyo ang bahay. Ako na ang magpaparaya.." tumalikod na ito kaya mabilis ko siyang hinarap muli sa' kin, hindi ko na alam kung anong sasabihin para lang hindi siya umalis.

Hindi pa ba sapat sa kanya na sinabi ko ng kayang saktan ni selena ang sarili niya, Yun naman talaga ang dahilan ko. At ayokong may masaktan ng dahil sa 'kin.

"Sinabi ng huwag mo akong pipigilan ee!" sigaw niya, tinulak ako nito. "Utang na loob naman! Miguel, Baka may masabi akong hindi mo magustuhan! kaya please lang Just let me leave for a couple of time!!" hindi niya na ako hinintay makapag-salita, Mabilis na itong nagmartsa pababa ng walang lingunan.

Napapikit ako at hindi ko na siya tinangka pang habulin, Kung 'yan lang ang paraan upang makapag-isip siya ay hihintayin ko siyang makauwi mamaya. Sapat na sa' king hindi ito naglayas, Alam 'kong babalik siya.

Kaya maghihintay ako.

Hila ko ang maleta niyang nagtungo sa silid nito upang itabi iyon, Nang marinig ang pagbuhay ng sasakyan sa labas ay mabilis akong nagtungo sa bintana upang tanawin itong umalis. Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga bago libutin ang paningin sa loob ng kwarto.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon 'kong ito, Kung tama ba na hindi ko iwasan si selena para lang sa kundisyon niya. Pero nagdadalawang isip ako, Ayokong iwanan ako ni luna sa kadahilanang iyon.

Siguro ay gagawa ako ng paraan upang magkasundo sila, Iyon lang ang nakikita 'kong tamang gawin.

Naglakad na ako palabas upang balikan si selena sa kitchen, Nasa bungad pa lang ako ng pinto nang makita ko siyang nakaupo at sumisimsim ng kape. Nahinto ako ng bigla itong magsalita at hindi muna ako pumasok.

"Hindi ako iiwan ni miguel, Ano ka ba!" kagaya noon ay eto na naman siya, Inaatake ito minsan ng kanyang sakit.

Maliban sa pananakit niya sa sarili ay meron din itong side na kinakausap niya ang kanyang sarili, Na para bang may nakikita siya na hindi ayon sa normal na pag-iisip ng isang tao.

Selena is suffering a mentally disorder, Sa sobrang depressed niya sa pagkamatay ng kanyang ina ay para itong nag-ibang tao. Meron itong trauma na inaatake lang kung minsan, At dahil doon ay hindi ko siya kayang ipagtabuyan. Magagawa nitong kikilin ang kanyang buhay sa isang iglap lang, At hindi iyon makakayanan ng aking konsensya.

"Iyang luna na yan, Pampalipas oras lang yan ni miguel, Believe me. He loves me and he will never leave, like my m-mother.."

Muli akong tumitig dito, Malungkot na naman siya tuwing naaalala niya ang kanyang ina. Sa pagkaka-alam ko ay hindi sila magkasundo ng kanyang ama, Lalo na ang kanyang ate na si samantha. Kaya halos mga kaibigan at ako lamang ang nakakasama nito noon, Hangga ngayon ako pa rin ang takbuhan niya sa tuwing nalulungkot ito at gusto ng kausap.

"Miguel? Your here.." Nag-angat ako ng tingin rito bago tumango, ngumiti siya.

"Where is luna?" tanong niya ng maglakad ako papasok, huminto ako sa tapat ng mesa.

"Umalis lang ito saglit.."

"Uh, bakit naman? Ayaw niya ba akong kasama dito?"

"Hindi, may inasikaso lang siya." hinila ko ang upuan ngunit nahinto rin ako ng makita ang kinuhang tasa ni luna.

Hindi man lang siya nakapag-kape.

"Kung ganon ay tayong dalawa na lang ang aalis?" tumingin ako rito, malawak ang ngiti niyang nakatitig sa 'kin.

tumango ako "Pupunta tayo kay doc. melendez.." ani ko na kinalukot ng kanyang mukha. Ang tinutukoy ko ay ang kanyang doctor na tumitingin sa kanyang kalagayan.

Nais 'kong malaman kung bakit mabagal ang kanyang pag-galing, At parang hindi man lang epektibo ang mga gamot na binibigay niya.

"Ayoko.." nag-iwas siya ng tingin.

"Bakit?"

"Ayoko na doon." sagot niya, nakatingin parin sa ibang bagay .

"Kailan ba ang huling dalaw mo sa kanya?"

""Kailan ba ang huling dalaw mo sa kanya?"

"I dont know.."

"Selena naman, Paano ka gagaling kung hindi ka na kumukunsulta sa kanya.." muli ay humarap siya sa' kin, salubong ang kilay niya.

"Sinabi ng ayoko na doon, tch."

"Bakit? Anong dahilan?"

"Wala, Basta hindi na ako pupunta sa lugar na 'yon." tuluyan na akong umupo at mataman itong tiningnan, ngumuso itong nagkamot ng leeg.

"Tch, Look miguel. Ayoko na roon, Lagi na lang niya akong tinuturukan, Sobrang sakit na, Ayoko na.." nag-iwas siya ng tingin. "And I dont wanna take the medice she gave, Sumasakit lang lalo ang ulo ko. Hindi pa ako nakakatulog.."

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya, Kaya pala sa nakalipas na araw ay para siyang bayulente, Hindi na pala ito nakakainom.

Tsk, Matigas din ang ulo niya.

"Aware ka naman sa kundisyon mo selena, Para sa'iyo iyon at sa ikakabuti mo. Lahat ng nararamdaman mo ay side effect ng mga gamot, Kaya kailangan mo iyon tiisin."

"Hindi naman ako baliw, miguel. Siya mismo, Yung doktora na iyon. Kung ano-ano na lang ang pinapa-inom sa' kin, Akala niya ba hindi ko mapupuna na binabaliw niya lang ako! Tsk," giit niya, umirap pa ito na akala mo'y narito lamang ang tinutukoy niya.

"Alam mo sa sarili mo kung anong sakit na pinagdadaanan mo ngayon, Bakit nagmamatigas ka?"

Hindi ito humarap sa' kin, nakaismid pa rin siya na nakatingin sa ibang bagay. "Diba aalis tayo?" karagdagang tanong ko, sa pagkakataong ito ay humarap na siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong nito, may ngiti na sa kanyang labi.

"Sa doctor.."

"Miguel, Ayo---"

"I come with you, Dont worry.."

"Kahit na sumama ka pa, ayoko." ani niya, tumayo ako.

"Sa ibang doctor tayo pupunta.."

"Hindi sa pshyciatris ward?" umiling ako,

"May alam akong doctor na titingin sa'yo, Ipapacheckup lang kita. At baka sakaling may i-reffer siyang ibang doctor sayo.."

"Tsk, Oo na nga. Basta samahan mo ako, Okay?"

"Okay.."

"Aalis na ba tayo ngayon." tumayo siya.

"Yeah, Magpapalit lang ako.." lumapit ito sa' kin.

"You dont need to change this.." pinagpagan niya ang damit ko, bandang balikat. "You look cool, and hot even a simple wear shirt.." lumayo akong kunot ang noo dahil sa biglaang paghawak niya sa' king pisngi.

"Selena, I want you to stop doing such thing.."

Nagsalubong ang magaganda niyang kilay. "What? Its that a simple touch." kinawit niya ang kamay sa' kin at mabilis na pinagdampi ang labi, naitulak ko ito dahil doon.

"Selena!" sigaw ko, lumabi itong tumungo. "Dont you try kiss me again.."

Nag-angat ito "Bakit? Dahil ba kay luna?.." nag-iba ang emosyon niya ng sabihin nito ang pangalang luna. "The day before, You always care about me, Then after you meet that girl.." nag-iwas siya ng tingin. "E-every thing will change.."

Pinaglapat ko ang aking labi "Wala naman nagbago selena, Katulad pa rin tayo ng dati. Mag-kaibigan." mangiyak-iyak itong bumaling sa' kin.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, Ang bagay na ginagawa niya. Ilang beses ko na siyang sinabihan ngunit hindi ko alam kung bakit paulit-ulit na lang niyang ginagawa, napabuntong hininga ako kasabay ng mariing pagpikit.

"Ang nagbago lang ay ang sitwasyon, Hindi na kagaya noon. May mamasaktan na, At alam mo kung sino iyon. Mahal ko siya kaya ang nais ko ay huwag mo ng uulitin ito." kinagat niya ang labi kasabay ng pag-agos ng kanyang luha, tumingin na ako sa ibang bagay dahil alam 'kong kakaawaan ko lang siya pag hindi ko ito ginawa.

"You always slap that words to me." ani niya, naiiling. "Alam ko naman, palagi muna lang sinasabi.." umirap siya. "Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa babaeng iyon, I know shes pretty. But I am beautiful too, And besides. Matagal na tayong magka-kilala pero wala akong idea kung bakit ganon kabilis mo siyang minahal..."

"Tch, Selena. Ilang beses pa ba natin pag-uusapan ito? Akala ko ba ayos na ang lahat?" muli ay umirap siya na halos nagpapalitaw ng katarayan nito sa mukha, Ngunit ng magpakawala ito ng buntong hininga ay siya rin pagbagsak ng kanyang balikat.

"Oo na, Hindi ko na babanggitin pa." malungkot na ani niya, "Anong magagawa ko kung siya ang mahal mo." naglakad na ito palapit sa pinto at bago lumabas ay bumaling siya sa ' kin.

"Magbihis ka na."

Tumalikod na ito at naglakad na palabas, Nagbaba ako ng tingin at naisip na naman ang pweding mangyari sa susunod na araw. Ilang araw na lang ay aalis na ako, At hindi ako mapapalagay kung ganito ang sitwasyon na iiwan ko. Lalo na kung nagagalit sa' kin si luna, nababagabag ako na baka lumaki ang kanyang tampo at maisipang iwanan ako. Hindi ko iyon gustong mangyari, Kahit sa maikling panahon naming pagsasama ay nasanay na akong nasa tabi ko siya, Napamahal na rin ito sa' kin kahit na minsan ay tinotopak siya na hindi ko malaman kung anong dahilan.

Matapos makapag-bihis ay tinungo ko agad ang labas kung saan naroon si selena na nakasandal sa kotse. Magka-krus ang kamay niyang nakatingin sa lupa, At katulad kanina ay malalim na naman ang kanyang iniisip. Lumapit ako kaya nag-angat siya ng tingin.

"Let's go?" tanong ko, tipid itong ngumiti bago tumango at sumakay sa passenger seat.

"Wala ka 'bang lakad ngayon?" tanong niya ng makapasok ako, umiling ako kasabay ng pagbuhay sa makina.

"Sorry for what I did lately." lumingon ako dito, hindi siya nakatingin sa' kin. Diretso ang kanyang paningin sa harapan kaya dahan dahan 'kong pinaandar ang kotse palabas ng bahay. "But I never regret that, Gustong gusto ko iyon." humarap siya sa' kin, nakangiti.

"Someday you gonna love me, promise."

"You know I love you." sagot ko, tumango siya.

"But you love me as a friend and younger sister, And I dont want that, All i want is to be your lover, partner.."

"Sel--"

"Yeah yeah, I know.." putol nito sa sasabihin ko ",You love luna ,not Me. Huwag munang ipamukha iyon sa' kin.."

Muli ay binalik niya ang paningin sa harapan, salubong ang kilay habang nakatikom ang bibig. Hindi ko na ito kinibo at hinayaan na lang kainin ng katahimikan ang biyahe namin patungo sa distinasyon kung saan ang Clinic ng sinasabi 'kong doctor.
__

Continue Reading

You'll Also Like

83.8K 2.4K 23
Pierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck wi...
63.2K 1.9K 30
Kristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her m...
879K 19K 37
Synopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted...
238K 5.3K 53
Habang hinahanap ni Vanilla Bautista ang hustisya para sakaniyang ama ay nakilala niya ang lalaking santo. Santo ang pangalan, halimaw ang galawan...