Chapter 20

315 13 0
                                    

Chapter 20

Luna Pov

It's been 2days since the accident happen, We stay here in hospital while my dad is busy too communicate with the other victims.

"Kumain ka na luna.." I face miguel, He's busy preparing lunch with us. Vivian is here too and antonette.

"Mauna na kayo.." sagot ko, Lumapit ako kay mommy na natutulog na.

Gumising na ito kahapon ngunit panandalian lang iyon, Nagigising din siya paminsan minsan para kumain ng lugaw at soup. Pero nirereklamo nito ang mga sugat niya kaya tinuturukan ito ng pain killer kaya nakakatulog siya, Medyo maayos na ang kalooban ko dahil nagising na siya. Hindi pa nga lang humuhupa ang mga sugat niya.

They're still fresh, At kailangan pang lagyan ng oitment araw araw.

"You need to eat luna, Gusto mo bang pumayat ka lalo?" nahihimigan ko na ang galit niyang boses kaya tumayo na ako at lumapit dito, Dalawang araw na niya akong sinasamahan at umuuwi lamang ito tuwing maliligo. Babalik din siya agad at may dala ng pagkain.

"Eto na nga, Nagsasalubong agad yang kilay mo." ani ko, ngunit hindi man lang nagbago ang reaction niya at nanatiling seryoso.

Umiwas ako ng tingin at sinulyapan sila vivian at antonette na naiiling sa akin,

"Kain na!" asik ko, tumango lang sila at pinipigalang matawa. Siguradong pinagtatawanan na nila ako sa isip dahil wala akong magawa kay miguel. Paano ba naman nakakatakot siyang tumingin.

"Pinagluto ko ng sopas si tita miranda, Pakain mo siya pag nagising na ito.."  napatingin ako dito habang binubuksan niya ang dalang pagkain, sumibol ang mabangong amoy kaya natakam ako. Kahit yata wala kang gana makaka-kain ka dahil sa sarap niyang magluto.

"What's that?" turo ko sa dalawang ulam na dala niya.

"Casserole and Afritada.." hinila nito ang upuan at tumabi sakin, May maliit na lamesa dito at magkakasya ang apat na katao.

Nasa private room kami at may kalakihan din ito kaya hindi gaanong masikip, May isang mahabang sofa at single na nasa gilid, nakatapat ito sa isang flatscreen tv na nakadikit sa pader.

"Ito ano 'to?" turo ko sa kulay yellow na may cheeze sa taas.

"That's yema cake, I made that for you.." napangiti ako dahil sa sagot niya, Dinig ko pa ang  pagtikhim ng dalawa kaya napairap ako sa kanila.

Mamatay sila sa inggit.

Nag-umpisa na kaming kumain habang ang dalawa ay pinagbubulungan ako, Hindi ko alam kung nakailang irap na ako buhat kanina dahil sa mga hagikgikan nila.

Si miguel naman tahimik lang na kumakain na parang may sariling mundo, Ang linis niya pang kumain at hindi man lang bumubuka ang bibig niya pag ngumunguya. Para siyang isang babae kung kumilos,

"Finish your food luna, Stop staring hindi ka matatapos niyan.." nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya, hindi siya nakatingin sakin bakit alam niyang nakatitig ako? Ang lakas naman ng pakiramdam niya.

Mabilis ko ng tinapos ang aking pagkain dahil baka magising na si mommy, Nagpresinta na rin akong ligpitin ang kinainan namin na kina-gulat ng dalawa. Para silang mga timang kung makatingin sa akin, bawal na ba akong magligpit ngayon? Kahit ito lang naman ang mai-ambag ko pwede na.

Alas dos na ng nagpaalam sa'kin si miguel, May aayusin lang daw siya sa restaurant dahil may dumating na client para kunin sila for service catering. Tinanguan ko ito dahil papunta na rin si daddy dito, Kasama ko rin naman ang dalawa ko'ng kaibigan na baliw.

"Nakita mo ba si luna kanina? Feel na feel niya talaga ang pagsilbihan ng isang miguel sandoval.." pagpaparinig ni vivian, nakaupo na kami ngayon sa mahabang upuan malapit sa kama ni mommy.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon