Chapter 53

208 9 0
                                    

Luna Pov.

Mabilis ang pagmamaneho ni jasper sa kotse, Ni hindi na ako binalingan simula mag-biyahe kami patungo rito. Maging ng maiparada niya ang kotse ay nagmamadali itong lumabas, pinagbuksan niya ako ng pinto. Nangungunot ang noo ko sa kanya dahil sa kinikilos nito.

Gusto ko man magtanong ay hindi ko na lang siya binigyan pansin, Ang mahalaga ay dinala niya ako dito.

"Bilisan mo, luna.." ani niya, hindi mawala ang pagkakunot ng aking noo. Minadali 'kong lumabas, Nauna pa siya sa'kin sa paglalakad.

"Bakit ba nagmamadali ka?" nilingon ako nito, luminga sa paligid. Bago lumapit sa'kin,

"Baka may makakita sa'tin at bigla na lang akong pagkamalang kidnaper.." napamaang ako, hindi ko na nagawang makasagot ng hilain niya ang kamay ko upang magpatuloy sa paglalakad.

"Bakit naman nila iisiping kinidnap mo ako?" hindi niya ako nilingon.

"Malay ko ba kung si miguel ang makakita sa'tin, Ayoko ng bumalik sa kulungan. Luna.." huminto ito, ilang hakbang bago makapasok sa clinic. "Iyong boyfriend mo malakas ang kapit sa mga pulis, Ngunit mas malakas and dad ko kaya natatakot ako sa kanya, Alam mo 'bang muntik na akong itakwil ng pamilya ko dahil doon.."

Natawa ako sa kanyang sinabi. "Kasalanan mo naman kung bakit nakulong ka.." nahinto ito, napapa-iwas ng tingin bago bitawan ang pulsuhan ko.

"Hindi ko iyon ninais, Basta mahirap ipaliwanag.." humarap ito sakin. "Halika na.."

"Ano?"

"Sasamahan kita sa loob, Ayaw mo ba?"

"Akala ko 'bang takot 'kang may makakita sa'tin?"

"Nasa loob naman tayo.." muli siyang lumingon sa gilid, halatang balisa. "Pagkatapos nito ay ibabalik na kita kay miguel.." nauna na siyang pumasok sa loob, napapapikit ako dahil sa nerbyos.

Sana ay mali ang naging resulta sa una 'kong doktor, I know its hard to make a miracle, But my mind didn't accept the thruth. Pilit 'kong iniisip na narito pa ang baby.

Huminga ako ng malalim, Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad ng hawakan ko ang pinto. Pumasok ako sa loob na puno ng pangamba, Napapalunok ako ng sandaling makakita ng isang buntis. Malaki na ang tiyan niya, Halata sa mukha nito ang sayang nararamdaman. Parang ako lamang noon,

Nang matapos si doktora sa isa ay nagtataka itong nag-angat ng tingin sa'kin, Hinubad niya ang makapal niyang salamin.

"Miss villamor?" ngumiti ako ng pilit, nakita ko sa gilid ang paglapit ni jasper. "What happen to you?"

Hindi ko alam kung sasagot ba ako, Kung dapat ko 'bang sasabihin ang nangyari.

"Ah, Excuse me. She's here to consult her pregnancy.." sabad ni jasper, napabaling doon ang doktora bago sa akin.

Tumango ito. "Its been 2weeks when your last visit, miss villamor.." ani nito, sinenyasan niya akong mahiga sa patient bed na hinaharangan ng isang kurtina.

Napapakagat ako sa labi, Ramdam ko ang panginginig nito.

"Nagbakasyon kasi kami doc, Kaya medyo nadelay ang kanyang check-up.." muli ay sumabat si jasper, naguguluhan man ang doktora ay tumango na lamang ito.

"Why are you wearing ospital dress?" nalingon sakin si jasper, kasalakuyan ng nilalagyan ng gel ang aking tiyan.

"Mahabang kwento ang nangyari dok.." si jasper na naman, Hindi ko alam kung bakit bigla ay napipi ako. Hindi ko magawang ibalik ang nangyari sa'kin, Ayoko ng balikan.

"Its thats so.." nasagot na lang nito, hindi maiwasan mapatingin sa'king benda. Halata sa kanya na nais niya 'pang magtanong ngunit mukhang ayaw niya ng manghimasok pa sa nangyari sa'kin.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now