Chapter 37

245 10 0
                                    

Chapter 37

Miguel Sandoval Pov.

Its was 8 passed when I woked up. Bumaling ako saking tabi at nakita si luna na mahimbing parin ang tulog. Humilig ako patagilid at pinatong ang kamay saking ulo, Napangiti ako ng marinig ang mumunti niyang hilik.

Napaka-gandang umaga kung magandang dilag ang makikita mo pag gising pa lang.

Umupo ako, hinila ko ang comforter upang ikumot sa kanya. Tinitigan ko siya hindi man lang nagising sa kinilos ko.

Muli akong lumapit sa kanya upang gawaran siya ng halik sa noo bago tumayo sa kama, Napatingin ako sa side table ng tumunog ang aking cellphohe. Kinuha ko iyon at sinagot agad ng makitang si hulyo ang tumatawag.

"Yes?" bungad ko, nag-martsa ako palabas ng kwarto upang hindi magising si luna.

"Where are you miguel? Akala ko ba ay maaga ka?" nahilot ko ang tungki ng aking ilong dahil nakalimutan kong may meeting pala ako sa isang client na kumuha saming service.

"Im on my way before 9;00, pakisabi na lang sa client na i-adjust ang oras ng meeting." sagot ko habang pababa ng hagdan, Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Last na lang ito miguel, Baka hindi na sila magpa-cater sa susunod." dumiretso ako sa kusina habang hawak ang cellphone, Nagtungo ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig.

"Ako na ang bahalang kumausap sa kanya mamaya." anas ko, kumuha ako ng baso at nagsalin.

"Fine, Ayokong kaharap ang matandang iyon." asik nito, "Mamaya na lang may costumer."

"Okay, I'll be there before 9:00." binaba ko na ang tawag at muling dumiretso sa ref upang maghanap ng pweding lutuin, Napangiwi ako ng makitang gulay na lang ang natitira.

Hindi kumakain ng gulay si luna.

Sinara ko ang ref at binuksan ang freezer sa taas nito, Napangiti ako ng makitang may frozen food pa pala.

Kinuha ko iyon at inumpisahang lutuin.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko'ng may pagka-pihikan sa pagkain si luna, Ngunit sa lumilipas na araw ay nagiging mas okay na ito.

Maging ang ugali niya noon ay medyo nalalayo na ngayong kasalukuyan.

Napalingon ako sa lamesa ng marinig ang pag-higit ng upuan, Nakita ko si luna na bagsak ang balikat na nakasandal doon.

"GoodMorning." bati ko, lumingon siya sakin ngunit nangunot ang aking noo ng sagutin niya ako ng pairap.

"What happen? Mukhang hindi maganda ang gising mo?" tanong ko pa, naupo ako sa katapat niyang upuan.

"..."

Hindi ito muling umimik saking tanong, nakatingin siya sa ibang bagay na akala mo'y kaya niya itong sirain sa ganoong tingin.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Hindi." tipid nitong sagot, pinagkrus niya ang kamay at tumingin sakin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko, sumama ang tingin niya. "Tell me, whats the problem?" dagdag ko.

"Bakit hindi mo ako ginising?!" asik nito.

"Mahimbing ang tulog mo, bakit kita gigisingin?" tanong ko pabalik, tiningnan niya ako ng pailalim at mas lalong sumama ang tingin niya.

"Lagi muna lang akong iniiwan." ismid niyang turan, natawa ako.

"Hindi kita iniiwan, Sinagot ko lang ang tawag ni h---."

"Nino?!" putol niya, iritable agad. "Si selena siguro iyon kaya hindi muna ako nagawang gisingin. Kung sabagay KAIBIGAN mo pala iyon." giit niya, pinaka-diinan ang salitang kaibigan.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now