Chapter 1

869 22 0
                                    

Chapter 1

[ Luna Nieves Villamor Pov ]

"Are you coming with us luna?" tanong ni vivian, isa sa mga kaibigan ko.

Kasalukuyan silang narito sa'king kwarto at kinukulit akong lumabas, ngunit sobrang bigat ng aking katawan dahil napaka-init kahit saan.

"No.." maikling sagot ko, ni hindi sila binalingan.

"Naku friendship balak mo 'bang bulukin ang sarili mo dito? Let's go and join us.." Dagdag ni antonette habang kinukulot ang kanyang buhok.

"Saan ba?" tanong ko, sabay upo sa kama.

"Bambi falls.." chorus nilang sagot, doon na naantig ang interes ko dahil sa narinig.

How I really love water.

"You mean water falls? Why did you tell this earlier para naman nakapag-handa ako, tsk! mga makasarili talaga.."

"Kanina ka pa namin iniimbitahan Luna, masyado ka lang pabebe." anas ni vivian

"Akala ko kasi kung saan lang, ang dami pa naman magnanakaw na pakalat kalat sa labas! D*mn I can forget that b*stard!" padabog akong tumayo dahil sa naalala ko na naman ang malas ng araw na iyon, napakamalas ko talaga.

"Pero sabi mo gwapo siya.." sabat ni antonette, isang interesado sa gwapo.

"Yeah, he's handsome, talagang nastar-struck ako sa kanya! Iyon naman pala kasama iyon sa modus niya, bwist siya.." marahas 'kong hinugot ang napiling damit bago hilain ang towel na nasa gilid ng closet. 

"Huwag kayong madudulas sa mga magulang ko, vivian." nilingon ko ito. "I know you have a talksh*t mouth.."

"Tsk.." umikot ang mata niya dahil sa sinabi ko, "Alam ko naman iyon, luna. You dont need to remind me.."

"Whatever.." gaya ng ginawa niya ay pairap rin akong pumasok sa banyo, Noted na ang mabibilis na kilos ko. Dahil naghihintay lang naman ang dalawa na ubod ng kainipan sa katawan.

Napaka-sweet talaga nilang kaibigan.

Nang matapos ako ay preparado na sila, Ang inaasahan 'kong pagmamadali ay hindi nga ako nagkamali. Nauna pa silang lumabas sakin at ni hindi na ako hinintay makapag-ayos.

"Kanino sasakyan ang gagamitin?" tanong ko, pababa na ng hadgan.

"Sa'kin, Para sure na hindi masiraan. Bomba ang sasakyan ni antonette baka sumabog lang sa daan." Si vivian, tuwang tuwa pa sa natamong reaksyon ni antonette ngunit ng mamataan namin ang presensya ni mommy ay kapwa kami natigilan.

"Where are you going ladies?" agad nitong tanong, Ang hawak niyang tasa ay maayos niyang nilapag sa centrong mesa.

"Ahmm, B-barkada bonding lang po tita. Were going in.. m-mall, yeah mall." anas ni antonette, Siniko ko ito dahil halatang kabado ito kay mommy.

Strikto si mom, at ayaw niyang pumupunta ako kahit saan dahil alam niya ang ugali ko. Mahilig ako sa parties,club,barkada at galaan kaya ipinadala nila ako sa france para doon makatapos ng kursong bussiness na pinaka-ayaw ko, ngunit wala naman akong magagawa pag sinabi na ni mommy iyon.

She's the commander of our house at lahat ng utos niya ay masusunod kung hindi wala akong allowance.

"Okay, but dont go home late sweetheart uh? Dapat nandito ka na ng alas otso.." Saad nito sakin, napapamaang ako.

"Mom! Thats to early, im not under-age, 24 na'ko.." pagmamaktol ko, f*ck how I hate curfew.

"Thats final, nieves."

Napabuntong hininga na lang ako at nilagpasan siya, naiinis talaga ako! ngayon na nga lang makagala pinagbabawalan pa, nasayang na nga ang dalawang taon 'kong pagmu-mukmok sa france!

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon