Chapter 65

398 12 3
                                    

Chapter 67

(Seducing, miguel sandoval)

Maagang nagising si luna upang ipaghanda ang nagtatampong binata, Alam nito ang dahilan kung bakit bigla ay nag-iba ang trato niya sa kanya. May namumuo ng kaisipan at sagot sa isip nito, nagtatampo ang binata dahil lagi na lang itong ipagliliban ang oras na sana'y sa kanilang dalawa lang.

Nakangiti ang dalaga habang may suot na apron, maganda ang ngiti niya ng bumaba si miguel na dumiretso ng kusina, halos mangunot ang noo ng lalaki dahil sa umagang bungad ng babae sa kanya.

"Goodmorning, I prepared something for you.." pinipigilang mangiti ni miguel, pinanatiling walang ekspresyong nakatingin ito sa hapag.

"What is that?"

"Morning meal, egg. bacon and hotdogs.." masigla pa rin ng magsalita ang dalaga, inaasahan na nitong magtataka ang binata at pupurihin, ngunit ng mangiwi si miguel ay tila nawala ang pag-asang iyon.

"I dont eat a burn eggs and bacon, sinayang mo ang pagkain.." halos humaba ang nguso ni luna dahil sa isinagot niyang iyon, ngunit dahil sinusuyo niya ang nagtatampong lalaki ay hindi nito pinakitang nadismaya siya.

Ngumiti siya ng matamis, nagtaka lamang ang lalaki kung bakit tila'y mahaba ang pasensya ngayon ng dalaga.

"Matagal na kasi 'nung huli akong nagluto, pero hindi naman gaanong sunog.." nakangiti pa rin ang dalaga.

"Hindi ako kakain ngayon.."

Libo-libong pasensya ang iginawad ni luna sa isip, bumuntong hininga ito, pilit kinakalma ang sarili. "Okay, ipagtitimpla na lang kita ng kape.."

Naupo si miguel, ang tingin ay nasa hapag ngunit ng tumalikod ang dalaga ay doon nito pinakawalan ang ngising umaabot hanggang tenga. Iniisip nito na uubra ang planong inisip ni jacob, dapat pala ay matagal na itong nakinig sa kaibigang iyon.

"Ito na ang kape mo.." inilapag ni luna iyon sa harapan niya, nag-iwas ito ng tingin at inabala ang sarili sa pagmamasid.

"Magandang umaga!" pumasok si dennis, ang pinsan ni miguel. "Oh, ikaw ba ang nagluto?" humugot ito ng upuan, nakatingin kay luna ng maupo ito.

"Oo, kumain ka na.." napapakamot sa batok ang dalaga, nang makitang kumuha ng sariling pagkain ang binata ay nagtaka ito, ibang-iba ang pinakitang reaksyon nito kesa kay miguel.

"Pasensya na, luna. Maaga kasing umalis si mama kaya hindi ito nakapag-handa ng agahan.." paumanhin ng binata, kasalukuyan na itong kumakain at ni wala man lang reklamo.

"Grabe, ngayon lang ako nakakain ng sunod na hotdog.." kinagat ni luna ang pang-ibabang labi, habang si miguel ay halos samaan na ng tingin ang pinsan, masyadong agaw eksena. Imbes na siya ang asikasuhin ni luna ay nakisali pa siya.

"Do you want a coffee?" biglang alok ni luna, lalong nag-iba ang awra ni miguel, bakit nito inaalok ang pinsan?

"Sige, ayos lang ba sayo na ikaw ang magtimpla?"

"Oo naman, no worrie--"

"Eto sayo na!" bigla ay itinapat ni miguel ang kape sa pinsan, masamang masama ang loob. "Hindi masarap ang pagkakatimpla.." tumayo ito, salubong ang kilay ng lumabas sa kusina.

"Anong problema ng asawa mo?" bigla ay nasabi ni dennis, nakanguso si luna, malapit ng maubusan ng pasenya ngunit tinitiis lang nito.

"Baka hindi lang maganda ang gising.." hinubad nito ang apron, bagsak ang balikat na naupo sa harapan at nag-iisip kung paano mawawala ang tampo ng binata.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now