Chapter 52

225 11 0
                                    

Luna Pov.

Wala ng sasama pa sa loob ko habang nakatingin  kay miguel, Nang sandaling maglapat ang tingin namin ay hindi ko maiwasang magtanim ng sama ng loob. Nasasaktan ako sa dahilang nagawa niya iyon sa' kin, Maraming katanungan sa isip ko kung bakit. Bakit kailangan humantong sa bagay na iyon? Hindi pa ba ako sapat sa kanya?

Parang punong baso ang isip ko, Iyong tipong umaahon na ang tubig sa di makayanan ng laki. Ganon halos ang nararamdaman ko, Punong puno ako ng katanungan. Ngunit ni isa ay wala akong nais marinig na sagot, Natatakot at nababagabag ako sa pweding malaman.

Ayoko na.

Parang napapagod na akong intindihan ng intindihan ang mga bagay sa aming dalawa ni miguel, Lagi na lang 'bang masasaktan ako sa pagpaparaya ko lamang?

Hindi ba pweding mag-fair naman ang pagkakataon kahit ngayon lang.

"Nieves, Are you okay?" Natinag ako sa tanong ni mommy, hindi ko na nagawang makinig sa sinasabi ng doktor dahil sa presensya niya. Maging ng umalis ang mga nurse ay hindi ko na namalayan.

"What happen mom?" naguguluhang tanong ko, alam ko ng naaksidente ako ngunit nais 'kong malaman ang resulta.

"Magpahinga ka muna.."

"No mom, Im asking you.." angil ko, napapatitig ito sakin. "Kailan pa kayo nakauwi?"

Nilingon niya si daddy, tumango ito na tila may nais ipaalam. "Were more than two weeks here, nieves.." napamaang ako, 2weeks?

"Dalawang linggo?" pangungumpirma ko, pinaglapat niya ang labing tumango.

"I-ibig s-sabihin dalawang linggo akong natutulog?" hindi makapaniwalang tanong ko, nakita ko ang paglapit ni miguel ngunit ni hindi ko siya nilingon. Nais 'kong sa mga magulang ko marinig ang mga kasagutan.

Wala akong tiwala sa kanya.

"Yes, Your almost passed out when you arrived in the ospital. Maraming dugong nawala sa'yo, Siguro ay dahil iyon sa sugat na natamo mo sa ulo.." napapahawak ako sa ulo bago maalala ang sinabi niya.

Maraming dugong nawala?

"Kung ganon ay alam niyo na?" tanong ko, binalewala ang sinabi niya kanina.

Nagtinginan muna sila bago siya humarap sakin. "A-anong ibig 'mong sabihing alam na?" hinawakan ko ang aking tiyan, pilit pinapakalma ang sarili.

"Im pregnant mom, I have a child here.." ngumiti ako sa kanila ngunit ni hindi nila nagawang suklian iyon, hindi ko alam kung anong ipapangalan sa bawat reaksyong nakikita ko sa kanila.

"Your a lola now, mommy.."

"Nieves, Anak.."

"The baby is fine, Right?.." nilingon ko na si miguel, ang emosyong nakikita ko ay tila binagabag ang aking damdamin. Hindi ko alam kung bakit bigla ay kinabahan ako.

"May sasabihin ako sayo, luna.." ani miguel, sinamaan ko ito ng tingin.

"Ayokong marinig ang sasabihin mo.." malamig ang pagkakasabi ko nito, ang pagkamukhing nararamdaman ko ay tila nabubuhay muli sa aking dibdib.

"Luna, Huwag mo naman tratuhin si miguel ng ganyan. Nagpapasalamat kami dahil siya ang nakasama mo sa probinsya noong hindi pa kami nakakabalik.." sabad ni daddy, nilingon ko ito. Hindi pa rin humuhupa ang hinanakit ko sa puso, "Maging ng mailipat ka rito sa manila ay siya ang nag-asikaso ng lahat.."

"Hindi ko hiniling na gawin niya iyon.."

"Pero responsibilidad ka niya.." napapaiwas ako ng tingin, responsibilidad? Tsk, Kalok*han.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now