Chapter 56

233 8 0
                                    

Luna Pov.

Maingay ang hapag na pinagsasaluhan namin, Ang dalawa 'kong kaibigan ay nalalayo sa pwesto ko. Si mommy at daddy ay nasa pagitan ko, nasa gitna ako habang nakatingin sa harapang plato. Hindi ko alam kung ngingiti ako o ngingiwi dahil sa eksenang ito, ang dalawa 'kong kaibigan na ubod sa galing dumiskarte, alam talaga nila kung saan ako mahina. May araw din silang dalawa sa' kin,

"Nieves dear, What do you want to eat?" si mommy, nilingon ko ito, maayos ang mukha akong humarap.

"Im still full, mom.." sagot ko, wala talaga akong ganang kumain, hindi ko alam kung bakit.

"Oh, ganun ba?" luminga siya sa lamesa, may inabot itong hindi kalakihang box. "How about this brownies?" inilahad niya iyon sa' kin, nang makita ko iyon ay nabura ang magandang awra ko.

Bakit may ganitong uri ng brownies sa hapag na ito?

"Where did you get that mom?" hindi ko maitago ang kagaspangan sa aking tanong, nagtataka itong nakatingin sa' kin.

"This is for cyvernias bake.." aniya, Wala akong ideya kung saan at ano iyon. Ang alam ko lang ay ayaw 'kong makita ang bagay na ito.

"I dont like that.." tugon ko, si daddy ay napabaling na rin sa gawi ko.

"Kung ganon anong gusto mo?" tanong niya, umiling ako bago sumagot.

"Wala, I want to rest.."

"Uhmm." si mommy, "Siguro ay napagod ka, pasensya na at pinilit ka naming kumain.." tumayo ito, nagmamadali akong huliin ang isang kamay niya.

"I can manage my self, mom.." anas ko ng mahawakan ito, "Continue eating, I just get some sleep.." hindi nito alam kung ngingiti o anong magiging reaksyon niya.

"Alright.." wika niya kalaunan, ang magulang ni vivian ay napatingin sa pwesto ko ng tumayo ako.

"Aakyat na po ako sa guest room.." paalam ko, maging sila ay nagtatakang nakatingin sa' kin.

"Hindi mo ba nagustuhan ang inihanda namin?" tanong ng mommy ni vivian, "Magpapaluto ako ng iba.."

"No, tita.." agarang pigil ko, nakangiti. "Pagod lang po ako, kakain po ako mamaya pag-nagutom ako.."

"Ganun ba?" sagot nito, sa totoo lang ay naninibago ako sa kanya, Usually kasi ay masungit ito sa' kin, siguro ay kino-kontrol niya ang sarili upang hindi ako mabigla.

Ilang buwan nga naman akong nawala.

Baka natatakot sila na may masabing hindi maganda, pero hindi naman ako aalis muli. Buo na ang desisyon 'kong manatili sa manila.

Madilim sa guest room ng pumasok ako, binuksan ko ang ilaw bago humakbang patungo sa maayos na kama. Napapahagod ako sa' king buhok ng maupo ako, Ang bagay na nakita ko kanina sa hapag ay muling sumagi sa isip ko, paano ko makakalimutan ang pagkainh iyon. Tsk, Naiinis ako.

Iyon lang naman ang laging bitbit ni miguel ng oras na naka-admit si mommy sa ospital, lagi siyang may dalang cyvernias bake na nagugustuhan ko, D*mn.

Humiga ako sa kama, sapat lamang na guminhawa ang likod ko ng biglaan ay bumukas ang pinto. Halos samaan ko ng tingin ang dalawang babaeng pumasok dito.

"Mga bal*w kayo!" hinagip ko ang maliit na throw pillow malapit sa' kin, ibinato ko iyon kay vivian ngunit napaghandaan niya at nasalo. tumatawa pa ang s*ra*lo.

"Sorry, luna.." tumawa pa rin siya, hindi ko mapigilang tumayo. "Hindi ko naman sinasadyang mapasobra ng salita, Alam mo naman.." wala akong magawa kundi panlisikan siya ng masamang tingin, ito lang naman ang magagawa ko, Ano pa ba ang mangyayari? Narito na ako at nakauwi.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now