Chapter 57

245 10 0
                                    

Dalawang linggo ang nagdaan.

Dalawang linggo ng mabalitaan ko ang kalagayan ni miguel, Oo. Nag-alala ako, ngunit hindi ko alam kung anong gagawin?

I didn't even think properly, What should I do?
Do I visit him? D*mn. Hindi ko alam kung bakit patay ang pag-iisip ko!

Bumangon ako sa pagkaka-higa, Alas nuebe na ng umaga. Ako na naman mag-isa, Wala si vivian si tita at tito, syempre ang dating buhay namin ay eto na naman, abala na naman sila mommy at daddy. Hindi na lamang ako kumukontra sa ginagawa nila, Para rin naman sa' amin ang ginagawa nila, para sa' akin.

Dumiretso ako sa banyo, naligo ako ng mabilisan upang tumungo sa in-applayan 'kong kumpanya, Sa totoo lang ay hindi ako nag-apply sa toy company, Sa isang sikat at mayamang bussiness man ako pumunta, Natanggap ako noong huwebes, Interview ngayon ngunit mabigat ang katawan ko.

Pero hindi ako dapat maging matamad, Ito na ang umpisa.

Napabuntong hininga ako habang nagsusuklay, Nakwento sa' kin ni vivian na nakalabas na daw si miguel, Maayos naman na siya. Ngunit ang kaso nga lang ay wala itong matandaan, Talaga 'bang wala siyang maalala? Kung makikita niya kaya ako matatandaan niya ang lahat, D*mn it luna. Napaka-assuming mo.

Pabagsak akong naupo sa kama, hawak ang 2inches na sandals ay napapailing ako. Sinuot ko iyon, Hiniram ko ito kay vivian, maging ang suot 'kong damit ay sa kanya rin, Nagtataka ako kung bakit fitted ito, Dati naman ay mas mataba sa' kin si vivian, tumaba na naman yata ako.

Nang maisuot iyon ay tumayo ako, Kahapon lang ay sobrang busy ko, Sobrang abala ako sa kaso ni jasper, Ako na mismo ang nag-sabing hindi niya ako kinidnap, Wala nangyaring ganon, Si miguel lang talaga ang masyadong advance, Bago pala ito maaksidente ay kung sino-sino pa ang pinuntahan, Nakunsensya pa ako sa kwento nila vivian sa' kin, ngunit nasaktan lang naman ako, Anong gagawin ko?

Mababal*w ako kung hindi ako lalayo,

Baka mas maging malala pa ako kay selena kung nagka-taon, D*mn. Isa pa ang babaeng iyon, hindi ko na talaga alam kung anong magagawa ko sa kanya sa susunod namin pagkikita, Sana nga lang ay hindi na magkrus ang landas namin.

Siya ang malaking malas sa buhay ko.

Lumabas ako ng kwarto, Bumaba sa hagdan at nagtungo sa sala. Kagaya ng nakagawian ay mga kasambahay lamang ang tao rito, Lima ang kasambahay nila sa bahay, malaki ang tinitirhan naming ito, hindi sapat ang isang katulong lamang. Nakangiti sila ng makita ako, isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanila. Dumiretso ako sa pinto ng labasan, napakagat labi ako ng wala akong kotseng magagamit.

Magco-commute ako?

Tsk,

Naiiling akong naglakad, Mainit na sa labas. Hindi naman gaano, Ang sabi ni vivian ay vitamins daw ito, Noong nag-apply ako kasama ko siya, ganitong oras din iyon, Natawa ako sa sarili dahil sa dami ng alam niya.

Tanaw ko ang kahabaan ng highway, nasa sidewalk ako at naghihintay ng taxi, tatlong kalsada ang pagitan ng may huminto doon, Napamura ako ng maunang sumakay sa' kin ang isang lalake, F*ck. Hindi man lang nagparaya sa babae.

Nang makita ang panibagong paparating ay nagmadali akong tumawid, hindi na tiningnan ang kabilaang kalsada ay tumakbo ako, ngunit hindi ko pa nalalagpasan ang ikalawang guhit ay napaupo ako sa isang kotseng muntik na akong sagasaan, Mabalis akong tumayo, masama agad ang tingin sa driver.

"D*mn.." bulong ko, pinagpagan ko ang suot na skirt dahil nadumihan iyon. Hindi ba marunong magpreno ang isang ito,

"Are you okay?" natigilan ako sa pag-kuskos, ang kamay ko ay nanatili sa aking skirt, ang pamilyar na boses ay parang tumagos sa tenga ko pababa sa aking buong katawan. Hindi ako maaaring magkamali, "Are you okay, miss?"

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora