Chapter 38

236 9 0
                                    

Chapter 38.

Luna Pov.

Alas onse na ng umaga ay wala pa akong kinain ni ano, ngunit ang ikina-pagtataka ko ay ang ikatlong balik ko sa banyo. Nasusuka at nahihilo ako. yun ang aking pakiramdam ngayon,

Hindi ko alam kung ano ito, Kakaiba, bago saking pandama.

Wala naman akong lagnat.

"Wala ka ba talagang nakain buhat kaninang umaga?" tanong ni vivian, nakapamewang itong nakaharap sakin habang ako ay nakasandal sa mahabang upuan. Hawak ko ang noong umiling.

"Hindi ako kumain, Ni kape nga ay hindi ako uminom." nagtataka niya akong tinitigan.

"Kung ganon ay ano yan?" tanong nito, nagkibit-balikat ako. "Bakit hindi ka muna magpasuri sa doctor, para malaman natin." umiling akong muli.

"Mawawala din ito mamaya."  sinuklay ko ang buhok at pumikit saglit.

Nahihilo talaga ako.

"Tsk, What if Hindi?. Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan." nag-angat ako ng tingin, masama na ang tingin niya sakin. "Come on luna, Lets consult first. puntahan natin si rex para matingnan niya ang lagay mo."

Napakamot ako sa ulo at naiiritang umiling,

"Hindi na kailangan, Vivian."  umismid ito sabay iling na naglakad patungo sa kanyang swivel chair, Naupo siya doon.

"Tatawagan ko na lang si miguel kung ayaw mo." tumayo ako ng hawakan niya ang kanyang telepono, napatingin ito sakin.

"Dont you dare vivian."

"Uh bakit? Masama bang malaman ng nobyo mo ang lagay mo?"

"Hindi na niya kailangan malaman." asik ko , naupo akong muli at pinagkrus ang hita.

"At bakit hindi? Wala na siyang karapatan ganon?"

"Hindi sa ganoon."

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now